Saturday, May 9, 2009

Tsayldhud

Nambubusisi lang ako kung saan saan. Melancholic pa rin ang lolo at namimiss pa rin si Cappuccino. Huwell, napadpad ako sa isang blog at ito ang nakapost na latest nya. Natuwa ako kaya kokopyahin ko, pero shempre pa, with a twist... sasagutan ko ang mga items. Hmmmm... Try natin


Noong ikaw ay bata pa, Nagawa mo ba ang mga ito?

1. Kumakain ka ba ng aratilis?
*Ako ang champion aratilis climber. Ginigising pa ako ng mga kachokaran para mangibang-aratilis...hehehehe... yung mga batang kapatid ko mahihilig sa aratilis lalo na si,,, sigh... agkagalit pala kami ngayon... whew!

2. Nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
*Nope, ang ginagamit dyan ay tangkay ng papaya, mas bilog, mas mabula, tapos maglalagay ng tubig sa tabo at lalagyan ng shampoo.

3. Pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
*Dobol check na to! Maaga akong natutong mag teatro dahil sa dinami daming paraan ng pagkukunwang tulog para makapuslit. hehehehe

4. Marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
*ano yung teleber teleber? Hehehehe. Atsaka hura hura kamansi, darling you can love one, bambu atok, at kung ano ano pa na memorize ko pa hanggang ngayon. Meron pa yan dito sa amin Kikimbi na kikimbi barabarato sa kalamiri, kukabyan di kapitan di kabyan byan byan byan byan byan, heheheh di ko pa rin alam ano ibig sabihin nun. Basta yun yon. Hehehehe

5. Malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
*poorita ako kaya may I borrow na lang pero malupit dahil one week kapalit ng isang assignment. Tsaka ko na alng naisip pagkaperahan ang mga assignments na ginagawa ko sa mga klasmeyts ko, lalo na yung book reading report ng mga tamad magbasa... architec na ang isa sa kanila ngayon.mwakhakhakhak

6. Alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right,b, a, start? tapos maglalaro ng super mario?
*30 lives sa commando yan, tapos pampa instant power up sa life force at galaxian.

7. May mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
*Acid wash at stone wash pa yan! Pero hindi si Goma na aalala ko eh, si Ben Chan mismo. Hehehehe...


8. Addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
*bakit wala ang silver hawks? Tapos Gem and the Holograms? Hehehehehe...

9. Nanonood ka ng Shaider kasi nabobosohan mo si Annie at type na type mo ang puting panty nya?
* Voltes V pa din.. loyal ako kay Jamie, panty or no...

10. Alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
*Nyehehehehe! Ngayun din!

11. Marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
* Me mga alam pa akong dot commands, pati lotus 123 at bannermania. Uu naka hawak na ako nang tutoong floopy di(ks at hindi sya umaabot ng 5.25...ooopps disk pala

12. Kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?
*pati na si ate sienna at si kapitan basa si irma daldal at si tikyo tiktilaok, si sultan para chi bum at si Noli de kasyo... pero ang peborit ko ay si Khie Khie Pie.. seryoso merong ganyang character...sya yung bruha na me c\kras kay bhu bhu yog.. bastus no?

13. Inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna.
* hindi dahil noon pa alam ko na na bading si kuya bodgie at ang lover nya talaga ay si pong pagong kasi iba sya kung makahagod sa shell ni pong eh. makahulugan din ang mga titigan nila.. ang type talaga ni ate sienna ay balbon at brusko... si kiko matsing

14. Alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
*ay ito hindi ko alam...

15. Nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

*Shalan shalan naman... hindi ako nanunood neto eh.. doogie howser ang pinapanood ko kais... chos!

16. Gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
* nope... pomada lang yan... saka eco friendly kami... bula ng beer at puti ng itlog ang mas maganda.

17. Meron kang blouse na may padding kung babae ka atMeron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
*mahal yan... hanggang chucks lang ako eh...

18. Nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
* hindi pero nagbebenta ako ng paper stationaries na binibili ko ng mura sa mga kacheapan na department stores na ayaw pasukan ng mga soshalan kong mga klasmeyts.

19. idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
*21 jump street lang... di ko masyado idol si Mc Gyvie eh
.
20. Eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?
* 5 nga lang eh, seryoso...

21. Nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
*walang hulog hulog payphone dito sa amin... at makapal ang mukha mong kapitbahay kung nagpapabayad ka makitawag sa phone

22. Cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
*cute pa din naman hanggang ngayon si aiza ah! Astig nga eh!

23. at manood ng Eat Bulaga sa Channel 13 tapos nalipat sa 9 tapos sa 5 sumunod sa dos at ngayon nasa GMA 7 na..
* Check yan, isang malaking check!

24. O kaya naman manood ng 'sang linggo na po sila ng APO sa dos..
*Ay astig yung segment na kumakanta sila ng 'dito sa sang linggo na po sila, nagkatuwaan ang barkada' tapos may mga political jokes.. asteeg talaga APO. Pero lunch date pa din dati, lahat ng mga totoy may crush kay toni rose gayda.

25. Inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
*sushalan ulit yan, nakakatikim lang kami nyan pag may magreregalo. Bote ng tanduay ang nilalagyan namin ng tubig sa ref.


26. Meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
* Ay wala rin, olats talaga ako nung bata ako. Meron yang nag myumyusik myusik, pero ang pencil case ko, suo pa rin hanggang nagyon...yung gawa sa banig.

27. Noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
*Wala akong pakelam dahil ayoko sa mga pakto-paktori na yan.

28. Alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
*yes alam ko yan, pati na rin ang kantang Tarzan en Barok, Lapu lapu en Magellan, atsaka yung butchikik

29.Sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
*Yan ang hindi ko talaga nahawakn sa tanang buhay ko. Ang play doh namin tutoong putik, ang lego namin tutoong pinagtabasang kahoy ng karpintero, at wala akong pakelam sa mukha ni barbie, basta sinisilip namin kung meron syang ya know!


30. Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
*dyes na square? Eh engot ka pala eh... isang sentimo ang square hindi dyes.

31. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong. .. diba naninipit yun?
*Sori dahil paborito ko ang alimango at wala akong peklam kung mangagat man yun o manipit basta alam ko pag nag orange na pede nang lafangin.

32. Alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
*blade! Hehehehe... pero malamang di mo alam kung ano ang binigay sa tatay nung umakyat din sa puno? Mwahahaha.. di ka kasi baklush eh! Lols

33. Meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
*Naman! Putek! Niyaya pa ako ng 'bespren' ko pakinggan ang bagong bili nyang casette tape ni Andrew E, tapos nagkaroon ng 'male bonding' session kaming dalawa, tapos after nun, alam na namin na 'special friends' kami kahit hindi namin alam na jowa ang tawag dun, basta bawal na kami magka gelpren pareho after that. Mwahahaha!

34. Laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
*Ay no! Hindi rin... goodmorning towel naman! Limampiraso, bawat araw na may klase at bawal iwala dahil may marka yan kung anong araw, at bahala kang pwaisan sa araw na iwinala mo.

35. Bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
*Check to! Hehehehe, tapos yung me libreng singsing na kendi, bili kami nun tig-iisa ni bespren, hanap namin talaga ang magkaternong singsing pero di namin alam ang enge-engagement ring na yan... basta, magkapareho kami ng singsing.

36. Nanonood ka ba ng Madeline, Art Jam,Silip, detek Kids, Pahina Kokey, Hiraya Manawari, Math Tinik, Epol Apple, B1 at B2 at Bayani bago pumasok sa School lalo na kung pang-hapon ka??
*Whole day ang klase namin, hindi uso ang pang hapon pang hapon na yan, pero dahil mayaman si bespren, nirerekord ni yaya nya ang mga yan.

37. Takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo at yun ang tatawaging Y2K at pag dating daw ng year 2000 mawawala lahat ng powers ng mga appliances sa bahay nyo at mabubuhay ang buong mundo ng walang ilaw sa gabi?
*Hindi, dahil pakana yun ng nanghihingi ng lab opering, at ng PLDT para tumawag sa mismong pagpatak ng oras para daw ma register na ang tawagan kayo ng isang siglo.

38. Maaga ka umuuwi pagkagaling sa school kase manunuod ka ng That's Entertainment or AngTV?
*Hindi, dahil maglalaro pa kami sa labasan at sa ahrap ng kapilya sa barangay, if not, kasama ako kay tita sa bahay nila bespren nag mimeryenda at pagkatapos ay gagawa kami ng assignment. Alam mo na yun

Kung alam mo lahat dito lagpas ka na ng 25 years old... kapag halos lahat alam mo, nasa 18-25 ka...huwag ka magdeny.. tumawa ka na lang.. di ba 75 centavos pa lang pamasahe sa jeep noon at mas masarap ang mellow yellow kesa sa mountain dew at lift?at higit sa lahat 4:30 na kase AngTV na or THATS ENTERTAINMENT kase inaabangan mo bagong dance steps ng UNIVERSAL MOTION DANCERS!
*50 cents lang kaya, at mas masarap ang sarsaparilla kesa mellow yellow. At oo nga pala. kamukha ni bespren si Gerald Faisan ba yun? Mas chubby lang. Kitams? Bata pa ako chubby na talaga ang trip ko? Shet na miss ko tuloy si bespren, pero well, yun na lang yun.. may abs na sya ngayon... hehehe!

Katuwa naman to... salamat sa napagkuhanan ko... ikaw try mo din sagutan. Nyehehehe

10 comments:

Lyka Bergen said...

OMG... matanda ka na! I like this post... dahil matanda na rin ako. Relate na relate! Tse!

Di ko ma take na Aratilis climber ka. Magagalit sina Irma Daldal and the sitsiritsit girlsnyan. Klowkah kah!

<*period*> said...

ang masasabi ko lang po ay isang malaking dagasa..hahaha..katuwa ang mga sagot mo..yung ilan lang ang alam ko.pero memorable ang mcgyver..kasi sabi ng nanay ko, pwede namin masolo ang tv anytime, anyday, wag lang kapag ang palabas ay mcgyver

<*period*> said...

bakit ganun yun pong comment mo about kay kenny? ang shoti po ay chinese for bunsong lalaki...pag babae, shobe..kaw talaga!

jericho said...

kinakanta pa namin ni kiks ang "alagang alaga namin si puti ... " hehehe. laluna at potato queen sya.

Kiks said...

nakakabaliw ang revelations na ito!

so 1980s, batchee. so 1980s!

pero aminin, syana ka kasi 5 digits lang ang telephone number nyo. chos.

mwahahahaha, aratiles dyosa ka pala.

at true, favorite namin ni jericho ang alagang alaga namin si puti. (lech, masagot nga to!)

at dagdag na questions: 6 squares lang ba ang step no? at masarap na masarap kainin ang puto na me keso sa gitna.

Luis Batchoy said...

lyka: tara try natin ang aratilis climbing skills natin now. mwahahaha

period: anghirap isulat ng nick mo heheheh

Period ulit: hindi lang din ikaw ang chinese ahia, este atchie pala.. cha lanchiao ka naman eh... ehehehhe

Luis Batchoy said...

jericho: o sige turuan mo ko nyany alagang alaga na yan one time

kiks: proud na proud to be promdi itey hehehehe

Twilight Zone said...

panalo tong aratilis hahahahaha di kasi ako naaakyat ng aratilis lulundo ang puno hahaha taga salo nalang ako

Luis Batchoy said...

twilight: paanong lulundo ang puno?

Yj said...

ang tawag sa inyo kapag alam niyo halos lahat yang mga yan eh....

MARTIAL LAW BABIES heheheheheheh