Wednesday, May 23, 2012

Out






I remember a very good friend who no longer is. To make the long story short, the issue as it stands, is that I allegedly, unwittingly and maybe inadvertently outed her to a cousin of hers. I would like to maintain that I did no wrong though, because the said cousin was in fact 'in the know,' as to her sexual orientation and gender identity - or more so, her sexual preference. The last time I was in Manila, I had a talk with a Master Novelist. I was happy that this senior writer is open-minded. Funny and fun how we got to talk about LGBT issues and even Lady Gaga and the anti-Gaga's. He said that there will always be 'demons.' Year after year after year, Religious institutions have demonized an artist or two. There will always be an 'anti-Christ' and a Devil incarnate to their minds. He also thinks that given time, the issues we have will no longer be an issue. Sexuality and SOGI (Sexual Orientation and Gender Identity) included. I really admire him and I, more than ever, look up to him. It came to the inevitable question then - was he gay?

Not that it matters, but for the record, the question begged to be asked. As a rule, I really do not care whether someone is gay or not. I only care to know 'officially' if such a person is my type - meaning, I am entertaining thoughts of getting it on with him. This makes for the viability of whether or not I take my chances. Otherwise, it's a non-issue. While it would be great to count among the growing number of us in the LGBT Community a person of high intelligence, great literary achievement and brilliance, it really did not matter. Though there was an openness to our conversation, it stopped me dead in my tracks. Then it hit me. Why is asking someone's sexual preference an almost taboo thing? Why can't we just ask for the sake of asking and not be afraid that we might be unnecessarily putting the person on the spot, or that it would be too personal or unprofessional?  I braved up and asked him anyway, and he said no, he was not gay, no he doesn't mind my asking, it was all in context, and no he was not offended. I believe no one should take offense. A question is a question is a question.

Although I respect the decision of persons whether they chose to be out or still in the closet, what begs to be taken a look into is the reason why this is so? Who would want to consciously suffer and suffocate inside a deep, dark and dank closet of secrets? I believe this is because of the prevailing attitude of people towards the LGBT Community. It could spell trouble for some with their work, their religion, their career, their families and for some, it could even draw the line between life and death. Such is a serious matter. Some people refuse to come out because there is a hostile world out there, beyond their closets, and that is why, some people would chose to suffer in silence. I still believe that coming out is a personal choice. No one knows better when to do so, and no one can make the decision to do so except the person himself. He knows best his circumstance. On the other hand, I believe that most, if not all of these fears are basically imagined and magnified. With the proper positioning and the right support group, it can be done. The odds may be insurmountable and the stakes may be high, but it CAN be done! Nothing beats the feeling of being free to be the person that you are.



I wish it is as my novelist friend say it is - that given time, the issues we have will no longer be an issue.  I dream of a world where sexuality, sexual orientation and gender identity is not an issue. Where the simple thought of asking someone his or her gender preference is not a matter of propriety but a matter of fact, and no one thinks about 'outing' someone as a bad thing to do because it really wouldn't matter anymore. I dream of a world that would rejoice in someone finding love without qualifications as to sexuality or gender. I dream of a world that would nurture such loving relationships and would encourage people to embrace the light and not push them to the deep, dark, and dank corners in the name of anonymity and fear. I dream that no one be demonized because of his or her sexuality. I dream of a closet free world where everyone relishes the light and is free to be whatever he chooses to be, and to be able to make intelligent determinations for one's self. I dream of a world where sexuality is a non-issue. I will try my very best to give everything I have and everything I can to make such a dream a reality. I am OUT, I live, I love, proud and free. I am Bisexual!

Sunday, May 13, 2012

Dalawang Tula Para sa Mga Pawisang Mudrakels

Dahil araw ng mga mudrakels ngayon, May I share ako ng dalawang tula para sa mga nanay. Bahagi ito ng koleksyon ko ng sampung mga tulang pambata na may pamagat na "Nanay ko si Era, Tatay ko si Er at iba pang mga tulang pawisan". Alay ko ito sa mga magulang na blue-collar workers. Hapu Mudrakelles day sa inyong mga madiraka at sa iyo na rin kung madiraka ka or feeling mo madirakabelles ka!

Ang Giyerera
Ni Luis Batchoy

Hindi sundalo ang aking nanay,
Pero sumasabak sya sa matinding away.
Dala’y palu-palo, sabon at palanggana,
Sambundok na labada ang kalaban sa giyera.

Puti at de-kolor, una’y paghihiwalayin
Upang dugo ng kalaban, di magsalin-salin.
Lulunurin nya sa tubig ang kaaway
Magdamag na ibababad ang mga pasaway.

Pagkatapos isa-isa nyang sasabunin
Mahihigpit na kalaban kanyang kukuskusin.
Ubos lakas na pipigain at pipilipitin
Ang pagkapanalo, kanyang sisiguraduhin.

Matapos ito, kanya nang babanlawan,
Upang makita, tagumpay ng kalinisan.
Isa-isa na nyang isasampay,
Talunang mga kalabang lupaypay.

Meron daw syang sikreto
Sa kanyang laging pagkakapanalo.
Lalabanan daw nya, labada man ng buong mundo
Maitaguyod lamang kami ng mga kapatid ko.
 


Sinabawang Isda
Ni Luis Batchoy

Sinabawang isda na naman ang ulam,
Ako ay talagang takam na takam
Nanay ko lang naman kasi ang nagluto
Pinakasikat na kusinera sa buong mundo.

Maingat na kinaliskisan ang isda
Sing ingat ng kanyang pagaalaga.
Sing-asim ng tumulo nyang pawis
Sa trabahong bumubuhay sa amin.

Pinakuluan sa isang kaserolang tubig
Sing init ng pagmamahal nya sa amin.
Sinahugan ng konting sibuyas
Tulad ng manamis-namis nyang mga ngiti.

Konting hinog na kamatis,
Tulad ng pagpaphinog sa mga pangarap namin.
Luyang binungkal mula sa lupa,
Gaya ng pagsiskap nya para sa amin.

Pag naluto sabay kaming kakain
Salu-salo sa iisang mesa
Payak man ang pagsasaluhan
Puno naman ng pagmamahalan.

Handa na ang sinabawang isda
Bubusugin pati puso at kaluluwa
Ang nanay kong kusinera
Kayang kayang lutuan ang sanlibutan.


 HAPPY MOTHER'S DAY BATCHOY DENIZENS!

Thursday, May 10, 2012

E-I-C


One of these days, I will make a full blown five part series on my memories of Campus Publication and being Editor-In-Chief, for now, here's a snippet. This is culled from my latest facebook status message. Yes, it seems I'm back and making good with my resolve to keep posting regularly. Wish me luck.



There is this one thing that I miss - being the Editor-in-Chief of a school publication. It's a feeling like no other. While you contend with deadlines and all the nitty gritties of publication, you also manage and deal with people.

You become a cheerleader, waving your pompoms at staff members who feel a little less wonderful.

You become guidance counselor carefully listening to the little wear and tears of their hearts urging them to put those feelings into paper.

You become slave driver whipping people into shape bullying them into meeting a deadline.

Students accuse you of not being pro-student and being elitist. Faculty and Administration label you as activist. Your family doesn't understand, and you can barely make a relationship work because it does not sit well with them how an all nighter in the printing press could be more important than a long overdue date.

You become a rallying hero fighting against the injustices of the academic structures and leading your little pen-wielding, grade conscious and 'graduation-bound' little band of dreamers who believe in changing the world one issue at a time.

You become a boss, a friend, a mentor, a compatriot, a co-plotter, a dreamer, a realist, a surrealist, a clown, and all that's in-between, and sometimes, all at once.

All these while minding and managing your own issues and your own life and deadlines!

I am lucky to have been blessed with the most efficient, the most charismatic, the most talented, and the most lunatic and delusional set of staff members in all the school years I have been EIC. I reminisce with pride and joy and bask at the crazy, happy, zany and wonderful days and nights of being a pub person. Here's to campus publication and the good old memories!

~Luis Batchoy
Editor-in-Deed!

Tuesday, May 8, 2012

Sikat




  Super tagal na akong hindi nakakapagsulat dito sa blog na ito. Paano kasi, micro-blogging na rin ang facebook at andami ko na ring katamaran at rason kumbakit hindi na makapag update. Sana nandyan pa kayong mambabasa ng Batchoyan. Heniweys, sinipag akong magsulat today at instead na ipost sya bilang note sa facebook, naisipan kong mag update ng blog. So here I am. Wala nang madaming cheche-bureche. Simulan na ang sanaysay! Enjoy!
Sikat

Matagal ko nang nabasa ang sanaysay ng aking ina sa panulatan, ang sirena ng literaturang Filipino na si John Iremil E. Teodoro sa kanyang librong ‘Pagtatalak at Pagmumuni ng Sirenang Nagpapanggap na Prinsesa.’ Sa sanaysay na ‘yon, ikinuwento ni mother John kung ano ang posibleng mangyari kung ang isang manunulat na tulad nya ay kasing sikat ng isang matinee idol na nakikitang sumasayaw-sayaw at pakanta-kanta sa TV. Dahil mahisaon ako at sa tingin ko ay mas ambisyoso, iu-update ko lang ang sanaysay nya. Nabasa ko kasi sa mga networking sites gaya ng Facebook ang diumano’y nangyaring bugbugan at eskandaluhan sa pagitan ng mag-asawang artistang sina Raymart Santiago at Claudine Baretto, at ang mamamahayag na si Mon Tulfo. Ayon sa balita, narinig daw ni Mon Tulfo ang isang babaeng nagwawala at inaaward ang isang ground crew ng isang airlines. Halos wala na raw dignidad ang crew kung lait-laitin ng babae kaya na kyuryus daw si kuyang Mon. Kinuhanan daw nya ng litrato at bidyo sa kanyang cellphone ang eksena at nakilala daw nya ang laitera at yawyawerang babae na si Claudine Baretto. Nilapitan daw sya ni Raymart Santiago na asawa ng artistang yawyawera at kinukuha daw sa kanya ang cellphone nya. Nung ayaw nyang ibigay dun na bigla raw syang sinunggaban at pinagtulungan ng mga kasamahan ng mag-asawa. Iba-iba ang bersyon nila sa nangyari pero hindi yun ang point ng sanaysay na ito. Bahala sila sa mga buhay nila. So okay, nasaan na ba tayo? Ay oo, dun sa premise na kung ano nga pala ang pwedeng mangyari kung kasing sikat nila ang tulad kong makata. Hmmm… So there I was… shempre ingles para shalan di ba! Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ko sa paliparang pandaigdig Ninoy Aquino sa Pilipinas. Saan ba ako galing? Wait, oo, galing akong Geneva. Naimbitahan kasi ako dun bilang makatang Ilonggo. Binigyan ako ng award bilang isang Hiligaynon writer. Narealize kasi nila kung gaano kahalaga ang Lengwaheng Hiligaynon ‘in the greater scheme of things’ – ideya nila yun, hindi akin. So, ok, kagagaling ko lang dun sa parangal nga na yun. Diretso na ako sa baggage area. Kukunin ko na ang aking bagahe sa carousel. Matapos ang napakatagal na hintay, wala ang bagahe ko. So didiretso ako sa ground crew. Malalaman ko na lang na hindi pala niload sa eroplanong sinakyan ko ang bagahe ko. Naku! Malaking problema ito. Maririnig ni Mon Tulfo ang aking concern kahit hindi ako nagyayawyaw… wait, wag na si Mon Tulfo. Dapat CNN ang leveling… sige si Kyra Phillips na, or si Soledad O’Brien, o di kaya si Connie Chung… ay wait, wag na, si ano na lang – si Fabienne Paderes – yung internationally renowned broadcast Journalist na Ilongga. Bakit ba! Sanaysay ko to, at kaibigan ko si Fabienne, so yun, sya na. Where was I – ayun so nakita nga ni Fabienne na kinakausap ko yung ground crew ng masinsinan, and let me reiterate – hindi ako sumisigaw. Cool lang ako. Very reserved and sedate lang. Nung malaman ni Fabienne ang concern ko, sya yung magpapanic. Hindi pwedeng mawala ang akin bagahe! After all, nandun ang draft ng aking bagong Hiligaynon literary masterpiece na nobela. Nandun din ang mga works in progress ko tulad ng translation sa Hiligaynon ng Noli at Fili at yung malapit na ring matapos na salin ng Anna Karenina in Hiligaynon! Hindi pwede ito! Nakasalalay dito ang ‘stake’ ng literturang Pilipino sa pandaigdigang lebel! Magagalit si Fabienne sa ground crew! Isa itong emergency na dapat malunasan sa lalong medaling panahon! Medyo napataas ang boses ni Fabienne kaya naglilingunan ang mga ibang pasahero. Tapos na realize nila na nawalan nga ng maleta ang isang living ‘gem’ in Philippine Literature. Hindi nila ito ma take! Magkakaroon ng cataclysm pag nagkataon! So, nag tweet sila at nag update ng mga status nila. Nagkaroon ng komosyon. Yung ibang mga pasahero, dali daling bubuklatin ang mga maleta nila. Kanya kanya silang labas ng kopya nila ng mga libro ko – kanya kanyang lapit para magpapirma. May nag-iiyakan at nagsisigawan! Hindi nila lubos maisip na ma-meet nila ng personal ang isang Hiligaynon na makata! Yung iba, naglalabasan ng mga bags, Ziplocs at kung anu-ano pang mga lalagyan. Sinisilid nila ang hangin na posibleng nahinga at naibuga ko. Gagawin nila itong mga heirlooms at ang iba ay ibebenta sa ebay. Magkakagulo na ang lahat. Ifa-flash sa screen ang breaking news tungkol sa pagkawala ng maleta ko. Maghihiyawan ang mga tao. Ang iba sa kanila hahagulgol. Magdadasal sila n asana mahanap na ang maleta ko. Maraming tao ang makikipagsiksikan na makamayan ako o mahawakan man lang ang aking shaolin braided hair. Magbabanta ang isang stampede! Shempre, lalabas bigla ang aking bana – well, actually hindi naman necessary na bana talaga, pwede namang asawa, wala naman akong reklamo dun – pero syempre dahil sa kwento nila Claudine ay bana nya ang umeksena, so sige, bana na nga lang. SO, yun lalabas na ang bana ko para protektahan ako sa mga tao. Wait lang, sino ba ang bana ko – o sige si Cid Lucero na lang. So lalabas na nga si Cid para protektahan ako sa nagdadagsaang mga tao – ay wait, baka hindi kaya ni Cid, palitan natin – si ano na lang, si Wolverine – si Hugh Jackman na lang. Bakit ba! Sanaysay ko to, at libre naman mangarap. Sulat ka rin ng sanaysay mo – walang basagan ng trip. Where was I – so yun na nga lalabas na nga si Hugh. Yayakapin nya ako para maprotektahan ako sa mga tao. Maglalabasan na ang mga camera at masisilaw na ako sa mga flash ng camera. Isusuot ko na ang aking Prada na HD shades kasi baka mabulag ako hindi na ako makakapagsulat. Ilalayo na ako ni Hugh sa mga nagdadagsaang mga tao. Wala na kaming madaanan. Siksikan na talaga sa Airport. Sobrang dami na ng mga tao at kahit sa mga exit ay nagaabang na ang mga tao para makita lang ako. May mga tarpaulins na sa labas at nagtatrapik na hanggang EDSA. Tatakbo kami ni Hugh papuntang runway. Mahahablot ng isang fan ang aking Hermes na scarf habang tumatakbo kami ni Hugh! Nagraradyo na ang ATO kung ano ang gagawin at miski ang president ay aligaga na rin. Pinapadala ang personal na eroplano ng president pero mabagal at kakarag-karag yon. Matagal pa bago makatake-off yun. Sisenyas ang isang opisyal sa airport na may nagaantay na dawn a helicopter para masakyan namin. Hindi na napigilan ang mga tao at nakalabas na sila sa runway hinahabol kami ni Hugh. Makakasakay kami sa Helicopter at makikita ko na sobrang dami ng tao para silang mga langgam. Kakaway ako sa kanilang lahat at magiiyakan sila at maghihiyawan sila. May isang chubby na chinito na hahabol sa helicopter at magaabot sa akin ng mga bulaklak. Aabutin ko yun habang umaangat ang helicopter. Yayakapin ako ni Hugh. Aagawin ang bulaklak na bigay ni Chubby Chinitong kuya. Itatapon nya yun at sasabog ang mga talulot ng bulaklak habang papalayo na ang Helicopter namin. Tatatnungin ko sya kung bakit nya ginawa yun. Sasabihin nya na may naka imbed pala na GPS sa mga bulaklak. Dideretso muna kami sa isang isla kasi inaabangan na rin ng mga tao sa lahat ng paliparan sa buong Pilipinas kung saan kami lalapag ni Hugh. Kakawayan ko ang mga mahal kong mambabasa one final time! Pakialam ko sa isyu ng letcheng Claudine, Raymart at Tulfo! Hehehehe. Meanwhile, magbabayad muna ako ng kapeng ininom ko dito sa kapehang ito. Libre kasi ang WiFi dito at syempre, hindi ako kilala ni Cid Lucero – lalo na ni Hugh Jackman – at kung mabasa ito ng aking mother John Iremil, I’m sure sasampalin nya ako!