Simulan natin sa isang mensahe para kay Z:
Ayoko na!
Napapagod na ako.
Sa loob ng isang taon lang nakailang lipatan ka na ba?
Nakailang sunod na din ako sa yo.
Ngayon naman, lilipat ka na naman.
Nakakapagod din naman ang sundan sundan ka sa kung saan saang lupalop ka nag lilipat lipatan.
Sawa na ako na lagi na lang bubuntot buntot sa yo.
Kaya ayoko na! Tama na! Ayoko nang sundan ka sa kung saan ka na naman lilipat.
Dito lang ako. Ayokong sumunod!
ETCHOS LANG!
Actually tinatamad lang ako mag update ng links sa bagong bahay ni Zen at wala lang din akong maisulat. Kahit namatay na si Mit-tsa-el wala namang kamatayan ang kanyang mga awitin at musikang pinasikat. Tulad ng mga boses bata nyang tugtugin na hindi na rin maibabaon sa limot ng panahon. Lola na rin si Farah at ang Anghel ay kailangan na ring itabi ang kanyang mga pakpak at mag pahinga. Paalam sa inyong dalawa.
Meanwhile ang Mambabatchoy naman ay naghahanda na sa pag lagay muli ng kanyang ugatpak at tulad ng isang matipunong Mulawin ay naghahanda na ring lumipad sa papawirin upang tuklasin ang nasa dako pa roon at habulin ang mga ulap ng pangarap at mabuhay ng malaya at para sa sarili. Sori na lang at di ako marunong mag plawta o mag silindron kaya wala tayong sawn epeks.
Orchestrated Ignorance
Sa dinami dami ng instrumentong musikal ni isa wala akong alam tugtugin. Pramis kahit triangle, cow bell o tambourine di ako marunong tumugtog. Dalawang sequence lang din ang alam ko sa lyre; yung para sa consecration, at para sa pag announce ng komunyon. . Dalawang sequence lang din sa kampanilya; yung mabilis at yung mabagal, at tatlong sequence sa kampana; para sa kasal/pista/Gloria, para sa patay/requim/lent at para sa panimula/pagtatapos/emergency.Nalaman ko lahat to nung sakristan mayor pa ako sa simbahan. Oo, sakristan ang mambabatchoy. Saulado ko pa ang Roman Misal sequence, pati na rin ang kulay ng mga solemnities at seasons sa Ordo. Kailangan kasi alam mo yun para tama ang maihandang vestments ng pari.As I have said, bobo ako sa myusik. Pano naman kasi, lahat ata ng pagkakataong matuto ako ng instrumento, lahat ata traumatic or distractions.
Una, nag enroll ako sa piano nung elementary. Kakapalo ng titser ko sa kamay ko, one time, dinalhan ko rin ng pambambo. Nung napuno na ako, pinalu-palo ko din sya ng todo hataw. Letche, eh nagbayad ako para matutong mag piano, hindi para mabaog ang mga daliri. Hayun,
sinumpa nya ako na never matututo ng kahit anong instrumento.
Next na sinubukan ko, gitara. Aktwali, lover ko noon ang nagtyagang magturo sa akin. Sinabihan nya ako na dapat daw putulan ko kuko ko kasi mas madali yun. Sabi ko naman saka na. Minsan, pinatulog nya lang ako, pinutol nya mga kuko ko. Nainis ako kasi parang walang respeto naman yun di ba? Ayun, binasag ko yung gitara nya. Kalaunan, binasag nya rin ang puso ko, panabla siguro.
Sinubukan ko ring mag drums. May sariling mga utak ang kanan at kaliwang kamay ko. ayaw sumunod at mag tyempo. Saka, bobo din ako sa beat. Ultimo Bombo hindi ko mapag tayming. Saka, mabibingi ata ako dun eh. Lagi akong pinagagalitan ng titser kasi pag tinatanong ako, lagi ko lang sgaot ..."ehhh?" Ayoko mabingi noh!
Last na sinubukan ko, violins. ambisyoso ko no? Eh gitara nga di ko maaral, yun pa kaya. Pero ok lang kasi nga kyutipie ang titser. At dahil nga siguro, kyutipie din ako, walang violinan na nangyari. Ibang lagarian ang naganap. eh malay ko ba naman na masasarapan pala sya nung perstaym nya itry mag bottom for me. Ayun... hanggang ngayon kinukulit kulit pa din akong mag jer pag sawa na sya sa bottom nyang jowa at gustong nyang magpa bottom na! Letche!
Siguro nga tatanda na lang akong bobo sa musika. Speaking of tanda, kung ako ang tatanungin nyo, mas makisig si Dakila (Eddie G) kesa kay Aguiluz (Richard) sa Mulawin. Hekhekhek.
Dahil mahilig nga ako sa mas matanda sa akin, nagtatanong ang mga kaibigan ko; kung ang mahilig daw sa bata ay pedophile, (walang koneksyon kay MJ pramis) ano naman ang tawag sa mahilig sa matanda (wala din koneksyon kay Farah)?
Ano nga ba? Geriaphile? Kaloka ang nga sagot ng mga kaibigan ko.
- Lion-O (kasi thundercats sya)
- Undertaker (taga hukay kasi ng libingan)
- Juraphile (as in Jurassic)
- Beneficiary (naman to oh!)
Pero ang pinakapaborito ko ay
Archeologist! Mwahahahaha!
Well, saan na ba tayo dinala ng libreng agos ng utak ko? anjan ka pa ba? Huy!
Errr... ayoko na! Subukan ko na tugtugin ang organ ko. Nyekhekhekhek!
Photo Credits:
http://generocha.com/fineart/dreamscape1.html
http://www.co.carver.mn.us/departments/LWS/how_you_can_help!!.asp
http://www.flickr.com/photos/emdot/96674873/
http://www.sfcreate.co.uk/illus/music.html
http://lefteyeonthemedia.wordpress.com/2008/10/23/do-republicans-care-if-anybody-is-smarter-than-a-third-grader/catholic-mass-02/
http://www.webweaver.nu/clipart/music/piano.shtml
http://www.lakewoodconferences.com/catalog/46/1034/285903/sell_classical_guitar.html
http://cnx.org/content/m14533/latest/
http://www.adelaidescottishfiddleclub.com.au/public_national.shtml
http://www.igma.tv/gwi/programs/28/Aguiluz
4 comments:
ay, gusto kong marinig este manood sa notang yan!
friend, funny ka talaga lalo na kapag spontaneous. *hugs* :)
Hahaha! I like that. Music interests me more than anything. Kung baga, yan lang ang tanging konswelo ko sa buhay. Di ko nga alam kung magkakaroon ba ako ng jowa kung hindi ako marunong kumanta. Hahai. Well, amyhow bahaw, it's nice to know that you are a music enthusiast.
sige na, luis, (up)date me na, please! lol
Post a Comment