Sunday, November 9, 2008
ER moment
Ayos na ang sasakyan ko.
Malapit sa dos mil ang ginastos ko sa pag papaayos. Pinalitan ng bagong fan belt at bearing sa aircon tapos yung malaking tubo na ewan kung para saan. Kasi daw hindi ko ginagamit ang aircon.
Pag naikot daw ang fan belt, naikot din yung belt para sa aircon. Pag hindi ko daw ginagamit ang aircon, nag sastuck daw yung belt para sa aircon kasi naikot din daw yun. Tapos yung tubo daw, may punit na kaya maingay.
Wala akong na intindihan sa sinabi ng mekaniko.
Alam ko lang, magkakagastos na naman ako.
Sheesh!
Bumalik na lang daw ako after two weeks kasi i-aadjust nya yung fan belt kasi lumuluwag daw yun.
Pawisan si mekaniko kahit naulan.
Madungis at magrasa sya.
Ayos na daw ang sasakyan.
Mabait si manong mekaniko. Makwento. Magaling mag ayos ng sira.
Sya nga daw nag ayos ng sirang equipment para sa pinaplanong Coal fired Power Plant eh.
Tinatagalan daw nya kasi ayaw nya sa coal fired power plant. Sana daw laging masira.
Bakit kaya parang gusto kong punasan ang noo ni mekaniko?
Dahil ba chubby sya? At kyut mag smile?
Parang gusto kong sirain ulit ang sasakyan ko.
Para makita si manong mekaniko na tutuwad tuwad na tinitignan yung makina ng sasakyan.
Nag aayos din kaya sya ng sirang puso?
May kaibigan akong mahilig sa mga ganyan. ER ang tawag nya sa mga ganun. Factory worker, Construction worker, laborer, driver, porter, janiter, kargader! Mga taong pawis!
Don't tell me, nahahawa pati ako.
Pati ba naman mekaniko? Ano ba yan!
YUCK!
Photo Credits:
http://ph.88db.com/ph/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment