Friday, November 7, 2008

Sa ngalan ng ama


Sa maari, ayoko talagang ungkatin ang mga isyung politikal. Mas lalong ayokong pag usapan ang mga isyung panrelihiyon. Ewan ko nga ba kung bakit gusto ko mag post tungkol dito. Siguro lang, gusto ko naman maging kritikal paminsan minsan.

Nakita ko sa TV ang balita. Me bagong pagsusuri na raw na isasagawa para sa mga kandidato sa pagkapari upang malaman kung sila nga ba ay karapatdapat sa bokasyong ito. Ninanais ng pagsusuring sikolohikal na ito na malaman kung ang isang seminarista ba ay merong deep-seated homesexual tendencies o kung ang bigat ba daw ng celibacy ay napakalaki upang makagawa ng ligalig emosyonal kahit pa mapapanatili nila ang kanilang sinumpaan. Ayon na rin sa aking pagbabasa ng mga iba't ibang opinyon, ito daw ay di lamang isang 'gay witch hunt' ayon kay Damian Thomson sa kanyang blog na matatagpuan dito, kundi isa ding pamamaraan diumano upang mapuksa ang mga insidente ng 'clerical sex abuse.' Ang pagsusri o ebalwasyon na ito ay hindi daw 'mandatory,' bagkus ay boluntaryo lamang, at ang obispo pa rin ang may huling 'sey kung papasa nga sa pamantayan ang isang seminarista.


Ito naman ang aking opinyon sa usaping 'to. Simula't sapul nais kong bigyang diin na ito ay ang aking sariling pananaw na maaring salungat sa mga opinyon at pananaw ng iba o ng nakararami. Karapatan ko na maipahayag ang aking opinyon na walang anumang balak na siraan o di kaya'y makipag-away sa merong may kasalungat na opinyon.

Tatlo lang naman ang reaksyon ko sa balitang ito.


Una: Malinaw na malinaw na talaga na ang Simbahang katoliko ay 'discriminatory' at 'Anti-gay.' Dati pa nung 2005 ay sinabi na nito na hindi papayagan ang isang baklush na ma ordenahan bilang pari. Hayagan na talaga ang diskriminasyong ito. Dati na akong natawa sa sinabi nito dati na hindi daw kasalanan ang maging baklush. Ang kasalanan daw ay ang pag gawa ng mga gawaing baklush o 'homosexual acts' o sa simple at diretsong salita, ang pakikipagniig sa kaperhong kasarian; lalaki sa lalaki o babae sa babae. Sa usaping 'clerical sex abuse' o abuso ng mga kaparian, iniuugnay din ang pagiging baklush sa pedopilya, o ang pagkahilig sa mga bata bilang kaniig. Isang malaking 'generalization' naman ito. Hindi lahat ng baklush o merong 'homesexual tendencies' ay pedopayl. Ako, aminadong silahis o bisexual, pero hindi ako pedopayl.
Katunayan, ayoko talaga sa mga bata. Mas gusto ko ay yaong mas matanda sa akin ng bahagya. Higit sa lahat, isa akong 'child rights advocate.' Bilang paralegal intern ng Children's Legal Bureau ay may training ako sa Legal at iba pang aspeto ng mga karapatang pambata, at galit ako sa mga umaabuso nito. Marami rin akong kaibigang baklush na adbokeyt din ng ganitong karapatan. Wag nyong lahatin.



Pangalawa: Hindi naman sekswalidad ang isyu dito. Celibacy ang isyu! Bakit ba naman dapat mabahala sa sekswalidad ng isang magiging pari kung sila naman ay merong sumpang Celibacy? Eh di ba nga celibate sila? Ano naman ang takot dun kung gayon? Kung ang isang bakla ba na nais mag alay ng buhay nya sa paglilingkod bilang pastol ng mga tupa ng Diyos Hesu Kristo ay mananatiling tapat sa kanyang sumpa sa pagiging Celibate at Chaste, bakit ba sasabihing hindi sya karapat dapat? Ibig ba sabihin, kung bakla ka o meron kang 'deep homosexual tendencies' ay hindi ka na pwedeng maglingkod sa Diyos sa ganitong paraan? Naaalala ko ang mga 'mystic saints' lalong lalo na si Santa Teresa ng Avila, na nagsusulat ng mga halos erotikong tula sa pagsamba at marubdob na pagmamahal sa Diyos. Di ba nga meron syang mga 'ecstasies' na napaka senswal at erotiko ang dating? Sigurado ako, kung lalaki ang magsulat ng ganito ay maiiskandalo ang mga panatikong Katoliko. Sasabihin nilang baklush na nga eh sacrilegious pa. Bakit ba? Hindi ba pwedeng mahalin ng isang lalaki ang Panginoon sa pamamaraang mistiko at ipahayag sa napakasenswal at erotikong pamamaraan gaya ng mga ecstasy ni Santa Teresa?



Pangatlo't Huli: Sigurado akong mababawasan pa lalo ang mga taong magnanais magpari, at mababawasan din ang mga magpaparing may tutoong puso at sana'y pagmamalasakit sa pastulan ng Simbahang Katoliko. Isang malaking karatula ito na nagpapahayag ng "GAYS KEEP OUT!" at mas lalong magsisisiksik ang mga kapatid natin sa kasuluk-sulukan ng madidilim na mga aparador nila, kung nanaisin nilang talagang pasukin ang buhay na ito sa anumang kadahilanan. Sa tingin ba ng simbahan ay malulutas na ang mga kaso ng pang aabusong sekswal sa gagawin nilang ito? At bakit pagdidiskitahan ang mga baklush? Nung ako'y nasa Children's Legal Bureau, meron kaming naging kliyenteng babae, at ako ang humarap sa kanya nang pumunta sya sa opisina nung araw na yun. Ang pakay nya? Ang pagpapadagdag sa tinatanggap na sustento bilang suporta galing sa ama ng anak nya. Nung sinabi ko sa aking boss sa sentro, kaagad nya sinabi na maselan ang bagay na ito. Alam nyo bakit? Kasi ang tatay ng anak nya ay isang ______ at ang mismong _______ ang nag babadjet sa sustento. Matalino ka naman. Punan mo ang mga puwang.



Meron din naman sigurong mabuting maidudulot ang pagsusuring ito. Malalaman din ang mga seminaristang manyak at mapagsamantala. Mga seminaristang may ligalig o troubled at yung mga kailangang mahilom ang mga sugat pisyolohikal. Pati na yung mga merong 'excessive affective dependency, disproportionate aggression, incapacity to be faithful to obligations, incapacity for openness and trust, at inability to cooperate with authority.


Atin atin lang... nagkaroon din ako ng masaya, mabunga, mapagkalinga at buong pusong may pagmamahalang relasyon sa isang seminarista, at opo nagkaroon din... sa isang ordenadong pari. Minahal nila ako ng tama at tutoo. Minahal ko naman din sila ng gayon... at nakakapanghinayang na pinakawalan ko kasi hindi ko nga po kayang maging kakumpetensya ang kanilang bokasyon, spiritwalidad at Diyos...

Basahin ang buong dokumento ng Vatican dito.

Photo Credits:

http://www.rte.ie/
http://flickr.com/photos/godfly/312844671/
http://www.slate.com/id/2064708/
http://www.actlab.utexas.edu/
http://www.geocities.com/v_e_n_e_r_a_b_i_l_i_s/
http://www.thinkinganglicans.org.uk/
http://www.topix.com/news/gay/2008/

6 comments:

Anonymous said...

my mom is from iloilo,her family name is quite weel-known and she went to CIC(?)way back late 50's.When I was a kid I would look at her high school yearbook and see a lot of mestiza and mestizo schoolmates of hers.apparently,mommy said that they were the children of Father this,and Father that.Priests of their school or of their parish.During the Spanish regime,it was also common for priests to have kids right?it was like an open secret.You're right,the main issue is celibacy, not sexuality.

Luis Batchoy said...

thanks biatch. My best friend traces his family roots from Spanish Friars. There are so many incidents of these scandalous and anomalous things even after the spanish occupation, and even today. Kaya nga wag pagdiskitahan ang mga bading. Madami akong kilalang mga bading na tapat sa paglilingkod sa simbahan. Nakakainis naman isipin na ang simbahan na pinaglilingkuran nila, bilang paglilingkod sa Diyos ay tinitignan sila bilang 'second class' parishioners o believers.

the boomerang kid said...

agree ako na ang main issue dito ay celibacy, hindi sexual orientation... pero dapat pa ba tayong magulat sa pangyayaring ito... talaga namang bigot ang simbahan kung kabaklaan ang pag-usapan... idagdag mo pa ang ideology ng kasalukuyang papa (mabuhay ang papa!) na mas bagay yata sa middle ages kaysa ngayong panahon... hay! yoko na! sumasakit na ang headache ko ay tumataas ang high blood ko!

Dear Hiraya said...

siguro, kaya lang nila napagsesiyunan ang ganitong mga bagay ay dahil mas prone to sin ang mga bakla kaya ayun, pinagbawalan na lang nilang magpari ang mga yun..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Luis Batchoy said...

lol @ zen bitch may point ka! Sabagay nga... whats new powseekat... nalungkot lang ako... matapos mag ka catholic revival dahil kay pope john paul II, sisirain yata lahat ng bagong papa...haynax... kaya nga siguro wala din akong bagong papa eh... kailangan ba talaga isingit itey? lols

Luis Batchoy said...

@fjordan: talaga? mas prone nga ba nag mga baklush sa sin? ay! Ayaw ni lola Danton ng ganyan! Hehehehehe... world peace!