Wala akong maisip puntahan kanina. Naalala ko na matagal tagal na din akong di nakaka bidyoke, so, go! Isa pa, gusto ko rin makabisita ulit sa mga kaibigan ko dun sa bidyokehan na yun. Matagal tagal na rin akong di nakaka balik dun.
Ang sistema ng bidyokehan, merong videoke master. Mag rerequest ka, tapos tatawagin ka ng videoke master/s pag kanta mo na ang nakasalang. Iinterbyuhin ka, chacharing charingin, tapos ookray okrayin, tapos yun, pakakantahin ka na. Sa stage yun kaya kung feel mo, sumigaw sigaw ka pa ng "I love you Araneta!"
Pag dating ko dun, syempre, dahil kilala ko nga ang mga may ari at nandun naman nakatambay lagi ang barkadahan, super beso at balitaan muna ako. Super chika, super kumustahan to the max. Wala akong pakialam sa kung sino man ang on stage at kumakanta or kakanta.
Tinawag sa stage ang isang baklush. Mukhang parlorista. Dedma lang, kasi nga chikahan sa mga friendship. Inokray okray na si baklush. Game lang naman si baklush. So go, kanta na sya. Di naman masama ang boses nya, pero super effort sya sa pagkakanta. Pag dating sa chorus part, pakshet, napatingin ako sa kanya. Ang emote emote ng baklush. Heart wrenching. Mega channeled ang emosyon at super madamdamin ang pagkakanta ni bakla. Tinamaan yata ako sa lyrics ng kanta at sa pagkakanta ni baklush.
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal
Sa puso ko
Lutang na lutang ang pain, ang hurt, na gusto ko maiyak habang kumakanta sya. Naknampakincheff naman oh! Bakit kaya ako nakakarelate sa pagka kanta nya ng song? Ask ko mga friendship kung ano title nung song at sino kumanta nun. Tunay na mahal daw. Si Lani Misalucha ang kumanta. Nakakanta na ako at lahat lahat, nag drive na pauwi and all pero ayaw maalis sa isip ko ang haunting effect ng kanta for me. Pagkauwi ko, Google ko agad ang lyrics at youtube. Admittedly, wala na akong TV time at di rin ako updated sa music kaya bobo na ako sa mga bagong kanta. Ayan ang nahanap ko. Watch nyo.
Kahit na watch ko na ang original na singer, iba pa rin ang epekto nung pagka kanta ni baklush. Alam mo, yung parang masakit na masakit talaga? Yung naloko ka talaga? Yung sinaktan ka talaga and evratheng? Tae naman kasi! Bakit ba ako relate na relate sa heart wrenching rendition ni baklush sa kanta? Hindi naman ako suffering o heart broken ngayon. Eto lyrics.
TUNAY NA MAHAL
By Lani Misalucha
Di ba't ang pangako mo sa'kin
Ako lamang ang iibigin
Ngunit bakit ngayo'y hindi mo man lang mapansin
twina sa 'king alaala
Ay palagi kitang kasama
Ngunit bakit ngayon ay may mahal ka ng iba
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Halos di ko na makaya
Ang isipin kong wala na
Ang pagmamahal mo nga ba ay naglaho na
Patuloy na ako'y aasa
Kahit na sa alaala
Ang pag-ibig ko sayo'y hindi mag-iiba
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Pagka't ikaw ang tunay na mahal
Kaya't hindi magbabago kailanpaman
Kahit na nga ako ay nasaktan
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Ikaw ang mahal sa puso ko
By Lani Misalucha
Di ba't ang pangako mo sa'kin
Ako lamang ang iibigin
Ngunit bakit ngayo'y hindi mo man lang mapansin
twina sa 'king alaala
Ay palagi kitang kasama
Ngunit bakit ngayon ay may mahal ka ng iba
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Halos di ko na makaya
Ang isipin kong wala na
Ang pagmamahal mo nga ba ay naglaho na
Patuloy na ako'y aasa
Kahit na sa alaala
Ang pag-ibig ko sayo'y hindi mag-iiba
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Pagka't ikaw ang tunay na mahal
Kaya't hindi magbabago kailanpaman
Kahit na nga ako ay nasaktan
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis, Anong lambing
Binibigkas ng labi mo
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Ngunit kahit nagbago pa
Sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal sa puso ko
Ikaw ang mahal sa puso ko
Feel mo rin ba ang pain? Taralets, kantahan na itey!
Photo Credits:
http://www.ashdendirectory.org.uk/
http://www.philosophyblog.com.au/
http://www.aperfectworld.org/
No comments:
Post a Comment