Monday, December 1, 2008

Twelve oh One Part One of Three (Music and Lyrics)


Sabi ni Meryl Streep sa opening ng diary entries nya sa Mama Mia, sa mga araw na nauuwi sa kangkangan... What a day dot dot dot!

Today is something kinda layk dat... less the kangkang thinggie due to my self imposed celibacy... charlegmagne!

I woke up at 10:30, with the early sympotms of a flu; heavy head (both), runny nose, hot teary eyes, and terribly late for my Orientation for work at 10:00 AM! Blame it on the Bossanova played on violins in my dreams! Wag na ipagdamot! Yan na nga lang eh!

Hurriedly splashed myself awake, grabed some garb and grub, and hurried off to the office. On the way, I read Alvi's texts asking kung asan na ako. Si Alvi ang istreyt na lalaking kabarkada ko na sabay ko din nag apply for the ramp-up dahil bored din at insomniac sya tulad ko. Dumating ako sa opis almost mag i-eleven na! Buti me naabutan pa ako, at naabutan ko pa ang end-part na contract signing! Yun naman ang importante! Buti din walang pakelam ang nag oorient at house rules eklaverj lang naman ang diniscuss at training schedules na. Dapat sana 9AM-6 PM ang sked ko for training! Spell ASA! Alas diyes nga hindi ako makagising! Nine pa kaya? Buti merong 9PM-6AM na sked para sa mga in-school, which I am, technically din naman! Sinabi pa ng nag oorient na she will confirm daw kasi recommended ako to skip Engish Training and go directly to product training. Mataas ang English Proficiency Results ko. In a 1 to 4 scale, perfect 1 ang ni rate sa akin in all English tests! Naman! Bukas ang start ng training pero iko confirm ko pa ang sked.

Matapos yun, tinamad na akong bumalik ng bahay. Wala naman na akong gagawin at nagising na din ako by then kaya ayoko na bumalik matulog. I checked my wallet and decided to check out the newly renovated/opened Amigo Mall! Makatingin tingin at baka me magustuhang mga attoure dun for training and for the job na din. Business Casual ang dress code eh. Kung andito lang ang nanay ko Im sure sermon ever ako Di na kasi magkasya ang mga damit ko sa closet eh... Enihoots, go ako mag isa!


Dahil sira na naman ang sasakyan ko, nag commute ako, at habang nakasakay, tinetext ko ang aking asawa-to-be. Oo, nag titext na kami. Malakas lakas na ang loob ko na itext text sya! Tinatanong ko sya kung pwedeng mag pa lessons! Oo naman daw pero not now kasi busy ang lola! Kailangan nya magtrabaho para sa future naming dalawa! Kung ako lang naman, ayos lang kahit simpleng buhay at tirahan. Basta nagmamahalan. Kaso, nakakahiya naman na Architect sya, tapos sa bahay kubo lang kami titira di ba? At saka, mag aabugado din naman ako eh! (si Violinist ang tinutukoy ko Gaga! Hayaan nyo na akong mag ilusyon!)

Dumaan ako sa Mary Mart Mall... Merong one day Christmas Bazaar dun! Drop by! Nakabili ako ng limang libro for only 40 pesos lahat... good titles at that...TheOmen ni David Seltzer, Canterburry Tales ni Geoffrey Chaucer (classic kaya to!) Back to the Barrios ni Juan Flavier (sinusundan ko kaya column nya dati), A Map of the World ni Jane Hamilton (no idea ako dito pero Oprah's Book Club sya at National Bestseller daw, and besides, at less than ten pesos, keri na!) at ang pagkaganda gandang The Giver ni Lois Lowry, na meron na akong kopya pero balak ko ibigay kay Ewinowi for her birthday, along with what I am thinking of getting her. Now the delicious/intriguing part!


Ang stall na katabi ng pinagbilhan ko ng books, kilalala ko ang nagbabantay! Dalawa sa mga dati kong kasamahan sa GMA nun. Matagal ko na rin silang di nakikita. Chika galore! Yung girl sa tabi, smile ng smile sa akin. Pinakilala ako sa kanya. Yeh daw ang name. Pamilyar daw ang itchura ko. Nagulat ako sa sumunod na mga exchanges with her

Yeh: You look familiar! I think I have seen you before.
Me: Really? Well I do get around.
Yeh: Were you at SM City when there was a string trio performance?
Me: Yeah! Why? (Medyo puzzled na!)
Yeh: Yeah! That's it! That's where I saw you. You stayed the whole time, and you were really into the music! Tuwang tuwa ang trio na merong nakaka appreciate at nag take talaga ng time to stay and listen!
Me: Oh you have no idea! How did you know that? Where were you then? (Binabantayan mo ko ha!)
Yeh: At the back... of the trio... the pianist is my fiance!
Me: Wow! Talented guy! Loved his piano solo! (Charot! Mas love ko pa rin si Violin guy!)

Kung saan saan pa napunta ang usapan at nalaman ko na active at involved din pala sya sa tourism, arts and heritage scene! Di naiwasang pag usapan si Violin guy. Lalo akong na inlab sa kanya nung sinabi ni Yeh na self taught pala sa violin ang mahal ko (mahal daw oh!) at sa mga internet instructionals lang daw sya natuto! Walang formal music lessons si Violinist! Galeng talaga ng labiduds ko noh? Feeling friends na kami ng Yeh, kasi nga kilala daw nya si Mother John. Syempre nanay ko yun! Sa kasal daw nila ng hubby nyang piyanista, tutugtog ang trio, at gusto daw nya magpasulat ng vows nila in poetry! Tapos, merong poetry reading daw sa reception! Taray! Nakikita ko na eh! Nagtutula ako habang hinahagod ng musika ng biyolin ng aking pinakamamahal! Toinks!

Ang nakakawindang ay eto! Inabot ni Yeh ang fone nya at naghihingi ng number ko. Walang ka abog abog na inabot ko rin sa kanya ang fone ko in return! Tanginampakinshet!

I FORGOT!


NAKABALANDRA PALA SA FONE KO AS WALLPAPER ANG PICTURE NI VIOLINIST NA KINUNAN KO HABANG TUMUTUGTOG SYA! POOOOTAAAAH!!!


Nagulat at napangiti na rin si Yeh! Halos matunaw ako sa dyahe at hiya! Sabi ni gurl! Wow! How sweet! Naka wall paper talaga? Isang musikero at isang makata! Bagay ah! You want me to tell him? (Talitalinong babae neto! I swear! Friends na tayo for life!) Hehehehe Sagot ko naman... Tell him what? Nakakaloka! Sabay bawi naman si Yeh... Very nice naman sya eh! Kayo na dalawa bahala!



Sa isip ko lang... Music and Lyrics ba itoh?

LORD IS THIS A SIGN? CHAROS LUKOS!

Chuubeee kantinyood...

Photo Credits:

http://www.whoscasa.com/?p=4
http://ronaldcharles.org/

2 comments:

Aris said...

In love ka rin, my friend! And he is a violinist! nakakapanghina ng tuhod in the same way na nakaka-excite ito, drew barrymore! :)

Luis Batchoy said...

aris: har har har, kailangan ba ako si drew?