Wednesday, January 28, 2009

Kung Hei FAT Choi





It's the Chinese New Year, and the whole Chinese community is abuzz. Pero hindi yun ang kwento ko. Hehehehe


Mega super duper gulo ng bahay these days. Wala na ang calm peaceful and serene environment. Bakit kamo? Well, umuwi na ang parents after 3 months sa estateys. Kasama nila ang big sister ko na si ate Jinky at ang tatlong chikiting nya. Si ate ang pangalawa among us broodlings and her kids Jean Jovi (obyus na ipinangalan kay papa Jon Bon) na napakagandang dalaga na, si Kyle na super kulit at ang kyut/malambing na si Erik. Riot sa bahay, and it won't be long na madadagdagan pa ang riot pag umuwi rin ang pinaka ate namin, with her hubby and her three kids din, para naman sa kasal ng kuya ko, na uuwi din with his wifey and his two kids. Kaya mas lalong super mega labu-labo sa haybols when that happens.


Umaga pa lang, kakalampagin na ako ni Kyle sa kwarto. Sya ang pinaka unang 'tao' na gumigising sa aming lahat. Syempre, gising pa ako by that time or patulog pa lang. Maglalambing na sya na ipaghahanda ko ng kanyang breakfast kasi nga daw "Cereals always taste better when 'uncle whatever' serves it." Uncle whatever ang tawag nya sa akin kasi nga daw confused sya kung ano ang itatawag sa akin. Naririnig nya daw kasi na tinatawag ako ng mga younger sibs ko na "Manoy" (kuya) at me tumatawag lang din sa nickname ko, or "toto" or langga, at inuutusan din syang tawagin ako na Manoy, kuya, tito at uncle, kaya na kompyused ang bata at hindi alam kung ano ang itatawag sa akin, kaya yun "uncle whatever" cute di ba?

Susunod na mangangalampag ang beybi na si Erik. Fun daw si uncle kasi ako lang ang nakikipagharutan sa kanya kasi nga yung mga 'girls' hindi nga naman pwedeng makipag royal rumble dahil mga dalaga nga at me mga 'delicate parts' na pinoprotektahan, kaya ako ang paborito nyang gawing trampoline at kung anu-ano pang horseplay. Hehehehehe...

Tapos si Jean Jovi, magpapadownload ng kung ano anong mga ka eklatan, at makikipag usap ng mga ka girlaletan, including the twilight series, na magkukunwari naman akong nagustuhan ko kahit sukang suka ako sa pagka trashy soft porn teenage eklavu ng series. Ayoko naman maging kontrabida sa mga chuva ng nagdadalagang pamangkin kaya, go lang ng go.

SI Ate Jinky na siguro ang pinakapaborito kong kapatid sa lahat. Syempre walang may nakakaalam na pamilya ng blog na to kaya, kebs. Hehehehe. Sya kasi yung may pinakamadramang mga tagpo sa buhay at nakakarelate ako kahit kumpetensya sya for the "Best in Original Script" sa buhay. Basta, labs na labs ko si ate Jinky.

Ebribadi hapi naman. Ang dalawa kong little sisters, abala sa mga kagirlaluhan na dala ni ate. Pati na yung bagong mga gadgets, laptop, psp, iphone, digicam at kung anek anek. . Meron din mga gadgets si little brother at hindi na makausap at hindi alam kung alin ang uunahin sa ps3, psp at wii na mga games na dala para sa kanya. Hindi naman ako naiingit kasi di naman ako techy talaga. Happy na ako sa isang buong "Twilight" series, ang last book sa Harry Potter na ngayon ko pa lang talaga mababasa, ilang pirasong Armani Exchange na shirt, South Pole na sweatshirt at pants (kasi feeling ng nanay ko teenager pa ako kaya mga emo-emohan at punk punkan na mga bagay ang dala for me) at sa mga lambing at yakap ng mga kyutipie ko na mga pamangkin.

Kahapon, nagbobonding kami ng pinakabunso namin, kasama si Jean Jovi. Medyo hirap sa adjustments si little sister kasi nga, hindi na pwedeng nandito sa bahay lagi si boypren kasi andito na nga ang parents at angulo-gulo na nga dito sa haybols. Nagpagusapan ang love love lagablab, at ang kalechehan na kung tawagin ay "BALENTAYMS!" Olats nanaman this year kasi wala nga akong date. Walang prospect. Wiz!



Kaninang umaga, nagsisigaw si Jean Jovi na kinakatok ang pintuan ko. Lumabas naman agad ako para malaman kumbakit apurado ang lola. Excited na excited ang lola at may pajump jump pa na nalalaman sabay hila sa akin pababa sa dining area.

Shock!


Me red roses sa mesa, isang malaking box ng tikoy at isang net ng maliliit na mga oranges na nakapatong at isang pulang sobreng ampao. Para daw sa akin. Tinanong ko kung kanino galing. Me dumaan daw kanina na naka kotse, pinabibigay daw for me. Kung Hei Fat Choi daw. Ayaw sabihin ang pangalan, basta ibigay na lang daw sa akin. Tinanong ko kung ano description. Chubby daw na insik. Tinutukso tukso na ako ni Jean Jovi... mukhang magkakabalentayms date na daw ako! Sino ba daw?

Tangina! Eh halos lahat ng mga nagugustuhan ko eh tabatchoy na insik eh! Sino ba sa kanila?

Toink!


Binuksan ko ang ampao, na merong bagong P100 bill na malutong lutong pa, nilantakan ang orange at tikoy, at iniakyat sa kwarto ang mga roses. Kung sino ka man, maraming salamat at Kung Hei FAT Choi! Saka na nating pagusapan ang Bale-balentayms na yan. [=)

Photo Credits:

http://www.patchun.com.hk/english/cny_nian_gao.html
www.pinoyexchange.com
http://xkcd.com/223/
http://www.rapides.k12.la.us/chapmanm/Winter%20Fun.htm

4 comments:

wanderingcommuter said...

babala: maiinis ka sa comment ko....







kung hei fat choi! hehehe

escape said...

hehehe... ok lang kahit magulo sa bahay saya naman dahil maraming tao.

happy new year!

pati pala valentines nandito na rin.

Yj said...

ang cute.... ang saya talaga pag ganyang magkakasama ang buong pamilya... at ang sweet ng 'uncle whatever' ha.... yung isang pamangkin ko sa pinsan, tawag sakin 'tito tita' dahil confused din. nyahahaha... pero mas sosyal yang 'uncle whatever' na yan

feeling ko, ang nagbigay niyan yung nakilala mo ng minsan kang magshopping for polo shirts.... malakas ang kutob ko.... sure nah!!!

at natawa ako kay Ewik ha!!!

kung hei fat choi

at advance happy valentines... nyahahahaha

Jersey said...

I MISS YOU!!!!!!!!!!!!!!

MISSED YOU LAST DINAGYANG!!!!!

but its okay...

Family comes first. Hope to see you sometime..

BTW!!! CLOSE NA DAW TERAZA?!!!!