Saturday, November 8, 2008

Size 12


There I was.

Ini-enjoy ko lang ang mini-break na meron ako. Next week daw, balik klase na naman. Sira pa rin ang sasakyan ko. Naiinis ako at nababato sa bahay kaya naisipan kong mag sayang ng oras sa isang mall. Lakad lakad lang. Tingin tingin. Kung ano meron at ano binebenta. Tingin tingin sa mga nagkikislapang mga display ng mga krismas chuvaletchikarsis. Nakakapagod at nakakagutom din naman pala no?

Sa dinamidami ng pwedeng makainan sa mall, bakit kaya dun ko naisipang kumain? Eh obyus ba? Gusto ko ng batchoy! So go! dun ako sa pinakadulong mesa. Order na! Syempre pa! Extra Super Special Batchoy, with fresh egg, bihon not meke, extra chicharon, Large Coke at dalawang order ng puto manapla na naka balot sa dahon ng saging. Atak na!



Then you walked in! Ay tangnampakinchef naman oh! Shooo...
Dami naman pinamili ah! Yaman ever! Ahmmm... wag! Wag kang titingin dit... tae! Ang kyut mo naman! Bagay sa yo ang Maroon polo shirt mo. Mukha kang mabango as useless...

Hay! Oo mag isa lang ako! Saka, wala... wala akong binili o bibilhin. Gutom ka na rin ba? Oh go! Order na... hulaan ko?

Extra Special Batchoy, miswa, not meke, no chicharon, no spring onions, no atay please, rootbeer, large! Tumpak!

But wait! Bakit dalawang serve? Ang isa, Batchoy Ordinary, pineapple juice? Ewww... pineapple juice?

Tanginampakinchef... sino sha? Ang jologs ha! Hello? Alam mo ba kung ano ang Derma? Ughk!
Sarap sarap ng batchoy no? Ganun?Kailangan ba mag subuan ng puto? Badtrip! Di ba ayaw mo ng PDA? Kakawalang gana naman, oo! Busog na ako! Makaalis na nga at makapagyosi.

Tayo, kuha gamit, lakad. Uy! Wag kang ngingiti, ano bah! Pwes! Vaporizing stare ala Chelsea Doll sabi ni Wandering Commuter sa post nya. Ultramagnetic Missile, Vaporizing stare engaged...


in 5
4
3
2
1
Direct Hit!

Yan kasi! Dont stare at me! Asikasuhin mo yang hinayufaks mong kasama at wag titingin tingin sa akin! Pweh... yosing yosi na ako buset. One last and final look...

Wait...
Pamilyar ah...

esep esep...


Ay pootah! Di ba? Birthday gift ko sa yo yun? Bakit nya suot?
Balik, dali! About face! Kapal ng mukha! Leche!
Daliiiiii....

Uhmmm Excuse me... Nice shirt... kaso medyo maluwang sa yo eh... size 12 kasi yan eh. Para sa matataba... At saka... Uhmmm... alam mo ba kung ano at para sa ano ang derma? Wala lang... bye...




Kaya lang... wag na! Mahaba pa yung yosi... sayang kung itatapon ko lang.




Photo Credits:

http://www.urbanplanet.org/
http://forums.mukamo.com/
http://emeraldartcenter.blogspot.com/
http://www.nytimes.com/
http://www.impactlab.com/

6 comments:

Reesie said...

ang sarap ng batchoy!!! miss ko na yan.. ginutom tuloy ako.. thanks for the xlinks by the way.

Luis Batchoy said...

no problemo reesie... uwi ka dito ililibre kita!

Aris said...

kalokah noh kapag hindi inaasahan nakasalubong mo ex mo na may kasamang bago. di mo alam kung magiging friendly ka o iisnabin mo sila. :)

Luis Batchoy said...

Aris: pangalawa ko na to na nasasalubong na ex. kainis. me phenomenon ata!

Yj said...

kung ako lang... d ako manghihinayang sa yosi mare... hehehehe senadora ako eh, EKsenadora hihihihi.... ako lang naman yun...

Luis Batchoy said...

trust me yj, manghihinayang ka sa yosi talaga. So not worth it! Pero oo nga, ikaw yun. One time, sana magkasama tayo para makita ko ang pagka senadora mo. Sino ka? Sana hindi si Tessie Aquino Oreta! Mwahahaha