So kumusta naman? Ano na bey? Well ito, katatapos ko lang magsalin ng isang libro sa Hiligaynon mula sa Ingles. 130 pages more or less ito, kaya - Achievement unlocked! Pero ang nakakaloka, may dalawang singkapal pa na libro na kailangan din matranslate sa lalong madaling panahon. Like deadline na next weekend. DARNAH!
At bakit naman kamo na nagagahol ako sa oras? Dahil may regular work na ako. YES! Kolboi ulit.
And how exactly did this happen? Oo nga naman. Backtrack muna ang drama at matagal akong walang kwento dito.
So yun nga. Tinatapos ko na ang lawshcool for like forevah! After ko mag Manila at after magtrabaho kun saan saan sa Asia Pacific Region, balik Iloilo ako. It took me two more years to finally almost finish law school. ALMOST!
Putanginampakshet kasi ang isang propesor sa isang subject eh. INC. Binigyan pa ako ng INC sa isang subject na kung sana wala, ay tapos ko na ang letcheng abogasya na ito! SO YUN! Pakyu sha! INC!
Dahil 2nd sem subject yun. waiting in vain ang peg. Meanwhile, nag apply ako sa work dahil nauubos na ang pinagputahan ko, kaya need ko ng kita. Hindi rin sapat ang mga paraket raket kong mga chuva, kaya ayun. Kolboi ulit habang antay ang 2nd sem para makuhanan ng completion ang putanginang INC na yan.
Meanwhile din, nag-apply ako ng Masters Degree sa UP Open University, and yes, pumasa at nakapasok. Enrollment this week. Buti na lang sumweldo ako. Ayun. So Kolboi ako na nagmamasters sa UPOU ng ASEAN studies. And in my spare time, kung may spare nga ba, ay paraket raket. Isa na dito ang pagsasalin. Minsan Filipino to Hiligaynon, minsan English to Hiligaynon. Iilan lang naman kasi ang gumagawa nun at swerteng naambunan naman ako ng mga projects. Habang nag aantay s aputang inang 2nd Sem.
Sana nakaluwas na akong Manila. Sana at siguro ay hindi nauwi sa wala ang mga tatlong subok ko mag kapartner - dahil malayo ako at dahil nasa Manila sila, at dahil hindi ako mayaman para lumipad lipad every weekend. But that's another story for another day.
Meanwhile, natapos ko ang isang libro at may dalawa pang nag-aantay. Siguro matapos ang 2nd sem at makagrad na ako, pwede na magpalipat sa work at ituloy ang planong Manila. At siguro may mahahanap akong letcheng love na yan.
Siguro wala rin.
Siguro mauuwi lang sa wala.
INC
Meanwhile - salin salin din pag may time!