Friday, April 17, 2009

A Few Things on My Mind

First of all

Maraming maraming salamat sa lahat ng bumoto at sumuporta sa blog na ito. Nanalo po ang Batchoy Boi bilang Rainbow Bloggers Philippines' Blog of the Week for Week 7. Kalokah! I'm the Rainbow blog for the holy Week! Its my first evah online blog award! Happiness! Sana merong bumper sticker or logo na pwedeng ikabit at ipagmalaki sa blog na to. Hehehehe. Salamat sa lahat, lalo na kay Kiel na mahal ako at handang mandaya for me. I lourve you all!

Nakapagpyansa na ako. I look good in my mug shots. Hehehehehe
Naiinis pa rin ako sa fact na pwedeng manyari na mahulugan ka ng warrant of arrest na hindi ka man lang nakatanggap ng subpoena, summonses or nakapag file man lang ng counter affidavits mo. Caught din ako between filing counter charges, such as perjury sa hinayupak na ta(x)i driver na yon. Arraignment was set on May 27, but the other part of me says, Motion to dismiss na, para wag na humaba. Oh well...

-------------------------------------------------
Second

Halos lahat ng mga iba ibang grupo ko ay exciting ang mga developments sa buhay.

Rex at W : Magbubukas ang bagong bar sa sabado, at pinipilit si Rex na pumunta. Nagsabi kay Rex kung pwedeng maging "bespren" sila. KALOKAH! Si Rex nasa Roxas, uuwi ng Sabado at lunes, lilipad papuntang Pagadian. Jet Setter!

Si Dawn ay na diagnose na merong health concrn pero buti na lang maagang na diskubre kaya ayos lang din. Nakipagharutan sa isa pang friendship na younger brother ng isang Ex ko dati, nag iinarte na ayaw na daw sa games at may bagong blog post after forever.

Si Bing ng Thursday group ay missing in action. Na demote sa trabaho dahil sa isang unfortunate kapalpakan, pero masaya poa din dahil bumalik na si Tina dun sa parlor na yun at sya nang manager pumalit kay Bing. Happiness pa din. Hindi na nagpapakita sa Thursdates si Bing dahil 'nahihiya' ang lola. Artichoke ah.

Si Pet at Zelle ay nagkatuluyan na dahil na din sa walang awang pambabara ko kung bakit sila nag iinarteng dalawa pa. Turns out ako ang not so fairy godfather nilang dalawa. Haynax! Matchmakers never find their own match nga ba?

Iiwanan na ako ni Panyero dahil tutulak na ng Manila para mag review sa Bar. Sushalan ang lolo dahil sa Ateneo nag enroll. Mamimiss ko ang letche, pero nagyayayang puntahan ko sa Manila sa May... Why not! Le Manille Denizens, wait lang, babalik ang batchoy boi jan.

Si Perlas naka T.R.O. Sa loob ng dalawang bwan , hindi sya pwedeng uminom. Under "Friends Arrest" ang lolang lasenggera.

Si Geloy ay nasali sa listahan ng Provincial Finalists for the Metrobank Most Outstanding Teachers Award! Taray ng lola mo! I am so proud of you and I am praying na manalo ka neng! Aylabyah!

Iiwanan na din ako ni Mother John. Tumanggap na ng teaching load ang nanay ko at babalik na sa La Salle jan sa Manila. Mamimiss ko ang nanay ko, at sure na bibisitahan ko rin jan sa Manila kaya baka mapapadalas na ang pagluwas ko jan. I love you Mother.
-------------------------------------------

Third

Naloloka ako. Andami kong dapat isulat. Madaming dapat tignan, i-edit at iayos. Magsusubmit pa ako at aayusin ang entries ko for the Palanca. Pagkatapos ko magpyansa ay sumaglit ako sa Museo kahapon. Nalaman ko kay lola Zafiro na namatay na sa katandaan ang Agila sa bahay nila. Nakalulungkot. Ngayon, buntis ako sa storyang makulit. Gusto ko syang isualt. Working Title: "Patay na Ang Agila." Metaphorical ang 'pagkamatay' at ang 'agila'. hindi pa buo ang storya kaya natuturete ang utak ko sa ngayon. For now, I know that the Agila sa Bahay ng Agila nila Zaffy ang magiging cultural springboard ng storyang to, and it will have a dark gay character.


Sa mga writing jobs ko naman, kinailangan ko basahin ulit ang Dracula ni Bram Stoker. Classic talaga ang librong to! Nalulula ako sa writing style ni Bram. Epistolary ang style. Hinahaplos naman ako ng kalungkutan sa napaka lungkot na linya ni Count Dracula sa libro. Eto yun:

"I am no longer young, and my heart, through weary years of mourning over the dead, is not attuned to mirth. Moreover, the walls of my castle are broken. The shadows are many, and the wind breathes cold through the broken battlements and casements. I love the shade and the shadow, and would be alone with my thoughts when I may." - Count Dracula, Bram Stoker's Dracula

Sad no?
------------------------------------------------------------------------

Finally

Sometimes I think we tend to over intellectualize things. Madami sa mga sinusundan kong blog ang nag iintellectualize ng mga kung ano anong mga bagay, from Top and Bottom, to Sex as politics at kung anu ano pa. I enjoy the intellectual discourse, kaso mdami din naman ang sweeping generalizations, at sa lagi kong kino quote na sabi ni Dr. Margarita Go-Singco Holmes na "Let us do away with labellings because it hurts." Kaya hindi na lang din ako nag co-comment dahil dinudugo ako ng masyadong matalinong pagkaka discuss nila ng mga punto nila. Ang tatalino nila, shet, nakakahiya. Hehehehehe. Meanwhile, I found this video, kaya ito na ang sagot ko. Medyo simplistic sya kung iisp-isipin at medyo shallow na din ang sagot pero tingin ko tama sya. Ganun lang ka simple yun. Kasi nga, napaka diverse natin. To start with, iba iba tayo kasi. Ito sya, makinig kayo.





Ang paborito ko sa sinabi nya
"And yes, you can be Gay, and find other gay men obnoxious!" Taray!


Meanwhile. maliligo na muna ako and prepare for the night. Coffee beckons, and I heed the call!

5 comments:

Yj said...

send mo kay kulas yang video na yan... baka matauhan at balikan ako.... pleaaaaaaaaaaaaaaaaaaase!!!

still hurting....=(

Lyka Bergen said...

Congratulations sa Rainbow Blog win. Sabi ko na nga ba eh, kahit di kita iboto, panalo ka pa rin! Kaya si Gayzha ang binoto ko. Tse!

Jersey said...

I want a rectraction, or erratum.. basta may "um"...

I want maarte with the whole "sud-an" episode.. He was just... THAT!!!!

Disaster in catastrophic proportions!!!! And you saw for your self kaya...

Its not that I dont want to play, simply that I don't want him as a playmate.. Elow!!! gawin ba akong yaya!!!!

Tinampa ko sya beh sang ryt cystic ovary ko?!!!!!

hahahahahahahaha

Aris said...

Congrats sa win! You deserve it. Am so proud of you. Mwah! Mwah! :)

Luis Batchoy said...

@YJ: aynaku... kasi naman eh!

@Lyka: bal an ko man nga wala mo ko gin boto, ang kagaga mo valah!

@dawn: sige lang bala dai! Amo gid na yah!

@Aris: tenkyah for the bonggang bonggang support. Miss u na frend