Wednesday, July 29, 2009

Marlboro Black Part2



MB: Grabe, nakakapagod kanina. yung mga customers akala mo kung sino. Feeling nila antataas na nila. Kung makautos eh. Lalo pag lasing na.

Luis: Masanay ka na. Ganun talaga sa ganyang trabaho. Habaan mo pa pasensya mo.

MB: Buti na lang hindi naman lahat ganun makatrato sa mga service people. Tulad mo. Mabait ka. Kinakaibigan mo mga waiters dito.

Luis: Why not? Tao naman sila ah. I frequent this place. Gusto ko, kampante ako sa mga tao sa paligid ko, lalo't tinatambayan ko. Besides, I don't wanna mess with people handling my food. Mahirap na. At saka, naawa nga ako sa kanila. They are over worked and under paid. Tapos aawayin mo pa?

MB: Kaya kita gusto eh. Di ka mayabang at maangas kahit may iaangas at ipagmamayabang ka naman talaga.

Luis: Maangas din ako. Suplado nga ako eh. Nilalagay ko lang sa lugar. You don't wanna see me at my worst.

MB: Nagtataka nga ako pano mo ko nagustuhang kaibiganin eh.

Luis: Magkasundo tayo... Masaya ako pag kasama kita. I am not inclined to question happiness when it comes by. Wag na masyadong maraming tanong. Enjoy the moment na lang.

MB: Sabagay, pero, di ba? Of all people? Saka, you could chose to go elsewhere di ba? Naiisip ko lang. For the sake of discussion.

Luis: Because you're nice...

MB: Nah... Mas nice ka!

Luis: I could be very naughty you know. You barely know me. I should say the same about you. mamya nyan, magbabago ka din.

MB: I don't think so... Di ako magbabago.

Luis: Ows? Im sure! Lalo na pag naging girlfriend mo na yang kinukwento mong ka text mo.
I'm sure. Halos lahat ng mga kabarkada ko, nagbabago pag naiinlab. I'm sure, ni di ka na siguro tatambay kasama ko when that happens.

Natahimik sya kaunti...

MB: Luis... Ahmm... Can I ask you something?

Luis: Shoot...

MB: Masasaktan ka ba pag nag ka girlfriend ako?

Ako naman ang natigilan.

Luis: Well... that remains to be seen... I can't speak conclusively... seloso kasi ako eh... Hehehehe...

MB: Eh di sige, wag na lang...

Luis: Wag na lang? Di ka mag gi-girlfiend?

MB: I don't wanna see you hurting...

Tama ba namang sagot yun? Parang tinanong mo kung anong favorite color nya tapos sasagutin ka nya 'ayoko ng brown'. Non responsive!

Luis: Para namang may magagawa ako pag nag girlfriend ka. I should be happy for you, as a matter of fact.

MB: Basta, ayoko nasasaktan ka.

Luis: Naman! Sweet mo ah! Mamya nyan mainlab ako sa yo... So... paano pag nangyari yun?

MB: Ha! Shet, anghirap nun ah! Di ako marunong ihandle yan. Never ko pa na experience yan!

Luis: Seryoso naman neto. alam ko wehere I stand no. Friends lang tayo. Saka, don't worry, pag nangyari yun, akong bahala... Lalayo ako. It won't be my first unrequited love. Keri yan!

MB: Ha? Bakit? Wag naman! Don't go.

Luis: Sus! I don't need a confusion in my life, and I do not want to be a confusion in someone else's.

I meant it when I said it. That's my game plan. I know I shouldn't because of a few basic reasons:
1. He's young.
2. He's Straight
3. If at all... He's slightly confused or could get confused.
4. I'm leaving soon.
5. I'm looking for a hubby/lifetime partner, not a bf, not a lover. I need a partner and he does not fit the bill.

Well at least, not in his current state. I know he's confused and I am not gonna be the one to sort out his confusion for him. That's his job, not mine. alam ko din na may gf na sya kasi nakikitext sya at di naman niya dinedelete, at meron pang two other girls syang pinopormahan. Tsk tsk tsk! Kids. Make that.. straight Kids!



Sent Message Log:
MB: Ma, pautang muna kahit 150, manunood lang ng sine. Gusto ko sumama sa barkada manuod ng Harry Potter 6. Bayaran ko na lang pagdating ng allowance next week. Daanan ko jan mamya ok? Please... kahiya naman kasi magpalibre eh.

Halatang hindi sya pinagbigyan kasi alangan sya nung nag meet na kami for the movie.

MB: Dito na lang ako. May kakausapin lang ako. Balikan mo na lang ako mamya pagkatapos ng sine.

Luis: Ha? Eh di ba last week pa nakaplano yan?

MB: Eh kasi....

Luis: Ay nako! Kasi, nahihiya hiya ka pa! Tara, treat na lang kita. If you want, bayaran mo ko next week.

MB: Talaga? Are you sure?

Luis: Yup! Bayaran mo kjo next week by treating me to another movie...

MB: Sure! Pramis yan!
Parang bata syang tuwang tuwa. Kitang kita sa mga mata ang saya. Kaya ako nahuhumaling sa gagong to eh!

Pagkapasok sa sine, isang buong hilera ang bakante kasi nga, LFS ang pinasukan namin. Lima kami. Ako, yung dalawang step sibs ko, sya at si Mykus. Nauna sya, kasunod ako sa kanya. Dirediretso sya sa dulo. Umupo na sya dun sa pinakadulo sa may 'loveseat'. Upo na rin ako sa single seat sa tabi.

MB: Oh, ba't dyan ka? Dito ka sa tabi ko.

HAYNAKU!

Too late to cast the spell PROTEGIO!



So, yun.. nasa love seat kaming dalawa. Riveted ako sa movie, pero mayamaya, nasa shoulders ko na kanang kamay nya. Nakaakbay na. Mayamaya pa ulit, nakasiksik na sya sa akin. Mayamaya pa ulit, nakahilig na ang ulo nya sa chest ko.

Then it snapped! My self control broke loose and just fizzled away, just like SECTUM SEMPRA!

I stretched, casually drapped my hand over his belly. Hugged him tight and snuggled. I don't know if it's still soda that I was drinking, or Liquid Luck!

Luis: Lamig ng aircon grabe.

MB: Oo nga eh (Hugging me back)

Luis: I can't feel my fingers na yata.

MB: Same here... (grasping my hand and locking it with his)
Holding hands na talaga!

MB: Nangangalay ka ba? (Pasimpleng patong ng paa nya sa paa ko)

Luis: Hindi pa naman...

Tinignan nya ako... ngingiti ngiti


Luis: Ngingiti ngiti ka jan!

MB: Eh masaya ako eh.

I kissed him sa cheecks. He did not flinch. I went back to snuggling. He gave me a warm, soft kiss at the top of my head, then, placed his head on mine...


This is love! Pwede nang mamatay kasama ni Dumbledore! AVADA KEDAVRA!


To Be Concluded...


Photo Credits:

http://profiles.friendster.com/47401274
http://www.filmofilia.com/2009/03/26/brand-new-harry-potter-and-the-half-blood-prince-character-posters/
http://movies.ign.com/dor/objects/40311/harry-potter-and-the-half-blood-prince/images/harry-potter-and-the-half-blood-prince-20090327104957642.html
http://www.sodahead.com/blog/104825/hbp/

5 comments:

blagadag said...

sabaw pa sang batchoy inday beh. daw nag uga ang lalamunan ko.

Aris said...

grabeh na ito!!! luis, luis... go, go! mahal ka rin ni boylet. just go with the flow. wag na munang mag-rationalize. ang sarap kaya ng feeling na ma-in love. *sigh* :)

<*period*>; said...

pinapakilig mo naman ako.ahihihihihi

Diosa said...

you know that I am a sucker of stories like this one.

I have to admit, I am so kinikilig!

Gow kumare, ibigay mo na at ng magkaalam alam. wai ng pa swit. attack!

Luis Batchoy said...

blag: self servce na di chay... sanduk lang heheheh

Aris: parang gusto ko na nga ihinto ang seryeng to para wala nang crashing end... hehehehe

period: salamat at napakilig kita... hehehehe

Diosa: Wait lang... hehehehe..