Tuesday, November 25, 2008

Translation as per request


Dahil malakas ka sa akin... eto na ang rekwes mo na translation ng tula...pati na rin sa ibang di nakakaintindi ng Hiligaynon

Enjoy

Lagutok Lalamunan, Himig Panlunok
Ni: Luis Batchoy


“Uso pa ba ang harana?”
-Harana
Parokya ni Edgar


Pagkingan, hinigugma
Itong aking usal.
Dinaramang gugma,

Ibubuhos sa pagkanta.

Sana mapagpasensyahan,
Kung sintunado pakinggan.
Kasi naman ang lalamunan,
Sa gutom, lumalagutok.

Itong aking pagkauhaw,
Ngiti mo ang makakatighaw.
Sa namimitak na damdamin.
Tubigna maipapanulak.

T’yan ko'ng rumaragu-ok,
Makakalam sa iyon tingin.
Wala mang laman ang bulsa,
Nag uumapaw ang gugma.

Kanina pagkagising,
Tutong lang ang almusal.
Dahil mahal na ang bigas,
Gutom pilit na lang matiis.

Pangarap kong sa yo'y maialay
Mga bituin at ang buwan.
Ngunit ang makakayanan,
Ay tanging gumamela.

Mamamasyal sana tayo,
Dun sa lugar na maganda.
Pero maha na ang pamasahe,
Panaginip na lang ang libre.

Pero wag mag alala,
Palangga, may ililinaw pa.
Manghahanap ako trabaho,
Upang ibuhay sa yo.

Sa ‘call center’ malaki sweldo,
Tiisin lang ang antok.
‘Marunong naman ako mag inglis,
Kahit medyo kinamatis.

Pwede rin, mag trabaho sa labas.
Ang aking kaba amang,
Na sa aking pagkawala,
May iba kang makita.

‘Di baleng, mahirap ang trabaho,
May pero lang mapadala.
Bisan iyo lamang isugal,
Wag lang pumatol kay ‘pre Val.

Titiisin ko ang kamingaw,
‘Di ka lang maalimunaw.
Gahasain man ng Arabo,
Wag ka lang mangangamo.

Maramin naman kasing problema,
Dito sa ating bayan.
Anhin naman ang pag salama,
Ng ‘powers’ ni Tiya’y Glorya.

Kung malalim ating bulsa,
Mas malalim pa ang sa kanya.
Malaki talagang problema,
Kung pumayat kanyang asawa.

Basta maligaya sila,
Kahit pa tumaas ang gasolina.
Ganyan talaga ang gugma.
Pareho din sa’ting dalwa.

Pakinggan mo kaya ang SONA,
Dahi umaasenso na tayo.
Nag iinarti lang ang mahirap,
Puro lang sila reklamo.

Dami na ngang tulay eh
Dapat dun tumulay.
Pag baha, umakyat dun,
Sana walang nalunod no?

Wag mo nang intindihin,
Ang kuno, nagnakaw ng pera
Syempre pa, pagkatapos eleksyon,
Gastos, kanila talagang babawiin.

Natural, kung nag nenegosyo,
Palakihin talaga ang benta mo.
Bigyan lang ng pera ang tao,
At ikaw pa rin ang iboboto.

Gusto mong maharanahan?
Baka naman ika'y ma baduyan.
Di na kasi uso ngayon,
Bigla na lang mabubuntis.

Baduy ang pagkukumposo
‘Text-text’ na lang na tig piso.
‘Di na bulaklak ang ireregalo,
Pasa-load na ang mas gusto.

‘Di na kailangang mag sulat,
Pwede na rin lang naman mag ‘chat.’
At makakapag pakita na
‘Cam to cam’ lang sa kakwentuhan..

Pwede na ngang hiwaayan,
Bigla ka na lang ite-text.
“Sori tlga d na me sa u.”
‘Replyan’ ka lang nya “Hu u”?

Gugma, hindi tulad nyan,
Ang aking pag palangga.
Hirap, di babaihin
Lamang, gugma mo ma angkin.

Bisitahan, liligawan,
Akin kang tutulaan.
Kahoy, aking sasalukin,
Tubig, aking sisibakin.

Gagawan kita ng komposo,
Harana, kahit ‘di na uso.
Wala na rin namang arinola,
Na sa aki'y pwedeng isaboy.

Kaya itong awitin,
Pagpasensyahan kung sintunado.
Naubusan kasi ng lilimang piso,
Pang praktis sa bidyokehan.

Parang tilaok ng manok,
Lumalagutok na lalamunan.
Mapapatigil mo lang ako
Kung sasagutin ng 'yong 'OO'

Ang gabi, lumalalim na
Paguwi, lalakarin ko pa.
Gusto ko lang marinig,

Na ako'y palangga mo rin.

Pagkingan, hinigugma
Itong aking usal.
Dinaramang gugma,

Ibubuhos sa pagkanta.

Photo Credits:

http://www.pbase.com/pixelphoto/lyndmike

1 comment:

the boomerang kid said...

bongga sya, luis! i like it! teynks for translating it; mas na-appreciate ko itong winning work mo na itetch!