Oo alam ko, it's been a while since I last blogged. Yung last entry ko nung Mayo pa, pero dedma na. I'm back and I will be back for good. Paano nga bang nawalan na ako ng ganang magsulat dito? Kasalanan ni Facebook. Madali na kasing magsulat sa Facebook. Merong 'Notes' Function ang Facebook. Konting edit, konting lagay ng picture, click, share. Tapos. Mas kumplikado ang mag blog at mas madaling sundan ang sulat ng iba sa paltform ng Facebook.
So bakit ba ako bumabalik. Dahil na heartbroken na naman ako. CHARING LANG! Well, sige, dahil nga dun, inaaliw ko ang sarili ko. Nagbasa basa ako ng mga kung anek anek. Sa rest days ko naubos ko mabasa ulit ang "The Great Gatsby" ni F.Scott Fitzgerald, nakasulat ako ng mahigit kumulang sampung haiku dahil sa mahaderang si Sylvia Plath, at nakapagtranslate ako ng isang tula ni Pablo Neruda sa Hiligaynon at Filipino. Taray much no? Hehehehehe
Well yun na nga, dahil sa kakaliwaliw ko kung saan saan, napadpad ako sa tumbler ni israelmekaniko. Funny sya. Witty, humorous. Parang ako. Lamang lang ako ng kaunting paligo at ilang wisik ng Bambini Cologne Summer Fresh Scent. And so, ayun, napanostalgia ako sa pagboblog. So bakit ako bumabalik? Bakit hindi na lang gumawa ng bagong blog sa tumblr? May nagbabasa pa ba ng blogspot? May nagbabasa ba sa akin to start with. And then it dawned upon me. Parang pagkalaki-laking Epiphany - yun na mismo ang rason.
When I started blogging, ang sabi ko lang sa self ko, magsusulat ako dahil yun ang gusto kong gawin. Magkwento. Hindi ko iniisip kung may nagbabasa ba sa akin o wala. Kung may nagcocomment ba? May nagfa-follow o nagshi-share ng mga pinagsusulat ko. And there lies the reason. Hindi naman ang aging platform ang rason kumbakit hindi na ako nagboblog. Followers. Yun ang pinakarason. Instead of just writing for the sake of writing, naghabol ako ng readership. And that spelled the death to my writing. Nawala na yung sheer joy of just putting words into paper. The sheer joy of putting my thoughts forward. Inalala ko na ang readership, ang acceptance, etc etc etc. At mali ako.
One time, nung nag Manila ako, napag-usapan namin ng isa kong tatay-tatayan na si Atty. JP Cunada ang tungkol sa Sheer Joy. The Sheer Joy of learning for the sake of learning. The sheer joy of writing for the sake of writing. The sheer joy of studying for the sake of studying. Ito ang kailangan ko ma-irecapture sa sarili ko. Ang Sheer Joy na itey.
And so, ito ako. Bumabalik at nagsusulat muli sa isang platform na hindi na siguro pinapansin ng mundo. Dedma! Magsusulat ako dahil gusto kong magsulat. Aaralin ko ulit ang platform na ito. Kung may magbabasa man, thank you. Kung wala, dedma. Babalik ako sa pagboblog dahil gusto ko irecapture ang sheer joy na yun. Na naiwala ko kakahanap ko ng audience. At gaya ng sabi ng magagaling kong mga mentors sa pagsusulat, kung magaling ang pagkakasulat, hahanap at hahanapin ito ng audience. For now, magsusulat lang ako for the sheer joy of it.
And as such, hello there, and welcome me back. Matagal tagal din na wala akong naikwento sa blog kong to, but don't fret. The Batchoy Boi is back, and yes, he is back for good, for the sheer joy of writing.
Sa mga nagbabasa nito, anjan pa ba kayo. Kung oo, heller! Kung wala, dedma. Sana ay nahanap nyo ang sheer joy ng kung ano mang ginagawa at gagawin nyo. And so, welcome back the Batchoy!
MABUHEI!
2 comments:
it's a sheer joy na you're back! hihi
It's a sheer joy Kalansay na andyan ka pa rin!
Post a Comment