Wednesday, January 14, 2009

It's A Date!

Tutoo ba ito? http://www.pep.ph/news/20492/Eraserheads-to-stage-Final-Set-on-March-7 ?



Taena! Kung tutoo, ito na yung sinasabi nilang opportunity knocked twice and this time hindi ko na talaga papalampasin ito. Rason na kung rason na hindi ako lumuwas for that legendary night nung August. Maraming mali sa timing nun. Walang pera, walang oras, walang... basta... wala, hindi ako nakapunta, pero tangna naman, gago na ako kung papalampasin ko tong second chance na to!

It's a date repapeepz! Oi! Manila here I come! Bahala na si Batman, isama mo na si Robin (hindi Padilla ha!) si Batgirl, pati na ang buong justice friends at justice league. Luluwas talaga ako for this one. It's a Date kasi nga.

1. Baka last chance na to at never na mauulit sa kasaysayan ng musikang pinoy. Kinalakhan, kinainlaban, iniyakan, kinatuwa, kinalungkot, kinatulugan, kinagisnan, kinaibigan, minahal, ikinabuhay at maaring muntik ko na din ikinamatay ang mga awiting ito, at palagay ko, nararapat lamang na kumpletuhin na ang Eheads experience ko, coming full circle nung una ko silang narining, nakita live dito sa Iloilo, pinuntahan para makita ulit sa Bacolod, at ngayon nga, sa muli/huling pagkakataon.

2. I deserve a break. Yun na yun. Kung bakit ako tila nabuburn out ay di na mahalaga. Ang importante, ito na yun. THES ES ET! Kaya Manila, here I come. Nung nakaraan, napaaga ang schedule kasi lumuwas ako September. This time, late naman, kasi nga baka makaluwas ako ng February, pero whatever! Pupunta talaga ako!

3. Paberdey ko to sa sarili ko! Dapat lang! I deserve only the best. Kahit sabihing bale at abanse sa kaarawan ko, kiber na! Happy Birthday to me!

4. Perfect timing ito. Dahil hindi ako nag school this sem, pasok sa banga at swak na swak! Wala akong aalahaning finals, walang exams walang school load! Yahoong yahoo!

5. Bigyang closure ang relasyon namin ni Ely. Hekhekhek... yun na yon! Wag nang kumontra, pwede ba!

NOW! Sana hindi kwentong hana barbera ito ha! Maexcite na ako't lahat tapos maaunsyami naman pala! Huwell... as it is... It's a date!

A few things on the sides shempre...

1. Alangan naman mag mamanila ako for that sole reason? Konting kape kape at ikot ikot sabay kembot would be nice. Can anyone show me around?

2. The more the manyier sabi nila... kaya oist, sabit naman ako jan kung pupunta din kayo... hekhekehek

3. Tiket tiket tiket! Saan makakabili? Puhlease... pagbilhanan!

4. Afterglow... shempre pagkatapos ng concert, magmomoment... sabit ulit ako senyo puhleeeaazzeee!

5. It's a date... sabi ko nga di ba? Date di ba? Meron ba jang pwedeng kahawak kamay? Yung tipong ihaharap ko kay Ely sabay linya na "Sori Lee" (tawag ko sa kanya, kasi ang labtim namin Lee-Low; Lee for Ely Low for Luis! Parang Gel-o ba, for Angel-Piolo! Wag na kumontra kasi!) "Kailangan na matapos ang awitin natin. Sinubukan natin pero sadyang kinulang tayo sa sukat at sa bandang huli, hindi nagtugma ang iyong music at ang aking lyrics. Sya pala si ______ (peel een da vlanx) ang bagong saliw ng musika sa buhay ko. Maaring di man sya musikero pero maaring alam nya ayusin at maibagay ang sintunadong musika ng puso ko na sinira sira ng mga nagdaang mga awitin sa buhay ko. Mamahalin nya ako at di iiwan. Magiging matatag sya sa mga naging kahinaan mo. At sana, sa huling kumpas ng maestro, kantahan mo kami ng awiting sana'y di na magwawakas. Tapos uulan ng malakas. Tapos magdadramahan. Papatak ang luha, left eye, pabor sa kamera, konting blur, tutulo sya pero di lalampas sa lower lip, papatakan ng ulan, maghahalo. Zoom out! Tapos tatawagin kami sa stage, sasabihin nya, "Para sa yo to Luis, at sa bagong nagmamayari ng puso mo. Pahiram muna ng linya sa commercial, na hindi man tayo magkakatuluyan sa bandang huli, ikaw pa rin ang namumukod tangi sa lahat, at magiging aking
Huling El Bimbo. Kung sasaktan ka lang nya, lagin bukas ang Tindahan ni Aling Nena! Para sa yo ang kantang to! Rakenrol ka! Tapos kakantahan kami ni Ely ng "Tuwing Umuulan at Kapiling ka!" Etchos! Barikos! Basta! KA Date! Hehehehehe. Gaya ng sabi ng Student Comelec sa skool, the table is now open for nomination for the position of Luis' Official Date... sama mo na pati ang chair, open na din! Hehehehehee!

WEEEEEEEEEE!!!

See you there! RAKENROL!

Photo Credits:

http://metropolol.wordpress.com/2008/07/15/eraserheads-reunion-concert/

2 comments:

Yj said...

walanghiya.... nalaglag ako sa upuan sa katatawa... nandito pa naman lola ko, pinagalitan tuloy ako... ang ingay ko daw kasi hahahaha....

pero kung totoo yan, gogogo... sabay sabay tayo ng mga friends kong nagfifiling din na naging jowa ng ex kong si ELY..... hahahaha saka tayo magkapikapihan... at kapag lango ka na sa kape, baka sakaling maikwento mo kung sino si ginoong teatro hahahahaha.... joke...

Lyka Bergen said...

Soooo 80's. Move on! Charooooot!