Tuesday, January 13, 2009

Moment

Sa mga hindi makarelate kung anong kalokohon ito, magbasa muna dito. Now where was I... Ah, oo, magmomo-ment na nga pala ako...

Hey There Again,

Kumusta naman? Nakailang French Fries ka na ba today? Alam mo, sikat na sikat ka na ngayon. Overnight success at Instant Sensation ka na. Instant pa sa Instant Lapaz Batchoy! Parang just Add Hot Water lang. Alam na ng lahat ang storya ng buhay mo, at lahat nakurot, nakiliti at nakarelate sa storya mo. Grabe na to the max ang reaction at mainit na pagtanggap ng mga tao sa yo. Marami na ring umaaway away sa akin at umaagaw agaw sa yo. Ayan, I'm sure marami na ang magpapasaya sa yo ngayon. Up to the point na willing silang kumain ng french fries na sinawsaw sa chocolate fudge buong buhay nila. Ganun ba talaga? Parang sabi lang ni Chaka Khan na "We're through before we start?" Hindi mo man lang ako nahila hila patungong kung saan saan.

Di bale, ganun talaga. Pag kasikatan nga naman at kislap ng tagumpay ang kakaway, makakalimot at makakalimot ka talaga. Sa dami nga ba naman na nilang gustong magmahal sa yo ngayon, ano ba naman ang laban ng murang pag-iibigan natin, kahit ito pa ay wagas at dalisay? Pero gaya nga ng sinabi ng isang kaibigan ko, suka na lang daw ang dalisay ngayon. Di bale, subukan ko na lang maging masaya para sa tinatamasa mong success. Iisipin ko na lang na minsan, kahit isang gabi lang, naging masaya tayo, at naging akin ka. Kahit ga kisapmata lang ang bilis nun. At least, tumibok ang puso ko kahit gaano ka iksi ng panahon.

Hindi ko hihingin sa yo na kalimutan ang lahat at taikuran ang ningning, pero...ngunit, subalit, datapwat kung nanaisin mong talikuran ang lahat, at isipin ang pagmamahalang namamagitan sa atin, kung mamarapatin mong gustuhin na ako ang makakasama, wag kang magdadalawang isip, dahil andito lang ako. Sabihin mo lang na ako talaga ang pipiliin mo, at buong puso akong kakanta ng mga linya ni Ate Shawie...

"Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal, limutin ang magpaglarong kinang ng tagumpay..." At ikaw at ako, maghahawak ang mga kamay, at tuturuan ang mga puso ng isa't isa na umibig ng tunay...

Syanga pala... salamat sa shirt na bigay mo. Shirt na sabi mo, kaparehos ng suot mo dyan sa patalastas mo, at nagpapatunay na minsan, naging atin ang isa't isa!



Lubos na Nagmamahal,


Luis


TOINK!

2 comments:

Aris said...

i have a confession to make. kami na ngayon. hindi man ako ang first love niya pero ang sabi niya, ako na ang last. i am sorry, luis. charing! :)

Yj said...

Ano to lokohan? Kasama ko siya ngayon habang tinatayp itoh at gusto raw niya kayo parehong kantahan.... 'Mangarap ka......'

hahahaha echoz.... pero shet naman paiiyakin ako ng post mo eh..... mukhang seryoso ka na teh... baka naman isa sa mga young actors natin ngayon yang naging jowa mo na yan ha? sino? spluk na....