Tuesday, December 2, 2008

Twelve oh One Final Part (Bowled Over... Not!)


SO go na si CC to the rescue of the sisterette. After a while nag message alert ang telepono ko.

Hi Luis. Miss you already! Kofi the soonest I get ovr n done wid hir k?

Kesong keso! Pero in fairness, kilig to the bones naman! Hayaan nyo na ako! Wag na kumontra!

OK! Stop txtng wyl drving! BAD Habit! C yah wenever I do!

Chuplado kunyari... kunyari lang naman! Nakaramdam ako ng pagod kaya I decided to have kofi in a nearby shop. Habang nagkakape kape. I noticed him... kyuti naman, matangkad, naka shorts at medyo mabalahibo ang legs, pero di ganun ka chub! Mukha naman akong istoker neto! Kung sino ka man, peace on earth. Magsabi lang at tatanggalin ko pic mo dito. Hehehehe... In fairness kyuti ka! Tapos, Im kompyooosed! Kasi, pretty din naman ang kasama mong gurl! Pareho ko kayong tayp, kaso lang ikaw ang naka harap sa akin eh, mahirap kunan si gurl na nakatagilid so here you are. Ikaw ba itoh?


Tamis ng Smile... Pwede pang sweeten sa kape


Suspicious na si Kyuti! Stalker Mode On si Luis!


Ayoko na! Naaalibadbaran na ako sa Yellow Camisa Chino! Stalker Mode OFF!

Lose the yellow camisa chino darling... it looks so kunsorte sa sagala inner shirt. Hekhekhek. After a while, nag sawa ako kaka tingin kay yellow camisa chino guy nakaramdam ako ng tomguts! Pano naman kasi, alas tres na pala! Huwell, pede akong kumain ng two piece burger steak sa katabing fastfood, o di kaya, umuwi at sa bahay na ang kumain. I opted for the second option, but before that, bili muna ako ng yosi sa liquor section. Nasa kabila lang naman ang SM Delgado eh. So go! After ako bumili, naisipan ko munang mag ikot ikot. Maliit lang naman ang store eh. While I was checking out the display sa Men's Area, I saw someone familiar! OMG! Sya nga! Tawagin na lang natin syang LISP, shortcut ng Lost In Space Pare!

Bakgrawnder muna! Si LISP ay nakilala ko at naka meet once and only once, over kofi. After namin mag "date" at maihatid ko sya, di na sya nagrereply sa mga texts kinabukasan. I was wondering what was wrong pero, if things get lost, they do for a reason, so, let it go na lang ako. Besides, medyo uncomfy, kasi kilala nya ex ko na si Baboy, and the gang na mga kaibigan ni Baboy, so medyo ayoko na si Baboy lagi ang tinatanong nya sa akin. Isa pa, tinanong ko na din si Ewinowi na bespren ni Baboy pero amazing frend ko pa rin till now at sinabihan nya ako na tanungin muna si LISP tungkol kay Dok nya! It seems kasi na si LISP at si Dok ay magjowa since time immemorial at never napabalita na me nangyaring hiwalayan ever sa kanila. Na alarm naman ako in a way, pero on the flip side, sayang din naman. LISP and I got along quite well at enjoy naman ako sa company nya, and vice-versa kaya nga nagtataka ako why the sudden disappearance or no response!

Papalapit pa lang, nag eexplain na si LISP!

L: Hey! Im so glad I saw you! I didn't know how I would contact you. Na plantcha ko kasi yung smart sim ko kaya di ko na alam number mo eh!

Me: Ah ganun ba? Kaya pala hindi ka na nagrereply. Kala ko naman, ayaw mo na mag communicate. Nag taka nga ako eh. Kasi, napag usapan pa natin yang ganyan di ba? Na pwede mo naman ako diretsahin na di ka na interesado di ba?

L: Im sorry talaga! Tara, let me make it up to you! Mag isa ka lang ba? Mag isa lang din naman ako eh. Pumunta lang ako sa school kanina kasi may finalow up. Wala namang pasok today.

Me: Ok lang. (Original naman ang rason eh! Ngayon ko lang narinig yun ha! Naplantcha ang sim! Amazing! Magamit nga sa isang short story!) Where to? Actually, I wanted to have lunch, kaso lang, I decided na sa bahay na lang. Uuwi na rin ako after a while eh!

L: Oh tara, lunch! Where?

Me: Gusto ko ng two piece burger steak eh...

And so we had lunch! Habang lunch, kwento kwento. Tinatanong nya kung sa tingin ko ba si Baboy na nga at si DJ ngayon. Dedma! Sabi ko how would I know? Besides, DKDC! Don't Know Don't Care! Me kilala daw sya na common friend nya with DJ at mukhang sila na nga daw ni Baboy. Sabi ko, good for them! They deserve each other!

Pagkatapos ng lunch, tinamad na ako ulit umuwi kasi nakapagpahinga at naka kain na din naman ako. Nagyaya na lang ulit ako mag kape. So go! Kape sa isa pang malapit na kofishop! Hindi na ako nakatiis! I popped the question.

Me: Tell me about the Doctor!

Nagulat si LISP! Well, there you go! My answer! To rub it in and to make things clear, iniba ko tanong

Me: Are you still together? I mean, kayo pa ba?

Inamin naman nya pero nagugulat pa rin sya kung pano ko nalaman. I'm a good journalist. I have reliable sources, and I do not expose them needlessly! Windang na si LISP. Sira na diskarte! At that point, it would have been better if he stayed the way he was. LOST! Ayoko naman mag end ng meet up abruptly by asking to leave kasi magtutunog bitter naman yun so sabi ko na lang.

Me: So, you like to play? Matagal na ako di nakakapag bowling eh, ayan SEBA oh malapit lang naman from here. Tara, laro tayo after kofi, if you like.


Nawindang lalo si LISP sa bilis ng takbo ng isip ko and he looked like he didn't know what hit him. Pumayag naman sya. Medyo naka rekober ang mokong at pinagyabang pa na high scorer sya dati sa Duckpin bowling nung PE nila sa college. Tinanong nya kung duckpin ba o ten pin ang nasa SEBA. Sabi ko duckpin, at hindi ako naglalaro ng ten pin. Humirit ulit ang mokong. Sounds like fun to me. Sige go! Laro tayo. Sa isip ko lang. Eherm... Class C Bowler lang naman ako at matagal na walang praktis. Masusubukan! Masaya to!

At the end of five games, wala syang naipanalong game kahit minsan! Na realize ko din na na miss ko ang maglaro ng bowling kasi wala na talaga time/kalaro. Pero masaya naman. Naka 130 pa ako sa tagal ko na hindi nakapaglaro. Yun nga lang, mababa na endurance ko. Nag da-drop na scoring ko sa mga later games. Nasa triple digits pa naman lahat. Saktong 100 ang lowest score ko. After the bowling, gusto ko na rin umuwi at maligo. Nag drop by lang sya balik sa SM Delgado kasi nakalimutan daw nya bumili ng folder. And we parted ways.

In fairness... nag enjoy ako. Pero, ewan ko kung gusto ko pa maulit or gusto ko pa maging kaibigan/activity partner si LISP. Depende... bahala na... but for sure, ligwak na sa Romance Department ang LISP! Buti na lang may mga guardian angel ako. Napaisip ako. Binalak nya ba talaga itago na me jowa na sya, at gusto nya lang mag play around talaga? If so, muntik na! On the other hand, pwedeng dineny nya... on the other other hand naman (Si Shiva to, maraming kamay, kaya wag magulo!) baka nga naunahan ko lang talaga sya at na korner sya! Anyhoot! Bahala na!

Umuwi na ako para maligo at magpahinga. Masarap ang dalang food ng little sister ko. Yellow Cab Pizza, Spaghetti Bolognese at Potato Chorvanelle na may bacon bits at may onion garlic cream sauce dip! Yummy!

Pagkatapos ko maligo at makapagpahinga tinignan ko ang telepono ko. May texts, Dalawa galing kay LISP. At tatlo galing kay CC.

Hmmm.... LISP talaga! Hihirit pa eh! Ano kaya kung makipaglaro ako sa kanya? After all, sya naman tong may jowa eh! Hindi naman ako ang may masamang ginagawa! Besides, kung nanloloko ka, masarap kaya to be beaten at your own game... Pero sabi ng puso ko, no! Wag! Bad Cheetah! Christmas pa naman! Dapat Gloria in Excelsis Deo et in Terra PAx Hominibus Bonae Voluntatis!


Huwell... nagreply ako kay CC na hindi nga ako ganun ganun ka dali maka alis sa bahay kasi sira nga ang sasakyan ko. Mapilit sya eh!

Dinner or kofi? Or both?

Text nya... Hindi sya nagpapigil. Nagtanong ng direksyon papuntang bahay. In 15 minutes nakadating na at nasa harap na sya ng gate namin. Nawala na ang Chinito nyang mata sa lapad ng smile nya nang makita ang suot ko.

Yung shirt na pinili nya kanina for me. Nagdinner at nagkape lang kami. Usap usap. Hinatid nya rin ako pauwi. I had fun!

Nung makaligo na ulit ako at nagsisimulang mag compose ng blog na isip ko.

Ang hali haliparot ko naman! Napaka unfaithful ko naman sa asawa to be ko na si DV (Divine Violinist)! Sheesh!

EH AMBAGAL NYA EH! Masarap kausap at kasama si CC. Pero syempre... Hinay hinay!

I had so much fun! You make me laugh. Hope we could do this more often!

Naku! Wag mo kong sanayin! Maloloka ka pag inangkin na kita ng bonggang bongga!

Likewise! I could get used to this! Thanks for a great evening, you take ker.

DV, wait lang ha! Tapusin ko lang tong blogpost. After this, sunod na ako jan sa dreamland. See you and your Violin, or maybe, let's just waltz under the silver pale moon! Wag mainip. Malapit na to! WHEW!


Bago matulog para katagpuin sa aking mga panaginip si Divine Violinist, nag pray muna ako kay Lord!

LORD! Bakit sabay? Delayed ba ang Celestial Text a Prayer Network mo, at ngayon mo lang natanggap lahat ng dasal ko, o baka naman ang mga replies mo ang delayed, kaya ngayon ko lang natatanggap at sabay sabay pa? Im so kompyoosed! Kay Yellow Camisa Chino na lang kaya ako?


WHATTAWEI to usher in December! WHATADAY INDEED dot dot dot


Photo Credits:

http://www.germes-online.com/
http://wcmbausbc.com/
http://www.sistermoongraphics.com/
http://art4linux.org/node/630

2 comments:

Ate Sienna said...

nakakaloka!!!! naloka ako sa mga kwento mo at cast of characters. hehehehehe.. teka... magbabasa pa ako ng previous entries mo :)

Luis Batchoy said...

ate sienna:tenkyah... balik ka, at mag iwan ka na din ng comments sa ibang posts... salamuch at pa xlinks na din