Tuesday, February 17, 2015

That Thing Called .... ASANESS

Hindi ito movie review.

More like, knee-jerk reaction.

More like MeMa

So yun... Where do broken hearts go ba talaga tita Whitney?


If there is one thing, this movie has elicited so much reaction from so many people. Polarized opinions that is. Isa lang siguro ako sa maraming nagbigay at magbibigay pa ng kumento tungkol sa pelikula. Mula sa technical details ng film making, to the very personal and what-nots. Merong sobrang thesis statement ang peg makareact meron din namang MeMa - Maganda - Pangit - ganun. So I'm getting into the fray and throwing my own, well, reaction to the film. More like - reflections.



Suspension of disbelief

Sa panunood ng sine, o kahit pagbabasa o pagsunod ng kwento, meron tayong tinatawag na believability. Kahit pa sabihin nating 'magic realist' o 'fantasy' ang tema, meron pa rin tayong mga pinanghahawakang 'realidad' at kailangan, naka-anchor dun sa realidad na yun somehow ang takbo ng narrative ng storya. So yun nga, itong suspension of disbelief ay stretched na stretched sa pelikulang ito. Hindi ko na siguro kailangan ikwento ng buong buo ang storya ng pelikula kasi alam ko naman napanuod nyo na, nabasa somewhere, or if not, binabalak pa lang panoorin, so walang spoilers, pero alam mo yung feeling na... WEH?

Unang-una, the opening frames tell of a story of an arrow with a heart pierced through it. Parang mali. Parang baligtad ata. Parang - weh! May heart ba na consciously ay sya ang magpipierce through an arrow? Wait lang...

Tapos ang unang dilemma, kailangan magbawas ng luggage ni Mace kasi excess nga sya so yun, pinagtatatapon nya sa basurahan ang mga... ahmmm... panty... at teddy bear. Like... ahmmm... sobrang bigat nyang mga bagay na yan teh! And then later on, ang eksena ay maglalalagalag sila ni Anthony bitbit ang mga maleta nya sa Baguio at sa Sagada! Teh! Wala kang pambayad sa excess baggage pero may pang rampa ka! WEH?

O so yun na. Nung nasa Pinas na sila, yun nga, bigla na lang naisipan nilang dalawa na maglagalag nga kung saan saan. TO, you know, find where do broken hearts go nga ba talaga? WOW! Wala silang mga kaibigan, kamag-anak, kachika and everything na kailangan makaalam na nasa Pilipinas na sila at naisipang maglalalandi all over. WEH? At wala rin silang mga trabaho etc etc.

Sobrang intense ng moment na nakalimutan nilang pwede naman iwanan sa hotel, o sa baggage counter ang maleta so parang chararat lang na dala dala nila yun. Like I said, kung may panglagalag sila, I'm sure, magkano lang ang hostel na pwedeng paglagyan nun.

SO yun, at may drama silang matutulog sa labas under the stars in Sagada. Hello Hypothermia? WEH? 

At may chenelyn na kapag na mention ang ex ay magbabayad ng 100 pesosesosesosesoses! WEH? Buong pelikula, yun ang point! Ang pag usapan ang ex!




That Thing Called Asaness...

So yun na nga. Pero naisip ko, ano ba ang implication ng pelikulang ito? Well simple lang. Tinuturuan tayong maging mga ASANESS lahat! Asaness kasi sa tutoo lang...

Walang Anthony na magsasalba sa atin sa mga excess baggages natin sa buhay. Malamang lamang, ang mangyayari, drug courier ang peg natin pag ganun. Hello kakilabot kaya yung ganung chenever! One time, minadali kong umuwi from Jakarta for Christmas. Nag excess baggage ako at pagbabayarin ng 30Million Rupiah! Wala! Walang Anthony na nagoffer na ilagay ang trench coat ko sa bagahe nya at ibigay ang free luggage allowance nya for me. Kasi sa tutoo lang, lahat tayo, may excess baggage! Kung hindi ako nagthreaten na isusuot ko lahat ng kaya kong isuot sa mga dala dalahan ko, at nagsabing - well this feels like extortion. I absolutely have no extra cash left and I just want to go home for Christmas, saka pa lang ako kinausap ng manager na gagawan daw nya ng paraan. In short - tayo ang magsusolve ng problema natin. Tayo ang magbibitbit ng excess baggages natin at minsan, kailangan natin talagang ibasura ang mga bagay bagay - more than just our panties!

Walang Anthony na magququote ng mga Philosophical at Literary lines sa atin. Walang sasama sa atin sa Baguio at sa Sagada para lang chumenever sa kadramahang pinagdadaanan natin. Malamang sa malamang sasabihan lang tayo ng mga friends natin na 'MOVE ON!' Ganun! May mga pasok sila, may mga bayarin at may mga sariling shit sa buhay. Oo, pwedeng may sumama sa atin magkape saglit. Sa weekend, mga ganun! Pero sa true lang, wit! May expiration date ang pagdadrama sa mundong ito. Walang sasama sa yo para chumeneschenes lang sa Sagada! Kailangan mong umayos, now na! No one can stand a sob story!

At kumusta naman ang rebound? Sa tutoo lang, ang magkakainteres lang at magkakapanahon na samasamahan ka sa kaletchehan mong pagdradrama ay ang mga may ulterior motives. At malamang sa malamang, kawawa sa bandang huli si Anthony. Rebound ang peg. VulcaSeal. Well come to think of it, yung last ko, medyo ganun. Red flag dapat na malimit nyang sinasabi o kinukwento sa akina ng ex nya! Eh ako si tanga. Reassure na hindi mangyayari ang ganun sa atin - na iba ako sa ex mo. Ang jending, waley! Iniwanan nya rin ako kasi siguro hindi pa nga sya nakapag-move on and all that shit.

Tanong ni Anthony, bakit ba daw ang hilig hilig ng mga mayayamang babaeng kagaya ni Mace na hanapin ang mga sarili nila sa Baguio?

Hindi ko rin alam. Hindi ako mayaman at mas lalong hindi ako babae. At ang scary lang n'yang paghahanap sa sarili. Eh kung bigla mo nga makasalubong ang sarili mo sa Diplomat Hotel? OMG! ISKEYRI! Kaya never kong hinahanap ang sarili ko! WITIT!




Where Nga Ba Talaga?

Yun nga, in the end, pinagmumukha tayong mga tanga! Yun ang point. Kasi katangahan naman talaga ang umibig ng bonggang bongga. Tuturuan tayong either maging jaded, o maging asaness. Kasi nga, yun yon eh.  Nagiging mas Hopia tuloy tayo, mas nganga, mas asaness... hintay ng hintay kay Anthony, o hanap ng hanap kay Tyang Whitney at kung where nga ba talaga ang letcheng pinupuntahan ng mg broken hearts na yan.

At sa tutoo lang... wala naman talaga tayong choice sa huli eh. Walang guarantees ang pag-ibig. Walang guarantee that it is fit for use for our purposes at wala ring guarantee that it is free from defect! Hindi ito consumer's code! Walang Magna Carta for the Protection Against Wrongful Love!
Wala! Hindi mo makakasuhan sa Korte Suprema! Wit! Kahit anong gawin mo, kung talagang iiwanan ka nya, iiwanan at iiwanan ka. At kesehodang itapon at ibasura mo pa lahat ng teddy bears at panty mo, maeexcess at ma eexcess baggage ka pa din. At wala ring pakialam ang mundo kung pagod ka na!

Kaya wala ka na ring magagawa talaga... kundi ang umasa. Maniwalang may karma, may Diyos and somehow, in the grander scheme of things, lahat ng paghihirap at pageemote mo, someday soon, may pupuntahan. Na may cosmic accounting na tinatawag... na may tadhana... na may arrow with a heart pierced through it... Na may suspension of disbelief... na may happy ending... na may Anthony...

Na merong 'That Thing Called...

ASANESS!

Mabuhay ang mga umiibig, nasaktan, patuloy umiibig, nagpapakatanga, nagpapakabitter, at naniniwala pa rin at umiibig pa rin ulit!

Mabuhay ang mga ASANESS!






Monday, February 16, 2015

Love is Lovelier

Lunes

Nagpapahinga lang ako sa bahay. Nagbabasa-basa ng kung anu-ano. Kakalabas ko lang sa Ospital at Doctor's Orders ang at least 3 days full rest. Wag muna daw akong magpakapagod at pumasok sa work. Sa tutoo lang, hindi naman ako talaga masyadong nakapagpahinga sa ospital. Maya-maya kang ginagambala ng nurses, tinuturukan ng kung anu-ano, kinukuhanan ng dugo, pinapainom ng gamot, kinukunan ng Vital Signs etc etc etc, so I welcomed the rest orders.

Tunog ng tunog ang cellphone ko sunod sunod. Puro text messages.

"Asan ka friend? I really need to talk to you."

"Nasa Ospital ka pa ba? Pasensya na but I'm really confused I need to talk to you."

"Papunta na akong ospital, anong room number ka nga ulit.?"

Hindi ako makareply. Redirected ang cellphone ko at yun lang ang kaisa-isang number ko, Hindi ko pa kasi nababayaran ang bill dahil nga naospital nga ako at balak ko naman bayaran siguro bukas so hindi ako makapagreply. Mabuti tumawag.

"Hello. my name is Brendan! How may I help you today?"





Si J. Kaibigan ko. Matagal na. So yun. Sinabi ko na nasa bahay lang ako nagpapahinga. Kailangan daw nya akong makausap. Syempre ako naman nagworry. Ano ba kasi yun? Basta daw. Dadaanan nya raw ako sa bahay. Magbihis na daw ako. Magkakape kami. Eh syempre ako naman, madaling kausap at basta kailangan ng kaibigan I will be there. Isa pa, hindi nga rin naman ako muna papasok sa work kaya wide open ang schedule ko. I haven't had coffee din naman with J for a long time, at one week din ako sa ospital. So yun. Nagbihis ako. After 30 minutes, dumating na si J. Sakay na ako sa kotse nya. Saan ba daw? Sabi ko, ikaw, saan ba? Sabi magkape daw may ikukunsulta lang sya. So yun. Go! Kape!

Nung nasa coffee shop na kami, medyo maingay. Na self conscious sya at medyo hindi conducive mag usap dun. Sabi ko, road trip na lang kami. Bumili kami ng chips and soda. Gaya ng nakagawian naming wala lang. Magdadrayb lang papunta sa kung saan, usap, hihinto sa gilid ng plaza na maliwanag, usap usap ganun. Nanotice ko na balisang balisa sya. Inaantay ko lang na sya magstart kung ano ang problema. Hinayaan ko lang ang pacing nya. Drayb lang. Tumunog ang cellphone nya.

"Hello! K! Wait lang, I'm with my best friend. I just want to talk to him muna. I will call you later okay?" Tinigil nya sa gilid ang sasakyan. Buntong-hininga at sobrang lalim na hugot na paghinga. Alam ko na agad. Si K! Si K na sobrang minahal nya. Si K na hindi mawala wala sa buhay nya. Si K! Ang ex nya na nagdedefine ng pagkalaki laking EX! The one that got away! So yun, alam ko na agad ang problema.




"J, akina ang susi. Ako na magdadrayb. You look distracted. Mahirap na. Gabi na at hindi masyadong mailaw ang daanan." "No, Luis ako na. I will focus. Yung right wrist mo, hindi pa magaling yan. Di ba jan pinadaan ang tube for your Coronary Angiogram? Eh nanghihina pa yan at masakit sabi mo di ba?" "Hindi naman natin bibiglain ang kabig at kambyo eh. Chill lang tayo, right? Kesa naman sa yo na distracted di ba? At nang makapagkwento ka freely. Sige na. Ako na magdadrayb. Besides, I miss driving din." Pumayag na rin sya at palit kami ng pwesto. Hinayaan ko lang sya magsimula. Drayb lang ng drayb. And after a while, he started.

"Si K kasi, Luis."

I thought so! Alam ko na! Nakikipagbalikan si K. At syempre nga, itong si J, too weak to resist. The One That Got Away nga di ba? Natawa ako sa sarili ko.

"Alam mo J, thank you! Sa dinamidami ng mga kaibigan natin ako talaga? Ako talaga na pinakatanga at pinakabobo pagdating sa ganyang usapin? Ako talaga na hindi makuha-kuhang magkaroon ng disente at pangmatagalang relasyon? Ako talaga na bitter bitteran at emote-emotan? At ako talaga  na hindi naniniwala sa letcheng 'somewhere down the road' na yan! Ako talaga na hindi naniniwala sa letcheng second chances. Kaloka ka!"

"Kaya nga ikaw eh! Ikaw na pinakabitch. Ikaw na pinakaderetso at prangka! Ikaw na alam kong hindi ako eetchusin sa sasabihin. Ikaw na out of the box! Ikaw na laging nandyan. At tigilan ako sa press release na bitter! If I know! Ikaw ang pinakahard core hopeless romantic shmuck na kilala ko sa buong mundo at kahit pa impyerno at sampu ang pinagdaanan mo, naniniwala ka pa rin sa letcheng pag-ibig na yan!"

Natahimik ako. May point sya.

So yun nga. Nakikipagbalikan nga si K sa kanya. Hinayaan ko lang magkwento si J. Kung paanong sa dami na nang nagdaang mga pag-iibigan at pagsusugal sa iba't-ibang mga kapareha, hindi pa rin nila makuhang magkalimutan. Kung papaanong ilang palit na ng numero, ilang 'pagkawala' na. nahahanap pa rin nila ang isa't isa. At nagkakaugnayan pa din silang dalawa.

Napangiti ako. Naaalala ko. Meron din akong ganun. Yung tipong inisip ko na if we can't get rid of each other, then maybe, there must be something about us that's hardier than you or me. Yung ganung shit! Yung kahit lima, pito, sampung taon ang mamagitan, nahahanap at nahahanap pa rin namin ang isa't isa. Ang pinagkaiba lang, yung sa akin, wala na. Ako na talaga ang nagtapos sa lahat ng posibilidad. Ayoko nang maging pabitin sa ere at maging Hopiang Munggo. It's a loss, too bad. Ganun. Nakarelate ako at naintindihan ko. I was there for J the whole time. Hay!

"So, what do you think, Luis?" tanong ni J.

"Kilala mo ko. I don't believe in second chances. I do not even make friends with my exes. I cut clean.With surgical precision. I'm a pyromaniac! I burn bridges! You know that!"

"Kaya nga eh! Kaya nga ikaw ang gusto kong kausapin about it. Naguguluhan ako! I honestly believe na nagbago na nga talaga kaming pareho! Ramdam ko Luis. Andun pa din yung pagmamahal. Ewan ko! I'm so confused!"

"J, ikaw lang talaga ang makakasagot ng tanong mo na yan. Ikaw talaga ang magdedecide nyan. Handa ka bang masaktan ulit ng bonggangbongga to the max raised to the nth power?"

Buntong-hininga.

"Alam mo, hindi talaga ako naniniwala sa ganyan, pero ako yun. Iba naman ikaw. I want you to be happy. If there is something I believe in, it's that, for a shot at happiness, everything is worth it. Alam ko madami na tayong panlalait sa kagaguhan ng K na yun, pero kung talagang mahal nyo pa ang isa't isa, eh ganun eh. May tanong lang ako. Sa tingin mo ba, kaya mo syang mahalin for a fresh new reason? Yung hindi glow na galing lang sa past?"

"Yun na nga yun Luis eh. Hindi ko kasi ma associate sa past itong kung anong meron kami. Parang nag evolve sya. Nag mutate. In a good way. Parang walang bearing ang past. Parang mahal ko sya in a brand new fresh way. You know what I'm saying?"

Ngumiti na lang ako. Huminto kami sa gilid ng Miag-ao Church Plaza. Usap usap. Balitaan kulitan. Time out muna kay K. Inurirat nya ang buhay pag-ibig ko, na as if, hindi sya updated. Pinagtawanan namin si Behbeh. Kinalokahan namin si Dark Chocolate, at binuyo-buyo nya ako kay Katorse. Ay naku!

"See? Ako na ang pinakatanga pagdating dyan. Hindi ko alam sa yo ba't ka sa akin humihingi ng advise eh ni hindi ko nga alam anong gagawin sa sarili kong kaletchehan sa pag-ibig na yan eh!"

"Luis, pahug!"

Yakap ng mahigpit! Hay! Pag-ibig nga naman talaga.

"Pahiram ng phone mo. May kailangan akong replyan. Redirected ako eh. Saka, iihi lang ako dun sa may medyo madilim na part."

Inabot nya ang cellphone nya. Hinanap ko yung number na gusto kong tawagan. Pagbalik ko, nagyaya na akong bumalik ng city.

"Tara, baka wala nang tao sa coffeshop. I need coffee J."

"Sige, let's go. Hayaan na natin si K muna! Hay!"

Smile.

"Luis, thank you."

"Walang anuman J. Go! Whatever your decision is, I'm all for it. Andito lang ako lagi for you! As I have always been!"



"Akala ko ba hindi ka naniwala sa balikan eksena."

"Kaibigan mo ako. Para sa yo, maniniwala ako sa gusto mong paniwalaan ko. Kung ayaw mo na talaga, sabihin mo. Baka may maisip pa tayong mas matinding way para matapos na yang kagaguhan mo."

Medyo sumeryoso ng konti ang mukha nya.

"Pero kung gusto mong balikan si K, Go! Push! Cheer leader-leader ako! Maniniwala ako for your sake! I want you to be happy! Magkaiba tayo. Malay mo. Mas maswerte ka sa second chances na yan kesa sa akin. Baka ako lang naman talaga kasi ang malas sa putang inang pag-ibig na yan! At kung palpak ulit yan, aba'y expertise natin yan!"

Sabay kaming bumigkas!

"I-DABDA na YAN!"

Hahahahaha.

Pagkapark sa Coffee Shop, tinignan ko si J, Kalmado lang. Lakad lang papunta sa paborito naming mesa. Bigla nya akong hinawakan sa kamay ng mahigpit.

"Luis! Shit! Si K!"

Smile lang ako.

"So? Ano? Tuloy ba tayo o back-out?" Huminto ako sandali sa paglalakad para bigyan sya ng chance magdecide.

"Luis... I want to... eh pero... ikaw?"

"Gaga, may pangtaxi ako! Bukas, next day, sa weekend, next week. We have all the time and chance no! Ano ka ba!"

Yumakap ng mahigpit sa akin si J.

"GO! Reach out for your happiness! Cheerleader-leader ako! PUSH!"

Nagsimulang humakbang papuntang coffeeshop si J. Binalik ko sa kanya yung car keys nya. Nilingon nya ako.

"GO! I'm proud of you!" Smile.



Pinagmasdan ko sya habang inayos-ayos ang sarili. Out of the corner of my eyes, I saw K sa mesa namin. Ngumiti nang pagkatamis tamis nung nakita nya si J. Hinanap nya kung nasaan ako. I saw him look at me. Sinenyasan ko ng rakenrol! Make my friend happy tangina ka!

Ako na ang pakialamero. Ako na ang tumawag at nag set-up na pumunta sya dun para magkita sila.
Ako na ang putanginampakshet na hindi naniniwala sa second chances, pero para sa kaibigan ko, maniniwala ako. Ako na ang letchenghinayupak na hopeless romantic shmuck!

At ako na ang magtataxi pauwi!

PAKI-EXPLAIN



Para Kay Behbeh:

Dear Behbeh,

Hello! Kumusta naman ang puso? Hihihi. Idadaan ko sa sulat na ito sa aking blog ang gusto kong sabihin sa yo! As if hindi tayo nag-uusap araw-araw eh no? Ganito kasi yun! Gusto kong mag explain. Kilala mo naman ako, Ayaw na ayaw ko talaga ang nageexplain. Kahit mga tula ko ayaw na ayaw kong ineexplain. Para sa akin kasi, napaka-exercise in futility sya. Kung ano ang pagkakaintindi mo, yun na yon. Maliwanag naman ang lahat eh. Kung may mga tanong ka, sinasagot ko naman sa abot ng aking makakaya. Kaya ayoko talagang mag-explain.

Kanina kasi, habang nagkakape-kape ako at kinakain-kain yung pinabili mong Krispy Kreme sa kaibigan mo, na sobrang thank you at late kasi malandi ang friend mo at inuna nyang magdate muna kahapon bago ako bilhan ng pinapabigay mo (Charing lang), chinat ako ng isa mong friend. Bestfriend mo daw sya. Ayun. Inaward nya ako, winarla nya ako at lahat lahat kasi nga, bad daw ako, pinapaasa daw kita, pa-fall, pa hard to get daw ako, and *gasp* manloloko! Niloloko daw kita. Parang gusto ko matawa at gaya ng sabi ko, ayoko nga iexplain ang sarili ko sa kanya kasi heller, bakit nga ba? Wala kaya sya sa lugar magkukuda at maghahanash ng ganun.

Pero habang pauwi ako, syempre, hindi naman makapal ang mukha ko, napag-isip isip ako kaya ito na nga, nageexplain nga ako. Hindi sa friend mo pero sa yo. Medyo mahaba-haba ito kasi nga baka makalimutan ko pag nag-usap tayo, at lagi namang nagiging outlet ko ang pagsusulat kaya ito na. Ieexplain ko na.



Una sa lahat, salamat. Ako na! Ako na ang gwapo at hot at hinahabol-habol (KAPAL!). Sobrang nakaka ego-trip specials na may isang taong naghahabol at nagkakagusto sa 'yo. Nakaka-salve sya ng pagkabitter-bitteran and evrathing! Nakakaboost sya ng morale at nakakagood vibes. Sa tutoo lang, gusto ko! Kung gusto lang ang pag-uusapan aba oo naman, gusto! Sino ba naman ang ayaw na may nagmamahal, may mamahalin, mangarap at bubuo nga mga bukas kasama ng taong nagpapahalaga sa yo di ba? GUSTO! Kaso hindi ganun ka simple yun eh. Kaya nga ako nageexplain kung bakit di ba?

Sa tutoo lang, medyo true yung sinabi ni best friend mo. Kahit ano pang sabihin natin, ganun ang lumalabas talaga. Na paasa ako, pa fall, pa hard to get. Alam mo, sana hindi nangyari ang mga nangyari sa akin bago kita nakilala. Nakakainis mang isipin, at ayoko mang gamitin yun bilang rason, ang tutoo, isang malaking bahagi talaga ang mga karanasan ng isang tao sa kung ano sya ngayon di ba? So yun. Hindi kita sinisisi. Wala ka namang kaalam alam at ka parti-partisipasyon dun sa mga kaletchehan sa buhay ko before you di ba? Kaso ganun yun eh. Natuto ako. Natuto akong magduda. Natuto akong matakaot. Alam ko hindi permanenteng ganun at lalabas at lalabas pa rin ang natural na ako, na mapagmahal at mapagtiwala, kaso, sa ngayon eh hindi eh. So yun, Ganun.



Isa pa, gusto kong makilala mo talaga ako. Gusto ko, pag sinasabi mong gusto mo ko, andun ka sa pinanggagalingan na nakita mo ang lahat lahat sa akin. Yung nakikita mo lang kasi, yung magagandang bagay sa akin. Yung mga bagay na ikamamahal. Hindi mo pa naranasan ang mga kasumpa-sumpang mga episode sa akin. Nakita mo lang na masipag ako at maraming ginagawa sa buhay. Hindi mo pa nakikita kung gaano ako ka tamad at pabaya. Nakita mo lang siguro na maayos ako manamit at mag-alaga sa sarili. Hindi mo pa nakikita ang mga dugyot no ligo for three days moment ko. Nakita mo lang na matalino ako at conversant. Hindi mo pa nararanasan ang mga bugnot moments ko na napaka-hard-headed at stubborn ako kahit alam ko mali. Nakita mo lang ang pagiging flexible at keribelles ko, hindi mo pa nararanasan ang mga bleakosities at mga very clingy moments ko na napakaimposible kong pakisamahan. Yung mga ganun! Yung mga dark side ko! Gusto ko, pag sinasabi mong gusto mo ko, yung total na ako. Yung kasama yung masasamang ugali ko, included but not limited to, na hindi ako nagtututbras, at kapag nagsusulat ako at tinatamad bumangon o umalis sa harap ng PC ay umiihi ako sa bote. EWWWWW!



Pangatlong explain, behbeh, anlaki-laki ng mundo. Anlaki-laki ng mundo mo at anlaki-laki ng mundo ko. Andami-daming kailangan gawin at umpisahan at tapusin. Inaamin ko, sa puntong ito, nasa gitna ako ng pagkarami-raming bagay bagay. Ikaw din naman. Pwede namang pagsabayin, Oo naman! Pwedeng pwede. Kahit nung last time din namana akong nainlab at naloka ay ganun din naman eh. Ganung sitwasyon din naman. Wala naman talagang perfect timing para mainlab. Pero yun  ang pinagkaiba. Hindi kasi ako inlab sa yo. Siguro inlab ako sa thought na pwede akong mainlab sa yo, kaya ito yung pangatlong explain. Sorry kasi, pinapaasa kita. Sorry kasi pinaghihintay kita kasi ako din kasi, gusto ko rin maranasan na bukas, ay shit, mahal na kita, at magsisimula na ang nakakalokang kagaguhan ko sa mundo, na hihinto na ang pag-ikot at wala na akong ibang rason kundi ikaw at ang isiping makasama ka. Kaya yun. Mali ako dun.

Hindi ako masamang tao. Alam ko kung paanong masaktan at ayaw na ayaw ko ang makasakit kaya nga siguro ako nag eexplain ngayon. Napagdaanan ko at alam na alam ko yung ganung shit. Alam mo, tama si bestfriend. Maswerte ka may ganyan kang kaibigan na handang handang makipagwarlahan para sa yo. Ingatan mo si bestfriend. Minsan ka lang nakakahanap ng ganyang klaseng tao sa buhay!

So, nasaan na ba tayo? Hindi ko alam. Hindi ko masagot. Ewan ko. Basta yun. Gusto ko lang mag explain. Sa tutoo lang, ayaw ko nang mag-isip. Isa pa yan sa mga inaakusa sa akin. I overthink a lot. Liban pa dun sa I 'overfeel' a lot. SO yun, hindi ko na alam. Hindi ko na kayang sagutin kung asan na ba at ano na ba! Basta ang gusto ko lang ay mag-explain at mag sorry sa yo. I am so Confucius! CHARAUGHTTE!





Ang gulo no? Ewan. Hindi ko alam na ano next. Hay. So yun. Salamat. Sorry.

Baka may idea ka. Baka alam mo kung anong gawin natin next. Share mo naman sa akin.

Love,

Luis Paasa

Sunday, February 1, 2015

Pasok sa Jar - The Top 10 List

HELLER!

As usual, hindi na naman napanindigan ang pangakong magbabalik-loob sa blogspot! Kasi, kasi, kasi! Well, hindi na ako mageexplain, labyu!

Ayun, dahil Sunday at dahil rest day ko, yes rest day - wag naman day-off napaka-very very chimini-ah-ah-ish naman ng day-off, so yun rest day. Nakipagchikahan ako sa mga friendships ko. At dahil unang araw ng Pebrero, ano pa nga ba THE DEADLINE!

So yun! Dahil ako nga ay single ulit, at dahil isyu yun sa mga mahadera kong mga kaibigan, ako ang napagdiskitahan! Kasi nga daw, ang arte-arte ko! Kesyo ang taas taas daw ng standards ko! Kesyo pihikan ako! Kesyo andali-dali ko daw maturn-off. Excuse me! Mukhang yung mga naging ex ko yata ang dinidescribe nyo at hindi ako. Oh so ganun na nga - at dahil dun, nabuyo ako ng mga hitad na magsulat ng Top Ten List! The Pasok sa Jar Edition.

Sa tutoo lang, dapat kasi Top Ten List ito ng mga kung ano ang kinaliligwak ng mga possible chorva. o yung mga pet peeves ko. Pero dahil ako ay Customer Service Rep, dapat positive scripting daw tayey, kaya instead Top Ten ng Mga Signs and Symptoms na Pasok ka sa Jar ni Batchoy!

In other words - namumuro ka na! At pwede mo nang ma Bingo ang matamis na OO ng basagan at luhaang puso ng makatang itey! CHARAUGHTTE LANG!

Syempre dapat non-physical kasi heller, alam na ng madlang universe na bisexual ako at alam na nilang lahat na pag sa lalaki, ayoko ng straight, at mahilig ako sa chubby, singkit, matangkad, maputi, slightly mabalahibo, maganda at bilugan ang binti, and all that jazz. At kung girl naman, mahilig ako sa fuss-free no make up, maganda ang lips, maganda ang mata, malaki ang boobs, (sahreh naman) slightly mas matangkad ako dapat sa kanya, maganda ang smile, at medyo morena. So wit na yang mga yan. Dun daw tayo sa mga non-physical aspects.

So without further ado, itey na! Ang Top 10 Pasok sa Banga List ng Batchoy! In no particular order:

CHARMELLE! BUKSAN NA!


#10

Artsy-Fartsy Ek


Music lover ka? Nagdodrowing? Struggling Indie Artist? Tumiteatro? Or may nakatago ka lang skills in the arts na hindi mo inilalabas-labas at cloistered shit ang drama? Malamang sa malamang, teh! Mabebet kita at nakakadagdag yan sya ng mga 10,000,000 Pasok sa Jar points sa yo! Yung tortured soul shit! Mga ganun ganung drama! At mas na kapag nacomplement ng shit mo ang mga poems shit ko sa buhay jusko! Mangangarap na ako kung paano tayong mabubuhay na nagdidildil ng asin at umaasa sa shit nating mga art para mabuhay, samantalang inuulam ang letcheng pag-ibig na syang nagka-catapult sa atin sa ating mga sariling artistic greatness! CHARAUGHTTE LANG! Wiz ko bet ang mamatay na dilat sa gutom, pero how bohemian romantic shit daba? So yun! Bet ni Batchoy ang artistic shit kaya hashtag alam na!

#9  

Humor-pa-more Amore!


Kung pasok sa akin ang humor mo kahit nakakairita at jologs! Alam na this! Ewan ko ba! Malapit sa puso ko ang humor bones ko! I remember an ex. Sobrang waley na nakakairita mag-joke pero hindi ko alam kung bakit! Napapatawa nya ako at bet na bet ko ang mga kakornihan nyang jokes na nakakainsulto sa aking intelligence, pero natutuwa ako! Kaloka da ba? Pero tested and proven! Pag nahuli mo ang humor ko, malamang sa malamang, lyamado ka neng! Pakak na pakak ka jan! Swak ka sa Jar ng Batchoy! Hindi ko rin alam kung paano o anong pormula, pero basta! Trademark ng mga nakakainlaban ko yang shit na yan! They are all able to make me laugh - and of course, make me cry like hell in the end. Yun nga ang shit dun eh. Pero ganun! Basta! If I find myself laughing at your silly jokes at pagbentang benta sakin ang humor mo, malamang teh! Pasok sa Jar!




KAINAN NA!

#8 

Pick my brains

Hindi naman kailangang MENSA levels teh! Hindi naman kailangang mala-thesis defense or argumentation and debate ang leveling ng usapan teh, ayoko naman ng ganun. Pero kung naeengage mo ko ako sa usapan, at nakakapag-kape ako ng bonggang bongga pag kasama kita, malamang, bukas I love you na! Hindi naman kasi kailangan super-mega-duper opinionated ka to the Political Analyst o Commentator level. Yung tipong nachachallenge ang mga brain cells ko at naeengage ako sa usapan, kahit hindi naman intelektwal ang pinag-uusapan, keribam na! Mas maganda nga yung diverse ang topics natin. Masaya din yung marunong mag open ng topic. Yung ever slightly, kahit hindi ko bet, ay nakakahanap ng hook para mag-usap at madala sa lebel ng diskusyon ang topic kahit pa ang original na pinagmulan ay ang letcheng dambuhalang cake sa Dong-Yan Wedding. Yung mga ganun! Tapos yung may mga witty na sundot na mapapa-epiphany ako! Yung nakakasabay ako sa kahit anong topic nya at nasasabayan nya ang mga topics ko, yung ganun! YUNG RARE NA TRAIT na ganun! Bet na bet ko din, over and above a good conversationalist, is a good listener! Yung kayang irecapitulate ang gist ng mga nasabi ko na. Ayoko naman sa paintelektwal na condescending, kasi in fairness, hindi naman ako nag-gaganun! Basta, if I look forward to speaking with you again, alam na yan! In fact, most of my successful dates started out with long lengthy engaging and pleasurable discussions. Discussions teh, hindi arguments. Yung tipong I will not notice the time at hindi yung, after a few exchanges magsasabi na lang ako na, 'tara pahinga na tayo! Check in na lang?'
Yung ganun! Intellectual orgasm! Seriously, nauuna ang utak ko mainlab kesa sa puso ko at mas nauunang labasan ang utak ko kesa kay Luisito ko!


# 7 

Nocturnal

Medyo shallow sa unang tingin pero in the long run, malaking factor ito. Nocturnal ako, at hindi ko bet ang niyayayang mag breakfast or mag morning walk along the beach. Malamang sa malamang maiimbyernakels ako pag ganun! Well, hindi naman kailangan ma match ang kanocturnalan ko kasi sa true lang, bisyo ko ang paunahing matulog ang partner at pagmasdan lang at pakinggan ang kanyang mga mamusikang snores habang tulog sya sa mga bisig ko! Cinematic movie scene shit ba!
Pero seriously, medyo hirap ako sumabay pag morning person ang partner. Feeling ko, in the end, hindi ako masyadong makapag-participate sa buhay nya kasi nga, magkaiba kami ng time-zone! Yung dramang super cheery morning sunny-sunshine shit sya tapos ako bangag bangag pa sa kulang sa tulog. It does factor a lot nga for me. Lalo na yung mga aktibidades na gusto kong gawin ay nocturnal din in nature. Well ibang usapan naman na yan kung halimbawang out of town trip na mga week-ender shit na ganun. Pwede naman na yun. Wag lang araw araw na ginawa ng Diyos, ay umagang tao sya samantalang ako ay tulog, at pag gising ako , waley na sya sa buhay. Yung ganung factor!




WIT MASHOKOT! MAKIBEKI!

#6

Maadbokasiya

Don't get me wrong! Hindi ko sinasabi na kailangang tibak sya! Hindi nya kailangan mag-rally enevrathing! Ayoko din sa *shivers* vulgar Marxist! Ayoko in fact sa *ist at *isms. Ang gusto ko lang, may adbokasiyang tao! Gusto ko lang may ginagawa sya sa buhay na ipinaglalaban nya. Gusto ko lang may nirerepresenta syang repressed, oppressed at marginalized! Gusto ko lang ang may vision for a better world. Yung may cause. Yung ganun teh! Hindi kailangang lider sya na dumadalo sa mga kung saan saang komperensya sa buong mundo (but not bad). Gusto ko lang in other words ng taong may paki - yung hindi DedMadela! Yung may pusong civic at advocate. Ganun! Kasi maadbokasiya din akong tao. Hindi naman kailangang magkapareho kami ng advocacies pero kung oo, ay eh di why not! Masaya di ba! Gusto ko may pinaglalaban sya at gusto kong ipaglaban nya ang aming karapatang magmahalan! CHAROZ LUCOS! Basta yun! Ayoko sa wapakels sa lipunan teh! Yung may socio-civic consciousness! Bengga ka sa akin pag ganun! Pasok sa Jar!

#5

Touchy touch touch

I'm a very tactile and touchy person. I often communicate with a lot of touch. Pasok ka sa jar kung touchy person ka! Bonus kung out ka at hindi takot sa PDA. Hindi ko naman sinasabing maglalaplapan tayey sa loob ng Manila Cathedral habang may hawak na Placard na LOVE KNOWS NO GENDER! Ligwak yun teh! Hindi naman kailangangan magchukchakchenes sa MRT - (pero hmmmmm exciting!) CHAUZE LANG! But you get my point. Mahilig ako sa physical stimulus. Pag gusto kita, hindi ko maiwasang hawakan ka, hipuan, yakapin, and... ganern! Hahahaha! And I enjoy receiving the same attention, so ayan, give-away na yan ha! If you date me and I allow you to touch me, or I touch you frequently, alam na this! Hehehehe. Special highlight on being OUT. Ang hirap hirap kaya magkajowa ng closet. basta mahirap sya. Yun na yun. Pag ako nagmamahal, hindi ko tinatago dahil what's the point! Ang kakisigan ko ay ineexpose, so bakit mo ko tinatago sa baul! Hindi ako naging out para lang jowain at gawing Yamashita Treasure no! Revel in the light! Ganern!


Fly me to the Moon


#4

Wanderlust Lagalag

Hindi naman kailangang Dora the Explorer ang leveling o mga Relic Hunter na peg! Yung may sense of Adventure lang okay na! Mas masaya kung mahilig sya maglakad. Kasi mahilig talaga ako maglakad! Bet na bet na bet na bet ko yung naglalakad ng hapon o early night time tapos nag-uusap lang kayo habang HHWW. Diba? Three birds in one stone? Yung ganern! Yun nga, yung may sense of adventure! Masaya yun! Yung hindi OC sa travel plans. Traveller nga naman, tapos super mega-duper orteh naman, na kesyo makati ang sheets, maliit ang banyo, hindi nasa tamang direksyon ang windows and all that jazz! Bonus na din kung inaallow nya na ako ang umupo sa window side seat! Hehehehe actually, pinagpapatayan ko tong window side seat na to! Hahahahaha! Mahilig ako mag travel. Out of nowhere, kahit mag-isa lang ako. Kaya alam na this ng mga kaibigan ko pag may nabalitaan silang kasama ko bumiyahe somewhere somewhere, hindi ako nakakapagdeny. Travel is sacred to me, and I do most of my travelling alone. Mas gusto ko yun kesa magkaroon ng super shit na traveling companion, kahit sya pa nagbayad ng buong trip. Kaya pag naiisip ko o niyaya kitang magtravel, kahit sa kabilang bundok lang ng tralala, aba, alam na this! Lab na kita! Pasok ka sa Jar!

#3

The Movies

Hindi ko bet makipagdate sa sinehan. Gaya ng pagtatravel, sacred sa akin ang theater watching and movie going. Kung ang point lang naman ay makipaglampungan sa dilim, aba check in na itey. Wag sa sinehan dear. Kaya kung niyayaya kitang magsine, isa lang ang ibig sabihin nun! Swak ka sa Jar! I am trusting you enough to share that sacred space of movie viewing, trusting that you'd just hold my hand and let me lay my head on your shoulders or chest, or vice-versa. Kaya ligwak ang mga malilibog na nagnininja moves sa sinehan sakin. Prangkahin mo ko, mas mura mag 3 hours kesa mag movie, please lang! SO yun. It goes without saying na Swak sa Jar ang may appreciation sa film. Hindi naman kailangang Cineaste ang peg, o movie analyst slash critic slash afficionado. Sige na! Kahit Pinoy Movie Buff keribelles na! Basta hindi aayaw manuod ng mga mas malaman na mga films keribambolbee na!

LAFOKS!

#2

Foodie Buddy

It goes without saying. Kaya ko gusto ng chubby dahil sa rason na ito! Bet ko ang partner na food buddy ko rin. Bet ko yung food travel, while HHWW sa streets ng Saigon habang subuan peg matapos namin manuod sa Opera house! Kaloka! Five birds in one stone na yun! Pakakasalan ko na yun kung sino man sya! Hahahaha. I come from a family where food is the language of love. Walang may culinary degree sa amin kasi hindi kailangan yun, pero lahat kami nagluluto at alam ng bawat isa ang paboritong pagkain ng bawat isa! Pag masaya ka, ipagluluto ka ng bongga, pag depressdepressan ang drama mo, ipagluluto ka to make you feel better. Super Bonus ang partner na mahilig magluto. Yung adventurous sa pagkain at hindi takot sa calories! Basta ganun! Bet ko ang kaya akong hilain para mag kwek kwek sa UP Diliman o kahit sa mga kagilid-gilidan ng Aurora, o mag-binatog sa Baguio o kahit mag Silog meals sa Philcoa, yung ganern! Hindi kailangang fancy chef. Basta yung bubusugin ang tyan ko pati ang puso ko! Yun yon!

#1

KAPE

Yun ang ending. Kape ang hanap ko. Yung hahanap-hanapin ko araw araw. Yung hindi kumpleto ang araw at buhay ko kung wala. Yung umulan man, umaraw, sya ang gusto ko makasama. May tamang pait-tamis na hanap ko. Yung kasalo ko sa mga saya at tagumpay, at kasama ko sa mga bleakosity at Luz Valdez moment. Yung kahit mapa-sosyalang kapehan man o sa gilid lang ng kalsadang 3-in-1 ay pasok sa jar! Yung magiging kape ng aking buhay, at syempre din, ako rin ang kape ng kanyang buhay. Ang nagpapasimula ng araw, at nagtatapos ng gabi. Kape. Gusto ko ng kape ko! Yun yon!


'NUFF SAID




So yun! Hindi naman ako pihikan at demanding da ba? Napakarational naman ng mga hinahanap ko daba? So yun nga! Hindi naman din kasi kailangang 10 out of 10. Hindi naman ako perfectionist kasi. Saka napaguusapan naman di ba? Ayun. Well, sa mga naghahanap din ng mga letche shit nila sa buhay, gudlak mga teng - malay mo, malay ko, malay nating lahat - MALAYBALAY BUKIDNON!
Char lang! Oh sya! Nakakapagod naman itey! See yah when I next see yah! Lab lab lab! Gudlak sa deadline! MWAHUGS!






Sunday, August 10, 2014

Salin Salin Din

Salinsalin Din Pag may Time

So kumusta naman? Ano na bey? Well ito, katatapos ko lang magsalin ng isang libro sa Hiligaynon mula sa Ingles. 130 pages more or less ito, kaya - Achievement unlocked! Pero ang nakakaloka, may dalawang singkapal pa na libro na kailangan din matranslate sa lalong madaling panahon. Like deadline na next weekend. DARNAH!

At bakit naman kamo na nagagahol ako sa oras? Dahil may regular work na ako. YES! Kolboi ulit.
And how exactly did this happen? Oo nga naman. Backtrack muna ang drama at matagal akong walang kwento dito.



So yun nga. Tinatapos ko na ang lawshcool for like forevah! After ko mag Manila at after magtrabaho kun saan saan sa Asia Pacific Region, balik Iloilo ako. It took me two more years to finally almost finish law school. ALMOST!

Putanginampakshet kasi ang isang propesor sa isang subject eh. INC. Binigyan pa ako ng INC sa isang subject na kung sana wala, ay tapos ko na ang letcheng abogasya na ito! SO YUN! Pakyu sha! INC!

Dahil 2nd sem subject yun. waiting in vain ang peg. Meanwhile, nag apply ako sa work dahil  nauubos na ang pinagputahan ko, kaya need ko ng kita. Hindi rin sapat ang mga paraket raket kong mga chuva, kaya ayun. Kolboi ulit habang antay ang 2nd sem para makuhanan ng completion ang putanginang INC na yan.

Meanwhile din, nag-apply ako ng Masters Degree sa UP Open University, and yes, pumasa at nakapasok. Enrollment this week. Buti na lang sumweldo ako. Ayun. So Kolboi ako na nagmamasters sa UPOU ng ASEAN studies. And in my spare time, kung may spare nga ba, ay paraket raket. Isa na dito ang pagsasalin. Minsan Filipino to Hiligaynon, minsan English to Hiligaynon. Iilan lang naman kasi ang gumagawa nun at swerteng naambunan naman ako ng mga projects. Habang nag aantay s aputang inang 2nd Sem.



Sana nakaluwas na akong Manila. Sana at siguro ay hindi nauwi sa wala ang mga tatlong subok ko mag kapartner - dahil malayo ako at dahil nasa Manila sila, at dahil hindi ako mayaman para lumipad lipad every weekend. But that's another story for another day.

Meanwhile, natapos ko ang isang libro at may dalawa pang nag-aantay. Siguro matapos ang 2nd sem at makagrad na ako, pwede na magpalipat sa work at ituloy ang planong Manila. At siguro may mahahanap akong letcheng love na yan.
Siguro wala rin.
Siguro mauuwi lang sa wala.
INC

Meanwhile - salin salin din pag may time!






Monday, August 4, 2014

Joy of, The sheer

I'm back lubak-lubak!

Oo alam ko, it's been a while since I last blogged. Yung last entry ko nung Mayo pa, pero dedma na. I'm back and I will be back for good. Paano nga bang nawalan na ako ng ganang magsulat dito? Kasalanan ni Facebook. Madali na kasing magsulat sa Facebook. Merong 'Notes' Function ang Facebook. Konting edit, konting lagay ng picture, click, share. Tapos. Mas kumplikado ang mag blog at mas madaling sundan ang sulat ng iba sa paltform ng Facebook.



So bakit ba ako bumabalik. Dahil na heartbroken na naman ako. CHARING LANG! Well, sige, dahil nga dun, inaaliw ko ang sarili ko. Nagbasa basa ako ng mga kung anek anek. Sa rest days ko naubos ko mabasa ulit ang "The Great Gatsby" ni F.Scott Fitzgerald, nakasulat ako ng mahigit kumulang sampung haiku dahil sa mahaderang si Sylvia Plath, at nakapagtranslate ako ng isang tula ni Pablo Neruda sa Hiligaynon at Filipino. Taray much no? Hehehehehe

Well yun na nga, dahil sa kakaliwaliw ko kung saan saan, napadpad ako sa tumbler ni israelmekaniko. Funny sya. Witty, humorous. Parang ako. Lamang lang ako ng kaunting paligo at ilang wisik ng Bambini Cologne Summer Fresh Scent. And so, ayun, napanostalgia ako sa pagboblog. So bakit ako bumabalik? Bakit hindi na lang gumawa ng bagong blog sa tumblr? May nagbabasa pa ba ng blogspot? May nagbabasa ba sa akin to start with. And then it dawned upon me. Parang pagkalaki-laking Epiphany - yun na mismo ang rason.

When I started blogging, ang sabi ko lang sa self ko, magsusulat ako dahil yun ang gusto kong gawin. Magkwento. Hindi ko iniisip kung may nagbabasa ba sa akin o wala. Kung may nagcocomment ba? May nagfa-follow o nagshi-share ng mga pinagsusulat ko. And there lies the reason. Hindi naman ang aging platform ang rason kumbakit hindi na ako nagboblog. Followers. Yun ang pinakarason. Instead of just writing for the sake of writing, naghabol ako ng readership. And that spelled the death to my writing. Nawala na yung sheer joy of just putting words into paper. The sheer  joy of putting my thoughts forward. Inalala ko na ang readership, ang acceptance, etc etc etc. At mali ako.



One time, nung nag Manila ako, napag-usapan namin ng isa kong tatay-tatayan na si Atty. JP Cunada ang tungkol sa Sheer Joy. The Sheer Joy of learning for the sake of learning. The sheer joy of writing for the sake of writing. The sheer joy of studying for the sake of studying. Ito ang kailangan ko ma-irecapture sa sarili ko. Ang Sheer Joy na itey.

And so, ito ako. Bumabalik at nagsusulat muli sa isang platform na hindi na siguro pinapansin ng mundo. Dedma! Magsusulat ako dahil gusto kong magsulat. Aaralin ko ulit ang platform na ito. Kung may magbabasa man, thank you. Kung wala, dedma. Babalik ako sa pagboblog dahil gusto ko irecapture ang sheer joy na yun. Na naiwala ko kakahanap ko ng audience. At gaya ng sabi ng magagaling kong mga mentors sa pagsusulat, kung magaling ang pagkakasulat, hahanap at hahanapin ito ng audience. For now, magsusulat lang ako for the sheer joy of it.

And as such, hello there, and welcome me back. Matagal tagal din na wala akong naikwento sa blog kong to, but don't fret. The Batchoy Boi is back, and yes, he is back for good, for the sheer joy of writing.

Sa mga nagbabasa nito, anjan pa ba kayo. Kung oo, heller! Kung wala, dedma. Sana ay nahanap nyo ang sheer joy ng kung ano mang ginagawa at gagawin nyo. And so, welcome back the Batchoy!

MABUHEI!




Monday, May 27, 2013

The Dan Brown Effect



The Dan Brown Effect
By Luis Batchoy

Manila, Philippines - In an unprecedented show of force and patriotism, the Philippines proves to the world how a city is to be fictionalized in a novel. Angry, frustrated and hurt with how international best selling author Dan Brown has referred to Manila as 'the gates of hell', Filipinos now react with such fervor that the world has never seen. On the forefront is Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman, Atty. Francis Tolentino. After writing a letter to Brown, instructing him how to do his job as a fiction writer, Tolentino now takes to the streets and does his own job. "We will show the world how wrong Brown is. The 6-hour traffic he mentions in his book is non-existent, as erring traffic violators are now strictly being prosecuted without regard for who's who, or who gives what. All franchises are now automatically being cancelled on a 'one-strike policy.' Motorists are also being stringently punished with a discipline that would rival that of Singapore." He said. "Also, the abject poverty he mentioned is being eradicated as we speak." He added. Measures in Congress and Senate are being passed one after the other, with genuine concern for the welfare and the plight of the poorest of the poor. "We have a program now where the richer families are obliged to adopt a certain number of poor families, and that they are now being told to build decent homes and clean up the shanties of the poor." Congress has also given up their Countrywide Development Fund (CDF) or otherwise known as their Pork Barrel Fund to finance projects that would reach the poorest of the poor. Prostitution is also being eradicated at break-neck speed. "We now have a coordinating center that monitors such sex-workers for their proper documentation and protection. We admit that the sway of prostitution continues because of a lack of proper regulatory body to monitor and check their activities, so now we have all bases covered." He added.

More pronounced is the impact of the incident to the people. Overnight, people have become instant literary critics. They have now vowed to pay closer attention to literature. In an attempt to scour other books, novels and other literary works of disparaging descriptions, people have now flocked to their local libraries and bookstores, securing novels and other written works. There has been a dramatic increase in readership and never before has there been an intense interest in literature than now. Everywhere, people are carrying books and reading whenever they can, Offices now add a 30-minute 'reading break' to allow employees to pursue their new found passion for the written word. There has been a surge in book sales and book sellers struggle to answer the growing demand for books. In a flash, bookstores have been raided clean and books have been bought off racks leaving whole shelves empty, Never before has there been such a passionate fervor to read. Library staff also struggles to keep the growing interest of the general public in books and written works. They have been forced to extend their working hours and are now open 24/7. Even the more techie generation has now resorted to downloading books on their mobile devices and gadgets. Trending topics on Twitter and Facebook include quotes from novels and critical discussion of works.

There has also been a mad rush for literary courses. Colleges and Universities have been forced to allocate more rooms for the rush of students wanting to enroll in writing and literary courses. Some rooms for other courses have now been converted into classrooms for creative writing and literary course. There has also been radical shifts in the enrollment in schools, especially in college, as students started shifting from the more popular course to literature. "We want to be able to write well, and the only way to show the world how to properly 'fictionalize' our cities is to do it ourselves", says one passionate enrollee. There has also been a marked increase in the interest for local writers and literary figures. Filipino novels and written works have taken center stage. Filipino writers now are being lauded as the new heroes of the country. They are now treated as celebrities and are accorded with respect and showered with accolades wherever they go. This may very well be the Neo-renaissance,  a golden age in Philippine Literature. The world watches as novels and other written works are being released by the minute, to answer to the growing demand for quality literature in the country. "Never before has people paid so much attention to the literary world that this seem to come out of a post-post-modern magic realist novel," quipped a Palanca Award Winning writer who finds himself suddenly catapulted into fame.

Indeed, the amazing effects of this incident continues to rock the country as more and more people turn to literature and the written word. Critics all over the world are training their eyes on the Philippines as the next literary hub in the world. They have dubbed this amazing phenomenon as the 'Dan Brown Effect.' International publishers are now in a mad scramble to secure publishing rights and contracts to the highly literate and prolific pool of writing talents in the country. "Surely, Dan Brown is mistaken. This is not the gates of hell, this is utopia! The heavens of the literary world," exclaimed a top executive of a major International Publishing Firm. "Truly, Hell hath no furry like a city scorned, and fictionalized," he added.