Sunday, November 16, 2008
Pamimilosopo Tasyo
Wala lang.
Kung hindi mo kilala kung sino si Pilosopo Tasyo o si Bob Ong, Ayambot na gid lang ya sa imo pa man ho!
Tripster baga. Madami na ako nababasang "quotes" galing sa astig na writer at author na si Bob Ong. Nakakatuwa. Kahit sa text nagsusulputan.
Meron pang iba na sinasabing hindi daw talaga kay Bob Ong ang ibang naka credit sa kanyang mga quotes.
Whatevar!
Mamimilosopo Tasyo lang naman ako eh.
Eto ang ilan sa mga quotes ni Bob Ong na napili kong sagot sagutin. Wala lang. Gusto ko lang sumagot sagot sa kanya... Sa kanya yung kulay blue akin yung kulay red.
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
-Hindi rin bosing Bob... Kung lilibot din sya, magkakaharap kami ulit halfway... dava?
"Hindi namn yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sayo eh...kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya"
- Bosing hindi po ako transformers. Kung ano ako nung wala pa kami, yun pa rin ako nung kami na at yun pa din ako nung magkahiwalay kami. At kung nabago man ako, dahil sa kanya, ba't ko naman kakalimutan yun eh naging bahagi na ng pagkatao ko yun di ba?
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
-HARSH! Hindi naman kailangan makipaglaban para makasama ako eh. Para naman akong immunity idol nun sa Survivors kung ganon. Madali naman akong kausap at mabilis naman maibu-book ang lahat ng me gustong makasama ako eh. Charing!
"Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso... Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal.."
-Bosing, madami akong naging karelasyon na nakikinig, pero di naman nakakaintindi... marunong ba yun sa tingin mo? At saka po, tingin ko, hindi po tenga ang extension ng puso Bosing. Yung 'kwan' po yata eh. Kasi lagi pag nagagamit yung 'kwan' sa pag'kukwanan', madalas makapagsabi ng "Oh yeah! Sh!t I love you!" Di po ba?
"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"
-Bosing Bob, baka naman kasi umiibig na ang mga batang yan. Saka ayos lang din po kasi me Unisom naman. Meron pang Diazeepam o di kaya Ribotril or Xanax. Wakekekekeke.
"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
- Bosing naman! Eh gustong gusto ka pa naman na hinahawakan to ng iba eh. Kung di ko to bibitawan pano silang makakahawak dito?At saka, alangan naman nila isubo pati kamay ko na nakahawak... Toinks!
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
- Bosing, alam mo, yan ang problema eh. Kahit puro na ko motibo ayaw pa rin akong mahalin eh at minsan, kahit walang ka moti-motibo bigla na lang silang magmamahal sa akin eh! I am sooo komppyuuuussseeed! Hehehehe
"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "
-Akala mo lang wala, pero meron, meron meron!!!!
Ikaw, anong gusto mong linya ni Bob Ong na pagkakapilosopo Tasyohan?
Smayl naman jan and evratheng!
Photo Credit:
http://uggah.com/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
winner ang mga linya ni bob ong.
ang tanong: sino nga ba talaga si bob ong?
hilarious..... eto ang pangtanggal stress.... hehehehe... have a great sunday....
ay! si mel naga collect sina na books ni bob ong.daw 4 o 5 na ka books ni bob ong gnbakal niya.nami gid man ya mga books,ironic,sarcastic sometimes but oh so true!wla man ko ma remember na line niya pero i like tong "things to do" nya if you're thinking of committing a suicide hehehe...
G: nananatiling misteryo ang pagkatao ni bob ong. Insik ba sya? Chubby ba? Kung oo, maamang, ove ko na sya... hekhekhek
yj: gad to have made u smie dearie
biatch: to be honest, I dont own any bob ong book nor have I read any. Sa mga emais at text ko ang nakukuha mga linyang to.
Post a Comment