Wednesday, March 31, 2010

Another Year


Another wonderful year...

Another great year of learning...

Another one for the road...

Another slice in life's piece of cake...

Here's to happiness, loneliness and all that's in between.

Thanks for all there was, all there is, and all that's yet to be.

A slice, a mug, a poem, and a song of thanks in my heart.

And the beat goes on...

I remain!

Happy Birthday to me!

Photo Credits:

http://www.gizmodiva.com/2007/08/

Thursday, March 25, 2010

Excitedness

I'm kinda Excitedness for a few things. I dunno why but with the way things have been of late, it is not a wonder why these little things cause excitement, or excitedness . Here are a few of them.


Brief Sojourn in Iloilo

I was tempted to say 'going home' to Iloilo, but really, home is where the heart is, and it is a happy circumstance that for the last six months, Manila has been home for me. My heart is where I am at, so Iloilo is not really home. Nevertheless, I'm going back there for the yearly obligation/panata. My bestfriend Bryan's family own a santo that is used during the Good Friday procession in Roxas City, and year after year, eversince I started helping, I have been in charge of decorating the paso for the procession. I can say that countless blessings have been heaped upon me by the good Lord for my sacrifices, including backbreaking work, super pawisan under the lenten sun, cuts, bruises and what nots from the wires and the flowers. Dahil mas mura sa Dangwa ang bulaklak, dito na rin ako mamimili. Goodluck naman sa akin because I will be bringing flowers for the Holy Week kaya nga I'm taking the ro-ro bus. Here's a picture of how I singlehandedly decorated last year's paso. Here are a few pictures of last year's paso. At oo nga pala... di ko alam pumuntang dangwa...help?


Last year it was egg mums, large white anthuriums, dyed in blue chrysanthemums, violet malaysian mums and violet dendrobium orchids that we used. This year, I wanted to use peonies, alstromerias and cymbidiums. Goodluck sa pagbubudget! At wish ko lang matunton ko kung san man yang Dangwa na yan... HELP!


Pretty Peonies... they are also sometimes called Paper Roses


Love the detail on the petals... so fierce


Mukhang mamahalin... sana makamura sa Dangwa at pasok sa budjei

And you guessed it right... pink ang color motiff for the paso this year. Excited much!
Syempre pa, I will be there at least for moreor less one week. Tatambay ulit ako sa kapihan na tinatambayan ko, hahagilapin ang mga bandang jinajaman ko, kakain ng batchoy, seafood, and evrathing. The best thing I'm looking forward to is a dip in the beaches of Panay. I swear, I will go to Guimaras if skeds permit. There is a sliver of sand in my heart that longs for the lick of salty waters. Kung si mother john pa, kailangan maalatan ang buntot ng sirena. Since I'm his 'daughson' namana at nananalaytay din sa dugo ko ang pagkasirenang yun, I am basically a 'sirenette' kaya I need to dip my dorsal fins din every so often. After all, one month ang LOA ko from work kaya naman happiness.

WORK and Tengga sa Bahay

Speaking of work shempre pa, update nga pala. Nag file ako ng immediate resignation ko the last time I went in for work. Sabi naman ng Unit Manager ko, valid naman daw na immediate sya at mawi-waive ang 30 day notice rule dahil nga medical ang rason. Di ba nga meron akong butas sa aking tympanic membrane? Di ko lang mapa opera kasi di sya covered ng HMO dahil pre-existing daw. A great thing happened actually. Instead of accepting m resignation, they gave me a proposal. Papasok ako for at least one more week, then by March 5, pinag fa-file ako ng leave to use up my remaining VL's. Tapos right after, binigyan ako ng LOA for medical reasons for a month, hanggang April 14. Kinagat ko na.

1. makukuha ko na agad ang VL credits ko dahil gagamitin ko.
2. Mareregular pa ako.
3. At dahil naregular nga ako, by then, magagamit ko na ang card ko to cover my tympanoplasty,which I intend to do when I get back from Iloilo.
4. Pwede pa din akong mag stop ng work after the operation kung kinakailangan.
5. Susweldo pa ako for the next cut-off at by the next cut-off's baka makuha ko naman agad ang prime pay na pwedeng mag reflect na sa payroll.

Therefore, tengga ako sa bahay at naka leave lang. No work, no pay. Hehehehe. One more thing is this.Hindi rin ako maklabas labas at maka galagala dahil nga nagtitipid at dahil ampangit ng mga kagat kagat sa balat ko.

Nanganak kasi ang pusa sa kisame namin. Dahil dun, yung mga fleas nila dun sa taas nahuhulog sa amin sa baba. Sobrang kati at sobrang dami kong kagat. Pwede na maglaro ng connect the dots. Para akong nagka tigdas kaya dyahe makipagmeet up. Kahit mainit super jacket orlong sleeves ako. Bwiset! Sarap sunugin ng mga taenang pusang mga yan. I know that these are cat flea bites kasi nangyari na di sakin to before nung nasa LB ako when my ex had this cat din na me mga pulgas. I look so dirty now and I am so sure that I can say goodbye to landian at the beach for this summer. Whew!


CLASH




This one excites me na din. I have seen trailers of the movie. I remember nung bata ako, classic na pelikula to na lagi lagi at paulit ulit na napapanood sa Channel12. IBC. This is the stuff that childhood memories were made of. Dahil jan, I vowed na kahit magastos, this deserves to be watched in the movie houses. Anyone for a movie date?

Finally

Nagulantang ako nung nag check ako ng kalendaryo. Oh to the Em of the GEE!!!
Pramis? Anumpetcha na! Shet! Ilang araw na lang, madadagdagan na naman ang edad ng Batchoy boi. Sana madaming gifts. Hehehehe... kayo jan... me paypal din ako pde din cash!

With all these, I'm so excitedness!

Photo Credits:

http://www.twelve22.org/2007/06/
http://www.bbc.co.uk/cumbria/content/image_galleries/july_2005_gardening_gallery.shtml?4
http://www.flower-arrangement-advisor.com/hand-tied-posy-bouquet.html
http://movies.ign.com/dor/objects/41265/clash-of-the-titans/images/clash-of-the-titans-2010-20091211065924947.html

Saturday, March 20, 2010

Got Milk?


I am lactose intolerant, but I love milk. I drink it, I use it on my cereal, I use it on deserts, I cook with it. I love milk. Kaya siguro strong ang bones ko, but then again, it does not change the fact na sasakit at sasakit ang tyan ko after consuming it. Nevertheless, it has never stopped me from loving milk. Parang love. kahit alam mo na pwede kang masaktan in the end, go pa rin ng go. Anyhoot, here's a poem I wrote one time i was waiting for a date. Enjoy...



Lactose Intolerance
Ni Luis Batchoy

Man ang gugma mo, pinalangga
Marimis sa akun panagamsaman
Kag nalangkag gid ako
Matilawan sang akun mga bibig
Ang himpit mo nga paghirup
Bisan pa, pat-ud gid
Nga akun igkalubi
Kag igkaaguntol ang kasakit
Nga halos igkahunos
Sang akun ginhawa
Nyan lubuson ta na gid lang
Ning himaya nga sukon
Kay siguro, indi ko man
Mas ikamatay ang gugma mo
Kung ipaanggid sa kahidlaw
Sang pagkahilayo ko kanimo.



Lactose Intolerance
Ni Luis Batchoy

Ang pag ibig mo kasi, pinalangga
Marimis sa aking panlasa
At kinasasabikan ko talaga
Matikman ng aking mga bibig
Ang marubdob mong pag-ibig
Kahit pang sigurado
Aking ikapamimilipit
At ikaaguntol ang sakit
Na halos ikapupugto
Ng aking hininga
Kaya't lubusin na lang natin
Ang luwalhating ganap
Kasi, siguro hindi ko naman
Mas ikamamatay ang pag-ibig mo
Kung ikukumpara sa pangungulila
Ng pagkakahiwalay ko sa yo.

Photo Credits:

http://hillbuzz.org/2009/01/11/
http://core.com.my/threeds/?p=1067
http://screenrant.com/milk-wolverine-images-rob-6801/

Sunday, March 14, 2010

Lourveee

I know that the balenstayms day is way way way past over and almost ancient history but when I saw these videos... sigh... sweetness much!


Enjoy!




Love the song... love the video

and this montage too...



And this too...




hay...
lourve!

Saturday, March 13, 2010

Human Rights, Good News, Bad News

BAD NEWS First...

Fucking Stupid Hateful Video circulates the net...

Hey there kuya...


Baboy ka tangina mo!


Whoever you are commanding these hapless guys to do what perhaps your sick libido is needing, I hope you die, you pig! Die in the most excruciating and painful manner.

I'm sure you are a closet homosexual with sick perversions.

Did you get a hard on, you bastard?

Do you have dreams of directing your next indie film debut?

People like you make me sick to the very pits of my stomach.

You know what, I do not really advocate hate and violence in my blog, but honestly, I hope that the next time you act upon your hidden desires and pick up someone from the streets to do your kinky and perverted desires, you get to pick a serial killer who would give you fair game.

I can not embed the video, so here is the link

Click HERE

That really made me fuming mad...

Now the GOOD NEWS!

The church I have been attending lately has something good...

Hope you could come and attend this.

Task Force Pride Philippines, the Metropolitan Community Church, and the Society of Transsexual Women of the Philippines (STRAP) present: “The Right to Self-Determination”. This is a forum on transgender human rights. This forum will be held on March 13, 2010 (Saturday) at 7:30 PM at the MCC QC Chapel (3F, 56 Mindanao Avenue, Quezon City).

The resource speaker will be Sass Rogando Sasot (Founding Member – STRAP and Communications Officer in Asia – ILGA. The forum will be moderated by Strap Chairwoman Naomi Fontanos.

For more information, visit the STRAP website at http://www.tsphilippines.com

Monday, March 8, 2010

Lafang








LAFANG

After a succession of uber serious posts, maiba tayo. Para naman medyo Zen na lightness of being ang dating, here’s a light post. Hindi poste ng Meralco gaga! When I relocated here, there were a lot of things that I missed. To say that my life took a 360 degrees turn would perhaps be an understatement, but as they say, some things are bound to take up some other things. I admit I love food and eating. Kiber na na nagiging ‘stocky’ ako, eh masarap kumain eh. Food has always been a passion of mine kaya nangangarap akong makapangasawa ng isang chubby chinitong chef na magdadala ng aking meals in bed. Syempre before the meal, to keep fit and burn calories, eh alam mo na! Bago pa kung saan saan mapunta tong usapan na to here’s 10 of the things na naadik ako of late, in no particular order.




10. Marty’s Cracklin Vegetarian Chicharon Salt and Vinegar Flavor.


Basta gawang Oishi malamang lamang masarap. My classic fave Kirei Chips happens to be from Oishi, too. Liwayway Marketing nga pala ang may gawa and brand name ang Oishi. Sobrang nakaaadik talaga sha. Malutong, malinamnam, as in, masarap. Sabi pa sa packaging, 0g trans fat daw. Healthy daw sha kasi vegetarian at guilt-free. KIBER! Kahit pa best in MSG to, eh masarap eh. Comfort food ko nga sya, habang depress depressan kunyari at alone alone-nan nanunood ng debede, papak ako ng papak. Sa isang upuan lang nakakaubos ata ako ng tatlong malaking ballot 90g packs. Sheesh! Pag nakakakita ako ng stocks (kasi mabilis maubos talaga) ay super pakyaw ako nito kesehodang maghihirap ako pagsakay sa bus pauwi. Naaalarm ako pag konti na lang merong stock sa cupboard ko nito. Marami nga ang naulurkey dito at ang iba nga daw inuulam itey. Di pa naman umabot sa ganung level ang addiction ko ditey. Idadagdag na to sa listahan ng masasarap ng Oishi products, sama na dun ang Sunday’s time na line ng juices nila.



9. Tusok tusok Calamares sa kanto.

Palabas ako minsan ng bahay, nang maamoy ko ang isang sobrang naakagutom na amoy. Hinanap ko ang pinangalinggan at nakita ko ang kariton na may naka deep fried na pusit. Ay naglaway talaga ako pramis! Bago ako malipat sa mid-shift, araw araw akong bumibili at inuulam sya. 3pesos per slice ang presyo kaya deceptive ang murang halaga kasi at one time, nakaubos ako ng 60 pesos worth. Tangina! 20 slices yun. Pag naamoy ko na ang pritong pusit na itey, naglalaway na agad ako. Ito naman yung inuulam ko. Namimiss ko na nga simula nang mag change shift kami kasi di ko na inaabutan ang mamang nagtitinda nito sa kanto eh. Haynax... the simple things in life. Pwera hepa po sana. Hehehehe





8. Tang Strawberry Watermelon Juice.

Ito ang tumalo sa dati kong mahal na Sunday’s Time melon juice. Super labs ko dati yung flavor na yun at nilalagyan ko pa ng gatas kahit lactose intolerant ako. Pero now, may bago na akong mahal. Sobrang refreshing sya talaga, at nakakatanggal ng stress sa buhay, lalo na pag malamig na malamig. Binabaon ko nga sa thermal mug ko sa opis. Sobrang convenient pa ng litro pack. Isasalin mo lang sa baso, dagdagan ng cold water, at voila may heavenly drink ka na. Antaray taray pa ng kulay, as in red na red. Baklush na baklush. Sabagay nga naman, with me, pagdating sa watermelon, talu-talo na. Kasi naman, I love pakwan! Pakwan ka din ba? Kung Oo, eh di I love you! Hehehehe.



7. Nai Cha, Chowking

Ito matagal ko nang labs to. Nasa Capiz pa lang ako, mahal ko na tong drink na to. Kakaiba sya kasi. Bitter bitteran ang kape (na parang ako minsan) nalalasahan ko talaga, with matching pakla ever ng tsaa (na minsan, parang ako din), hahaluan ng creaminess na gatas na yummy (na shempre,obyusli,ako talaga) at manamis namis na caramel syrup ( ay imememorize pa ba na ako din to?), tapos malamig lamig na crushed ice (na minsan din ay akong ako) at malambot at manguya nguyaining seagrass jelly (wait lang, ayoko yatang isiping halamang dagat ako), na nagiging over-all, napaka complicated (Ehem) at sbrang sarap ( naman, ito!) na inumin. Sa sobrang adik ko sa drink na to nag experimento na dati akong gumawa ng sarili kong bersyon sa bahay. Tinawanan ako ng friend ko na manager ng chowking Roxas City na si Elmeko Jude, at sa awa nya, na sana wag sya sisantehin, binigyan nya ako ng sanlitrong parang syrup na yun daw ang sikretong sangkap sa pagkasarap sarap na inuming to. Merong chowking akong nadadaan pauwi, at matapos ang nakakapagod na araw, dumadaan ako para mag take out nito. Hihintayin ko talagang makauwi sa bahay bago sumalampak sa sahig at inumin sya ng dahan dahan. Naging ka text ko na nga ang manager din ng branch na to ng chowking kasi tatlong sunod sunod na gabi akong naubusan dahil nag mid shift nga kami, kaya super disappointed ako. Kinuha ni manager ang number ko para mapagtabihan nya ako kung bibili ako para siguradong meron pag uwi ko. At least, masasabi ko with a pilyo smile pag naguusap usap na “May take home ako kagabi, sobrang sarap nya... hihihihi.”



6. New City 24 Hour Restaurant

Perstaym ko na try dito nung nanlibre si Markie, kapatid nung landlord ni Charmita nung last year na nagmanila ako to receive my palanca award. Since then, na adik na ako sa kainang to, na halos bawat sweldo, kumakain talaga ako ditto, kasama man si Charmita or not. The place is very unassuming. Chinese ang specialty ng restaurant at malapit lang sya sa pad ko, and 24 hours sya kaya pasok sa banga! Pag nakakaramdam ako ng bigla biglaang hunger pangs, sugod agad ako kahit magjijip pa ako papunta dun. Di naman kasi kalayuan, pero ayoko lang maglakad sa kakalsadahan habang nag gugrumble si tya nena. The best thing about them is their pricing. Super masarap na, big servings pa, cheapanggalore pa sya for a restaurant. One of these days, libre nyo ko dun, turo ko senyo kung saan sya!



5. Palm brand corned beef

Sa Iloilo pa lang nadiscover ko na tong brand na to. Medyo may kamahalan sya, kaya pag me andalei lang ako bumibili nito. Masarap sya, as in! Buo ang hibla at super chunky talaga, tapos juicy at unadulterated sya kasi me taba taba pa nga na nasa lata, kaya hello naman sa choles…dedma na. Straight from the lata ko syang kinakain at kung ma gross out man ang kasabayan kong kumakain neto, kiber, buti nga, para walang kahati at di manghingi. Nyekhekhek.




4. Japanese Siomai ng Master Siomai

Duda ko si Kuya Germs ang may ari nito. Master Showmai? Hehehehe. Sa tutoo lang, I am not big with Japanese food na mga hilaw hilaw. Heller! I am a modern man, and cooking has been discovered, invented, and refined for my discriminating tastes. Chos! Kaya nga kahit idol ko sa Iron Chef si Chef Morimoto ayoko syang mapangasawa. Hekhekkhek. Ewan ko nga ba kung bakit nagustuhan ko to. Masarap at tamang sayad lang ang lasa ng Nori wrapper sa siomai na to. Minsan bago pumasok, pagkalabas ko ng tren sa ortigas station, bumibili ako nito kasi merong cart sa station na yun. Malayo pa lang ako, nakasmile na si aleng tindera. Bwenas daw pag ako nakaka bewna mano sa kanya at siguradong madami daw benta sa araw na yun. Choserang ale. Kahit di mo na ko chinichuvaness eh bibili naman talaga ko eh. Sinesales talk pa ako. Hehehehe. Basta masarap sya!



3. Lutong Malabon, kainan sa Guadix sa loob ng Edsa Auto Exchange garage.

Simula nang madiskubre ko ang kainan na to, dito na ako nagla-lunch araw araw. Masarap, lutong bahay at affordable ang kantinang to. Malas lang kasi, nung nag mid-shift ako, alas tres na ako nakaka lunch, pero dahil mabait ang mga bantay at friendly ako, nagpapatabi na ako agad ng pagkain at minsan, tinetext pa nila ako kung anong merong ulam at nakalimutan kong magpa tabi para di ako mauubusan. Masarap ang luto nila, mukhang malinis naman, at shempre dahil friendliness ko na ang mga tao dun, eh marami rami ang servings na tinatabi for me. Pagkatapos kumain, pipili na ako sa menu para bukas. Saya di ba? Syempre walking distance lang sya from the office. Ayan malapit nyo na mahulaan kung saang center ako nagkokolboi… este nagko kolman… Man na pala ako di na boi. Pero masagwa pakinggan no? Kolman… parang ice chest lang… worse, petromax!



2. Leche Flan at Buko Pandan sa Yoo Hoo Metrowalk

Nagkayayaan minsan post shift last day work day for the week and sweldo day ang buong team na kumain sa labas, at uminom inom. Shempre dedma ako sa inom inom. Kumain kami sa YooHoo sa Metrowalk. Okey naman ang pagkain pero ang mas okey ay ang desert! Sobrang sarap nung buko pandan salad as in! Nakalima yata akong serve as in lumantak lantak ever talaga ako. Nung nagkape kami last time with Charm and Iranian friend, buwisit na buwisit ako kasi I was looking forward to the buko pandan, eh ubos na. I setteled for the ¼ slice of Leche Flan. Buti naman at dahil siguro mababa ang expectations ko, pero in fairness, masarap sya. Umorder ulit ako kasi alam ko gusto din ni Charm yun. In fairness masarap talaga! Nakaubos ako ng isa pang one whole lyanera ng leche flan. Juzko! Hello naman diabetes?




1. Silog meals sa isang nameless stall sa Philcoa

Kung wiz budjei para mag New City, this is the next best thing! Paborito ko ang Teriyaki meal nila. Mura lang sya at double rice na. Nasa 60 pesos yata ang isang serve kung di ako nagkakamali. Basta, halos lahat na yata ng silog meals dito natikman at nagustuhan ko. Except lang sa luncheon meat meal at sa hotdog meal na paborito naman ni lola mo Charmita. Kaya lang, sa mga hatinggabi na mag isa akong kumakain dito, great is the temptation na sumakabilang kalye at tuklasin kung ano ang nasa dako pa roon sa paiba ibang kulay na bantayog na patatsulok sa gitna ng kakalsadahang pabilog. Buti naman at di pa ako umaabot sa puntong di ko napigilang tuklasin sa Batibot ang tuwa at ang saya!

Huwell. Ngayon alam nyo na kung saan nauubos ang sahod ko at bakit mamintog mintog ang lolo nyo. Buti na nga lang that I haven’t gotten around to buying me a stove and cooking utensils. Pinagbubulag bulagan ko lang sya, kasi aside from medyo di sya pasok sa budjie at di naman sya praktikal magkaroon, I’m sure mas lalo lang akong mapapalafang ng kug anek anek na maisipan kong iluto. Basta talaga pagkain, hindi ako nagpipigil magkagastos. Kaya nga sa opisina, pag pinaguusapan ang gym gym na yan, flip na lang ako ng kulot na hair sabay sabing, ‘Gosh, is that foreign language or are you speaking in tongues? Gym? What’s that? Aramaic?’ Chos! Ginutom ako sa post na to! Babay na at makalafang... hmmm san kaya maganda?


Photo Credits:
http://www.foodclipart.com/_pages/0511-0803-2517-0662.html
http://zshali.multiply.com/reviews/item/128
http://hoovaloovah.blogspot.com/2009/07/ludos-resto-and-bar.html
http://www.walmart.com/browse/Beverages/Powdered-Drinks-Mixes/_/N-8zb5Zaq90Zaqce/Ne-8z35
http://epey.blogdrive.com/
http://www.ridleypa.com/chinese.html
http://www.fashion-res.com/difference-between-point-cut-and-flat-cut/
http://xelalien.livejournal.com/tag/siomai
http://bigberto.blogspot.com/2007_04_01_archive.html
http://www.foodtrippings.com/casual-dining/any-barbeque-there-yoo-hoo/
http://www.tipidmeals.com/2008/02/tapsi-plus.html