Wednesday, November 19, 2008
Ang tatay talaga!
Celebratory mood pa rin ako kahit medyo ngarag sa preparations for Friday's Event sa Museo Iloilo.
Breather muna ako at pahigop higop ng kape. Biglang nag ring ang aking cell phone. Si Tatay Leoncio Deriada ang tumatawag. Kinabahan ako. Heaven forbid na tumatawag sya to say he can't make it or something more important or more pressing came up! Wag naman sana! Napa kurus tuloy ako bago sagutin ang tawag.
Nagtatanong lang naman sya kung anong oras ko daw gusto na andun sya? Whew! Relief! Sa hapon pa kasi naka schedule sya sa panel pero syempre mas masaya kung buong araw andun si Tatay Leo. Syempre pa, sya ang Ama ng Kontemporaryong Literaturang Hiligaynon no!
Narining daw nya na marami sa original na panel ay di nag confirm dahil nga may conflict sa mga skeds nila kaya nahirapan akong maghanap ng kapalit nila. Inamin ko na tutoo nga. Napagalitan ako. Bakit ba daw di ako nag tanong sa kanya kasi madami syang kontak sa mga mas matatanda at mas bigating mga manunuat sa Hiligaynon tulad nina Agustin Misola at Prof. Pamonag. Bakit nga ba? Juwardikels ako sa tatay ko. Sabi ko, charge to experience. First time kasi madaming nagagawang kapalpakan sa sobrang kalituhan. Sabi nya, "kaya nga andito ako eh!" Toink! Hindi lumusot! Sabi ko na ang "mea culpa, tay... sori, di na po mauulit!" Umokey naman si Tatay.
Nagbabasa daw sya ng Entertainment Section ng Philippine Star. Nabasa daw nya dun na si Joel Torre ay gaganap sa isang pelikula na isang Cinema One Original na ang title ay "Yanggaw". Naiinis sya dahil ang pag ka translate daw sa term na yun ay "to infect." Dapat nag iingat sila kasi sa pag gagamit ng mga salita kung di nila alam kung ano talaga ang tamang kahulugan nun. Parang sinabi nila na pag na hawa ako sa sipon, na yanggaw na ako. Specific kasi ang term na yun sa pagiging aswang eh. Ang yanggaw ay proseso kung saan, ang isang aswang ay nililipat sa isang biktima ang pagiging aswang nito. Mali nga naman ang "to infect". Walang direktang translation ang salitang yun sa ibang lengwahe; tulad ng salitang "Aswang" na tinatranslate din sa wikang ingles na "witch". Mali din ang translation na yun.
Syempre pa, kinongratulate ako ng tatay. Wag daw lalaki ang ulo ko sa sunod sunod na parangal na natatanggap ko. Wag daw tumulad sa iba dyan. Kilala ko ang mga pinapasaringan ng tatay. Sabi ko, tay, pipilitin ko na wag mangyari yun. Sa akin naman kasi, puso ko ang laging lumalaki. Hindi ulo. Sabi ko din sa kanya na sana, pag nakikita nyang lumalaki na ulo ko, pakitapyas na lang po. Tawanan kami. Sinabi nya na sumali din daw sya dun, at ang galing na daw namin ni Bryan. Masaya sya na natatalo na namin sya. Sabi ko, di naman po sa ganun. Chamba lang po siguro. Sabi naman nya, pag di ka naka chamba sa susunod, malulungkot ako. Hehehehe... ang tatay talaga...
Tinanong nya din kung magkano ang premyo, at nawindang na ako sa sumunod na banat ng tatay ko sa panunulat. Bumuls-eye na naman kasi si tatay. Pagkasabi ko ng premyo, biglang hirit si tatay ng: "O ayan! Mabuti at marami ka nang pera. Makakabili ka na ng jowa! Parang yung sa tula ni John Iremil." Ang tinutukoy ni Tatay Leo ay ang tula ni Mother John na may title na "Kung ang tula ay pwedeng pambili ng lalaki. " Bumili ka na... Malamig ang panahon at magpapasko!" Toink! Sapul na naman ako! Strike two!
Nakaka dalawang sapul na si tatay sa ganitong usapan ah! Una nung Sundate namin. Ngayon naman, ito!
Bakit ba? Mukha na ba talaga akong nag iisa at masyadong nilalamig? Mukhang malungkot na ba talaga ako sa pagiging single?
Naiisip ko tuloy... mag manila kaya ako? Mag pride march kaya ako? Andun kaya sya?
Kaya lang... Mas lalo lang yata akong magmumukhang nag iisa dun. Kung may kasama naman, paano naman ako lalandi dun? Haynaku... Asan ka na ba kasi...Hinahanap ka na ng tatay!
Ang tatay talaga!
Labels:
celebrations,
convictions,
emotero
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
oo nga no... i just realized na wala palang english translation for aswang!
huwaw andami kong kailanmgan itama sa vocabulary ko kung ganun...
Im pretty sure that Tatay is a remarkable man. great conversations... good times.
keep them coming!!!
Wow, si Prof. Deriada pala ang tumatayong mo. I met him only once sang first year college pa ako sa Cebu when he did a lecture on creative writing sa Comm I class ko. Da best!
Good luck sa Pulong Binalaybay!
Batchoyboi,
Maayo ka pa ba...nakilala mo na ang mga ginatangla kag ginataha nga mga manogsulat sa Hiligaynon...Kun kis-a gadamgohon man ako nga makilala ko man sila sa ulihi...apang dugay na ko abi wala kasulat sa hilgaynon...puro na lang sa english kag sa filipino...ahay...
gapanamyaw,
ang imo amigo halin sa kordilyera
spool: when you are with tatay eo, it is one big continuous class
ewik: di ka nag iisa jan
yj: he is, and I can only dream to become even half as much
Reesie: Im so proud he acknowedges me as his son too
jm: sulat ka liwat eh, indi man ina madula
Post a Comment