Tuesday, May 12, 2009

Rengga


Andito sa Iloilo si soul pen bud Bryan. May seminar sya. Nagkape, usap usap, balitaan. Biglang wala lang. Naisipan naming mag Rengga. Background lang, kasi sabi dati ni Tatay Leo Deriada nung mag winning streak kami sa mga kontes panliteratura, madami na daw kaming pera pareho at makakabili na kami ng Jowa. Kaya ayun, ito ang kinalabasan. Akin ang unang dalawang linya, sa kanya ang sumunod na dalawa, at salitsalitan na thereafter. Enjoy!


NOBYO SA TASA
Nanday Luis Batchoy kag Bryan Mari Argos



"Kung ang tula ay pwedeng pambili
Ng seksi at poging lalaki,
Susulat ako ng marami"
- John Iremil Teodoro
"Kung ang Tula ay Pwedeng Pambili ng Lalaki"



Siling ni tatay Leo,
Madamo na ta kwarta kuno.

Papelon, tseke ukon sinsilyo,
Ibakal selpon, sigarilyo ukon nobyo.

Tani, 'nang mabuot kag mapisan,
Gwapo, mestiso kag masaligan.

Inang mabukod ang lawas,
Apang mahinhin kung mang hapulas.

Gani dali, mamalaklon kita.
Sa diin bay mad-ayad nga mag una?

Sa kalye? Sa hilit-hilit? Sa tinda?
Diin na? Dali! Mabakal kita.

Didto lang tani sa bulubarato
Sa maulu ayu-ayuan kag kasarangan ang presyo.

Ugaling basi asta lang ina sa hikap
Indi kalambot sa haluk kag dilap dilap.

Updon ta si John Iremil Teodoro
Agud may makakilatis gid kag makasiguro.

Kay ang akun gusto nga sahi sang nobyo
Inang wala gapamisok kun sa akun maga aylabyu.

Gusto ko ya, inang matulutibsol kag mauluambok,
Pwede ipanagang sa kalamig kag sa lamok.

Baw, mahal gid ina siguro nga sahi,
Kulang siguro si Ninoy nga nagapangyambi.

Kag daw wala man gid dabi tsa ko gana
Mayad pa guro, mangape na lang kita

Beynte kag lima ka piso lang isa ka tasa
Matampait kag mainit-init pa.

May hapulas sa iyang kainiton,
May gugma nga nagakawas sa tasa sing tayuyon.

Barato manamit ang tagsa ka higop.
Napun-an sang madlaom kag himpit nga paghirup.

Gani dalia na, mapa Terrazza kita.
Mangape sang binalde balde asta mag aga.

Kay kun si tatay Leo pa damo kita kuno kwartya
Dali, atun waldasun sa matuod nga paghigugma.

Rasaron sa kape ang aton mga kwarta
Bay-i da inang mga nobyo nobyo nga mga diputa.

Kun sa kape man lang manlugpay ang iya paghirup,
Maayo pa malumos sa maulag nga paghigop.

Hay Tatay Leo, dalui mag upod ka na lang sa amon.
Pati si John Iremil Teodoro amon man librehon.

Kape lang ha, indi nobya, ang masarangan namon,
Kag pagbayluhanay sugilanon sang pagpanagitlon.

Kay basi pa man lang may laki dito sa Terrazza.
Pag natipuhan kag mangilay gani, baklun ta dayun sya!

#######


NOBYO SA TASA
Nila Luis Batchoy kag Bryan Mari Argos
Salin ni Luis Batchoy




"Kung ang tula ay pwedeng pambili
Ng seksi at poging lalaki,
Susulat ako ng marami"
- John Iremil Teodoro

Sabi ni Tatay Leo
Madami na daw tayong pera.

Papel, tseke o barya
Ibibili ng selpn, yosi o di kaya'y nobyo.

Sana yung mabait at masipag
Gwapo, mestiso at mapagkakatiwalaan.

Yung makisig ang pangangatawan
Ngunit malumanay kung humaplos.

Kaya dali na, mamimili tayo
Saan kaya ang magandang mauna?

Sa kalye? Sa tabi-tabi? Sa palengke?
Saan na nga ba? Bilis, mamimili tayo.

Dun lang sana sa medyo mura
Sa pwedeng matawaran at makakayanan ang presyo.

Ngunit baka hanggang hipo lang yan
Hindi mauuwi sa halik at dila dilaan.

Isama natin si John Iremil Teodoro
Upang may mangingilatis nang makasiguro.

Dahil ang aking gustong klase ng nobyo
Yung hindi kumukurap pag sa aki'y mag aaylabyu.

Yung gusto ko naman yung matulutibsol at mataba
Pwedeng gawing panangga sa lamig at sa lamok.

Sus, mahal siguro talaga ang ganyang klase
Kulang siguro si Ninoy na nakaismid.

Saka parang wala talaga akong kagana gana
Mabuti pa kaya, magkape na lang tayo.

Bente at limang piso lang ang isang tasa
Matampait at mainit init pa.

May haplos ang init
May pagibig na tuluyang naguumapaw sa tasa.

Mura't masarap ang bawat higop.
Napupuno ng malalim at mahigpit na paghirup.

Kaya dalian mo na, punta tayo sa Terrazza,
Magkape ng binalde balde hanggang umaga.

Ika nga ni Tatay Leo, marami tayong pera
Dali, ating waldasin sa tuoong pag ibig.

Ubusin sa kape ang ating pera,
Hayaan na yang mga 'tanginang mga nobyo na yan.

Kung sa kape lang din naman manlugpay ang kanyang paghirup.
Mabuti pang malunod sa ma libog na paghigop.

Naku, tatay Leo, bilis, sumama ka sa amin
Pati si John Iremil Teodoro, ililibre namin.

Kape lang ha, at hindi nobyo ang makakayanan namin,
At angpagpapalitan ng mga kwento nang paglulunok laway.

Dahil baka may lalaki dun sa Terazza.
Pag natipuhan at kumindat, bibilhin agad natin sya!

Photo Credits:

http://atheiststation.org/mpc/docs/Site/Hymnal.html
http://www.someonespoilme.com/tips/spoilers/naked-hunks-mug/
http://flickr.com/photos/phonehtoo/512958063/

7 comments:

jericho said...

haha. natuwa ako sa kanya. clap! clap!

Kiks said...

ang rengga ay talagang mabenta.
sana maraming bumili nang nobyo'y makuha na.
bago pa sya marimata.

<*period*> said...

galing mo idol..kabilang ka sa top ten most influential blogs...

lam mo po, yung pic mo sa avatar, kahawig mo yung mentor ko sa teatro na si sir cirio ray defante gibraltar

Anonymous said...

hainaku luis hehehe. nakasama ko na rin si YJ. kala mo kaw lang ha hehehe! Joke. Ingat po lage...

Admin said...

Nice poem...

Talagang may translation pa!

Natuwa naman ako dun...

Adventure tayo!

Luis Batchoy said...

jericho: kanino ka natutuwa?

kiks: bakit sya mariremata? Nakasanla ba?

Luis Batchoy said...

period: tatay yan ng kaibigan kong film maker na si kuya rey. magaling yun!gawa ka ng blog post na ten influential din ha

dilan: sabihin mo kay yj parang di uso ang text ah

lionheart: salamat sa pagbisita sa blog ko. Buti nagustuhan mo ang tula... kailangan may translation kasi magrerekwes din naman ang mga mambabasang di nakakaintindi ng Hiligaynon eh.