Wednesday, November 26, 2008

Ako lang ang Hindi

May Cosmic Conspiracy yata to leave me out...


Busy yata ang lahat at halos mamatay sa kanilang workloads...

Nababato lang ako kakahintay ng tawag ng HR para masimulan na ang training para sa ramp up job sa BPO na yun.

Nga pala, tanggap ako at naghihintay na lang ng tawag. There will be a one week English training, tapos, one week product training bago sumalang sa floor.

Di na ako dadaan ng Engish Training, diretso na ako Product Training. Therefore, after a week, floor wax na ako. Unofficial pa pero sa Customer Service Help Desk ang department ko. Di ako magbebenta ng 'product.' Nakakabato naman ang mag hintay...

Si Loven, Si Don, Si Aris, Si Dynamic Duo Bryan (sori di sya nag bo-blog)... busy lahat at kalowrkah Mercado ang mga skeds nila.

I'm sure pati si Santa Claus super bizi-ness!


Ako lang ang hindi...
kasi ako... boredomness... mega tambay sa kapehan at pa stir stir ng mainit na brewed.


Eksayted ang lahat sa Law Week Celebration. Lahat nakatutok sa sizzling hot rivalry ng 4th year section A (kami) versus Section B (sila) sa basketball dahil nga hati ang year namin dahil sa isang malaking misunderstanding, kung kaya't dalawang teams ang Seniors sa Basketball Men. Lahat OA sa simbolo ng koponan namin; ang basketball jersey... syempre nasa basketball team ako. Ang jersey number ko? 06... hulaan nyo bakit... Lahat halos, pati mga girls nag patahi ng matching jerseys nila in support sa team. Eksayted ang lahat.



Ako lang ang hindi...
kasi ako, as ambasador of peace and goodwill, walang hilig sa heated rivalry... madami akong friends sa kabilang section... kaya... World Peaceness


Nagkakagastos at naloloka ang lahat sa gastos. Official representative din ako for Bowling Men, at Bowling Doubles; kasama nung rep for Bowling Women. Nagbabalak din kaming dalawa magpatahi ng sarili naming jerseys... Magastos at nagkakagastos ng bonggang bongga ang lahat sa Law Week. This year, mag tuturn over ako ng title as MR. LAW sa susunod na lulurking mapipili/pilit/blackmail ng kanyang klase at mananalo sa Law Night Search. Paparada kami ni Ms. Law sa iisang float. Gastos ni Ms. Law at subsidized konti ng council. Suotin ko na lang ulit ang sinuot ko sa Palanca Awards Night. Walang gastos. Sabay na pa muk-ap sa mag mumuk-ap kay Ms. Law... klasmeyts naman kaming dalawa eh. Madaming namumrublema sa gastos this next few weeks.

Ako lang ang hindi...
kasi ako kuripowtness




Excited ang mga close friendships sa pasko. May mag fi-first Christmas as mag jowa, as mag asawa, as parents, as lawyers, ad infinitum... Lahat na yata excited. May endless strings of reunion at lahat gustong pumunta as new professionals, as new couples, as new lawyers (ulit), as new magjowa's, as new parents, ad infinitum.

Ako lang ang hindi... kasi ako... As... ASANESS!

Bakit kaya?

Tawagan ko kaya si Tatay Leo at tanungin kung meron syang alam mapag bilhanan nung sinasuggest nya sa aking bilhin na?

Magkano-ness? Hehehehe... Cheapanganess ko naman nun!

Hingin ko na lang kaya sya kay Santa Claus... kaso...
Hindi ako nice eh... pero
Hindi rin naughty.



Halos lahat hindi na naniniwalang may Santa Claus... pero ako naniniwala pa rin. Kahit hindi pa nabibigyan ng anything galing sa kanya. Ang mga naniniwala naman kasi kay Santa Claus nakatanggap na ng regalo from him daw...

Ako lang ang hindi...


Photo Credits:

http://www.aceassistant.com/
http://melroserocks.blogspot.com/
http://urbannarc.blogspot.com/
http://www.istockphoto.com/
http://www.travis-spencer.com/

2 comments:

Aris said...

inggit ako sa'yo, friendship. ako, halos hindi makapagsuklay sa sobrang busy! charoz! :)

Luis Batchoy said...

wag na magsuklay... baka ma allergic na naman... mas inggit ako sa yo... me nag a aylabyu sa yo, nakapanuklay man o wala. :)