Monday, December 1, 2008

Twelve oh One Part Two of Three (Looks Good On Me)



I left the bazaar baffled. Pleasantly buzzed and smiling deep within and surely, without too!
Off to Amigo Mall to check out the merchandise. The last time I was there, nakabili ako neto...

Mint Green Shirt I bought last week


Love the color! That time nung pumunta ako, kontilang dala kong pera kaya sampiraso lang nabili ko pero madami akong gusto dun. Nagbalak ako bumalik at today na nga yun! Besides, this week daw darating ang bagong stocks nila, kaya go! Pag dating ko dun, di pa daw dumadating ang stock. Na stranded daw sa Bangkok ang namili dahil nga me krisis dun di ba? Sad! Sana okey lang naman si Ateng namamalengke! Lipat ako nang store. Last time din, nakabili ako ng parang pop watch dun. Nakakatuwa kasi ang kukyut! Parang laruan lang. Meron akong tatlong nagustuhan dun, pero dahil nga konti dalang pera, isa lang nabili ko. Balikan ko at bilhin yung dalawa pa pandagdag sa nabili kong ganto!


Pop Me My Time


Ang cheap ko noh? Mumurahing ka eklatan lang masaya na ako? Kahit hindi branded o mahal, basta nagagandahan ako, tuwang tuwa na ako. Hehehehe. Sa kasamaang palad, nabili na din ang gusto ko. Both! Bummer! Pero hindi ako nainis masyado dahil shielded pa nga ako ng sunshine experience kanina! Lumipat na lang ako ng ibang shops. Tingin tingin ako sa mga damit sa kabilang shop. Meron din silang mga shirts tulad dun sa nakita ko sa dapat pagbibilhan ko sana. Kaka restock lang daw nila! I picked up three shirts and went to the fitting room area.

Naghintay ako sa labas ng fitting room. Okupado both. Biglang naghawi ng kurtina ang isa. Me lumabas na chubby chinito. Tumingin sya, nag smile. Smile din naman ako. Then nakipag usap sya. Sam Ting Layk Dis!

CC (Chubby Chinito): Hi, sorry if that took long.

Me: It's ok, I don't mind waiting.

CC: Thanks. I'm kinda finding it hard to decide which to buy. This shirt I'm wearing now or this (shows an olive green one).

Me: Hmmm...

CC: I ike both, wala lang akong second opinion kasi, wala akong kasama eh. What do you think?

Me: That one you are wearing looks good on you, actually. (Sabay smile ako...Anlandeeeh!)

CC: Really? You think so?

Me: Wel I haven't seen the olive green one on you... So...

CC: Wait! (Bumalik sa loob ng dressing room at lumabas na suot ang olive green shirt.) Now which one?

Me: Hmmmmm... (tinignan sya mabuti at nagkunwang nag iisip, pero talagang chine-check out ko lang ang kyut dimples nya) Sheesshh... Now I'm confused! They both look good on you! (Ismayl demyur ulit!)

CC: Hahahaha...
At this point umeksena ang isnag muray ( na may ari pala ng shop)

Murayah: Is there any problem? Do you need help?

Letcheng storbo sa kakiran naman ang murayah na tetch!

Me: (Deadma sa murayah!) Tutoo naman eh, they both look good on you. If you can afford it, kunin mo na both! Bagay naman sa yo eh. Magkaiba naman designs!

CC: Hahahaha... sorry ha, nabother ko pa pati ikaw.

Me: No problem! (Sabay harap sa murayah) Magkano ba yan? Wala bang discount pag marami kukunin. (Umandar na ang tawaran/kuriputan skills ko)

Murayah: If you are buying a lot, I can give you discount. (May ari nga sya eh di ba?)

Me: (Smile kay CC) Oh ayan, bibigyan ka ng discount, kunin mo na both bosing pogi, para makapag fit na rin ako neto. (Smile ulit ng nialanggam na smile sabay harap kay murayah) Dapat ako malaki discount ha! Sinesales talk ko na si bosing ha!

CC: Hahaha, you are cool and amazing! Ok I will take both shirts!

Shirt #1: Aqua-me-marine


WAGI! Amazing daw ketch? Eh di ba, yun ang tawag ni Violinist saken sa aking dream dialogue?

So go na si pogi para mag bayad. Meanwhile, go fit na ako. Tae! Dilemma na tetch! I like al three! Huwaaa! Second opinion din ang kailangan ko eh! Lumabas ako ng fitting room na suot ang isang shirt! Hanap ako ng saleslady na makakatulong which one looks best on me.
Nagulat ako pag bukas, andun pa si CC. Nakaabang!

Shirt #2: Brown To Earth

CC: Hi! I forgot to say thanks, and I didn't get your name!
Abah! Landi na itey! Alone nga naman pala sya! Hindi pa man, mukhang magiging unfaithful husband na yata ako sa Violinist ko ah!

Me: It's ok! You're welcome. My name's Luis.

CC: I'm CC! (kala nyo ha!) Thanks again! You took long, too. Can't decide? Need second opinion?
Abah! Mababaliktad ata ah! Oh no, you are not gonna...

Me: No, it's ok! Im considering buying all three... considering! (Ches lang!) By the way, how much did you get yours for? Malaki ba binigay na discount ni Ate? Bibigyan nya dapat ako ng mas malaki kasi kinumbinsi kita to get both! Hahahaha!


Shirt #3: I'm a lighter shade of Blue!


CC: Considerably big discount naman! Kaya nga binili ko na both eh... Tig - Php___ na lang!

Me: Wow! Laki ng bawas ah! Sige kunin ko na tong tatlo! (Buti na lang me dala akong pera! At infairness! Malaki nga talaga naman ang bawas!)

Punta na ako ng counter sabay si CC. Si Ate nagkakaha!

Me: Ate, dapat kasinglaki din ng discount ni pogi bigay nyo sa akin ha! Saka, tatlo kukunin ko! Dapat mas malaki

Ate: Sige, ito na lang bigay ko sa yo nyan. (Kalkyu kalkyu eklat!) Php ____ na lang yang tatlo!

Me: Ay, konti lang, tapat na ba talaga yan? Gawin nyo na lang Php _____ para sarado na!

Ate: Oh sige, bibigay ko sa yo sa ganyang presyo, pero dagdagan mo para Php ___ each na lang!

Me: Eh ito lang gusto ko eh, tong tatlo lang! Saka pag apat na kunin ko, di bale, kalahating dosena na nabili namin ni pogi, kasi dalawa sa kanya! Dapat mas mababa pa! Dapat Php ___ na lang!

Ate: Oh sige na nga! Php ___ na lang apat! Basta bumalik kayo dito pag me bago ha!

Infairness! Super mura na nga bigay ng lola! Pwes! GO! Gandah! Tutal nagbabalak naman talaga ako bumili ng attoureseses for work eh!

Me: Sige pili lang ako ng isa pa! Sana meron ako magustuhan pa!
Go na ako sa display area to get another shirt!

CC: Ang galing mo ah! Talo mo pa ako, eh insik daw ako eh! Mas magaling ka sa tawaran eh!

Me: Hahaha... thank you! Ganyan talaga pag medyo kapos ang budget lagi. Ya know! Proletariat! (Chos lang! Kyut nya ngumiti! Nahuhumaling na sa akin to ah! Baka ipahawak neto mga negosyo nya saken! Scared! Hehehehee)

Me: Guess what, you have been very nice to me. Why don't you pick a shirt/color for me?

CC: Huh? You sure? Parang jowa ah! Hehehehehe

Me: If you don't mind lang naman! If you do, it's ok, I can go pick o...
Di ko na natapos nang sinasabi ko kasi...

CC: This! This color would look good on you, I think!

Shirt #4: C cubed! CC's Choice! Parpool

Me: (Smile lang... Violet? Mukhang Barney ba ako?) Sige... fit ko muna

CC: Ok! Im sure it would look good on you!

Humanda ka, pag nagmukha akong daynasawr sa kulay na to! Sira ang diskarte mo buong hapon! Pagkasukat ko, infairnaloo! It looks good nga on me! Hmmm... napakayummy ko tignan sa kulay! Eherm!

CC: You done? Come out wearing it, I wanna see! (Lumabas naman ako) See! I told you! Gwapo ka sa kulay na yan.

Applause applause mga kababayan! Narinig ko ng tama iyon! Gwapo daw ako!

Me: Sa kulay lang na to? Akina lahat ng violet na designs jan, yan na bilhin ko apat! Hehehehe

CC: Sira! Kanina ka pa kyut sa tatlong kulay na napili mo! Galing mo mamili ah!

ETCHUSA! Nakikipag landian to the max na itey ah! Yayain ko kaya mag sex agad to? BUT NO! Celibacy pala ako now! Binayaran ko na ang apat na shirt at sabay na kami ni CC lumabas.

CC: So, where to now?

Me: Dunno, how about you?

CC: Home na rin sana, but I think, not yet! Wala ka na ba pupuntahan?

Me: Ahmmm (SHET! DATE ITEY!) Wala na din naman...

CC: Ahmm, sige? Kofi?

Me: Ahmmm... (ayowko! Mushalow naman ako cheap nun! Kaladkarin!) I...
Saved by the bell... este... cellphone! Nag ring ang phone ni CC

CC: Sori, I have to take this call, excuse me!

Sister nya ang tumatawag. Emergency, nasiraan ng kotse! Nanghihingi ng ayuda! Narinig ko usapan nila kasi mukhang wala naman syang balak itago o huwag iparinig sa akin, naman kasi eh.

CC: Ahmmm... sori, I really need to go get her. Would you like to go with me? Baka may alam ka din sa kotse? Hehehehe

Me: Raincheck! (Too much too soon naman to eh!) Sira din nga ang kotse ko now at wala ako ka alam alam dyan.

CC: Aw! Sige. Let me just drop you off where you wanna be next!

Me: (I wanna be next to you in bed! Etchos!) Nah, I can take it from here! Besides, you have to go help your sister pa! I will be fine!

CC: Sure ka? O sige, but before that, can I have your number? (Sabay bigay sa akin ng kanyang telepono para ma key-in ko ang number ko! Instinctively, iaabot ko rin sana agad ang phone ko but I remembered the dyahe moment kanina lang! Nakabalandra pa rin as wall paper ang Divine Violinist ko dun. I keyed in my number and returned the phone to him!)

Me: Give me a call so I can save your number too. (Pina ring nya naman and I saved his number)

CC: So pano? Thanks again! Kofi next time, pramis yan!

Me: Pleasure's mine! Take care... and to your sister too (bayaw? Mwahahaha!) Bye bye (walang kiss?)

CC: See yah! Soonest! Later, if possible...

Me: Smile lang and shake hands!

HOMAYGAD! What a day indeed dot dot dot!

But wait! There's more... sabi sa shopping TV

Chooobeee kantinyoood!

Photo Credits:

http://www.woodengraphics.com/

2 comments:

Yj said...

hahaha... i love this post... ang landi ng ateh ko!!!! hahaha

Luis Batchoy said...

yj: ganun talagah... eh singol eh... kumakarir hehehehe