As usual, hindi na naman napanindigan ang pangakong magbabalik-loob sa blogspot! Kasi, kasi, kasi! Well, hindi na ako mageexplain, labyu!
Ayun, dahil Sunday at dahil rest day ko, yes rest day - wag naman day-off napaka-very very chimini-ah-ah-ish naman ng day-off, so yun rest day. Nakipagchikahan ako sa mga friendships ko. At dahil unang araw ng Pebrero, ano pa nga ba THE DEADLINE!
So yun! Dahil ako nga ay single ulit, at dahil isyu yun sa mga mahadera kong mga kaibigan, ako ang napagdiskitahan! Kasi nga daw, ang arte-arte ko! Kesyo ang taas taas daw ng standards ko! Kesyo pihikan ako! Kesyo andali-dali ko daw maturn-off. Excuse me! Mukhang yung mga naging ex ko yata ang dinidescribe nyo at hindi ako. Oh so ganun na nga - at dahil dun, nabuyo ako ng mga hitad na magsulat ng Top Ten List! The Pasok sa Jar Edition.
Sa tutoo lang, dapat kasi Top Ten List ito ng mga kung ano ang kinaliligwak ng mga possible chorva. o yung mga pet peeves ko. Pero dahil ako ay Customer Service Rep, dapat positive scripting daw tayey, kaya instead Top Ten ng Mga Signs and Symptoms na Pasok ka sa Jar ni Batchoy!
In other words - namumuro ka na! At pwede mo nang ma Bingo ang matamis na OO ng basagan at luhaang puso ng makatang itey! CHARAUGHTTE LANG!
Syempre dapat non-physical kasi heller, alam na ng madlang universe na bisexual ako at alam na nilang lahat na pag sa lalaki, ayoko ng straight, at mahilig ako sa chubby, singkit, matangkad, maputi, slightly mabalahibo, maganda at bilugan ang binti, and all that jazz. At kung girl naman, mahilig ako sa fuss-free no make up, maganda ang lips, maganda ang mata, malaki ang boobs, (sahreh naman) slightly mas matangkad ako dapat sa kanya, maganda ang smile, at medyo morena. So wit na yang mga yan. Dun daw tayo sa mga non-physical aspects.
So without further ado, itey na! Ang Top 10 Pasok sa Banga List ng Batchoy! In no particular order:
CHARMELLE! BUKSAN NA!
#10
Artsy-Fartsy Ek
Music lover ka? Nagdodrowing? Struggling Indie Artist? Tumiteatro? Or may nakatago ka lang skills in the arts na hindi mo inilalabas-labas at cloistered shit ang drama? Malamang sa malamang, teh! Mabebet kita at nakakadagdag yan sya ng mga 10,000,000 Pasok sa Jar points sa yo! Yung tortured soul shit! Mga ganun ganung drama! At mas na kapag nacomplement ng shit mo ang mga poems shit ko sa buhay jusko! Mangangarap na ako kung paano tayong mabubuhay na nagdidildil ng asin at umaasa sa shit nating mga art para mabuhay, samantalang inuulam ang letcheng pag-ibig na syang nagka-catapult sa atin sa ating mga sariling artistic greatness! CHARAUGHTTE LANG! Wiz ko bet ang mamatay na dilat sa gutom, pero how bohemian romantic shit daba? So yun! Bet ni Batchoy ang artistic shit kaya hashtag alam na!
#9
Humor-pa-more Amore!
Kung pasok sa akin ang humor mo kahit nakakairita at jologs! Alam na this! Ewan ko ba! Malapit sa puso ko ang humor bones ko! I remember an ex. Sobrang waley na nakakairita mag-joke pero hindi ko alam kung bakit! Napapatawa nya ako at bet na bet ko ang mga kakornihan nyang jokes na nakakainsulto sa aking intelligence, pero natutuwa ako! Kaloka da ba? Pero tested and proven! Pag nahuli mo ang humor ko, malamang sa malamang, lyamado ka neng! Pakak na pakak ka jan! Swak ka sa Jar ng Batchoy! Hindi ko rin alam kung paano o anong pormula, pero basta! Trademark ng mga nakakainlaban ko yang shit na yan! They are all able to make me laugh - and of course, make me cry like hell in the end. Yun nga ang shit dun eh. Pero ganun! Basta! If I find myself laughing at your silly jokes at pagbentang benta sakin ang humor mo, malamang teh! Pasok sa Jar!
KAINAN NA!
#8
Pick my brains
Hindi naman kailangang MENSA levels teh! Hindi naman kailangang mala-thesis defense or argumentation and debate ang leveling ng usapan teh, ayoko naman ng ganun. Pero kung naeengage mo ko ako sa usapan, at nakakapag-kape ako ng bonggang bongga pag kasama kita, malamang, bukas I love you na! Hindi naman kasi kailangan super-mega-duper opinionated ka to the Political Analyst o Commentator level. Yung tipong nachachallenge ang mga brain cells ko at naeengage ako sa usapan, kahit hindi naman intelektwal ang pinag-uusapan, keribam na! Mas maganda nga yung diverse ang topics natin. Masaya din yung marunong mag open ng topic. Yung ever slightly, kahit hindi ko bet, ay nakakahanap ng hook para mag-usap at madala sa lebel ng diskusyon ang topic kahit pa ang original na pinagmulan ay ang letcheng dambuhalang cake sa Dong-Yan Wedding. Yung mga ganun! Tapos yung may mga witty na sundot na mapapa-epiphany ako! Yung nakakasabay ako sa kahit anong topic nya at nasasabayan nya ang mga topics ko, yung ganun! YUNG RARE NA TRAIT na ganun! Bet na bet ko din, over and above a good conversationalist, is a good listener! Yung kayang irecapitulate ang gist ng mga nasabi ko na. Ayoko naman sa paintelektwal na condescending, kasi in fairness, hindi naman ako nag-gaganun! Basta, if I look forward to speaking with you again, alam na yan! In fact, most of my successful dates started out with long lengthy engaging and pleasurable discussions. Discussions teh, hindi arguments. Yung tipong I will not notice the time at hindi yung, after a few exchanges magsasabi na lang ako na, 'tara pahinga na tayo! Check in na lang?'
Yung ganun! Intellectual orgasm! Seriously, nauuna ang utak ko mainlab kesa sa puso ko at mas nauunang labasan ang utak ko kesa kay Luisito ko!
# 7
Nocturnal
Medyo shallow sa unang tingin pero in the long run, malaking factor ito. Nocturnal ako, at hindi ko bet ang niyayayang mag breakfast or mag morning walk along the beach. Malamang sa malamang maiimbyernakels ako pag ganun! Well, hindi naman kailangan ma match ang kanocturnalan ko kasi sa true lang, bisyo ko ang paunahing matulog ang partner at pagmasdan lang at pakinggan ang kanyang mga mamusikang snores habang tulog sya sa mga bisig ko! Cinematic movie scene shit ba!
Pero seriously, medyo hirap ako sumabay pag morning person ang partner. Feeling ko, in the end, hindi ako masyadong makapag-participate sa buhay nya kasi nga, magkaiba kami ng time-zone! Yung dramang super cheery morning sunny-sunshine shit sya tapos ako bangag bangag pa sa kulang sa tulog. It does factor a lot nga for me. Lalo na yung mga aktibidades na gusto kong gawin ay nocturnal din in nature. Well ibang usapan naman na yan kung halimbawang out of town trip na mga week-ender shit na ganun. Pwede naman na yun. Wag lang araw araw na ginawa ng Diyos, ay umagang tao sya samantalang ako ay tulog, at pag gising ako , waley na sya sa buhay. Yung ganung factor!
WIT MASHOKOT! MAKIBEKI!
#6
Maadbokasiya
Don't get me wrong! Hindi ko sinasabi na kailangang tibak sya! Hindi nya kailangan mag-rally enevrathing! Ayoko din sa *shivers* vulgar Marxist! Ayoko in fact sa *ist at *isms. Ang gusto ko lang, may adbokasiyang tao! Gusto ko lang may ginagawa sya sa buhay na ipinaglalaban nya. Gusto ko lang may nirerepresenta syang repressed, oppressed at marginalized! Gusto ko lang ang may vision for a better world. Yung may cause. Yung ganun teh! Hindi kailangang lider sya na dumadalo sa mga kung saan saang komperensya sa buong mundo (but not bad). Gusto ko lang in other words ng taong may paki - yung hindi DedMadela! Yung may pusong civic at advocate. Ganun! Kasi maadbokasiya din akong tao. Hindi naman kailangang magkapareho kami ng advocacies pero kung oo, ay eh di why not! Masaya di ba! Gusto ko may pinaglalaban sya at gusto kong ipaglaban nya ang aming karapatang magmahalan! CHAROZ LUCOS! Basta yun! Ayoko sa wapakels sa lipunan teh! Yung may socio-civic consciousness! Bengga ka sa akin pag ganun! Pasok sa Jar!
#5
Touchy touch touch
I'm a very tactile and touchy person. I often communicate with a lot of touch. Pasok ka sa jar kung touchy person ka! Bonus kung out ka at hindi takot sa PDA. Hindi ko naman sinasabing maglalaplapan tayey sa loob ng Manila Cathedral habang may hawak na Placard na LOVE KNOWS NO GENDER! Ligwak yun teh! Hindi naman kailangangan magchukchakchenes sa MRT - (pero hmmmmm exciting!) CHAUZE LANG! But you get my point. Mahilig ako sa physical stimulus. Pag gusto kita, hindi ko maiwasang hawakan ka, hipuan, yakapin, and... ganern! Hahahaha! And I enjoy receiving the same attention, so ayan, give-away na yan ha! If you date me and I allow you to touch me, or I touch you frequently, alam na this! Hehehehe. Special highlight on being OUT. Ang hirap hirap kaya magkajowa ng closet. basta mahirap sya. Yun na yun. Pag ako nagmamahal, hindi ko tinatago dahil what's the point! Ang kakisigan ko ay ineexpose, so bakit mo ko tinatago sa baul! Hindi ako naging out para lang jowain at gawing Yamashita Treasure no! Revel in the light! Ganern!
Fly me to the Moon
#4
Wanderlust Lagalag
Hindi naman kailangang Dora the Explorer ang leveling o mga Relic Hunter na peg! Yung may sense of Adventure lang okay na! Mas masaya kung mahilig sya maglakad. Kasi mahilig talaga ako maglakad! Bet na bet na bet na bet ko yung naglalakad ng hapon o early night time tapos nag-uusap lang kayo habang HHWW. Diba? Three birds in one stone? Yung ganern! Yun nga, yung may sense of adventure! Masaya yun! Yung hindi OC sa travel plans. Traveller nga naman, tapos super mega-duper orteh naman, na kesyo makati ang sheets, maliit ang banyo, hindi nasa tamang direksyon ang windows and all that jazz! Bonus na din kung inaallow nya na ako ang umupo sa window side seat! Hehehehe actually, pinagpapatayan ko tong window side seat na to! Hahahahaha! Mahilig ako mag travel. Out of nowhere, kahit mag-isa lang ako. Kaya alam na this ng mga kaibigan ko pag may nabalitaan silang kasama ko bumiyahe somewhere somewhere, hindi ako nakakapagdeny. Travel is sacred to me, and I do most of my travelling alone. Mas gusto ko yun kesa magkaroon ng super shit na traveling companion, kahit sya pa nagbayad ng buong trip. Kaya pag naiisip ko o niyaya kitang magtravel, kahit sa kabilang bundok lang ng tralala, aba, alam na this! Lab na kita! Pasok ka sa Jar!
#3
The Movies
Hindi ko bet makipagdate sa sinehan. Gaya ng pagtatravel, sacred sa akin ang theater watching and movie going. Kung ang point lang naman ay makipaglampungan sa dilim, aba check in na itey. Wag sa sinehan dear. Kaya kung niyayaya kitang magsine, isa lang ang ibig sabihin nun! Swak ka sa Jar! I am trusting you enough to share that sacred space of movie viewing, trusting that you'd just hold my hand and let me lay my head on your shoulders or chest, or vice-versa. Kaya ligwak ang mga malilibog na nagnininja moves sa sinehan sakin. Prangkahin mo ko, mas mura mag 3 hours kesa mag movie, please lang! SO yun. It goes without saying na Swak sa Jar ang may appreciation sa film. Hindi naman kailangang Cineaste ang peg, o movie analyst slash critic slash afficionado. Sige na! Kahit Pinoy Movie Buff keribelles na! Basta hindi aayaw manuod ng mga mas malaman na mga films keribambolbee na!
LAFOKS!
#2
Foodie Buddy
It goes without saying. Kaya ko gusto ng chubby dahil sa rason na ito! Bet ko ang partner na food buddy ko rin. Bet ko yung food travel, while HHWW sa streets ng Saigon habang subuan peg matapos namin manuod sa Opera house! Kaloka! Five birds in one stone na yun! Pakakasalan ko na yun kung sino man sya! Hahahaha. I come from a family where food is the language of love. Walang may culinary degree sa amin kasi hindi kailangan yun, pero lahat kami nagluluto at alam ng bawat isa ang paboritong pagkain ng bawat isa! Pag masaya ka, ipagluluto ka ng bongga, pag depressdepressan ang drama mo, ipagluluto ka to make you feel better. Super Bonus ang partner na mahilig magluto. Yung adventurous sa pagkain at hindi takot sa calories! Basta ganun! Bet ko ang kaya akong hilain para mag kwek kwek sa UP Diliman o kahit sa mga kagilid-gilidan ng Aurora, o mag-binatog sa Baguio o kahit mag Silog meals sa Philcoa, yung ganern! Hindi kailangang fancy chef. Basta yung bubusugin ang tyan ko pati ang puso ko! Yun yon!
#1
KAPE
Yun ang ending. Kape ang hanap ko. Yung hahanap-hanapin ko araw araw. Yung hindi kumpleto ang araw at buhay ko kung wala. Yung umulan man, umaraw, sya ang gusto ko makasama. May tamang pait-tamis na hanap ko. Yung kasalo ko sa mga saya at tagumpay, at kasama ko sa mga bleakosity at Luz Valdez moment. Yung kahit mapa-sosyalang kapehan man o sa gilid lang ng kalsadang 3-in-1 ay pasok sa jar! Yung magiging kape ng aking buhay, at syempre din, ako rin ang kape ng kanyang buhay. Ang nagpapasimula ng araw, at nagtatapos ng gabi. Kape. Gusto ko ng kape ko! Yun yon!
'NUFF SAID
So yun! Hindi naman ako pihikan at demanding da ba? Napakarational naman ng mga hinahanap ko daba? So yun nga! Hindi naman din kasi kailangang 10 out of 10. Hindi naman ako perfectionist kasi. Saka napaguusapan naman di ba? Ayun. Well, sa mga naghahanap din ng mga letche shit nila sa buhay, gudlak mga teng - malay mo, malay ko, malay nating lahat - MALAYBALAY BUKIDNON!
Char lang! Oh sya! Nakakapagod naman itey! See yah when I next see yah! Lab lab lab! Gudlak sa deadline! MWAHUGS!
No comments:
Post a Comment