Thursday, December 11, 2008
OPEN Sesame
Our lesson for today is about Open Relationships...
Eklat lang. Naiinis ako today kasi pagod/antok ako pero di ako makatulog kasi brown out at super init. Putcha! I swear mamya pag balik ng kuryente matutulog lang ako at di ako papasok sa school. Promise!
Anyhoot, nagbabasa basa ako ng mga bagong posts sa blog roll ko at nakita ko ang post ni Wandering Commuter. Basahin dito! Ito naman ang aking take sa isyu na yun.
Simula't sapul sasabihin ko na ayoko ng open relationship at hindi ko nakikita ang sarili ko na magkaroon ng ganito or ma involve sa isang relasyong ganito. On the flip side naman, sasabihin ko na rin na ang bottom line naman nito ay "To each his own!" Kanya kanyang diskarte yan, at sabi nga ni Candy Pangillinan dati sa isang comedy show "San ka BET! AMAZING!" Kung sa'n ka bet, dun ka... Di ko lang talaga keri itey. Kumbakit... tunghayan.
Base sa aking limitadong kaalaman at estadistika sa bagay na ito (estadistika daw oh!), karamihan sa mga kakilala ko na nasa open relationship ay:
1. Matagal na na mag jowa.
Siguro nga, isa ito sa mga pamamaraan kung paano, nasasagot ng mga matagal nang mag jowa ang isyu tungkol sa pagkakasawaan. Aminado ang mga kakilala kong nasa gantong set-up na sa tagal ng pagsasama, di naiiwasan na magkaroon ng "umay" factor. Nirarason nila na isa sa mga nakapagbibigay ng "spice" o nakakapag papa "keep fresh" ng relasyon nila ang patuloy na pakikipag "halubilo" sa mga prospects at "open to open" na mga tao. Mainam kung gayon, pero ang argumento ko laban dito ay dalawa. Una, kung kelan pa tumgal saka pa naging mabuyo. Tumanda ata ng paurong eh. At pangalawa, dontcha think hindi mashadong magandang ehemplo sa mga batang nangangarap mag karoon ng eksklusibong relasyon ang ganito? Parang iisipin ko pa lang mali na agad eh. Kasi parang hindi sya magandang motivation. Parang ganito ang statement na naipaparating nun sa akin eh. Ito ba ang ilu-look forward ko na kahihinatnan ng aking magiging relasyon pag tumagal na? Ayokong isipin na ganun nga! KOOOYAH WAG POOOH! Etching sa glass!
2. Mga Magjowang nahuling me iba, pinatawad, gumanti, pinatawad, ad nauseum.
Obyusli, vicious cycle itey. Kasama na din dito ang mga me drama sa buhay na, "Eh sa ganun sha eh, mahilig... kaya tinatanggap ko na lang. Basta ba sa akin sya umuuwi eh. At saka, minsan naman, ginagawa ko rin naman para ma remind lang sya na kaya ko din gumanti!" This is so wrong! Ewan ko lang ha, kasi naniniwala ako na ang ugali nakakasanayan at naaadjust or napaguusapan at nakakapag compromise, pero pag third party na ang pag uusapan, talu-talo na. Then again, ako lang naman to. Nandito na din nakapaloob ang mga nag rarason na "Mahal ko eh!" Pinipilit kong wag sumigaw ng "TANGA MO KASI EH!" Pero sige, hayaan na natin sila sa mga kadramahan nila sa buhay. Kanilang eksena yan, wag nangingialam. Ang argument ko lang sa puntong to ay ganito. I have the simplest of tastes, I only want the best! I may not always get what I want, I may not even get what I need, but for sure, I know for a fact that I will always get what I deserve. I don't think I deserve anything less... Now! Deserve me!
3. Mahilig/Commitment Phobic
Rason din ito ng mga taong takot sa exclusivity. Rason pa nila, mas maganda pa nga na kahit walang commitment, eh nandyan pa rin. Kasama din dito ang malamang, pagkakagusto dun sa sinabi ni Mew sa huling scene ng The Love of Siam na "I can not be your boyfriend, but that doesn't mean I do not love you!" Ewan! Anlabo! Bobo na ako kung bobo pero hindi ko getch kung panong nangyari yun. Mahal mo pero can not be your boyfriend? Hindi ba talaga pwede o ayaw mo lang? Simple lang naman kasi ang alam ko dito eh. Sabi lang naman kasi ni Sex Bomb Rochelle "Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo! Get get AWWWW!!! Jologs ko no?
4. LDR's
Aside from the fact na mahirap na to start with ang set up na to, nag kakaroon din ng open relationships ang mga nagkakaroon ng Long Distance Relationships dahil nga sa physical detatchment at imposibilidad na magkasama at mag alam mo na! Kaya, pampaubag loob, at sabi pa nila "naiintindihan ko kung maghahanap ka dyan dahil pangangailangan mo yan, at wala naman ako at di ko maibibigay ang pangangailangan mong yan!" Ayambotchaay! I don't get it! Masalimuot na nga ang relasyong LDR at isa din yan sa mga bagay na hindi ko kayang pasukin. Pisikal akong tao at isa sa mga demands ko talaga ay pisikal na presensya ng minamahal. Sabi ni Lola Whitney she needs a man who'll take a chance on a love that burns hot enough to last, but when the night falls, her lonely heart calls, daw. In other words, malanderj sya! Yun na yun! Ang argument ko naman dito ay simple lang din ulit. I don't care how you get here just get here if you can! Yun na!
5. Sundry account
Dito na pagsama samahin lahat ng rason kumbakit nagkaka open relationship. Kasama dito ang kaeklatan na "Window Period" kung saan, mahal ka na nya pero hindi pa sya ready, "Road Test" kung saan testingin muna ang relasyon na para bagang ito'y isang sasakyan, "Blind Bluff" kung saan tinetesting din kung makakasurvive sa phase na itey ang relasyon na para bagang lab experiment ang pagmamahal at madaming nalalamang litmus test ang mga hinayupaks, at "Waiting Room" kung saan mahal ka na nya pero me jowa pa sya kaya open relationship muna ang kaya nyang ibigay at ang "Buffet" kung saan, mahal ka na nya pero malaki lang talaga ang mata nya at gusto nya pa rin ng patikim tikim kung mas me masarap pa sa yo. Sa nasabi ko na kanya kanyang moda yan. Kung san ka bet dun ka. Pamarket market. Kung market mo, buy mo! Sakay na, sabi ni Ateng Shawie! Ang argument ko naman dito ay ganito, at hindi ito quote, sariling words ko to... "That one true thing is really hard to find. Imagine... 8 billion people in the world and counting, and all I really need is one! JUST ONE! Now, you see how difficult that is? And on the flip side, you see how special it should be? ONE! Just ONE!
Now, susubukin ko isummarize ang mga rason kung bakit hindi ko bet ang OPEN relationship.
5. Kalokohan lang sya at rason na lang lahat para maging convenient. Love has always belonged to the region of the heart and not the intellect. These categorizations are product of 'logical' thinking, or manipulations of the 'thinking' man, to suit his needs and wants. Hindi porke't hindi mo mahanap sa ngayon ang One true thing, mag se-settle ka na lang kasi yun na lang yun.
4. Kahit bisexual ako at nagka girlfriend at boyfriend, never ko pinagsabay. Hindi makatarungan! Bisexuality is not a license to infidelity or promiscuousity. Besides, if you can not even concentrate and make that ONE work, what gives you the license to go on ahead and mess up with multiples? Saka, buti kung yung makaka fling mo ay alam ang pinapasok nya? Eh pano kung gusto ka rin masolo? Di naman kaya kawawa ang mga colaterals dito dahil sa kalechehan nyong dalawa ng jowa mo?
3. Been there, been that, sabi ni Miss Marquez. Isa lang naman talaga. Tignan mo na lang. Kahit gaano ka ka horny, isa lang ang etits mo. Try mo nga ipasok yan sa dalawang butas simultaneously! Ewan ko na lang kung kaya mong i-split yan!
2. Ang pag ibig ay hindi friendster o multiply. Wag swapang! Hindi rin sya buffet table na eat all you can! Wala ring "it's complicated" dito. Besides, madamot ako. Kung akin ka, akin ka lang! Same way na kung sa yo ako, sa yo lang talaga ako.
1. Hopeless romantic ako at naniniwala ako sa ONE TRUE THING! Yun na yun!
At bilang pagwawakas at tribute na rin sa mga tulad ko na naniniwala sa ONE true thing, itong susunod na picture ay para sa atin. Nawa ay mahanap na natin sila at tuluyan nang lumigaya sa mga buhay pagibig natin kasama yung isang espesyal na taong yun, hanggang sa ating pagtanda! Mabuhay ang pag ibig! Mabuhay ang umiibig ng tapat!
Photo Credits:
http://www.firehouseneon.com/
http://www.cpcsm.org/
http://www.superstock.com/
http://www.associatedcontent.com/
http://www.randomreviewcrew.com/
http://www.myspace.com/annatarlowestoft
http://www.homovision.tv/
http://www.elderadvocacyblog.com/
Labels:
convictions,
emotero,
jugilamousness,
zeryuz black
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
well said! napakahaba pero its worth the read!! dami ko napulot. salamat luis batchoy!
if i had read this seve years ago... i might have saved my self from the greatest heartbreak..... great read.... incredibly insightful.... amazingly hilarious... tama ba mga combination ko ng words? hehehehe
gentle: salamat at na bet mo ang entry na ito.
yj: sabi ni ate alanis, you ive you learn....
Post a Comment