Sunday, October 7, 2012

Pusa - A Monodrama


Something I did two years ago. I missed theater so I said yes to essay Prof. John Barrios' masterpiece 'Ang Pusa' for his Masters Class. This is a monodrama. It was challenging since there was not much as to lighting or any stage works to distinguish between the two characters, so I decided to give Jun a heavy Hiligaynon accent.  Sorry for the poor quality as this was captured using a cell phone camera. It was posted on my Facebook account so I copied it here for easy reference. Enjoy!










Wednesday, October 3, 2012

Dear Senator - A Status Update Series



In defiance of the Implementation of R.A 10175, otherwise known as the Cyber Crime Act of 2012, I posted a series of status updates in my Facebook page. These are letters to brilliant senators of the Philippines who signed the said law. As suggested by a friend, I will compile the statuses into one easy to read entry, Enjoy, and please do tell me if I missed any one of them! Have fun guessing, too. Sandok na sang sabaw kag pataw!


Dear Senator,

Hindi naitatama ng pagpapasa ng bagong panukalang batas ang katotohanang pumirma ka nang hindi nagbabasa. Pwede ba! Bakit ipagpipilitan pang maging Senador eh mukhang mas mahal ang bayad sa pageendorso ng tuna. Please lang!

Love,

Luis na dating mahal na mahal ka

*****

Dear Senator,

Hinangaan kita nung una kang umupo dahil sa ipinakita mong kagandahan ng ugali at asal. Napakamaginoo mo noon. Bilib ako sa 'yo dahil magaling at matalino ka pa man ding abugado. Hindi ako makapaghintay na matawag kang panyero. Sabi ko, hay, may pag-asa pa ang Senado. Malaman-laman ko, pumirma ka din sa batas na ito? Anyare? Kasama ka rin yata sa 'siraan ng pangalan ng ama' society eh!

Love,

Luis na tinatry wag masira ang pangalan ng Ama

*****

Dear Senator,

Alam mo te, kaya pala hindi kita masyadong ma bet na bet eh. Hot and Cold by Katy Perry ang drama ko sa yo eh. Ate, hindi kasi eksyus na bisi-bisihan sa pagsulong ng RH Bill kung kaya nakalusot yang batas na yan eh. Unless, nakapikit ka nung pumirma ka sa panukala. O baka naman napagkamalan mong ang pinipirmahan mo ay panukala ng designer mo para sa susunod mong gown na isusuot sa kung saan mang official function mo? Isa ka rin sana sa pinapangarap kong matawag na Kumpanyera eh. Naku, pahirap ng pahirap tuloy ang maging future abugado.

Love,

Luis na kailangan talagang pumasa sa Bar

P.S: In fairness teh, ganda ng hair!

*****
Dear Senator,

At least, ikaw ang pinakaconsistent sa lahat! Sure ako na hindi ka kasapi ng 'siraan ng pangalan ng ama' society. Wala na kasing ikasisira pa further ang pangalan ng ama mo. Congratulations kasi ito naman talaga ang pinaka-pakay mo bilang Senador di ba? Ang magkalabu-labo ang bansa? Itchura ngayon ng mga nagsasabing 'Never Again!' Ang galing! You're the man po! Dahil jan, payag na ako ilibing ang tatay mo sa libingan ng mga bayani, provided, kasama ka... at syempre, dahil malulungkot ka dun, sige, pati na nanay mo. Idol kita, sobra! I love you po!

Love,

Super Fan Luis

*****

Dear Senator,

Pak na pak teh! Achieve na achieve! Thes es et! The dream is within reach! Na achieve mo na talaga ang iyong campaign slogan na "Nalintiang Pilipinas!" Ay wait, Luntian ba dapat yun? Dedma na da va? Magkatunog naman eh! Kering keri mo teh! Ngayon, wala na talagang pwedeng manlait sa yo online, at magsabing mas maganda ang gown nung asawa nung isang kongresista nung nag SONA. Ikaw na ikaw na talaga! Sintang-sinta talaga kita! You are SO! As in! By the way, may natira pa ba dun sa cellphones na pinamudbod mo? Baka naman may iPhone. Penge te para matext kita lagi ng mga papuri at pagsinta! Lab na lab kita! Ganda ganda mo as in!

Love,

Nalintian Luis

*****

Minamahal na Senador,

Iiksian ko lang to kasi mahirap isalin sa tagalog ang lahat ng gusto kong sabihin sa yo! Naku pano na yan, hindi na pwedeng gamitin ang online dictionary (hirap na hirap po akong isalin ito, pasensya na) paano ka na ngayon nyan? Sabagay, marami namang nabibiling diksyunaryo sa Recto di po ba? Mabuti at naintindihan mo lahat ng nakasaad sa panukalang batas di ba? Kaya ka pumirma? Galing galing naman ng tagasalin ninyo. Sige po, nahihirapan na po ako managalog ng dire-diretso. Pano kasi, sinira ng internet (paki-patranslate na lang itong salitang ito) ang pag-iisip ko sa mga kainglisan na yan eh! Mabuhay po kayo! Mga ten thousand years pa!

Nagmamahal,

Luis Pinoy na Pinoy

*****

Dear Senators,

I hope you don't mind na magkasabay na kayong dalawa sa iisang liham lang ha. Impressive po ang gusto ninyong mangyari kaya kayo pumirma sa batas na ito! Sabi nga po nila, one shouldn't judge a person unless he has walked a mile in his shoes! Antaray po kasi yun ang gusto nyong mangyari di ba? Ang maranasan din ng sambayanan kung paanong makulong dahil sa kanilang paniniwala at pap
aanong sikilin ang kalayaang ipahayag ang kanilang saloobin at hinanakit sa gobyerno! Napaka post-modern ng peg ninyong dalawa mga ginoo! Bet na bet ko talaga! Ngayon mararamdaman na rin namin sa wakas ang naramdaman ninyo noon. Wala namang problema di ba kasi may amnesty naman eh. Saka naiintindihan ko po kasi bahagi ito ng pagpapakita ninyo ng sinseridad sa inyong pagbabalik-loob sa gobyerno di po ba! Napaka brilliant po! Ahlavet!

Love,

Makukulong na talaga Luis





*****





Dear Senator,

Bongga ka talaga, I swear! Sayang nga lang at ang penalty ay hindi yung paliliguin sa dagat ng basura ang cyber criminal! Mas mataray yun kung nagkaganon di ba? Oo nga naman, hindi na nakapagtataka kung bakit pumirma ka dun sa batas na merong insertion sa libel provisions. Sanay ka dun di ba? Sa insertions? Sabi ni Mareng Winnie Monsod, di ba? Yung insetions, forte mo yun di ba. Bonggang bongga! True to form ka talaga! Yung kapangalan mo, nung inakusahan ng plagiarized speech nag-resign, samantalang ikaw andyan pa rin! Mas bongga ka in other words.

Love,

Hindi pa nakakapaligo sa dagat ng basura Luis





*****





Dear Senator,

Ang ganda ganda ng 'The Healing' I swear! Bet na bet ko ang acting ng asawa mo dun! Havey na havey! Dahil jan, super love na love ko talaga si Ate... na hindi ko alam kung paano ko naging ate. Anyway, ang point is, maganda ang asawa nyo! Ay sige para fair, pag-usapan naman natin ang tungkol sa inyo. Aside from this na pinirmahan nyo, bet na bet ko talaga ang Sin Tax Bill na sinusulo
ng ninyo! Ano nga ba naman ang karapatan ng mga puritang mamamayan lumaklak ng alak at humithit ng yosi? Nagki-care kayo sa health nila da va? Tayo lang! Tayo lang na Richness ang dapat maka afford magbisyo. Dava? Tapos yung sabi nyo na mas maganda ang Cash Aid ang ipamimigay kesa Condoms, tama din yun idol! Bakit ba? Brandless na Condoms ang ipamimigay? Pera na lang para makabili ng Trust or Durex or Trojan! Di ba? Duh! Maallergic pa ako sa mga libreng condoms na yan! Sobrang brilliant kayo, idol!

Love,

Vilmanian Forever Luis

P.S: I Love you, Lucky!





*****





Dear Senator,

You should have been president and this wouldn't have happened. We must take our cues from you and learn how to hide successfully and avoid detection! Surely, your signature on this bill is testament to your commitment in proving to the world the very effective and efficient police force and NBI that we have. Pormal na pormal ang letter nakakaloka! Anyway, what I really wanna say is
 that I idolize you and the things you have done for this country and so much more! I regret the fact that you have not been president, and perhaps, never will... Honestly, I am at a loss for words. I am humbled by your virtuous existence. May you live longer, whether in hiding or in the open!

Love,

Formal Theme Luis

P.S: You go, girl!





*****





Dear Senator,

Sa lahat sa kanila ikaw talaga! You're the one, Goldilocks! Kinakalimutan ko ang lahat lahat dahil sa marubdob na pag-ibig ko sa yo! Bakit ba? Kung ganyan kayummy at ka seksi, hindi na dapat kinukwestyon kung ano ang pinipirmahan mo! Dedma na! Please, Senator, sign my underwear too... ay wait, hindi pala ako nagsusuot nun! Dedma, magsusuot ako para lang may maipapapirma sa yo! Wala 
akong pakialam! Tama lang na pumirma ka sa batas na ito! Correct yun! Dedma na kung makukulong kaming lahat basta gwapo ka at yummy yun ang point dun! Yun ang pinaka qualification ng isang magaling na Senador! Oh, yes, at lineage na rin pala... apelyidong politikal! I love you so much talaga as in! Kaya kong makulong kung sa arms mo lang naman at mag stare forever sa iyong chinitong mga mata at nakakabusog na smile! I love you, Senator!

Love,

Lovestruck Luis

P.S: Kelan tatakbong senador si junakis? Promising din sya in fairness! Gwapo din kasi. Qualified na qualified for Senate!




*****

Dear Senator,

Yes! Hinding-hindi kita makakalimutan. Ikaw pa! Sa lahat ng mga pumirmang senador ikaw ang may pinaka-kabog na tatay. Buhay na buhay at magtatagal pa ng ilang siglo at sa kadahilanang ang tatay mo lang naman ang pinakamatalino sa lahat! Bigyan na yan dapat ng honoris causa na PhD si fadir! Dedma kung plunderer sya, at dedma kung ano man ang nagawa ng pamilya nyo. Look! Nananalo ka p
a rin as Senador! More Fun in the Philippines dava? Honestly, wala akong masabi talaga sa yo kasi expected naman yun na pipirma ka sa mga ganitong batas di ba? Lahat naman halos ng batas pinipirmahan mo eh. Pandagdag din yun sa iyong Curriculum Vitae di ba? Wala rin akong mahalungkat na kung anong isyung negatibo tungkol sa inyo na sobrang nakakagulantang. Or baka naman wa lang talaga akong care sa track-record ninyo. In fairness! Success ang pagbabalatkayo! In fairness na mislead nga ako sa isang film title... akala ko tungkol sa inyo... yung "The Perks of Being a Wallflower." Anyway, congrats sa pagpirma sa RA 10175! Amboring ng letter na to no? Bagay na bagay sa inyo!

Love,

Not-so-very-wall-flower Luis





*****





Dear Senator,

Pakilakasan ng volume para marinig mo ito! Ay wait, wala palang audio option ang letter. Nevermind, icoconvert ko sa audio file ito. MPEG or MP4 format... ay wait... alam mo ba yun? Nevermind ulit! Basta sobrang tama lang talaga na maisabatas na ito. Sobrang technical ang nilalaman ng batas at sa lahat ng mga Senador, ikaw ang pinakatech-savvy! Shempre! Ikaw ang pinakapreppy and yup
pie sa kanila eh. Bakit ba? Kaya lang naman hindi mo alam kung ano ang ATM Card dun sa Corona Impeachment kasi naka PayPal ka di ba? Yang nakasaksak sa tenga mo, hindi naman yan hearing aid di ba? GPS device yan with artificial intelligence na kayang idissect lahat gn sinasabi ng kausap ninyo, at mag generate ng auto response na calibrated sa lahat ng sitwasyon di ba? Jusko ang tatanga talaga ng mga Pilipino! After all, kahit ano pang sabihin nila, mananalo at mananalo ka! Forever and ever kang uupo sa pwesto no matter what! Ikaw pa! Nung naglaunch ka nga ng biography mo, friend or foe, umattend di ba? Ang hindi nila alam, Encyclopedic series yung biography na yun, right? 26 volumes yun! Sa sobrang haba pa ng itatagal mo sa mundong ito, naman di ba? I admire your intelligence talaga, pramis! Tama lang na pirmahan mo ang batas na ito, kesehodang hindi mo alam kung ano ang blog di ba? Dedma lang! GO lang ng Go! I-bottomless ang saya, Senator! Sobrang natutuwa ang smabayanan, at yun mismo ang gusto mong mangyari - gusto mo happy ako! Super happy kami! Ang saya-saya!
Mabuhay kayo! Mga six hundred seventy six thousand nine hundred fifty eight centuries more!

Love,

Super Happy Luis





*****





Dear Senator,

I have saved the best for last! YES! Ikaw na! It's your time to shine! Andami kong gustong sabihin sa inyo kaya medyo mahaba tong letter na to, pagpasensyahan nyo na po. Sobrang idol ko kasi kayo, so I can't help na marami akong gustong sabihin. Una sa lahat, FUCK YOU PO. Yun lang

Love,

Cyber Criminal Luis

P.S: Blogger LANG po ako.











Did I miss anyone? Fire away in the comments section!



Tuesday, October 2, 2012

Black Out