Tuesday, December 16, 2008
Sun Sand and Sea in Antique
I couldn't come up with anymore excuses. When Mother John texted me once again to come to Maybato Norte in Antique, I conceded. I ran out of excuses.
Makailang beses na rin ako iniimbita ng aking nanay sa panulatan na bumisita pero laging hindi natutuloy. Either something comes up sa kanya o sa aking schedule at lagi na lang nauunsyami, o di kaya, tinatamaan ng katamaran o nasasayangang pumunta kung di naman din ang matagal tagal tulad ng mga dalawa o tatlong araw.
Last weekend, nag yaya ulit si Mother John. Magbababang luksa kasi sila sa Nanay nila. Ang tawag sa amin nun "Bungkag Lalaw". Ang tawag naman sa kanila, Hukas Lalaw. Pagkatapos ng Friday Shift ko, gusto ko na dumiretso sa Maybato pero tinamaan ng tamadgic syndrome kaya Sunday ng umaga na ako tumulak papuntang Antique.
Parusa halos ang liliko likong daan na nasa gilid ng bundok at napakadelikado. Bituka ng manok halos. Nadaanan namin ang isang thermal trak na natumba sa daan at dalawang tulay din ang inaayos pa. Ramdam pa rin ang pinsalang dulot ng Bagyong Frank. Hindi na ako nakatulog sa L300 Van gaya nung isa at unang pagkakataong bumiyahe ako papuntang San Jose Antique nung mag B.O.S at Immersion kami para sa Para Legal Training ko sa Alternative Law Groups tatlong summer na ang nakakaraan. Paano ba naman kasi eh parang nasa octopus ride ako sa perya sa grabeng paliko liko at lulubak lubak na daan.
Mga dalawang oras humigit kumulang din ang byahe galing Iloilo hanggang nakarating ako sa bahay ni Mother John sa Maybato at piyesta ang dinatnan ko. Niloko ko si Mother John na ambongga bongga naman ng debut nya, imbitado kasi ang buong baranggay. Baha ang pagkain at inumin. Pyestang pyesta at taob ang miting de abanse. Maliit pa nga daw yun, sabi ni Sunshine na bunso nila Mother! I could imagine kung ano ang malaking handaan!
Nakakatuwa ang mga kwento ni Mimi na kapatid ni Mother John, at namiss ko din si Shine, ang bunsong kapatid nila Mother na nag memedicine at kaibigan ko din. Pati si Tatay nila, nakakatuwa. Magpapakasal sa susunod na Linggo! KABOG! Mag aasawang muli si Kapitan! TARAY!
Kinagabihan, gusto ko sanang tumambay tambay sa plaza pero deikado daw sabi ni Mother John. Nadisappoint naman ako kasi iniimadyin ko ang San Jose bilang isang progresibong kapital town ng probinsya o di kaya, isang "little town, little quiet village" kung saan pwedeng mag yosi yosi at mag usap usap sa plaza. Hindi pala. Sabi ni Mother, kasi nga daw, nasa akward stage ang San Jose. Not so little, but not yet big. Confused and violent stage of indecision daw. Since ayoko naman i push ang isyu, sa bahay na lang kami nung gabing yun at wala pang alas diyes, natulog na kami.
Masarap ang mini pahinga/bakasyon sa bahay ng Mother John. Magiliw at masuyo ang lahat ng tao, at alaga naman ako. Ayoko halos umalis sa kwarto ni Mother na nagmistulang library sa dami ng libro. I LIKE! Nasa kama lang ako nakahilata at nagyoyosi habang nagbabasa. Sarap ng buhay!
Syempre pa! Hindi mawawala ang paliligo sa dagat! Kaya nag tampisaw ang Sirenang Makata at ang kanyang anak sa dagat ng Maybato. Sabi ko sa Mother John, kailangan ko makaligo sa dagat ng Maybato at baka yun ang sikreto na naging magaling na manunulat siya. Baka mabahaginhan din ako ng Magic ng dagat ng Maybato. Baka pagkatapos ko maligo dun, dadami pa ang Palanca Award ko at magkakaroon din ako ng National Book Award at kung ano ano pang mga karangalan sa pagsusulat.
Ayoko pa sanang umuwi nung Lunes kasi nag paiwan ang Mother John dahil at stake ang state ng Kinaray-a Literature sa kanyang gagawin kung bakit hindi pa sya makakasabay sa akin pauwi ng Iloilo gaya ng unang napagusapan namin, pero kailangan na talaga. I swear! Babalik ako dun! Pramis!
Gaya ng sabi ng isang kantang Kinaray-a:
"Mauli gid ako sa Antique. Mabalik gid ako sa banwa nga matawhay. Mauli gid ako sa Antique, Kay na hidlaw run gid takun sang raha sa balay!"
Thanks for having me there Mother John. It was a much needed soul-break!
Labels:
announcements,
bigalet,
panglugayawan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
I didnt know na Plaza Gay ka pala. Bumalik ka na lang sa Iloilo at mag Plazoleta Gay ka na lang doon. Vavooo!
Wow - galing naman ng mini-bakasyon mo! Ang beach sa San Jose daw pareho sa Baybay sa amon sa Roxas City na maitom ang balas. Nahidlaw na ako sa amon a :)
although babang luksa ang pinunta mo dun... at least positive parin ang aura..... natuwa naman ako sa 'plaza' churva moh.... ako din, pag napapadpad sa ibang lugar lalo at probinsiya, eksena sa plaza ang una kong inuusisa hahahaha... good times my friend.... good times
Nasabi ba ni Mother kung bakit daw delikado sa Plaza? As in uso ba yung patayan o something?
lyka: culturati ako... masarap magkwentuhan habang tinatanaw ang magandang simbahan sa harap ng plaza. Molo Church is stunning, despite molo plaza's reputation, I still sit down and stare at the church that has wowed even Ka Pepe our National Hero. Kaya ko gusto sa plaza's.
Res: yes that is because it is rich in magnetite deposits or margha, not because it's polluted, that's why it is black sand.
yj: ibang eksena naman yang nasa utak mo eh. hekhekhek
mugen: magulo daw kasi...
Post a Comment