Monday, February 16, 2015

Love is Lovelier

Lunes

Nagpapahinga lang ako sa bahay. Nagbabasa-basa ng kung anu-ano. Kakalabas ko lang sa Ospital at Doctor's Orders ang at least 3 days full rest. Wag muna daw akong magpakapagod at pumasok sa work. Sa tutoo lang, hindi naman ako talaga masyadong nakapagpahinga sa ospital. Maya-maya kang ginagambala ng nurses, tinuturukan ng kung anu-ano, kinukuhanan ng dugo, pinapainom ng gamot, kinukunan ng Vital Signs etc etc etc, so I welcomed the rest orders.

Tunog ng tunog ang cellphone ko sunod sunod. Puro text messages.

"Asan ka friend? I really need to talk to you."

"Nasa Ospital ka pa ba? Pasensya na but I'm really confused I need to talk to you."

"Papunta na akong ospital, anong room number ka nga ulit.?"

Hindi ako makareply. Redirected ang cellphone ko at yun lang ang kaisa-isang number ko, Hindi ko pa kasi nababayaran ang bill dahil nga naospital nga ako at balak ko naman bayaran siguro bukas so hindi ako makapagreply. Mabuti tumawag.

"Hello. my name is Brendan! How may I help you today?"





Si J. Kaibigan ko. Matagal na. So yun. Sinabi ko na nasa bahay lang ako nagpapahinga. Kailangan daw nya akong makausap. Syempre ako naman nagworry. Ano ba kasi yun? Basta daw. Dadaanan nya raw ako sa bahay. Magbihis na daw ako. Magkakape kami. Eh syempre ako naman, madaling kausap at basta kailangan ng kaibigan I will be there. Isa pa, hindi nga rin naman ako muna papasok sa work kaya wide open ang schedule ko. I haven't had coffee din naman with J for a long time, at one week din ako sa ospital. So yun. Nagbihis ako. After 30 minutes, dumating na si J. Sakay na ako sa kotse nya. Saan ba daw? Sabi ko, ikaw, saan ba? Sabi magkape daw may ikukunsulta lang sya. So yun. Go! Kape!

Nung nasa coffee shop na kami, medyo maingay. Na self conscious sya at medyo hindi conducive mag usap dun. Sabi ko, road trip na lang kami. Bumili kami ng chips and soda. Gaya ng nakagawian naming wala lang. Magdadrayb lang papunta sa kung saan, usap, hihinto sa gilid ng plaza na maliwanag, usap usap ganun. Nanotice ko na balisang balisa sya. Inaantay ko lang na sya magstart kung ano ang problema. Hinayaan ko lang ang pacing nya. Drayb lang. Tumunog ang cellphone nya.

"Hello! K! Wait lang, I'm with my best friend. I just want to talk to him muna. I will call you later okay?" Tinigil nya sa gilid ang sasakyan. Buntong-hininga at sobrang lalim na hugot na paghinga. Alam ko na agad. Si K! Si K na sobrang minahal nya. Si K na hindi mawala wala sa buhay nya. Si K! Ang ex nya na nagdedefine ng pagkalaki laking EX! The one that got away! So yun, alam ko na agad ang problema.




"J, akina ang susi. Ako na magdadrayb. You look distracted. Mahirap na. Gabi na at hindi masyadong mailaw ang daanan." "No, Luis ako na. I will focus. Yung right wrist mo, hindi pa magaling yan. Di ba jan pinadaan ang tube for your Coronary Angiogram? Eh nanghihina pa yan at masakit sabi mo di ba?" "Hindi naman natin bibiglain ang kabig at kambyo eh. Chill lang tayo, right? Kesa naman sa yo na distracted di ba? At nang makapagkwento ka freely. Sige na. Ako na magdadrayb. Besides, I miss driving din." Pumayag na rin sya at palit kami ng pwesto. Hinayaan ko lang sya magsimula. Drayb lang ng drayb. And after a while, he started.

"Si K kasi, Luis."

I thought so! Alam ko na! Nakikipagbalikan si K. At syempre nga, itong si J, too weak to resist. The One That Got Away nga di ba? Natawa ako sa sarili ko.

"Alam mo J, thank you! Sa dinamidami ng mga kaibigan natin ako talaga? Ako talaga na pinakatanga at pinakabobo pagdating sa ganyang usapin? Ako talaga na hindi makuha-kuhang magkaroon ng disente at pangmatagalang relasyon? Ako talaga na bitter bitteran at emote-emotan? At ako talaga  na hindi naniniwala sa letcheng 'somewhere down the road' na yan! Ako talaga na hindi naniniwala sa letcheng second chances. Kaloka ka!"

"Kaya nga ikaw eh! Ikaw na pinakabitch. Ikaw na pinakaderetso at prangka! Ikaw na alam kong hindi ako eetchusin sa sasabihin. Ikaw na out of the box! Ikaw na laging nandyan. At tigilan ako sa press release na bitter! If I know! Ikaw ang pinakahard core hopeless romantic shmuck na kilala ko sa buong mundo at kahit pa impyerno at sampu ang pinagdaanan mo, naniniwala ka pa rin sa letcheng pag-ibig na yan!"

Natahimik ako. May point sya.

So yun nga. Nakikipagbalikan nga si K sa kanya. Hinayaan ko lang magkwento si J. Kung paanong sa dami na nang nagdaang mga pag-iibigan at pagsusugal sa iba't-ibang mga kapareha, hindi pa rin nila makuhang magkalimutan. Kung papaanong ilang palit na ng numero, ilang 'pagkawala' na. nahahanap pa rin nila ang isa't isa. At nagkakaugnayan pa din silang dalawa.

Napangiti ako. Naaalala ko. Meron din akong ganun. Yung tipong inisip ko na if we can't get rid of each other, then maybe, there must be something about us that's hardier than you or me. Yung ganung shit! Yung kahit lima, pito, sampung taon ang mamagitan, nahahanap at nahahanap pa rin namin ang isa't isa. Ang pinagkaiba lang, yung sa akin, wala na. Ako na talaga ang nagtapos sa lahat ng posibilidad. Ayoko nang maging pabitin sa ere at maging Hopiang Munggo. It's a loss, too bad. Ganun. Nakarelate ako at naintindihan ko. I was there for J the whole time. Hay!

"So, what do you think, Luis?" tanong ni J.

"Kilala mo ko. I don't believe in second chances. I do not even make friends with my exes. I cut clean.With surgical precision. I'm a pyromaniac! I burn bridges! You know that!"

"Kaya nga eh! Kaya nga ikaw ang gusto kong kausapin about it. Naguguluhan ako! I honestly believe na nagbago na nga talaga kaming pareho! Ramdam ko Luis. Andun pa din yung pagmamahal. Ewan ko! I'm so confused!"

"J, ikaw lang talaga ang makakasagot ng tanong mo na yan. Ikaw talaga ang magdedecide nyan. Handa ka bang masaktan ulit ng bonggangbongga to the max raised to the nth power?"

Buntong-hininga.

"Alam mo, hindi talaga ako naniniwala sa ganyan, pero ako yun. Iba naman ikaw. I want you to be happy. If there is something I believe in, it's that, for a shot at happiness, everything is worth it. Alam ko madami na tayong panlalait sa kagaguhan ng K na yun, pero kung talagang mahal nyo pa ang isa't isa, eh ganun eh. May tanong lang ako. Sa tingin mo ba, kaya mo syang mahalin for a fresh new reason? Yung hindi glow na galing lang sa past?"

"Yun na nga yun Luis eh. Hindi ko kasi ma associate sa past itong kung anong meron kami. Parang nag evolve sya. Nag mutate. In a good way. Parang walang bearing ang past. Parang mahal ko sya in a brand new fresh way. You know what I'm saying?"

Ngumiti na lang ako. Huminto kami sa gilid ng Miag-ao Church Plaza. Usap usap. Balitaan kulitan. Time out muna kay K. Inurirat nya ang buhay pag-ibig ko, na as if, hindi sya updated. Pinagtawanan namin si Behbeh. Kinalokahan namin si Dark Chocolate, at binuyo-buyo nya ako kay Katorse. Ay naku!

"See? Ako na ang pinakatanga pagdating dyan. Hindi ko alam sa yo ba't ka sa akin humihingi ng advise eh ni hindi ko nga alam anong gagawin sa sarili kong kaletchehan sa pag-ibig na yan eh!"

"Luis, pahug!"

Yakap ng mahigpit! Hay! Pag-ibig nga naman talaga.

"Pahiram ng phone mo. May kailangan akong replyan. Redirected ako eh. Saka, iihi lang ako dun sa may medyo madilim na part."

Inabot nya ang cellphone nya. Hinanap ko yung number na gusto kong tawagan. Pagbalik ko, nagyaya na akong bumalik ng city.

"Tara, baka wala nang tao sa coffeshop. I need coffee J."

"Sige, let's go. Hayaan na natin si K muna! Hay!"

Smile.

"Luis, thank you."

"Walang anuman J. Go! Whatever your decision is, I'm all for it. Andito lang ako lagi for you! As I have always been!"



"Akala ko ba hindi ka naniwala sa balikan eksena."

"Kaibigan mo ako. Para sa yo, maniniwala ako sa gusto mong paniwalaan ko. Kung ayaw mo na talaga, sabihin mo. Baka may maisip pa tayong mas matinding way para matapos na yang kagaguhan mo."

Medyo sumeryoso ng konti ang mukha nya.

"Pero kung gusto mong balikan si K, Go! Push! Cheer leader-leader ako! Maniniwala ako for your sake! I want you to be happy! Magkaiba tayo. Malay mo. Mas maswerte ka sa second chances na yan kesa sa akin. Baka ako lang naman talaga kasi ang malas sa putang inang pag-ibig na yan! At kung palpak ulit yan, aba'y expertise natin yan!"

Sabay kaming bumigkas!

"I-DABDA na YAN!"

Hahahahaha.

Pagkapark sa Coffee Shop, tinignan ko si J, Kalmado lang. Lakad lang papunta sa paborito naming mesa. Bigla nya akong hinawakan sa kamay ng mahigpit.

"Luis! Shit! Si K!"

Smile lang ako.

"So? Ano? Tuloy ba tayo o back-out?" Huminto ako sandali sa paglalakad para bigyan sya ng chance magdecide.

"Luis... I want to... eh pero... ikaw?"

"Gaga, may pangtaxi ako! Bukas, next day, sa weekend, next week. We have all the time and chance no! Ano ka ba!"

Yumakap ng mahigpit sa akin si J.

"GO! Reach out for your happiness! Cheerleader-leader ako! PUSH!"

Nagsimulang humakbang papuntang coffeeshop si J. Binalik ko sa kanya yung car keys nya. Nilingon nya ako.

"GO! I'm proud of you!" Smile.



Pinagmasdan ko sya habang inayos-ayos ang sarili. Out of the corner of my eyes, I saw K sa mesa namin. Ngumiti nang pagkatamis tamis nung nakita nya si J. Hinanap nya kung nasaan ako. I saw him look at me. Sinenyasan ko ng rakenrol! Make my friend happy tangina ka!

Ako na ang pakialamero. Ako na ang tumawag at nag set-up na pumunta sya dun para magkita sila.
Ako na ang putanginampakshet na hindi naniniwala sa second chances, pero para sa kaibigan ko, maniniwala ako. Ako na ang letchenghinayupak na hopeless romantic shmuck!

At ako na ang magtataxi pauwi!

No comments: