Para Kay Behbeh:
Dear Behbeh,
Hello! Kumusta naman ang puso? Hihihi. Idadaan ko sa sulat na ito sa aking blog ang gusto kong sabihin sa yo! As if hindi tayo nag-uusap araw-araw eh no? Ganito kasi yun! Gusto kong mag explain. Kilala mo naman ako, Ayaw na ayaw ko talaga ang nageexplain. Kahit mga tula ko ayaw na ayaw kong ineexplain. Para sa akin kasi, napaka-exercise in futility sya. Kung ano ang pagkakaintindi mo, yun na yon. Maliwanag naman ang lahat eh. Kung may mga tanong ka, sinasagot ko naman sa abot ng aking makakaya. Kaya ayoko talagang mag-explain.
Kanina kasi, habang nagkakape-kape ako at kinakain-kain yung pinabili mong Krispy Kreme sa kaibigan mo, na sobrang thank you at late kasi malandi ang friend mo at inuna nyang magdate muna kahapon bago ako bilhan ng pinapabigay mo (Charing lang), chinat ako ng isa mong friend. Bestfriend mo daw sya. Ayun. Inaward nya ako, winarla nya ako at lahat lahat kasi nga, bad daw ako, pinapaasa daw kita, pa-fall, pa hard to get daw ako, and *gasp* manloloko! Niloloko daw kita. Parang gusto ko matawa at gaya ng sabi ko, ayoko nga iexplain ang sarili ko sa kanya kasi heller, bakit nga ba? Wala kaya sya sa lugar magkukuda at maghahanash ng ganun.
Pero habang pauwi ako, syempre, hindi naman makapal ang mukha ko, napag-isip isip ako kaya ito na nga, nageexplain nga ako. Hindi sa friend mo pero sa yo. Medyo mahaba-haba ito kasi nga baka makalimutan ko pag nag-usap tayo, at lagi namang nagiging outlet ko ang pagsusulat kaya ito na. Ieexplain ko na.
Una sa lahat, salamat. Ako na! Ako na ang gwapo at hot at hinahabol-habol (KAPAL!). Sobrang nakaka ego-trip specials na may isang taong naghahabol at nagkakagusto sa 'yo. Nakaka-salve sya ng pagkabitter-bitteran and evrathing! Nakakaboost sya ng morale at nakakagood vibes. Sa tutoo lang, gusto ko! Kung gusto lang ang pag-uusapan aba oo naman, gusto! Sino ba naman ang ayaw na may nagmamahal, may mamahalin, mangarap at bubuo nga mga bukas kasama ng taong nagpapahalaga sa yo di ba? GUSTO! Kaso hindi ganun ka simple yun eh. Kaya nga ako nageexplain kung bakit di ba?
Sa tutoo lang, medyo true yung sinabi ni best friend mo. Kahit ano pang sabihin natin, ganun ang lumalabas talaga. Na paasa ako, pa fall, pa hard to get. Alam mo, sana hindi nangyari ang mga nangyari sa akin bago kita nakilala. Nakakainis mang isipin, at ayoko mang gamitin yun bilang rason, ang tutoo, isang malaking bahagi talaga ang mga karanasan ng isang tao sa kung ano sya ngayon di ba? So yun. Hindi kita sinisisi. Wala ka namang kaalam alam at ka parti-partisipasyon dun sa mga kaletchehan sa buhay ko before you di ba? Kaso ganun yun eh. Natuto ako. Natuto akong magduda. Natuto akong matakaot. Alam ko hindi permanenteng ganun at lalabas at lalabas pa rin ang natural na ako, na mapagmahal at mapagtiwala, kaso, sa ngayon eh hindi eh. So yun, Ganun.
Isa pa, gusto kong makilala mo talaga ako. Gusto ko, pag sinasabi mong gusto mo ko, andun ka sa pinanggagalingan na nakita mo ang lahat lahat sa akin. Yung nakikita mo lang kasi, yung magagandang bagay sa akin. Yung mga bagay na ikamamahal. Hindi mo pa naranasan ang mga kasumpa-sumpang mga episode sa akin. Nakita mo lang na masipag ako at maraming ginagawa sa buhay. Hindi mo pa nakikita kung gaano ako ka tamad at pabaya. Nakita mo lang siguro na maayos ako manamit at mag-alaga sa sarili. Hindi mo pa nakikita ang mga dugyot no ligo for three days moment ko. Nakita mo lang na matalino ako at conversant. Hindi mo pa nararanasan ang mga bugnot moments ko na napaka-hard-headed at stubborn ako kahit alam ko mali. Nakita mo lang ang pagiging flexible at keribelles ko, hindi mo pa nararanasan ang mga bleakosities at mga very clingy moments ko na napakaimposible kong pakisamahan. Yung mga ganun! Yung mga dark side ko! Gusto ko, pag sinasabi mong gusto mo ko, yung total na ako. Yung kasama yung masasamang ugali ko, included but not limited to, na hindi ako nagtututbras, at kapag nagsusulat ako at tinatamad bumangon o umalis sa harap ng PC ay umiihi ako sa bote. EWWWWW!
Pangatlong explain, behbeh, anlaki-laki ng mundo. Anlaki-laki ng mundo mo at anlaki-laki ng mundo ko. Andami-daming kailangan gawin at umpisahan at tapusin. Inaamin ko, sa puntong ito, nasa gitna ako ng pagkarami-raming bagay bagay. Ikaw din naman. Pwede namang pagsabayin, Oo naman! Pwedeng pwede. Kahit nung last time din namana akong nainlab at naloka ay ganun din naman eh. Ganung sitwasyon din naman. Wala naman talagang perfect timing para mainlab. Pero yun ang pinagkaiba. Hindi kasi ako inlab sa yo. Siguro inlab ako sa thought na pwede akong mainlab sa yo, kaya ito yung pangatlong explain. Sorry kasi, pinapaasa kita. Sorry kasi pinaghihintay kita kasi ako din kasi, gusto ko rin maranasan na bukas, ay shit, mahal na kita, at magsisimula na ang nakakalokang kagaguhan ko sa mundo, na hihinto na ang pag-ikot at wala na akong ibang rason kundi ikaw at ang isiping makasama ka. Kaya yun. Mali ako dun.
Hindi ako masamang tao. Alam ko kung paanong masaktan at ayaw na ayaw ko ang makasakit kaya nga siguro ako nag eexplain ngayon. Napagdaanan ko at alam na alam ko yung ganung shit. Alam mo, tama si bestfriend. Maswerte ka may ganyan kang kaibigan na handang handang makipagwarlahan para sa yo. Ingatan mo si bestfriend. Minsan ka lang nakakahanap ng ganyang klaseng tao sa buhay!
So, nasaan na ba tayo? Hindi ko alam. Hindi ko masagot. Ewan ko. Basta yun. Gusto ko lang mag explain. Sa tutoo lang, ayaw ko nang mag-isip. Isa pa yan sa mga inaakusa sa akin. I overthink a lot. Liban pa dun sa I 'overfeel' a lot. SO yun, hindi ko na alam. Hindi ko na kayang sagutin kung asan na ba at ano na ba! Basta ang gusto ko lang ay mag-explain at mag sorry sa yo. I am so Confucius! CHARAUGHTTE!
Ang gulo no? Ewan. Hindi ko alam na ano next. Hay. So yun. Salamat. Sorry.
Baka may idea ka. Baka alam mo kung anong gawin natin next. Share mo naman sa akin.
Love,
Luis Paasa
No comments:
Post a Comment