Monday, May 11, 2009

Lament




Andami nang nangyari...

Nag away na kami ni Lil Sis Sarah... ayaw ko na lang ikwento

Nag birthday na si Damon na anak ni Dawn

Namiyesta na kami sa Barotac Viejo

Nagninong na din sa bunsong kapatid ni Peter

Nawala na si Mugen

Bumalik na si Kiks

Namimiss ko na ang baklang YJ at sana ay nasa Nagoya lang at di sa Purgatory ang gaga.

Nabuking na at ginu-group rehabilitate cum barkada arrest na namin ang isang katropang nahuling nalululong na sa droga.

Kinakarma na ang Chameleon ni Boy George.

Hindi pa rin ako natinag.

Wala akong naisulat sa blog na to.

I'm still mourning the loss of my dearly beloved first and only car Cappuccino.

Not until yesterday.

Remember my friend Geri "Schizophonic" Halliwell?

The one I had a photo with sa Palawan2 Bar when I was in Manila?

Tinatamad ako maghalungkat kasi ng older posts ko para mag link pero hanapin nyo na lang, anjan yan.

Well Geri is a good friend. He works and is based in Manila now. The last time he went home, he had a quick hie-away to Boracay. We did not get a chance to see each other while he was here dahil nag mamadali di naman sila at hindi magkatugma ang schedules namin. Isa pa, saglit lang din sila sa Iloilo.

Anyhoot, I got a text message from him early morning yesterday.



Geri: Hi. Dokie (my lover) passed away yesterday morning 7 am. His wake is at (some funeral parlor in Manila) til 2mrw 6pm. Cremation follows.

This blasted me out of my self imposed melancholia.

I will overlook the fact that Geri has not been exactly loyal to Dokie (yes he is a Doctor) nor can I say the same to the other party, since I never got to meet him, and that's not the point really.

Moi: OMG! That is so tragic! My condolences friendship! I am sorry to hear that. What exactly is the cause of death?
(Iniisip ko kasi, aksidente or something. Duktor kaya yung partner ni Geri, at hindi naman super tanda, kaya nagulat ako.)

Geri: Multiple organ failure.

Moi: WTF! Matagal na ba maysakit? ano ba pinagmulan kasi? How old na nga ba ulit si Dokie?

Geri: Started with pulmonary infection. He's 35.

OMG! Natigalgal ako sa balita. I offered my heartfelt condolences and assured my friend of my prayers for the repose of the soul of Dokie. I haven't even met him. Not once. Geri told me to just go check his friendster account since they have a lot of photos in there. I did, and I will keep it at that. I do not want to splay their photos all over this blog. Lets just keep it at that.


Honestly, naluha ako. The news has touched me to the coe. Hindi ko kilala si Dokie, at hindi nya rin ako kilala. Hindi ko rin kilala ang relasyong meron sila ni Geri, pero sobrang nalungkot ako sa pangyayari. Naisip ko tuloy ang dating pinaguusapan namin sa mga ganyan ganyang mga bagay. Meron kasing tanong noon na pinaguusapan naming magkakabarkada.

Granted na kasama mo na ang iyong one true love and lifelong partner, kung ikaw ang papipiliin, alin ang mas gugustuhin mo? Ang una syang mamatay, o ang una kang mamatay kesa kanya? Bakit?

Morbid nung tanong, pero nevertheless, walang morbid morbid sa hapag kapihan at umpukan ng magkakaibigan. Lagi lagi, ang matapang kong sagot ay:




Mas pipiliin kong mauna syang pumanaw at ako na lang ang maiwan. Dahil ayokong maranasan nya ang sakit at bigat ng pangungulila kung mauuna ako. Gusto ko na hanggang sa kahulihulihang sandali ng buhay nya dito sa mundo ay maipadama ko sa kanya na simula nung matagpuan namin ang isa't isa ay lagi syang may kasama, at laging nadyan para sa kanya, at simula noon, magpahanggang sa huli, hinding hindi na sya kailanman mag-iisa. Isa pa, mas kilala ko ang sarili ko, at alam ko, mas kakayanin ko ang lungkot na idudulot nang pag iisa at pamamaalam. Mas kakayanin kong magpatuloy at mabuhay na lamang sa mga alaala ng matamis at wagas naming pag-iibigan.

Kahit hindi ko man nakita at 'nakilala' ang pagiibigang meron sila Dokie at Geri, ay naiisip ko kung anong klaseng sakit ang pinagdadaanan ngayon ng aking kaibigan, at napaisip ako ng malalim, kung nagtatapang tapangan lang ako sa isinagot ko, o kung sa akin mangyari yun, kung kakayanin ko ba kaya talaga?

Ansakit sakit kaya no'n ano? Mas masakit kaya sya sa pangiiwang pisikal na makailang beses ko na ring napagdaanan? Hindi ka nga naman niya iniwanan at ipinagpalit sa iba, o iginib-ab, pero namaalam naman ng tuluyan talaga. Nawala pa rin. Naiwanan ka pa rin. Mas magiging madali ba ang pagtanggap sa pagwawakas na yon, dahil nga sadyang tadhana na ang may kusa no'n? Mababawasan ba ang hapdi ng dahilan na hindi naman natin naiiwasan ang kamatayan, at kahit pa man ano ang gawin nating, sadyang hanggang doon na lang talaga? Mapapaphid ba ang kirot kahit bahagya ng isiping namatay naman sya na taglay sa puso nya ang pagmamahalan ninyong dalawa?


Bata pa naman si Geri eh wala pa sa trenta. Makakahanap pa at makakahanap ulti ng pwedeng magpabilis sa paghihilom ng sugat na naiwan sa kanyang puso. Ako kaya? Iibig pa kaya muli pagkatapos mangyari yon? Marami na rin akong 'pinatay' na pag-ibig sa aking puso. Marami na rin akong pinagluksahang pagmamahal na naunsyami, pero kaya ko kaya talagang maging 'greiving widower' sa tutoong context ng salita? Masyadong madrama at malalim ang mga palaisipang naglalaro sa aking utak, kaya pinilit kong wag mabaon. Sabi ko sa sarili ko.

Pano yan, Luis, nadagdagan pa lalo ang mga inaayawan mo sa mga duktor bilang kapareha.



Dati ko nang sinasabi na ayaw ko sa duktor dahil para sa akin sila ang pinaka 'worst' lovers. Yun ay dahil na rin sa masamang karanasan ko sa mga duktor na naging ka-ibigan ko.

-Walang oras.
-Mas mahal ang ospital at trabaho.
-Matutong tumahimik pag nagkakasakit dahil mas alam nya kung bakit kahit pa katawan mo yun.
-Turuan ang sarili na wag umasang pag nagkakasakit ay aalagan ka nya dahil pagod na din sya kakaalaga sa iba.
-Hindi pwedeng pagselosan ang pasyente.
-Hindi makakasabay sa mga 'insider' jokes sa mga kapwa duktor,liban kung duktor ka din.
-Kalimutan na at baguhin ang sariling konsepto ng 'holidays' dahil hindi yan tutugma sa kanila.
Masanay mag krismas, mag new year, mag balentayms, mag birthday, at mag long weekend mah-isa.
-Masanay na rin mag anniversary mag isa.
-Masanay mabitin habang nakikipagniig dahil makakatanggap sya ng hospital call.

at kung hindi pa deal breaker ang huling nakalista, masanay na din na magligpit at magayos ng sarili sa mga ganoong pagkakataon para ipagdrayb sya papuntang hospital.

At ang latest... Masanay na nauuna silang namamatay kesa sa yo.

Alam ko hindi magandang biro yung panghuli, pero sinusubukan ko lang gawing 'lighter' ang sitwasyon.

At bilang pambawi...

At least, ang mga pumupunta sa duktor, gustong matignan kung may sakit para magamot.
Ang pumupunta sa mga abugado, gustong sabihin at ipagkalaty sa korte na ang katunggali ang may 'sakit.'

At ang pinaka worst na mangyari sa pasyente ng duktor ay ang mamatay sa sakit.
Sa abugado, ay ang humaba pa ang buhay ng kliyenteng may sakit.'




Condolence from the bottom of the Batchoy's bowl, and heart. Dokie, wherever you are, Godspeed...

*sniff*

Photo Credits:

http://daytimedirect.wordpress.com/2008/11/
http://www.britishcouncil.org/greece-arts-and-culture-yesterday-by-jasmin-vardimon.htm
http://banglacricket.com/alochona/showthread.php?p=834418
http://www.fotoartglamour.com/tag/statue-images
http://ohwowthischangeseverything.com/blog/CategoryView,category,codependance.aspx
http://www.baylorbears.com/blog/fullcourtpress-jan.html
http://www.neibert.com/FloralDetail/wreath.html

8 comments:

citybuoy said...

grabe.. nakakalungkot. ang bata pa ng 35.

Lyka Bergen said...

Sad... ano ba?

Kiks said...

emotchina ito. at for that, may realization ka. at me special mention pa akez.

di pa ako nagkaka-bf na duktor. aysus, ngayon lang ako nagkabf.

sa lahat ng may duktor na bf, tama ba ang assessment ng batchoy na me itlog?

ang me sagot, makakakuha ng libreng puto from iloilo!

jericho said...

hay. condolence sa kanya. kahit hindi ko rin sya kilala.

<*period*> said...

i understand..my koworker, a reporter, died a week ago..at the age of 41...anuerysm...

lahat na lang nakakagulat

Levy said...

Hindi ko man kilala ang mga taong nawalan ay nais ko pa rin iparating ang aking pakikiramay. Walang makapagsasabi kung kailan maghihilom ang sugat at kung kailan maiibsan ang sakit na naidulot ng pagkawala ni Dokie ngunit nananalangin ako para sa mga naiwan niya.

Luis Batchoy said...

cb: kaya nga eh, so young and so soon.

lyka: sighs

kiks: walang sumasagot o sumasalungat ibig sabihin tama ako

Luis Batchoy said...

jericho: kaya nga eh.. si geri ang kilala ko

period: nakakagulat talga ang mga pangyayari minsan

levy: thanks sa bisita sa blog ko. Balik ka ha