Tuesday, December 28, 2010

Masisisi mo ba ako?

Kaloka ka lang.

Naaayos mo ang mga sira sirang gamit ko.

Yung laptop ko na dati ay madilim ang display, napaliwanag mo. Yung sana'y malamig ko na pasko, napag init at napa lagablab mo. Ang makulimlim kong buhay ay napapaliwanag mo ng bonggang bongga.
Yung mga halik mo nakakapawi ng mga lungkot at takot ko. Yung yakap mo, nakakapag aalis ng inis at pagod ko.

Yung cell phone ko na matagal ko na hindi magamit dahil ayaw gumana, naayos at napagana mo. Pati ang gutay gutay ko na na mga pinapangarap sa buhay, naipagtatagpi tagpi mo. Yung mga basag basag ko na na mga hinahangad at di na pinaniniwalaan, na iis-is at napapakinang mo ulit.

Ngayon...

Masisisi mo ba ako kung ayaw ko na ikaw pakawalan pa? Na ayaw ko na ikaw ma experience ng iba? Na gusto ko na lang umuwi sa mga yakap at halik mo?

Masisisi mo ba ako kung gustuhin kong sirain na lang ng bonggang bongga ang buhay ko at ipaayos na lang sa yo?

Etchos lang!

Mas sira sira kaya ang buhay mo kesa sa kin hehehehe

Charing kanding nga nag tambling!
Etchos lucos nalumos sa ginamos!

I love you... Puta ka! Magsawa ka sa iba!

3 comments:

kalansaycollector said...

tamissss. :p

Echos Erita said...

kalokang art of letting go itey! Winner ka te!

Luis Batchoy said...

kalansay: oh well... whew

Echos: thanks for dropping by... balik ka algi ha, pasilip din ng blog mo.