Tuesday, February 17, 2015

That Thing Called .... ASANESS

Hindi ito movie review.

More like, knee-jerk reaction.

More like MeMa

So yun... Where do broken hearts go ba talaga tita Whitney?


If there is one thing, this movie has elicited so much reaction from so many people. Polarized opinions that is. Isa lang siguro ako sa maraming nagbigay at magbibigay pa ng kumento tungkol sa pelikula. Mula sa technical details ng film making, to the very personal and what-nots. Merong sobrang thesis statement ang peg makareact meron din namang MeMa - Maganda - Pangit - ganun. So I'm getting into the fray and throwing my own, well, reaction to the film. More like - reflections.



Suspension of disbelief

Sa panunood ng sine, o kahit pagbabasa o pagsunod ng kwento, meron tayong tinatawag na believability. Kahit pa sabihin nating 'magic realist' o 'fantasy' ang tema, meron pa rin tayong mga pinanghahawakang 'realidad' at kailangan, naka-anchor dun sa realidad na yun somehow ang takbo ng narrative ng storya. So yun nga, itong suspension of disbelief ay stretched na stretched sa pelikulang ito. Hindi ko na siguro kailangan ikwento ng buong buo ang storya ng pelikula kasi alam ko naman napanuod nyo na, nabasa somewhere, or if not, binabalak pa lang panoorin, so walang spoilers, pero alam mo yung feeling na... WEH?

Unang-una, the opening frames tell of a story of an arrow with a heart pierced through it. Parang mali. Parang baligtad ata. Parang - weh! May heart ba na consciously ay sya ang magpipierce through an arrow? Wait lang...

Tapos ang unang dilemma, kailangan magbawas ng luggage ni Mace kasi excess nga sya so yun, pinagtatatapon nya sa basurahan ang mga... ahmmm... panty... at teddy bear. Like... ahmmm... sobrang bigat nyang mga bagay na yan teh! And then later on, ang eksena ay maglalalagalag sila ni Anthony bitbit ang mga maleta nya sa Baguio at sa Sagada! Teh! Wala kang pambayad sa excess baggage pero may pang rampa ka! WEH?

O so yun na. Nung nasa Pinas na sila, yun nga, bigla na lang naisipan nilang dalawa na maglagalag nga kung saan saan. TO, you know, find where do broken hearts go nga ba talaga? WOW! Wala silang mga kaibigan, kamag-anak, kachika and everything na kailangan makaalam na nasa Pilipinas na sila at naisipang maglalalandi all over. WEH? At wala rin silang mga trabaho etc etc.

Sobrang intense ng moment na nakalimutan nilang pwede naman iwanan sa hotel, o sa baggage counter ang maleta so parang chararat lang na dala dala nila yun. Like I said, kung may panglagalag sila, I'm sure, magkano lang ang hostel na pwedeng paglagyan nun.

SO yun, at may drama silang matutulog sa labas under the stars in Sagada. Hello Hypothermia? WEH? 

At may chenelyn na kapag na mention ang ex ay magbabayad ng 100 pesosesosesosesoses! WEH? Buong pelikula, yun ang point! Ang pag usapan ang ex!




That Thing Called Asaness...

So yun na nga. Pero naisip ko, ano ba ang implication ng pelikulang ito? Well simple lang. Tinuturuan tayong maging mga ASANESS lahat! Asaness kasi sa tutoo lang...

Walang Anthony na magsasalba sa atin sa mga excess baggages natin sa buhay. Malamang lamang, ang mangyayari, drug courier ang peg natin pag ganun. Hello kakilabot kaya yung ganung chenever! One time, minadali kong umuwi from Jakarta for Christmas. Nag excess baggage ako at pagbabayarin ng 30Million Rupiah! Wala! Walang Anthony na nagoffer na ilagay ang trench coat ko sa bagahe nya at ibigay ang free luggage allowance nya for me. Kasi sa tutoo lang, lahat tayo, may excess baggage! Kung hindi ako nagthreaten na isusuot ko lahat ng kaya kong isuot sa mga dala dalahan ko, at nagsabing - well this feels like extortion. I absolutely have no extra cash left and I just want to go home for Christmas, saka pa lang ako kinausap ng manager na gagawan daw nya ng paraan. In short - tayo ang magsusolve ng problema natin. Tayo ang magbibitbit ng excess baggages natin at minsan, kailangan natin talagang ibasura ang mga bagay bagay - more than just our panties!

Walang Anthony na magququote ng mga Philosophical at Literary lines sa atin. Walang sasama sa atin sa Baguio at sa Sagada para lang chumenever sa kadramahang pinagdadaanan natin. Malamang sa malamang sasabihan lang tayo ng mga friends natin na 'MOVE ON!' Ganun! May mga pasok sila, may mga bayarin at may mga sariling shit sa buhay. Oo, pwedeng may sumama sa atin magkape saglit. Sa weekend, mga ganun! Pero sa true lang, wit! May expiration date ang pagdadrama sa mundong ito. Walang sasama sa yo para chumeneschenes lang sa Sagada! Kailangan mong umayos, now na! No one can stand a sob story!

At kumusta naman ang rebound? Sa tutoo lang, ang magkakainteres lang at magkakapanahon na samasamahan ka sa kaletchehan mong pagdradrama ay ang mga may ulterior motives. At malamang sa malamang, kawawa sa bandang huli si Anthony. Rebound ang peg. VulcaSeal. Well come to think of it, yung last ko, medyo ganun. Red flag dapat na malimit nyang sinasabi o kinukwento sa akina ng ex nya! Eh ako si tanga. Reassure na hindi mangyayari ang ganun sa atin - na iba ako sa ex mo. Ang jending, waley! Iniwanan nya rin ako kasi siguro hindi pa nga sya nakapag-move on and all that shit.

Tanong ni Anthony, bakit ba daw ang hilig hilig ng mga mayayamang babaeng kagaya ni Mace na hanapin ang mga sarili nila sa Baguio?

Hindi ko rin alam. Hindi ako mayaman at mas lalong hindi ako babae. At ang scary lang n'yang paghahanap sa sarili. Eh kung bigla mo nga makasalubong ang sarili mo sa Diplomat Hotel? OMG! ISKEYRI! Kaya never kong hinahanap ang sarili ko! WITIT!




Where Nga Ba Talaga?

Yun nga, in the end, pinagmumukha tayong mga tanga! Yun ang point. Kasi katangahan naman talaga ang umibig ng bonggang bongga. Tuturuan tayong either maging jaded, o maging asaness. Kasi nga, yun yon eh.  Nagiging mas Hopia tuloy tayo, mas nganga, mas asaness... hintay ng hintay kay Anthony, o hanap ng hanap kay Tyang Whitney at kung where nga ba talaga ang letcheng pinupuntahan ng mg broken hearts na yan.

At sa tutoo lang... wala naman talaga tayong choice sa huli eh. Walang guarantees ang pag-ibig. Walang guarantee that it is fit for use for our purposes at wala ring guarantee that it is free from defect! Hindi ito consumer's code! Walang Magna Carta for the Protection Against Wrongful Love!
Wala! Hindi mo makakasuhan sa Korte Suprema! Wit! Kahit anong gawin mo, kung talagang iiwanan ka nya, iiwanan at iiwanan ka. At kesehodang itapon at ibasura mo pa lahat ng teddy bears at panty mo, maeexcess at ma eexcess baggage ka pa din. At wala ring pakialam ang mundo kung pagod ka na!

Kaya wala ka na ring magagawa talaga... kundi ang umasa. Maniwalang may karma, may Diyos and somehow, in the grander scheme of things, lahat ng paghihirap at pageemote mo, someday soon, may pupuntahan. Na may cosmic accounting na tinatawag... na may tadhana... na may arrow with a heart pierced through it... Na may suspension of disbelief... na may happy ending... na may Anthony...

Na merong 'That Thing Called...

ASANESS!

Mabuhay ang mga umiibig, nasaktan, patuloy umiibig, nagpapakatanga, nagpapakabitter, at naniniwala pa rin at umiibig pa rin ulit!

Mabuhay ang mga ASANESS!






No comments: