Something I did two years ago. I missed theater so I said yes to essay Prof. John Barrios' masterpiece 'Ang Pusa' for his Masters Class. This is a monodrama. It was challenging since there was not much as to lighting or any stage works to distinguish between the two characters, so I decided to give Jun a heavy Hiligaynon accent. Sorry for the poor quality as this was captured using a cell phone camera. It was posted on my Facebook account so I copied it here for easy reference. Enjoy!
Sunday, October 7, 2012
Pusa - A Monodrama
Something I did two years ago. I missed theater so I said yes to essay Prof. John Barrios' masterpiece 'Ang Pusa' for his Masters Class. This is a monodrama. It was challenging since there was not much as to lighting or any stage works to distinguish between the two characters, so I decided to give Jun a heavy Hiligaynon accent. Sorry for the poor quality as this was captured using a cell phone camera. It was posted on my Facebook account so I copied it here for easy reference. Enjoy!
Wednesday, October 3, 2012
Dear Senator - A Status Update Series
In defiance of the Implementation of R.A 10175, otherwise known as the Cyber Crime Act of 2012, I posted a series of status updates in my Facebook page. These are letters to brilliant senators of the Philippines who signed the said law. As suggested by a friend, I will compile the statuses into one easy to read entry, Enjoy, and please do tell me if I missed any one of them! Have fun guessing, too. Sandok na sang sabaw kag pataw!
Dear Senator,
Hindi naitatama ng pagpapasa ng bagong panukalang batas ang katotohanang pumirma ka nang hindi nagbabasa. Pwede ba! Bakit ipagpipilitan pang maging Senador eh mukhang mas mahal ang bayad sa pageendorso ng tuna. Please lang!
Love,
Luis na dating mahal na mahal ka
*****
Dear Senator,
Hinangaan kita nung una kang umupo dahil sa ipinakita mong kagandahan ng ugali at asal. Napakamaginoo mo noon. Bilib ako sa 'yo dahil magaling at matalino ka pa man ding abugado. Hindi ako makapaghintay na matawag kang panyero. Sabi ko, hay, may pag-asa pa ang Senado. Malaman-laman ko, pumirma ka din sa batas na ito? Anyare? Kasama ka rin yata sa 'siraan ng pangalan ng ama' society eh!
Love,
Luis na tinatry wag masira ang pangalan ng Ama
*****
Dear Senator,
Alam mo te, kaya pala hindi kita masyadong ma bet na bet eh. Hot and Cold by Katy Perry ang drama ko sa yo eh. Ate, hindi kasi eksyus na bisi-bisihan sa pagsulong ng RH Bill kung kaya nakalusot yang batas na yan eh. Unless, nakapikit ka nung pumirma ka sa panukala. O baka naman napagkamalan mong ang pinipirmahan mo ay panukala ng designer mo para sa susunod mong gown na isusuot sa kung saan mang official function mo? Isa ka rin sana sa pinapangarap kong matawag na Kumpanyera eh. Naku, pahirap ng pahirap tuloy ang maging future abugado.
Love,
Luis na kailangan talagang pumasa sa Bar
P.S: In fairness teh, ganda ng hair!
*****
Dear Senator,
At least, ikaw ang pinakaconsistent sa lahat! Sure ako na hindi ka kasapi ng 'siraan ng pangalan ng ama' society. Wala na kasing ikasisira pa further ang pangalan ng ama mo. Congratulations kasi ito naman talaga ang pinaka-pakay mo bilang Senador di ba? Ang magkalabu-labo ang bansa? Itchura ngayon ng mga nagsasabing 'Never Again!' Ang galing! You're the man po! Dahil jan, payag na ako ilibing ang tatay mo sa libingan ng mga bayani, provided, kasama ka... at syempre, dahil malulungkot ka dun, sige, pati na nanay mo. Idol kita, sobra! I love you po!
Love,
Super Fan Luis
*****
Dear Senator,
Pak na pak teh! Achieve na achieve! Thes es et! The dream is within reach! Na achieve mo na talaga ang iyong campaign slogan na "Nalintiang Pilipinas!" Ay wait, Luntian ba dapat yun? Dedma na da va? Magkatunog naman eh! Kering keri mo teh! Ngayon, wala na talagang pwedeng manlait sa yo online, at magsabing mas maganda ang gown nung asawa nung isang kongresista nung nag SONA. Ikaw na ikaw na talaga! Sintang-sinta talaga kita! You are SO! As in! By the way, may natira pa ba dun sa cellphones na pinamudbod mo? Baka naman may iPhone. Penge te para matext kita lagi ng mga papuri at pagsinta! Lab na lab kita! Ganda ganda mo as in!
Love,
Nalintian Luis
*****
Minamahal na Senador,
Iiksian ko lang to kasi mahirap isalin sa tagalog ang lahat ng gusto kong sabihin sa yo! Naku pano na yan, hindi na pwedeng gamitin ang online dictionary (hirap na hirap po akong isalin ito, pasensya na) paano ka na ngayon nyan? Sabagay, marami namang nabibiling diksyunaryo sa Recto di po ba? Mabuti at naintindihan mo lahat ng nakasaad sa panukalang batas di ba? Kaya ka pumirma? Galing galing naman ng tagasalin ninyo. Sige po, nahihirapan na po ako managalog ng dire-diretso. Pano kasi, sinira ng internet (paki-patranslate na lang itong salitang ito) ang pag-iisip ko sa mga kainglisan na yan eh! Mabuhay po kayo! Mga ten thousand years pa!
Nagmamahal,
Luis Pinoy na Pinoy
*****
Dear Senators,
I hope you don't mind na magkasabay na kayong dalawa sa iisang liham lang ha. Impressive po ang gusto ninyong mangyari kaya kayo pumirma sa batas na ito! Sabi nga po nila, one shouldn't judge a person unless he has walked a mile in his shoes! Antaray po kasi yun ang gusto nyong mangyari di ba? Ang maranasan din ng sambayanan kung paanong makulong dahil sa kanilang paniniwala at pap
aanong sikilin ang kalayaang ipahayag ang kanilang saloobin at hinanakit sa gobyerno! Napaka post-modern ng peg ninyong dalawa mga ginoo! Bet na bet ko talaga! Ngayon mararamdaman na rin namin sa wakas ang naramdaman ninyo noon. Wala namang problema di ba kasi may amnesty naman eh. Saka naiintindihan ko po kasi bahagi ito ng pagpapakita ninyo ng sinseridad sa inyong pagbabalik-loob sa gobyerno di po ba! Napaka brilliant po! Ahlavet!
Love,
Makukulong na talaga Luis
Love,
Makukulong na talaga Luis
*****
Dear Senator,
Bongga ka talaga, I swear! Sayang nga lang at ang penalty ay hindi yung paliliguin sa dagat ng basura ang cyber criminal! Mas mataray yun kung nagkaganon di ba? Oo nga naman, hindi na nakapagtataka kung bakit pumirma ka dun sa batas na merong insertion sa libel provisions. Sanay ka dun di ba? Sa insertions? Sabi ni Mareng Winnie Monsod, di ba? Yung insetions, forte mo yun di ba. Bonggang bongga! True to form ka talaga! Yung kapangalan mo, nung inakusahan ng plagiarized speech nag-resign, samantalang ikaw andyan pa rin! Mas bongga ka in other words.
Love,
Hindi pa nakakapaligo sa dagat ng basura Luis
Bongga ka talaga, I swear! Sayang nga lang at ang penalty ay hindi yung paliliguin sa dagat ng basura ang cyber criminal! Mas mataray yun kung nagkaganon di ba? Oo nga naman, hindi na nakapagtataka kung bakit pumirma ka dun sa batas na merong insertion sa libel provisions. Sanay ka dun di ba? Sa insertions? Sabi ni Mareng Winnie Monsod, di ba? Yung insetions, forte mo yun di ba. Bonggang bongga! True to form ka talaga! Yung kapangalan mo, nung inakusahan ng plagiarized speech nag-resign, samantalang ikaw andyan pa rin! Mas bongga ka in other words.
Love,
Hindi pa nakakapaligo sa dagat ng basura Luis
*****
Dear Senator,
Ang ganda ganda ng 'The Healing' I swear! Bet na bet ko ang acting ng asawa mo dun! Havey na havey! Dahil jan, super love na love ko talaga si Ate... na hindi ko alam kung paano ko naging ate. Anyway, ang point is, maganda ang asawa nyo! Ay sige para fair, pag-usapan naman natin ang tungkol sa inyo. Aside from this na pinirmahan nyo, bet na bet ko talaga ang Sin Tax Bill na sinusulo
Ang ganda ganda ng 'The Healing' I swear! Bet na bet ko ang acting ng asawa mo dun! Havey na havey! Dahil jan, super love na love ko talaga si Ate... na hindi ko alam kung paano ko naging ate. Anyway, ang point is, maganda ang asawa nyo! Ay sige para fair, pag-usapan naman natin ang tungkol sa inyo. Aside from this na pinirmahan nyo, bet na bet ko talaga ang Sin Tax Bill na sinusulo
ng ninyo! Ano nga ba naman ang karapatan ng mga puritang mamamayan lumaklak ng alak at humithit ng yosi? Nagki-care kayo sa health nila da va? Tayo lang! Tayo lang na Richness ang dapat maka afford magbisyo. Dava? Tapos yung sabi nyo na mas maganda ang Cash Aid ang ipamimigay kesa Condoms, tama din yun idol! Bakit ba? Brandless na Condoms ang ipamimigay? Pera na lang para makabili ng Trust or Durex or Trojan! Di ba? Duh! Maallergic pa ako sa mga libreng condoms na yan! Sobrang brilliant kayo, idol!
Love,
Vilmanian Forever Luis
P.S: I Love you, Lucky!
Love,
Vilmanian Forever Luis
P.S: I Love you, Lucky!
*****
Dear Senator,
You should have been president and this wouldn't have happened. We must take our cues from you and learn how to hide successfully and avoid detection! Surely, your signature on this bill is testament to your commitment in proving to the world the very effective and efficient police force and NBI that we have. Pormal na pormal ang letter nakakaloka! Anyway, what I really wanna say is
You should have been president and this wouldn't have happened. We must take our cues from you and learn how to hide successfully and avoid detection! Surely, your signature on this bill is testament to your commitment in proving to the world the very effective and efficient police force and NBI that we have. Pormal na pormal ang letter nakakaloka! Anyway, what I really wanna say is
that I idolize you and the things you have done for this country and so much more! I regret the fact that you have not been president, and perhaps, never will... Honestly, I am at a loss for words. I am humbled by your virtuous existence. May you live longer, whether in hiding or in the open!
Love,
Formal Theme Luis
P.S: You go, girl!
Love,
Formal Theme Luis
P.S: You go, girl!
*****
Dear Senator,
Sa lahat sa kanila ikaw talaga! You're the one, Goldilocks! Kinakalimutan ko ang lahat lahat dahil sa marubdob na pag-ibig ko sa yo! Bakit ba? Kung ganyan kayummy at ka seksi, hindi na dapat kinukwestyon kung ano ang pinipirmahan mo! Dedma na! Please, Senator, sign my underwear too... ay wait, hindi pala ako nagsusuot nun! Dedma, magsusuot ako para lang may maipapapirma sa yo! Wala
Sa lahat sa kanila ikaw talaga! You're the one, Goldilocks! Kinakalimutan ko ang lahat lahat dahil sa marubdob na pag-ibig ko sa yo! Bakit ba? Kung ganyan kayummy at ka seksi, hindi na dapat kinukwestyon kung ano ang pinipirmahan mo! Dedma na! Please, Senator, sign my underwear too... ay wait, hindi pala ako nagsusuot nun! Dedma, magsusuot ako para lang may maipapapirma sa yo! Wala
akong pakialam! Tama lang na pumirma ka sa batas na ito! Correct yun! Dedma na kung makukulong kaming lahat basta gwapo ka at yummy yun ang point dun! Yun ang pinaka qualification ng isang magaling na Senador! Oh, yes, at lineage na rin pala... apelyidong politikal! I love you so much talaga as in! Kaya kong makulong kung sa arms mo lang naman at mag stare forever sa iyong chinitong mga mata at nakakabusog na smile! I love you, Senator!
Love,
Lovestruck Luis
P.S: Kelan tatakbong senador si junakis? Promising din sya in fairness! Gwapo din kasi. Qualified na qualified for Senate!
Love,
Lovestruck Luis
P.S: Kelan tatakbong senador si junakis? Promising din sya in fairness! Gwapo din kasi. Qualified na qualified for Senate!
*****
Dear Senator,
Yes! Hinding-hindi kita makakalimutan. Ikaw pa! Sa lahat ng mga pumirmang senador ikaw ang may pinaka-kabog na tatay. Buhay na buhay at magtatagal pa ng ilang siglo at sa kadahilanang ang tatay mo lang naman ang pinakamatalino sa lahat! Bigyan na yan dapat ng honoris causa na PhD si fadir! Dedma kung plunderer sya, at dedma kung ano man ang nagawa ng pamilya nyo. Look! Nananalo ka p
a rin as Senador! More Fun in the Philippines dava? Honestly, wala akong masabi talaga sa yo kasi expected naman yun na pipirma ka sa mga ganitong batas di ba? Lahat naman halos ng batas pinipirmahan mo eh. Pandagdag din yun sa iyong Curriculum Vitae di ba? Wala rin akong mahalungkat na kung anong isyung negatibo tungkol sa inyo na sobrang nakakagulantang. Or baka naman wa lang talaga akong care sa track-record ninyo. In fairness! Success ang pagbabalatkayo! In fairness na mislead nga ako sa isang film title... akala ko tungkol sa inyo... yung "The Perks of Being a Wallflower." Anyway, congrats sa pagpirma sa RA 10175! Amboring ng letter na to no? Bagay na bagay sa inyo!
Love,
Not-so-very-wall-flower Luis
Love,
Not-so-very-wall-flower Luis
*****
Dear Senator,
Pakilakasan ng volume para marinig mo ito! Ay wait, wala palang audio option ang letter. Nevermind, icoconvert ko sa audio file ito. MPEG or MP4 format... ay wait... alam mo ba yun? Nevermind ulit! Basta sobrang tama lang talaga na maisabatas na ito. Sobrang technical ang nilalaman ng batas at sa lahat ng mga Senador, ikaw ang pinakatech-savvy! Shempre! Ikaw ang pinakapreppy and yup
Pakilakasan ng volume para marinig mo ito! Ay wait, wala palang audio option ang letter. Nevermind, icoconvert ko sa audio file ito. MPEG or MP4 format... ay wait... alam mo ba yun? Nevermind ulit! Basta sobrang tama lang talaga na maisabatas na ito. Sobrang technical ang nilalaman ng batas at sa lahat ng mga Senador, ikaw ang pinakatech-savvy! Shempre! Ikaw ang pinakapreppy and yup
pie sa kanila eh. Bakit ba? Kaya lang naman hindi mo alam kung ano ang ATM Card dun sa Corona Impeachment kasi naka PayPal ka di ba? Yang nakasaksak sa tenga mo, hindi naman yan hearing aid di ba? GPS device yan with artificial intelligence na kayang idissect lahat gn sinasabi ng kausap ninyo, at mag generate ng auto response na calibrated sa lahat ng sitwasyon di ba? Jusko ang tatanga talaga ng mga Pilipino! After all, kahit ano pang sabihin nila, mananalo at mananalo ka! Forever and ever kang uupo sa pwesto no matter what! Ikaw pa! Nung naglaunch ka nga ng biography mo, friend or foe, umattend di ba? Ang hindi nila alam, Encyclopedic series yung biography na yun, right? 26 volumes yun! Sa sobrang haba pa ng itatagal mo sa mundong ito, naman di ba? I admire your intelligence talaga, pramis! Tama lang na pirmahan mo ang batas na ito, kesehodang hindi mo alam kung ano ang blog di ba? Dedma lang! GO lang ng Go! I-bottomless ang saya, Senator! Sobrang natutuwa ang smabayanan, at yun mismo ang gusto mong mangyari - gusto mo happy ako! Super happy kami! Ang saya-saya!
Mabuhay kayo! Mga six hundred seventy six thousand nine hundred fifty eight centuries more!
Love,
Super Happy Luis
Mabuhay kayo! Mga six hundred seventy six thousand nine hundred fifty eight centuries more!
Love,
Super Happy Luis
*****
Dear Senator,
I have saved the best for last! YES! Ikaw na! It's your time to shine! Andami kong gustong sabihin sa inyo kaya medyo mahaba tong letter na to, pagpasensyahan nyo na po. Sobrang idol ko kasi kayo, so I can't help na marami akong gustong sabihin. Una sa lahat, FUCK YOU PO. Yun lang
Love,
Cyber Criminal Luis
P.S: Blogger LANG po ako.
I have saved the best for last! YES! Ikaw na! It's your time to shine! Andami kong gustong sabihin sa inyo kaya medyo mahaba tong letter na to, pagpasensyahan nyo na po. Sobrang idol ko kasi kayo, so I can't help na marami akong gustong sabihin. Una sa lahat, FUCK YOU PO. Yun lang
Love,
Cyber Criminal Luis
P.S: Blogger LANG po ako.
Did I miss anyone? Fire away in the comments section!
Labels:
convictions,
eklat,
events,
foulitiks,
laugahbles,
zeryuz black
Tuesday, October 2, 2012
Wednesday, June 6, 2012
KM3: Tinig - (Hindi lang Dinig)
Bakit ang awit
Ay kailangan ng himig
Na kailangan ng titik
Na kailangan ng tinig
- Kailangan Kita
Leah Navarro
Tinig. Isang salita lang pero andami-daming bagay na sumasagi sa isip pag naririnig o nababasa. Una dito ay ang tinig bilang boses. Tinig-tunog. Naririnig. Nasasagap ng tenga, nararanasan ng pandinig. Sobrang gulo na ang kalibutan sa ngayon at halos lahat ay kanya kanya ang tinig, ang tunog - nagsusumigaw, nagpupumilit, nagsusumiksik, naghuhumiyaw. Lahat, may gustong sabihin. Lahat may isinasatinig. Lahat gustong mapakinggan. Mula sa boses ng mga komentarista sa radyo sa AM pati na rin mga deejay sa FM na dati nagpapatugtog lang ng musika ay may kailangan na rin sabihin sa mga bagay bagay. Hanggang sa telebisyon na walang humpay ang pagtatalak. Pati sa internet. Lahat may face book, lahat may twitter, may blog at kung ano-ano pa. Lahat may sinasabi. Lahat may tinig. Pati na rin ang mga bagay na walang boses at hindi naririnig, may gustong isatinig. Mga naghihiyawang mga billboards sa kakalsadahan, makukulay na mga patalastas na nakaimprenta, mga nagsusumigaw na mga headlines - lahat nagsasatinig, lahat may gustong sabihin, lahat naghuhumiyaw. Parang ako. May sinasabi sa blog na ito. Letra na bumubuo ng salita na bumubuo ng mga pangungusap. Nangungumbinsi, nagdidiskurso, nagpapaintindi - nagsasatinig. Pero sa tutoo lang hindi talaga ito ang tinig ko. Ang tinig ko ay ang panunula.
Ani Jesus Manuel Santiago,makatang progresibo, ang tula ay pumpon lamang ng mga salita. Ngunit sa panunula nagkakaroon ng lawak, lalim, taas, sangkad at pagkakahulugan. Nagkakaroon ng amoy, lasa, paningin pati damdamin. Nagkakaroon ng tinig pati ang katahimikan. Ito ang kapangyarihan ng panunula; mahika ng tinig na hindi dinig ngunit maalingawngaw. Oo nga pala, ang tula, mas karaniwang ang tula ay nababasa, hindi naririnig, ngunit ang tinig nito ay nagtatagal at nakakatigalgal at mas nananatili hindi lamang sa isipan ngunit pati sa diwa at hiraya.
Ito ang tinig ko. Hindi man dinig, mas antig. Maliit ang tinig na ito. Kadalasan hindi nga naririnig. Hindi naghuhumiyaw. Hindi nanghihingi ng atensyon at hindi nagpupumilit marinig. Nakapagkit lang sa pahina. Nakasulat.at naghihintay madama. Naririnig mo ba ang katahimikan?
Ay kailangan ng himig
Na kailangan ng titik
Na kailangan ng tinig
- Kailangan Kita
Leah Navarro
Tinig. Isang salita lang pero andami-daming bagay na sumasagi sa isip pag naririnig o nababasa. Una dito ay ang tinig bilang boses. Tinig-tunog. Naririnig. Nasasagap ng tenga, nararanasan ng pandinig. Sobrang gulo na ang kalibutan sa ngayon at halos lahat ay kanya kanya ang tinig, ang tunog - nagsusumigaw, nagpupumilit, nagsusumiksik, naghuhumiyaw. Lahat, may gustong sabihin. Lahat may isinasatinig. Lahat gustong mapakinggan. Mula sa boses ng mga komentarista sa radyo sa AM pati na rin mga deejay sa FM na dati nagpapatugtog lang ng musika ay may kailangan na rin sabihin sa mga bagay bagay. Hanggang sa telebisyon na walang humpay ang pagtatalak. Pati sa internet. Lahat may face book, lahat may twitter, may blog at kung ano-ano pa. Lahat may sinasabi. Lahat may tinig. Pati na rin ang mga bagay na walang boses at hindi naririnig, may gustong isatinig. Mga naghihiyawang mga billboards sa kakalsadahan, makukulay na mga patalastas na nakaimprenta, mga nagsusumigaw na mga headlines - lahat nagsasatinig, lahat may gustong sabihin, lahat naghuhumiyaw. Parang ako. May sinasabi sa blog na ito. Letra na bumubuo ng salita na bumubuo ng mga pangungusap. Nangungumbinsi, nagdidiskurso, nagpapaintindi - nagsasatinig. Pero sa tutoo lang hindi talaga ito ang tinig ko. Ang tinig ko ay ang panunula.
Ani Jesus Manuel Santiago,makatang progresibo, ang tula ay pumpon lamang ng mga salita. Ngunit sa panunula nagkakaroon ng lawak, lalim, taas, sangkad at pagkakahulugan. Nagkakaroon ng amoy, lasa, paningin pati damdamin. Nagkakaroon ng tinig pati ang katahimikan. Ito ang kapangyarihan ng panunula; mahika ng tinig na hindi dinig ngunit maalingawngaw. Oo nga pala, ang tula, mas karaniwang ang tula ay nababasa, hindi naririnig, ngunit ang tinig nito ay nagtatagal at nakakatigalgal at mas nananatili hindi lamang sa isipan ngunit pati sa diwa at hiraya.
Ito ang tinig ko. Hindi man dinig, mas antig. Maliit ang tinig na ito. Kadalasan hindi nga naririnig. Hindi naghuhumiyaw. Hindi nanghihingi ng atensyon at hindi nagpupumilit marinig. Nakapagkit lang sa pahina. Nakasulat.at naghihintay madama. Naririnig mo ba ang katahimikan?
Wednesday, May 23, 2012
Out
I remember a very good friend who no longer is. To make the long story short, the issue as it stands, is that I allegedly, unwittingly and maybe inadvertently outed her to a cousin of hers. I would like to maintain that I did no wrong though, because the said cousin was in fact 'in the know,' as to her sexual orientation and gender identity - or more so, her sexual preference. The last time I was in Manila, I had a talk with a Master Novelist. I was happy that this senior writer is open-minded. Funny and fun how we got to talk about LGBT issues and even Lady Gaga and the anti-Gaga's. He said that there will always be 'demons.' Year after year after year, Religious institutions have demonized an artist or two. There will always be an 'anti-Christ' and a Devil incarnate to their minds. He also thinks that given time, the issues we have will no longer be an issue. Sexuality and SOGI (Sexual Orientation and Gender Identity) included. I really admire him and I, more than ever, look up to him. It came to the inevitable question then - was he gay?
Not that it matters, but for the record, the question begged to be asked. As a rule, I really do not care whether someone is gay or not. I only care to know 'officially' if such a person is my type - meaning, I am entertaining thoughts of getting it on with him. This makes for the viability of whether or not I take my chances. Otherwise, it's a non-issue. While it would be great to count among the growing number of us in the LGBT Community a person of high intelligence, great literary achievement and brilliance, it really did not matter. Though there was an openness to our conversation, it stopped me dead in my tracks. Then it hit me. Why is asking someone's sexual preference an almost taboo thing? Why can't we just ask for the sake of asking and not be afraid that we might be unnecessarily putting the person on the spot, or that it would be too personal or unprofessional? I braved up and asked him anyway, and he said no, he was not gay, no he doesn't mind my asking, it was all in context, and no he was not offended. I believe no one should take offense. A question is a question is a question.
Although I respect the decision of persons whether they chose to be out or still in the closet, what begs to be taken a look into is the reason why this is so? Who would want to consciously suffer and suffocate inside a deep, dark and dank closet of secrets? I believe this is because of the prevailing attitude of people towards the LGBT Community. It could spell trouble for some with their work, their religion, their career, their families and for some, it could even draw the line between life and death. Such is a serious matter. Some people refuse to come out because there is a hostile world out there, beyond their closets, and that is why, some people would chose to suffer in silence. I still believe that coming out is a personal choice. No one knows better when to do so, and no one can make the decision to do so except the person himself. He knows best his circumstance. On the other hand, I believe that most, if not all of these fears are basically imagined and magnified. With the proper positioning and the right support group, it can be done. The odds may be insurmountable and the stakes may be high, but it CAN be done! Nothing beats the feeling of being free to be the person that you are.
I wish it is as my novelist friend say it is - that given time, the issues we have will no longer be an issue. I dream of a world where sexuality, sexual orientation and gender identity is not an issue. Where the simple thought of asking someone his or her gender preference is not a matter of propriety but a matter of fact, and no one thinks about 'outing' someone as a bad thing to do because it really wouldn't matter anymore. I dream of a world that would rejoice in someone finding love without qualifications as to sexuality or gender. I dream of a world that would nurture such loving relationships and would encourage people to embrace the light and not push them to the deep, dark, and dank corners in the name of anonymity and fear. I dream that no one be demonized because of his or her sexuality. I dream of a closet free world where everyone relishes the light and is free to be whatever he chooses to be, and to be able to make intelligent determinations for one's self. I dream of a world where sexuality is a non-issue. I will try my very best to give everything I have and everything I can to make such a dream a reality. I am OUT, I live, I love, proud and free. I am Bisexual!
Labels:
announcements,
celebrations,
convictions,
zeryuz black
Sunday, May 13, 2012
Dalawang Tula Para sa Mga Pawisang Mudrakels
Dahil araw ng mga mudrakels ngayon, May I share ako ng dalawang tula para sa mga nanay. Bahagi ito ng koleksyon ko ng sampung mga tulang pambata na may pamagat na "Nanay ko si Era, Tatay ko si Er at iba pang mga tulang pawisan". Alay ko ito sa mga magulang na blue-collar workers. Hapu Mudrakelles day sa inyong mga madiraka at sa iyo na rin kung madiraka ka or feeling mo madirakabelles ka!
Ang Giyerera
Ni Luis Batchoy
Hindi sundalo ang aking nanay,
Pero sumasabak sya sa matinding away.
Dala’y palu-palo, sabon at palanggana,
Sambundok na labada ang kalaban sa giyera.
Puti at de-kolor, una’y paghihiwalayin
Upang dugo ng kalaban, di magsalin-salin.
Lulunurin nya sa tubig ang kaaway
Magdamag na ibababad ang mga pasaway.
Pagkatapos isa-isa nyang sasabunin
Mahihigpit na kalaban kanyang kukuskusin.
Ubos lakas na pipigain at pipilipitin
Ang pagkapanalo, kanyang sisiguraduhin.
Matapos ito, kanya nang babanlawan,
Upang makita, tagumpay ng kalinisan.
Isa-isa na nyang isasampay,
Talunang mga kalabang lupaypay.
Meron daw syang sikreto
Sa kanyang laging pagkakapanalo.
Lalabanan daw nya, labada man ng buong mundo
Maitaguyod lamang kami ng mga kapatid ko.
Ang Giyerera
Ni Luis Batchoy
Hindi sundalo ang aking nanay,
Pero sumasabak sya sa matinding away.
Dala’y palu-palo, sabon at palanggana,
Sambundok na labada ang kalaban sa giyera.
Puti at de-kolor, una’y paghihiwalayin
Upang dugo ng kalaban, di magsalin-salin.
Lulunurin nya sa tubig ang kaaway
Magdamag na ibababad ang mga pasaway.
Pagkatapos isa-isa nyang sasabunin
Mahihigpit na kalaban kanyang kukuskusin.
Ubos lakas na pipigain at pipilipitin
Ang pagkapanalo, kanyang sisiguraduhin.
Matapos ito, kanya nang babanlawan,
Upang makita, tagumpay ng kalinisan.
Isa-isa na nyang isasampay,
Talunang mga kalabang lupaypay.
Meron daw syang sikreto
Sa kanyang laging pagkakapanalo.
Lalabanan daw nya, labada man ng buong mundo
Maitaguyod lamang kami ng mga kapatid ko.
Sinabawang Isda
Ni Luis Batchoy
Sinabawang isda na naman ang ulam,
Ako ay talagang takam na takam
Nanay ko lang naman kasi ang nagluto
Pinakasikat na kusinera sa buong mundo.
Maingat na kinaliskisan ang isda
Sing ingat ng kanyang pagaalaga.
Sing-asim ng tumulo nyang pawis
Sa trabahong bumubuhay sa amin.
Pinakuluan sa isang kaserolang tubig
Sing init ng pagmamahal nya sa amin.
Sinahugan ng konting sibuyas
Tulad ng manamis-namis nyang mga ngiti.
Konting hinog na kamatis,
Tulad ng pagpaphinog sa mga pangarap namin.
Luyang binungkal mula sa lupa,
Gaya ng pagsiskap nya para sa amin.
Pag naluto sabay kaming kakain
Salu-salo sa iisang mesa
Payak man ang pagsasaluhan
Puno naman ng pagmamahalan.
Handa na ang sinabawang isda
Bubusugin pati puso at kaluluwa
Ang nanay kong kusinera
Kayang kayang lutuan ang sanlibutan.
HAPPY MOTHER'S DAY BATCHOY DENIZENS!
Labels:
celebrations,
eklat,
emotero,
poetry
Thursday, May 10, 2012
E-I-C
One of these days, I will make a full blown five part series on my memories of Campus Publication and being Editor-In-Chief, for now, here's a snippet. This is culled from my latest facebook status message. Yes, it seems I'm back and making good with my resolve to keep posting regularly. Wish me luck.
There is this one thing that I miss - being the Editor-in-Chief of a school publication. It's a feeling like no other. While you contend with deadlines and all the nitty gritties of publication, you also manage and deal with people.
You become a cheerleader, waving your pompoms at staff members who feel a little less wonderful.
You become guidance counselor carefully listening to the little wear and tears of their hearts urging them to put those feelings into paper.
You become slave driver whipping people into shape bullying them into meeting a deadline.
Students accuse you of not being pro-student and being elitist. Faculty and Administration label you as activist. Your family doesn't understand, and you can barely make a relationship work because it does not sit well with them how an all nighter in the printing press could be more important than a long overdue date.
You become a rallying hero fighting against the injustices of the academic structures and leading your little pen-wielding, grade conscious and 'graduation-bound' little band of dreamers who believe in changing the world one issue at a time.
You become a boss, a friend, a mentor, a compatriot, a co-plotter, a dreamer, a realist, a surrealist, a clown, and all that's in-between, and sometimes, all at once.
All these while minding and managing your own issues and your own life and deadlines!
I am lucky to have been blessed with the most efficient, the most charismatic, the most talented, and the most lunatic and delusional set of staff members in all the school years I have been EIC. I reminisce with pride and joy and bask at the crazy, happy, zany and wonderful days and nights of being a pub person. Here's to campus publication and the good old memories!
~Luis Batchoy
Editor-in-Deed!
Tuesday, May 8, 2012
Sikat
Super tagal na akong hindi nakakapagsulat dito sa blog na ito. Paano kasi, micro-blogging na rin ang facebook at andami ko na ring katamaran at rason kumbakit hindi na makapag update. Sana nandyan pa kayong mambabasa ng Batchoyan. Heniweys, sinipag akong magsulat today at instead na ipost sya bilang note sa facebook, naisipan kong mag update ng blog. So here I am. Wala nang madaming cheche-bureche. Simulan na ang sanaysay! Enjoy!
Sikat
Matagal ko nang nabasa ang sanaysay ng aking ina sa
panulatan, ang sirena ng literaturang Filipino na si John Iremil E. Teodoro sa
kanyang librong ‘Pagtatalak at Pagmumuni ng Sirenang Nagpapanggap na Prinsesa.’
Sa sanaysay na ‘yon, ikinuwento ni mother John kung ano ang posibleng mangyari
kung ang isang manunulat na tulad nya ay kasing sikat ng isang matinee idol na
nakikitang sumasayaw-sayaw at pakanta-kanta sa TV. Dahil mahisaon ako at sa
tingin ko ay mas ambisyoso, iu-update ko lang ang sanaysay nya. Nabasa ko kasi
sa mga networking sites gaya ng Facebook ang diumano’y nangyaring bugbugan at
eskandaluhan sa pagitan ng mag-asawang artistang sina Raymart Santiago at
Claudine Baretto, at ang mamamahayag na si Mon Tulfo. Ayon sa balita, narinig
daw ni Mon Tulfo ang isang babaeng nagwawala at inaaward ang isang ground crew
ng isang airlines. Halos wala na raw dignidad ang crew kung lait-laitin ng
babae kaya na kyuryus daw si kuyang Mon. Kinuhanan daw nya ng litrato at bidyo
sa kanyang cellphone ang eksena at nakilala daw nya ang laitera at yawyawerang
babae na si Claudine Baretto. Nilapitan daw sya ni Raymart Santiago na asawa ng
artistang yawyawera at kinukuha daw sa kanya ang cellphone nya. Nung ayaw nyang
ibigay dun na bigla raw syang sinunggaban at pinagtulungan ng mga kasamahan ng
mag-asawa. Iba-iba ang bersyon nila sa nangyari pero hindi yun ang point ng
sanaysay na ito. Bahala sila sa mga buhay nila. So okay, nasaan na ba tayo? Ay
oo, dun sa premise na kung ano nga pala ang pwedeng mangyari kung kasing sikat
nila ang tulad kong makata. Hmmm… So there I was… shempre ingles para shalan di
ba! Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ko sa paliparang pandaigdig Ninoy
Aquino sa Pilipinas. Saan ba ako galing? Wait, oo, galing akong Geneva.
Naimbitahan kasi ako dun bilang makatang Ilonggo. Binigyan ako ng award bilang
isang Hiligaynon writer. Narealize kasi nila kung gaano kahalaga ang Lengwaheng
Hiligaynon ‘in the greater scheme of things’ – ideya nila yun, hindi akin. So,
ok, kagagaling ko lang dun sa parangal nga na yun. Diretso na ako sa baggage
area. Kukunin ko na ang aking bagahe sa carousel. Matapos ang napakatagal na
hintay, wala ang bagahe ko. So didiretso ako sa ground crew. Malalaman ko na
lang na hindi pala niload sa eroplanong sinakyan ko ang bagahe ko. Naku!
Malaking problema ito. Maririnig ni Mon Tulfo ang aking concern kahit hindi ako
nagyayawyaw… wait, wag na si Mon Tulfo. Dapat CNN ang leveling… sige si Kyra
Phillips na, or si Soledad O’Brien, o di kaya si Connie Chung… ay wait, wag na,
si ano na lang – si Fabienne Paderes – yung internationally renowned broadcast
Journalist na Ilongga. Bakit ba! Sanaysay ko to, at kaibigan ko si Fabienne, so
yun, sya na. Where was I – ayun so nakita nga ni Fabienne na kinakausap ko yung
ground crew ng masinsinan, and let me reiterate – hindi ako sumisigaw. Cool
lang ako. Very reserved and sedate lang. Nung malaman ni Fabienne ang concern
ko, sya yung magpapanic. Hindi pwedeng mawala ang akin bagahe! After all,
nandun ang draft ng aking bagong Hiligaynon literary masterpiece na nobela.
Nandun din ang mga works in progress ko tulad ng translation sa Hiligaynon ng
Noli at Fili at yung malapit na ring matapos na salin ng Anna Karenina in
Hiligaynon! Hindi pwede ito! Nakasalalay dito ang ‘stake’ ng literturang
Pilipino sa pandaigdigang lebel! Magagalit si Fabienne sa ground crew! Isa
itong emergency na dapat malunasan sa lalong medaling panahon! Medyo napataas
ang boses ni Fabienne kaya naglilingunan ang mga ibang pasahero. Tapos na
realize nila na nawalan nga ng maleta ang isang living ‘gem’ in Philippine
Literature. Hindi nila ito ma take! Magkakaroon ng cataclysm pag nagkataon! So,
nag tweet sila at nag update ng mga status nila. Nagkaroon ng komosyon. Yung
ibang mga pasahero, dali daling bubuklatin ang mga maleta nila. Kanya kanya
silang labas ng kopya nila ng mga libro ko – kanya kanyang lapit para
magpapirma. May nag-iiyakan at nagsisigawan! Hindi nila lubos maisip na ma-meet
nila ng personal ang isang Hiligaynon na makata! Yung iba, naglalabasan ng mga
bags, Ziplocs at kung anu-ano pang mga lalagyan. Sinisilid nila ang hangin na
posibleng nahinga at naibuga ko. Gagawin nila itong mga heirlooms at ang iba ay
ibebenta sa ebay. Magkakagulo na ang lahat. Ifa-flash sa screen ang breaking
news tungkol sa pagkawala ng maleta ko. Maghihiyawan ang mga tao. Ang iba sa
kanila hahagulgol. Magdadasal sila n asana mahanap na ang maleta ko. Maraming
tao ang makikipagsiksikan na makamayan ako o mahawakan man lang ang aking
shaolin braided hair. Magbabanta ang isang stampede! Shempre, lalabas bigla ang
aking bana – well, actually hindi naman necessary na bana talaga, pwede namang
asawa, wala naman akong reklamo dun – pero syempre dahil sa kwento nila
Claudine ay bana nya ang umeksena, so sige, bana na nga lang. SO, yun lalabas
na ang bana ko para protektahan ako sa mga tao. Wait lang, sino ba ang bana ko
– o sige si Cid Lucero na lang. So lalabas na nga si Cid para protektahan ako
sa nagdadagsaang mga tao – ay wait, baka hindi kaya ni Cid, palitan natin – si
ano na lang, si Wolverine – si Hugh Jackman na lang. Bakit ba! Sanaysay ko to,
at libre naman mangarap. Sulat ka rin ng sanaysay mo – walang basagan ng trip.
Where was I – so yun na nga lalabas na nga si Hugh. Yayakapin nya ako para
maprotektahan ako sa mga tao. Maglalabasan na ang mga camera at masisilaw na
ako sa mga flash ng camera. Isusuot ko na ang aking Prada na HD shades kasi
baka mabulag ako hindi na ako makakapagsulat. Ilalayo na ako ni Hugh sa mga
nagdadagsaang mga tao. Wala na kaming madaanan. Siksikan na talaga sa Airport.
Sobrang dami na ng mga tao at kahit sa mga exit ay nagaabang na ang mga tao
para makita lang ako. May mga tarpaulins na sa labas at nagtatrapik na hanggang
EDSA. Tatakbo kami ni Hugh papuntang runway. Mahahablot ng isang fan ang aking
Hermes na scarf habang tumatakbo kami ni Hugh! Nagraradyo na ang ATO kung ano
ang gagawin at miski ang president ay aligaga na rin. Pinapadala ang personal
na eroplano ng president pero mabagal at kakarag-karag yon. Matagal pa bago
makatake-off yun. Sisenyas ang isang opisyal sa airport na may nagaantay na
dawn a helicopter para masakyan namin. Hindi na napigilan ang mga tao at
nakalabas na sila sa runway hinahabol kami ni Hugh. Makakasakay kami sa
Helicopter at makikita ko na sobrang dami ng tao para silang mga langgam.
Kakaway ako sa kanilang lahat at magiiyakan sila at maghihiyawan sila. May
isang chubby na chinito na hahabol sa helicopter at magaabot sa akin ng mga
bulaklak. Aabutin ko yun habang umaangat ang helicopter. Yayakapin ako ni Hugh.
Aagawin ang bulaklak na bigay ni Chubby Chinitong kuya. Itatapon nya yun at
sasabog ang mga talulot ng bulaklak habang papalayo na ang Helicopter namin.
Tatatnungin ko sya kung bakit nya ginawa yun. Sasabihin nya na may naka imbed
pala na GPS sa mga bulaklak. Dideretso muna kami sa isang isla kasi inaabangan
na rin ng mga tao sa lahat ng paliparan sa buong Pilipinas kung saan kami
lalapag ni Hugh. Kakawayan ko ang mga mahal kong mambabasa one final time!
Pakialam ko sa isyu ng letcheng Claudine, Raymart at Tulfo! Hehehehe.
Meanwhile, magbabayad muna ako ng kapeng ininom ko dito sa kapehang ito. Libre
kasi ang WiFi dito at syempre, hindi ako kilala ni Cid Lucero – lalo na ni Hugh
Jackman – at kung mabasa ito ng aking mother John Iremil, I’m sure sasampalin
nya ako!
Labels:
bigalet,
eklat,
laugahbles,
prose
Subscribe to:
Posts (Atom)