Saturday, November 15, 2008
IZTAPET!
Dear Vertical Horizon,
Alam ko kung gaano ka hirap ang pinagdadaanan mo ngayon.
Alam ko na masakit na iwanan ka na lang nya ng ganun ganun na lang.
Nakakapraning...
Nakakalalaki...
Matapos mo syang alagaan at mahalin ng halos di mo na matandaan kung gaano ka tagal kasi di mo na binibilang dahil nga naging parang "second nature" mo na ang gawin yun.
Pero 'di mo alam, mas nahihirapan ako na makita kang nagkakaganyan.
Gusto kong sabihin sa yo na awat na pero sige lang. Alam ko din kumbakit ako yung pinagbubuhusan mo ng sama ng loob mo. Syempre, di ba, bagu-bago pa lang tayong nagkakasama mula nung naging ka-chokaran ko na ang barkadahan nyo. Lahat sila, sawa na makinig sa yo, di ba? Sawa na lahat sa kakadrama at kakaemote mo, di ba? Kaya ako na bago mo pa lang yata mapagkukwentuhan ang napagdiskitahan mo kausapin.
Pag nasa barkada, kinakantyawan ka na pag nagsimula kang banggitin yung pangalan nung bebot mo. Alam na alam na nila mga linya't litanya mo. Tahimik lang ako. Di ako nakikisabay sa tawanan at suplahan nila. Alam mo na... ganyan talaga sa samahang heterosekswal... Sira ang macho image ng isang lalaking straight pag nag sisenti sentihan di ba? Pero naiintindihan kita Alam k o naman kasi kung panong magkaganun eh. Yung masaktan ng todong todo?
Kaya kanina, niyaya mo ko. Sabi mo, tambay tayo. Syempre, punta naman ako. Malakas ka sa akin Vertical Horizon eh. Mukhang alam mo na din yun... Text ka pa nga ng text kumbakit antagal tagal ko dumating. Syempre, me klase pa ko, at syempre, nagbihis muna ako kasi pawisan ako kanina eh. Sa susuond magdadala na lang ako ng ekstrang damit sa kotse. Gulat naman ako kasi mag isa ka. Tinanong kita kung asan sila. Sabi mo, wala, tayo lang. Shet! Close na tayo ha! Sinosolo solo mo na ako ha! Ikaw ha... Pero sa tutoo lang, kinakabahan ako.
Nawarningan na ako ng barkada kung pano ka nagiging super saiyan. Nagwawala at nag aamok ka daw. Pero hindi lang yun ang kinakatakot ko eh... Sori din kung hindi kita masasabayang uminom ha... hindi talaga ako umiinom eh. Saka, mahirap na... baka ano pa yung masabi ko pag lasing na ako...
Laklak ka ng laklak at dakdak ka ng dakdak sa mga hinaing mong paulit ulit at makulit. Kinig lang naman ako ng kinig sa yo at nagtataka kumbakit mas pinili ko ang makinig sa yo kesa mag aral para sa Finals ko kinabukasan... Lalong dumadami ang naiinom mo, lalong namumungay ang mga singkit mo na talagang mga mata. Pati pagsasalita mo 'namumungay' na rin. Alam mo, kasi, naman... Ang kulit. Syempre, titig lang ako sa yo. Kunyaring nakikinig ng maigi. Pero alam mo, matagal na talaga ako nakukyutan sa yo eh. Kaso, keso... Wag mo kong tanungin kumbakit antagal ko bago mag 'warm-up' sa yo dati. Ahhh ehhh kasi, ano eh... kwan! Tae naman kasi no? Gan'to na lang, "I'm brave but I'm chicken shit... yun, ganun yun.
Bigla ka pa magtatanong kung pangit ka ba, kaya ka niloko ng malandi at haliparot mong gerlpren. Naknampakincheff Vertical Horizon, kailangan pa bang imemorize yan? Wag kang titingin ng ganyan sa akin, putcha! Mahaharass kita nyan eh! Tanong mo kung ayaw ko ba talaga uminom. Sarap mo sagutin na "ayaw... tikman ko na lang inumin sa lips mo!"
Siyet! Senglot ka na! Susuray suray... nakaakbay ka pa sakin oh! Hatid kita pag uwi syempre. Alanga pabayaan kita sa ganyang kondisyon no! Tanginampakincheff, nanginginig/kilig ako. Shet, wag kang bubuga sa leeg ko. Kinikilabutan/kiliti/libugan ako putcha! Pagdating senyo, direcho sa kwarto mo. Syempre uwi na ko. Nakiusap ka pa na dun na din ako matulog, at wag kang iwanan mag isa, malaki naman kamo ang kama mo eh. Tsaka, pareho naman tayong lalaki di ba? PUTCHA! Syempre, gusto ko, pero hindi eh! Pero makulit ka eh... Pilit ka ng pilit. Pumayag na lang ako... At maya-maya pa... nakatulog ka na. KNOCK-OUT! Puta! Alam mo pa kung gaano kahirap magpigil? Ilang tonelada ang bigat ng sapatos ko sa hirap tumalikod at umuwi? Goodnight Vertical Horizon. Babae lang yan repakols!
Sana... bukas okay ka na... para maiiwasan na ulit kita. Sabi mo mabait ako... pero alam mo ba, malapit na akong maging tarantado eh.
At hindi mo magugustuhan pag umabot na dun. Alam mo, naiisip ko?
Magaling ka kaya humal... humalo ng pintura?
Masarap ka kayang chum... chumamba?
Di ka kaya masasaktan pag kinan... kinansel ng parents mo allowance mo?
SIYET!
Kailangan ko makahanap ng ONS... Maaga pa naman eh! PAKSHET!
IZTAPET LUIS!!! BAD CHEETAH!!!
GOODBYE VERTICAL HORIZON!
Photo Credits:
http://living.oneindia.in/men/
http://www.wcg.org/
http://pro.corbis.com/
http://smlpx.mobi/
http://kendragonchronicles.blogspot.com/
http://www.primarytimes.net/
Labels:
bigalet,
eklat,
emotero,
jugilamousness,
panglugayawan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
hmmm sana go go go kalang
ahahaha
woof!
bwahahahahaahaaha! yun lang.
hala... dapat magbreak sila ulit ng gerlpren niya para matuluyan kayo...
matuluyan kayong maging BFFs (Best Friends Forever)! Hahaha...
Di nga? Di ka umiinom???
@bryan...ayaw... hnidi pwede. Pano pag kinan ko tapos masarapan tapos ipamalita sa buong barkada na masarap ako kuman__? Pano na? Magiging sex slave ako ng tropa? Wag na! HEkhekhek
@fuschia tse yang tawang yan ay punumpuno macapuno!
@spool ayoko sya maging BFF (Buddy for F*ck?) kasi madami na ako nyan.. ching! Tunay dalisay at wagas na pag ibig ang hanap ko... meron ba jan sa Cambo? Reto dali... deadline na ang pasko... mwahahaha!
pahabol spool: unfortunately, mababa talaga ang alcohol tolerance ko... I am advised against it by our Family physician kasi nga nag iinflame ang air passages ko, nag papass out ako at walang mainhale na oxygen pag naiintoxicate. Napopoison ketch. Kaynez nga eh
ngayon alam ko na kung bakit d ka umiinom. at hanga ako na malakas ang kontrol mo sa temptasyon.... hindi lang dun sa alak... hehehehe i love this post. it's so universal. sino bang badichi ang hindi nakaranas ng ganitong eksena minsan sa buhay nila? ang tanong lang, lahat ba tayo may lakas ng loob kagaya mo? lakas ng loob na tumayo, tumalikod at lumakad palayo....
Post a Comment