Every year, pag good friday, hindi ako mayayang mag beach, mag out of town or whatever.
May responsibilidad kasi ako. Saan man ako naroroon, pwera na lang kung out of the country, kailangan ko talaga umuwi at pumunta ng Roxas City, Capiz, dahil sa obligasyon at panata ko.
It all started during my first holy week in Capiz years back. Long story kung pano ako napadpad sa Capiz, pero the first time I set foot in Capiz, I feel in love, at first sight, truly, madly deeply, with the place.
Sabi ko nga, tutoong may mga aswang sa Capiz dahil na 'yanggaw' agad ako ng lugar. Yanggaw ang term sa Hiligaynon nung process kung papanong nagiging aswang din ang isang tao. Either dahil nasalinan ng laway, pinakain ng pagkain ng aswang or what nots. Pag na yanggaw ka, nagiging aswang ka na rin. Yun ang nangyari sa akin.
Going back to the panata, yung ka dynamic duo ko sa panulatan na si Bryan ang malaking rason kumbakit ako napadpad ng Roxas. Nagmamay-ari sila ng isang paso - centuries old na santo na nilalagay sa carro at pinuprusisyon pag Good Friday. Nung Holy Thursday, nilabas na sa taguan ang senyor. Ang paso nila ay ang "El Descanso" o ang pagpapahinga. Matapos na ma scourge sa pillar si Hesus, yun bali ang pagpapahinga nya. Yun yung part na mina mock sya ng mga sundalo, binihisang parang hari, binigyan ng scepter na weeds at nilagyan ng crown of thorns. Na mention ng grand aunt ni Bryan na di na maganda ang wig na buhok ng santo at nagpaplano na silang mag pagawa ng bago kasi gulagulanit na ang wig.
Bigla namang entra ang batang kapatid na babae ni Bryan. Wala syang kaalam alam sa pinaguusapan namin sa sala pero bigla siyang nagsabi na
"Noy Luis, parehos kamo buhok ni Jesus no?"
Tinamaan naman ako. Parang pahiwatig na hinihingi Nya ang buhok ko. Promptly, for the next Holy Week, pinaputol ko ang aking long curly fab hair at pinagawang wig ng santo. Currently, yun ang ginagamit na buhok ng santo. That year din ang simula ng panata ko. Ako ang nangasiwa sa pag dedecorate ng carro ng paso. Wala naman akong hinihingi sa senyor pero halos bawat taon, walang sablay na merong malakingh biyaya at pagpapala ako na natatanggp galing sa senyor, at minsan, patong patong pa. Simula noon, walang sablay na ako na ang nangangasiwa, simula sa pag order ng mga bulaklak hanggang sa pag dedecorate sa paso. Yun ang taon taong kong panata. Nakakapagod pero nakaka kalma ang taunang sakripisyo ko. Lagi akong nakakatulog sa pagod pero may dalalng kapayapaan sa aking puso't kaluluwa.
Kahit hindi ako pamilya, at kahit wala na kami ni Bryan. ( Oo na nga, naging kami. Mahigit walong taon at yun ang pinakarason na nag Capiz ako.) ay kasali ako sa pag aasikaso sa paso. Ang pamilya ni Bryan ay naging pangalawang pamilya ko na rin at lagi ay kasama ako sa pag aasikaso sa paso. Sige na nga, exception na sya sa rule ko na I do not make friends with my exes, pero kais naman ang relasyon namin ay nag elevate na sa ibang lebel at dimension.
Taon taon, hangga't pwede at hangga't kaya ko, mamamanata pa din ako sa senyor, at lagi lagi ay nagiging makabuluhan ang aking Biyernes Santo dahil dun.
5 comments:
dahil dito lalo akong naging proud na friend kita. :)
@aris: minsan punta ka dito friend. maganda ang Roxas. Napaka payapa
huwag kayong maniwala walang aswang doon sa capiz....gawagawa lang ng bruhang yan...baka siya ang aswang.."thinkers are thinkers,and "doers are does":)
nakakatuwa ka naman anonymous.
Una dahil wala kang yagbols para magpakilala kung sino ka.
Pangalawa, kasi comment ka lang ng comment hindi mo binabasa ang context ng sinasabi ko kung papanong tutoong may aswang.
Pangatlo, hindi ako ang may gawa gawa nyan, kaloka ka.
And lastly...
"thinkers are thinkers,and "doers are does":) ganda mo teh! Ikaw na ang hindi bruha! Antali-talino mo pa! Ikaw na!
You made me laugh. What an ignoramus!
Post a Comment