Tuesday, November 18, 2008
Wagi!
Ang saya saya!
Kanina mas lalong tumingkad ang kulay ng buong mundo. Pagod ako nung nakaraang gabi kasi magmamadaling araw na natapos ang client interview sa inaply applyan kong ramp-up job sa isang BPO company. Pagkadating sa bahay ay pagod na pagod at antok na antok na ako kaya nakatulog agad ako.
Nagising ako kanina sa napakagandang SMS o text. Sabi ng text.
"Pagbati! Ang iyong binalaybay na pinamamagatang "Lagtok Tilaok, Lanton Panagitlon, na inilahok sa Gawad Komisyon ng Wikang Filipino ay nanalo ng karangalan sa patimpalak. Antabayanan ang iba pang anunsyo hinggil sa pagpaparangal. Congratulations!"
Biglang napawi ang antok ko at lumiwanag ang buong mundo! Happiness! Kaagad agad kong tinawagan ang aking ka-dynamic duo at writing partner na si Bryan Argos upang ipamalita ang pagkapanalo ko pero naunahan nya ako. Sinagot ko ang tawag at nalaman kong nanalo din sya! Dobleng saya! Sa susunod na mga post, baka ilagay ko yung nanalong akda.
Sumagot at nagpasalamat ako sa nagpadala ng SMS at itinanong ko ang resulta sa kategoryang malip-ot nga sugilanon, o maikling kwento sa Hiligaynon dahil meron din akong isinumite dun. Sumagot naman agad na hinihintay pa daw ang resulta nun. Sinabi din nya na pag lumabas na ang resulta ay magkakaroon ng isang Parangal para sa mga nanalo at para maibigay ang kaukulang premyo sa mga nagsipag wagi sa patimpalak/gawad na yon.
Bitin naman eh, kala ko pa naman me resulta na rin sa maikling kwento. Pero di na masyado akong umaasa dun sa kategoryang yun kasi nga, kasali dun ang mga pagkagaling galing na mga manunulat sa Hiligaynon na sila tatay Dr. Leoncio P. Deriada (na sinabi nya sa akin nung nag Sundate kami kamakailan) si Prof. Alice Tan Gonzales (hula ko lang naman) at si Prof. Genevieve Asenjo (na siyang nanalo ng unang gantimpala sa binalaybay na kategorya sa Gawad Komisyon ng Wika sa taong ito). Weytaminit kapeng mainit ang resulta nun sa ngayon.
Samantala, maganda naman ang naging resulta ng Client Interview. Pinaghihintay na lang ako ng tawag galing sa HR kung kelan magsisimula ang training na malamang ay sa susunod na linggo, kaya weytaminit kapeng mainit din ang moda sa ngayon.
Sa biyernes na nga pala ang pulong binalaybay. Basahin ang detalye dito. Sana kung nasa iloilo kayo ay dumalo kayo dun sa Museo Iloilo. Alam nyo na siguro kung nasaan yun. Magkakaroon ng masusing pagtatalakay tungkol sa peotika ng mga nangungunang makata saHiligaynon (kabilang na ketch dun) at mga Ilonggong manunulat. Magkakaroon din ng pagbasa ng mga tula at mga poetry performances, kaya kitakits.
Wala muna ako sa mood mag emo dahil masayang masaya ang mga balitang natatanggap ko at ayos na ayos ang sanlibutan. Magdiriwang muna ako sa piling ng aking pinakamamahal na tasa ng kape. Sama ka? Tara! Celebrate with me!
Photo Credits:
http://macroblog.typepad.com/
http://wika.pbwiki.com/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
congratulations poh.... hmmmmmmm parang ang saya ng buong mundo ngayon.... ako, katatapos lang ng isa sa mga pinakamasayang araw ko sa taong ito.... sana masundan pa bago magbagong taon.... goodluck sa job-application.......tc
Congratulations na naman. Its time for happiness na! Go!
congratulations! double winner bitaw!
congratulations! cheers! :)
Congrats!! What an achievement. May libro ka na??? Make sure to let us know kay mabakal gid ako :)
Congratulations sa iyo.
At maraming salamat sa get well comment na iyong iniwan sa aking blog.
Ingat ka lagi.
yj salamuch po, bumisita ako at nag comment sa poem mo dun sa page mo.. yeah masaya ang mundo!
lyka: salamuch tiyay. kung ari ka di kape galore moment na naman ini.
reyna: baka naman greedy ako pero I wanna win in the short story category din. hehehehe
aris: cheers nga naman taaga ito. Tara kape tayo.
mugen: waag anuman. pagaling ka at ingatan ang sarili.Kasi ga di ba, nilalaan mo ang sarili mo sa taong magdedeserve sa yo? Pano na kung di ka mag iingat? Aabutan ka nyang gulay na.
zj: Im actually publishing shy. Pinipilit na akong maglabas ng either poetry or short story collection pero natatakot ako. Gusto ko kasi pag naglabas na ako ng libro, magkaka first book award agad or nationa book award man lang. Chos! Hehehehe
congratulions, luis! dahil sa award mo, malapit na kitang mahalin! charing! pero sincerely, congrats talaga. sana i-post mo ang iyong winning entry, ha...
mwaah!
aba, hakot award ka yata ngayon ha! continue your winning streak! maybe you ought to start writing a screenplay now at baka maihabol pa for a movie for next next year's Oscars! you'll never know, di ba?
zen: malapit na ba talaga? Ilang awards pa? wag mo ang hingin mag ka nobel ako muna at baka uugod ugod na tayo by then
spool: it has been one hell of a great year for my writing loven!
Post a Comment