Tuesday, January 13, 2009

PERZLAB

Hey there,

Alam mo, nalulungkot ako sa istorya ng buhay mo. Naiyak nga ako eh. Parang kwento din ng buhay ko. Lagi na lang talo. Laging iniiwanan. Hindi nga lang sa restawran ko sila nakikilala. Iba ibang lugar din. Hindi rin sila lahat anak ng kumare ng Nanay ko. Pero, lahat sila, iniwanan din ako. Hilahin din kasi ako eh. Madali din akong ma amaze. Madaling maloko. Mabilis mayaya at kaladkarin kung saan para maglaro, at paglaruan. Pero mas bilib ako sa yo. Mas matapang ka. Kaya mong ngumiti pa sa harap nya at sa pinagpalit nya sa yo. Kung ako yun... galit galit na! WAR kung WAR! Bitter no? Buti na lang ang sarap sarap ng smile mo, pampatamis ng bitterness. Hayaan mo na, buti nga at di kayo nagkatuluyan eh. Malandi kasi sya talaga. Can't you see? Kasama na nga asawa't anak nya, nakukuha pa nyang makipagngitian sa yo. MAHAROT SYA!

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, dahil madalas at makailang beses ko na ding naramdaman yan. Di bale, wag ka na sa kanya. Akin ka na lang kaya? Dun na tayo sa ibang kainan. Gumawa pa tayo ng mga bagong alaala na pwede nating balik balikan. This time, magkasama tayong mag re-reminisce. Minsan, hahayaan din kitang ikaw ang humila hila sa akin. Kalimutan mo na lang sya. Di bale kung sya ang First Love Mo. Basta't ako ang Last Love Mo. Ang Iyong Huling El Bimbo...



By the way... what's your name?


Hehehehe... Senxa na po... malakas ang tama mo sa ilusyonadong Magbabatchoy.
Ganda pa rin kasi ng kanta ng Ex boypren kong si Ely eh... Hehehehehe
Seriously... Ikaw ang first love ko... este, first crush sa taong ito...
Pero alam mo, mas masarap isawsaw ang french fries sa strawberry sundae. Super inis nga ako nung na phase out yun eh. Oh well...

Kyut ng smayl mo talaga... Love ko to!

4 comments:

Yj said...

OMG! OMG! grabe na ang epekto ng tv ad na ito sa mga tao.... ako rin, about to make a post about my perslab heheheehe.... tuwang tuwa ako sa post na ito.... landi mo teh... parang labletter lang hehehehe.... ito ang pinakamagandang tv ad na nakita ko in years.... at ang cute cute nga nya.... sheeeet talaga.... pero feeling ko mas nauna kong napanood ang commercial kesa sayo, KAYA AKIN SIYA!!!! hahahahaha.....

Aris said...

nakakaiyak talaga ito! may kurot sa puso. lalo na sa mga likas na romantikong katulad ko...

wanderingcommuter said...

so......


ikaw pala ang third party namin... hahaha... peace!

Diosa said...

ganda nga ng ad na yan..

at eto na nga... nauso na ang "FIRST LOVE". at dahil d'yan tatapusin ko na ang post ko about sa "first love" ko.


Is it because of the weather or just us? :)