Tuesday, April 21, 2009

A Poem and a Quiz



Masaya ako. Feeling ko kasi, napaka productive ko ngayong mga araw. Paano naman kasi, isa ako sa mga taong nag ta-thrive sa 'pressure.' Pressured sumulat para ihabol ang mga loose poetry studies to be a coherent collection for the Palanca. Malapit na kasi ang deadline. Mabuti na lang at may nag aasikaso na ng mga notary and certificate of originality na yan. Kagabi was a burst of pure inspiration. Malandi ang muse at nakabuo kami ng folio na balak ko isali sa bagong kategorya na kabubukas pa lang sa Palanca: Tulang isinulat para sa mga bata. Heto ang carrier single. Chez! Enjoy!


AKO ANG BIDA

Ni Luis Batchoy


Ako ang bida.

Ako ang pinakamaganda.

Bago lagi ang damit ko at sapatos.

Sa akin ay wala nang nakakaungos.


Ako ang bida.

Ako ang laging nangunguna.

Mga gamit ko ay mamahalin.

Wala nang tatalo sa akin.


Ako ang bida.

Kinaiinggitan ng iba,

Sikat at pinaguusapan,

Sa buong paaralan.


Liban na lang pag may miting ang PTA

O di kaya ay tuwing Family Day.

Dahil si Nanay, nasa ibang bansa

Hayun, ang namamayagpag ay si Yaya.



Siguro mahuhulaan nyo kung ano ang tema ng buong koleksyon. Mamya, susuyuin ko ulit ang musa para makipagtalik sa aking hiraya, para naman maayos ko na yung isang kwentong hindi matapos tapos, at sana, maisulat ko na din ang matagal nang makulit na Creative Non Fiction sa utak ko. Wish me luck Batchoy Denizens. Pag nanalo naman kasi ulit, luluwas ako dyan sa Le Manille. Gusto nyo din yun di ba? Hehehehe.

Speaking of Muses, I found a quiz online... Ito ang resulta ko






















You Scored as Terpischore


You are Terpischore, the muse of dance.

You love to be in the middle of everything

and have all eyes focused on you.

In all of your childhood videos

and pictures you are always

hamming it up.








Terpischore


75%






Euterpe


69%






Erato


63%






Melpomene


63%






Urania


56%






Clio


50%






Polyhymnia


50%






Calliope


44%






Thalia


31%





Ahmmm... labas ba talaga dapat ang suso?
Kung feeling muse ka rin, click mo ang quiz dito.
Photo Credits:

http://theclothes.blogspot.com/2007_09_01_archive.html
http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Star_Ouro.svg
http://rdrussell.wordpress.com/

6 comments:

Aris said...

I scored as Erato.

"You are Erato. The muse of love poetry, you view the world through rose colored glasses. Appearance is very important to you, and you are considered to be the most beautiful of all nine muses."

say mo, friend? hehehe! :)

Luis Batchoy said...

ganda ganda mo nga aris, ikaw ang reyna! Hehehehe

Yj said...

AAPILA AKO... walang quiz quiz... AKO!!! AKO ANG PINAKAMAGANDA!!!

ahahahaha ECHOZ.... huwag na kayong magbolahan na dalawa.... DAHIL PAREHO KAYONG REYNA... AT PANTAY KAYO SA KAGANDAHAN....

you guys are both beautiful inside out.... kaya mahal na mahal ko kayo... hindi lang dahil mahal niyo ako... kundi.... BASTA yun na yun hehehehehehe

Reesie said...

ang ganda ng composition mo luis!!!

teka ang makisali sa quiz ng mga muses. :D

Aris said...

@luis and yj: hahahaha! para walang away, pretty tayong tatlo! luv yah both. :)

Luis Batchoy said...

yj: no comment... Yan kais, pag ang joza ay pumatol sa isang mortal!

reesie; salamuch

Aris: I abdicate... hehehehe