Saturday, February 28, 2009

Seventeen part 1of 2


Matagal ko na gustong i post ito. Madami lang distractions kaya I never got around to doing it. Tonight, I resolved to finally get down to it and get it all out.

Hi, I'm PV. I got ur # frm ur frnd Intrimitida. Can we txt? :)

It all started when I got a text from an unregistered number nung Feb.15

Hi. I dnt rmembr auhtorizng Intrimitida to giv u my # but sinz he did, wat is it dat u want pls?

Suplado talaga ako lalo na sa text. I don't give out my number to people just like that and I do not authorize my friends to spread it around. Even if I post my number in friend's blogs for them to contact me, when I get stray texts from people who might have lifted it from there, I do not worry. I simply ignore unregistered numbers. As a matter of fact, sinasabihan ko ang mga kaibigan ko na kapag nagpalit ng number or itetext ako gamit ang ibang number, mag identify kaagad kung sino kasi wala akong panahon makipaghulaan. Hindi rin ako fan ng unlitext na yan kasi hindi nga ako ma text na tao. Kumbakit ako nagreply sa kanya ay dahil, 1.) nagpakilala agad sya. 2.) Sinabi nya agad ang source nya, 3.) Maayos ang pagkaka mensahe nya.

Hudahel is this PV and why Da F*ck did u gve my # to him?
Text ko kay Intrimitida. Actually, lets just call him PV, as in Post Valentine.

Bet mo yan. Chubchinits. Mahlig s art art eklavu @ poetry. Mkhang disente nman, mbait, myaman, romantic at gwapito. Malay mo! Ur welcome nga pala.

Hmmm... I am not amused kaya...

At bkit mo binibgay sakin to kung ganun ka ganda ang kalidad aber? Wats d catch? Same kyo bottom? Clingy? Nanghihingi ng comitment sayo? Spill!

Di ba? May point ako?

Ahmmm... temarts eh. Yaw magmit kse. Nkakatmad. Lam mo naman ako!

Ahhh ganun! D mo pa pla nakikita to eh. Kung makadescribe ka, parang close kayo!

Konting marketing strat at Advertising lang naman fren. Kaw talaga!

Ganun! Pasahan ba ako ng mga rejects nya? Che!



Sori 'bout that. He said ur a wondeful person. Ur a poet? I love poetry. Tell me more about u, pls.

F u wna b frens, no, tnx. Mdami na sila, la na nga ko tym 4 all of them. Mas lalong I dnt need a textm8. Give me one good reason why I should waste my tym on u.

Direct cold shower treatment!

I like ur being frank n direct to d point. Maybe bcoz my VDay sucked so badly, and u myt be able to provide a good post disaster relief with ur poetry? Just maybe. Myt be 2 much to ask but 8s worth a try. Did I giv a valid reason?

Aba! Mukhang witty nga ah! Hmmm...

On probi status... wat about my poetry? keep me interested

Kofi would be nice... the sooner the better. Poetry optional. U would be enough.

ABAH! ABAH! Namumuro na to ah!

U asking me out? How brave and daring of u! What makes u so sure I'd say yes?

U dont nid a txtm8. So the sooner I mit u, d sooner I become not just a number txting u. U dont nid a friend. A mit up for kofi would be ideal to brave the odds. U have bin very str8 forward. Im returning the favor. Yes or no?



WTF! Palaban ang mokong na to ah!

Hit me with ur best shot! I'm a man with an eye for a good deal! Oh, and to raise the ante, if the kofi is gud, dinner would surely follow.

U hav my whole day, and night. Ur call, ur rules. Oh, and a good movie b4 dinner sounds very nice. To sweeten the deal, I take the tab. My treat. Date, time and place please...

Hala! Im being seduced by a stranger! POTAH! Anlakas lakas ng loob neto ah! Kala ko ba ayaw makipag meet neto? Hmmm...

All in, then. Kofi at 6pm, sharp, today at (sa isang kapehan shempre). I will w8 for only 15 mins, tops! No excuses. If all goes well, LFS @ Rob, then late dinner. Since ur paying, u get to pick the movie and the resto. Hope you dont suck like ur fucked up VDay. See you then...

Sounds good... Oh, and no tag-alongs. Just u and me. K? I'd take ker of the movie and resto l8r. One step at a time. Kofi first.
The 'tops', 'suck' and 'fuck' part sounds especially great! C u l8r!

OMG! S.E.B yata to eh! Naknamputcha! WTF did you get urself into Luis! GAWD!

Chubekantinyood!

Photo Credits:

http://www.achurchforstarvingartists.com/2006/03/seventeen.html
http://johnstoncoarts.wordpress.com/jocobigread/frequently-asked-questions/
http://www.creative-dating-ideas.com/first-date-ideas.html

Thursday, February 26, 2009

Kakang Gata #2


Basahin muna ang Kakang Gata #1

Paalala: Ang susunod na mababasa ninyo ay para lamang sa mga taong nasa angkop na edad. Kung kayo ay wala pa sa tamang edad, pakidala ng mga magulang nyo, upang gabayan kayo sa pagbabasa ng susunod na mga bagay. Kung may nakatatandang kapatid kayo, gaya ng kuya o ate, basta kyut, ako na bahala... akina number nila. JOKE! Hehehehehe

Oo na! Inaamin ko, Oo bastos ako! Malisyoso ako at madumi ang isip. Bahala na kayo kung ano pa ang iisipin nyo. Matapos ko mag paka romantiko at magpaka makabagbag damdamin ay magpapakabastos naman ako. Ito ang pangalawang tula na naisulat ko galing sa inspirasyon na metapora na nabasa ko sa blog entry ni Aris. Basahin yung buong blog entry ni Aris dito.

Aris hindi ko alam kung dapat ko I dedicate sa yo tong pangalawang tula... hehehehe.... Sana magustuhan mo din to.



PAGKAKAKANG GATA
Ni Luis Batchoy

Halos biyakin ko na
Ang matigas at nagyeyelong
Lamig na nakabalot
Sa iyong kumot.
Malaimpyerno
Ang pagliliyab
Ng ating mga kaluluwa
Habang abot langit naman
Ang luwalhating hatid
Ng iyong dila.
Sige, hawak kang mabuti
Kapit lang sa akin
Kahit pa halos
Makudkod
Ang aking likod
Sa pagkakuyumos
Ng iyong pagnanasa
At halos pigain mo
Ang aking buong pagkatao.
Mahal, huwag mong sayangin
Ang bawat patak
Ng pinaghihirapan natin.
Sahurin mo
Kung kinakailangan
Himurin pa.
Ano mang saglit
Ay pupulandit
Na parang kakang gata
Purong puro
Lasapin
Ang linamnam
Ng ating pagniniig.

Photo Credits:

http://www.novazine.com.au/recipe_archive/CoconutCreamRamikens.htm
http://www.soaploafwholesale.com/contents/media/

Kakang Gata #1

Kanina nag basa ako ng mga blog entries sa aking blog roll.
Ka abang abang at kapanapanabik lalo ang mga maromansang kwento ni Aris at ang kanyang pakikipagsapalaran sa pag hahanap ng gata, este, tunay at wagas na pag ibig. Naantig ako ssa kanyang pinaka huling paglalahad. Basahin ang buong paglalahad niya dito. Habang nagbabasa ako, ginugutom ako, kasi pagkain at lutuan ang tinatalakay. Nakaka imbey lang ang co-star sa eksena, at ang kesong sawntrak ng eksena. Pero lahat ay nakalimutan ko at ang inis ay napalitan ng walang pagsisidlang tuwa ng ma enkawnter ko ang linyang to:

"Pagkatapos kong maitabi ang kakang-gata, piniga kong muli ang niyog sa ikalawang pagkakataon. Hindi na puro ang nakatas kong gata. Parang pagmamahal na inaalok sa akin ni C, malabnaw na."

SWAK! Ang ganda ganda ng metaporang ito! Pagkaganda gandang Poetic Imaging and Rendering! Shet! Nanayo ang balahibo ko sa matulaing prosa ni Aris. Wala na! Nawala na ako. Naglakabay na ang diwa ko akay akay ng aking Hiraya! Nung bumalik ako sa lupa, naipangako ko na gagawan ko ng tula ito. Nagpaalam ako kay Aris kasi sya ang unang nakaisip nito. Pumayag naman sya.

Yun nga lang kasi, sawi ang puso ng panulaan ko. Iilang tula ng pag ibig pa lang ang naisusulat ko na masaya at maliwanag ang mundo. Pag umiibig ako at masaya, hindi ako nakakagawa ng tulang sa palagay ko ay maganda. Laging sawi at luhaan ang mga tula ng pag ibig na nanggagaling sa aking puso. Bakit kaya ganun? I can not write a happy love poem. Laging love unrequited o love lost ang tema ng mga love poems ko. Kaya hayan, sawing pag-ibig na naman ang naisulat, o nakatas ko sa kakang gata ni Aris. Nakadalawang tula ako gamit ang metapora ng kakang gata. Heto ang una.

Aris para sa yo to! Sana magustuhan mo!


Kakang Gata
(Matapos mabasa ang sinulat ni Aris sa kanyang blog)
Ni Luis Batchoy

Kinudkod ng pinong pino
Na parang niyog
Na nginudngod ngudngod
At ikinaskas kaskas
Ang puso ko
Sa kudkurang kinakalawang
Ng kasinungalingan
Pagkukunwari at panlilinlang.
Nilapirot at kinuyu-kuyumos
At ubos lakas
Na piniga piga
Upang makatas
Ang kahulihuliang patak
Ng kakang gata
Ang aking pag-ibig
Isipin ko na lang
Kahit papano naman
May masarap na ulam
Na nailuto dahil sa aking
Pagbibigay at hinagpis
At kahit pa piga-pigaing muli
Ang lamog lamog ko nang puso
Ay hinding hindi na muling
Matitikman
Ang linamanam
Ng purong purong
Kakang gata
Ng wagas na pagmamahal
At sa huli
Ay lalabnaw din naman
Pati ang aking
Mga luha.

Photo Credits:

http://www.productwiki.com/coconut-cream-flavored-coffee/
http://flickr.com/photos/wbelmonte/2186632660/

Wednesday, February 25, 2009

A (Boxer) Brief Affair

I was meaning to tell you about the 17 year old guy, but while I was composing this blog post, I got distracted. Dumating na kasi yung mga ka anik anikan ng ate ko, at ito nambibigay na ng mga ka eklavel sa labas ng kwarto ko. Steady lang naman ako. Hindi ako makikipag agawan sa mga kapatid ko. Kung meron ako, good, kung wala, eh di wala. Meron naman obchorz, pero dalawang bagay talaga ang nagpa akyat sa akin sa cloud 9.

Item(s) #1: Although I don't wear undies, na excite lang ako sa mga boxers na to. Hehehehe... Malandi... Tamang tama pag balik ko ng Boracay mag gaganito lang ako sa beach... =)

NoBo Boxers For Moi

No Boundaries Boxer shorts in Metallic Blue and Silver Piranha designs...
chomp chomp chomp! Bite atcha!

Metallic blue with gold "Reduce Speed, Bump Ahead"
Road Sign Print... Bump bump

This has got to be my fave! Black with Metallic Red Flame Design...
I'm smoldering!

At parang hindi obyus na naexcite ako, suot ko agad ang isa, Black with Metallic green glow in the dark gecko design... FUN!


Item(s) #2: Did I tell you that I am the chocolate monster? Hindi ako lalabas ng bahay hanggang hindi ko nauubos tong mga to. Nyekhekhekhek...


Technically hindi 'akin' to. Para sa lahat. Well, lahat includes me di ba???
As of this very moment, tatlong bar na ang nauubos ko jan, at dalawang pack ng Lindt Truffles kaya wala na sa picture.

Ambabaw ko no? Hehehehe... Well where was I? Oh the 17 year old guy... Hmmm
Next post na lang... sticky fingers eh, I'm starting on my fourth Symphony Bar.... Nyekhekhekhek.

Tuesday, February 24, 2009

How to #3



Read How to #1 and How to #2 first.


Upon the drawing of the small hours, I was thankful for the improved peace and quiet at the coffee shop. Most people were actually having coffee there instead of downing can after can of beer. Just when I thought that there would be a chance to actually modify and edit all poems I wrote for the folio, this odd Korean pair sat at the table across me, hence a third episode, and a third poem. When the poem was written, I reckon it's about time I got home. I have had enough episodes for the day. Even Miss Melanie Marquez is quoted to have been wary of fourth episodes, as she said "You can fool me once, you can fool me twice; you can even fool me thrice - but you can never fool me four!

These "how to" poems are getting addicting so this has to be the last one, for now at least.



How to Figure Out if a Korean Late Worm/Early Bird
is Trying to Pick You Up at a Coffee Shop

By Luis Batchoy

He and his friend are either
Early birds, too early
For the day's start,
Or late worms
For the day's end
But after all, you do
Defy definitions as well.
So smile - a lot, especially
Every time he glances at you.
Sweeter, sultrier, sexier;
Notice how he huddles and confers
With his Korean companion
Who is actually more your type,
And wish he'd eye you more than this one does.
Now, brace yourself as he approaches
To make small talk, in his very awkward,
English, and pathetic conversational skills.
At least, be thankful that he does not
Shove an electronic dictionary right at you,
And that at least he has twice the balls
In the flirtation department, as compared to
Your own countrymen, in your earlier encounters.
Decode the usual questions he asks you,
Of why you are alone, and what
You seem to be doing intently, and analyze
Whether this must be some come-on,
Or some pick up line back where he comes from.
Then, ask him questions, too,
Of what his name is, how long has he been in the city
And how does he find your city so far?
Or if he'd like you to improve dramatically
His opinion of your city, then smile
At your witty come-on and pick up line.
Do not expect a coherent answer
And trust that he did not get your
Come-on and witty pick up line.
Quit trying to word carefully that burning itch
To ask him questions point blank;
If he is gay, or whether he likes you,
Or would he want to take you home, vice-versa,
Don't even start asking him,
In whatever way if he would want
To suck your dick, or vice versa!
Then, before exasperation sets in, marvel
At how language could connect
And disconnect, and how
Lust as a necessity, tries to work
In breaking barriers across datelines.
Then, give up on the conversation.
Resume the non-verbal communication
Of smiling and nodding at each other
And be comforted with the fact
That he did not necessarily word
His suspicion that you
Are a pimp who could get him
A whore for the night, even if
He would call it 'girlfriend,'
And how you really don't like
Kimchi.
Now make a mental note
To learn how to say in Korean,
"Bullshit"


Photo Credits:


http://www.asia-planet.net/korea/traditional-clothing.htm
http://iml.jou.ufl.edu/projects/STUDENTS/Hwang/kimchi3.htm

How to #2


Read How to #1 first

Midway, and as night fell deeper, there was another one of them there where I was. I was still struggling with the collection, and alternately interspersing rest periods for my brain with a chapter or two of the novel I brought along. I was slowly sipping the only substance I could take: coffee. Every now and then I would also survey the scene in my turf. I noticed this guy with his friends. He was wearing a basketball jersey. Same get up that every one else was wearing in their table. He must have come from a ball game, and shooting balls my way; eyeballs that is. He looks a bit sweaty from their game, and uhmmm... he looks familiar. I had to look twice and stifle the sudden dribble my heart lurched into when I looked at his face... Nah! Can't be... Here's poem number 2.




How to Lose Interest in a Guy in Basketball Jersey
Eying You at a Coffee Shop

By Luis Batchoy

Sit still, or better yet, in the most
Awkward, contorted and uncomfortable
Angle you can manage
Without losing sight of him
From your peripheral vision.
Double up the puffs you take
From the cigarette you let
dangle from the corner of your mouth.
Every third puff, look up
From the book your reading and quit
Staring intently at your pen
As if, willing it to life and write
A poem about his flirtatious glances
And winks, as if, willing you to
Cross the borders of repression
And the eventual risk of being
Brushed aside. Return
The challenge and chuckle
At his silly yet endearing way
Of looking away when you catch him
Stare at, no, gawk at you.
Return to the open book in your lap
And read intently, as if somewhere in the page
You'd find his name and number.
Then stare back at him hoping
That being the athlete that he is
He would realize that dribblings
Don't count
It's the baskets that do.
After all, you are not the player here
He is. Now grab your mug and drink
One long, slow, gulp.
Take time to savor your coffee
As you savor and bask in his stares
And be aware that your wall of resistance
Is slowly liquefying and now
Drips from the corners of your mouth
Where your cigarette used to be.
Now stare at him blankly
Taking your shot for the basket
From way, way beyond
The rainbow territory.
If only for that promise in his handsome face
To rescue you from the solace of this
Solitary table alone-liness, but then again,
Put down your mug, slowly
And promise that the next time he smiles at you
You'd volley back with one of your own.
The most saccharine ones you reserved.
Take one long drag at your cigarette
And flick the ashes off the same way
You'd flick at the thought of him
And how he looks like your ex. The worst one.
And with that, let all hell freeze over.
Return to the story in your book.
Your coffee, your unwritten poem,
Your cigarette, and the deeply satisfying
Solace of your solitary table
In your most gorgeous
Alone-liness.

Photo Credits:

http://profile.myspace.com/index.cfm?fuseaction=user.viewProfile&friendID=128616328
http://www.photoshoptalent.com/photoshop-picture/49920a5980dc2/Coffee-or-Tea-.html





HOW TO #1



Last Sunday I had coffee alone. I was thinking about writing the folio I wanted to come up with for the UPV Sentro ng Wika Publication. So up I went with a novel, a book of poems and my pen and paper. Well, since my favorite coffee joint is also known for some mysterious happenings, there are always stares and then some on that spot. As the evening wore on, I was bent on finishing the 5 poem folio, but there were distractions along the way, and instead of writing the five Hiligaynon poems, I let my mind (and eyes) wander, and three other English poem got in the way because of three exciting things (and men). Let me tell you what happened through poems. This is the first of 3. Enjoy!

How to Propose Marriage to a Complete (ly Gorgeous)
Stranger In a Coffee Shop

By Luis Batchoy


Step 1: Order Coffee;
The strong, bold and bitter one,
To steel your nerves.
Notice that he
Does not have a ring
Or a tell-tale mark
So pat yourself on the back
And go for broke!


Step 2: Fantasize how you really have to marry him
Because there is no one quite like him.
You must have that sparkle in his eyes
To drive the darkness in your room.
You must have that promise in his
arms to thaw the cold nights.
Above all, you must have that
Wits about him
To keep you sane.

Step 3: Think of him saying yes
To stopping traffic
In the middle of Bonifacio Drive,
In front of the Iloilo Hall of Justice
So you could tie the knot
Or knot in ties
Amidst the angry honking
Of irate and annoyed motorists.
No, scrap that idea,
Be grander.
Do it in EDSA.

Step 4: Think of the beautiful future
You and him would share.
Pray that like you,
He is all city and metropolitan;
But born with a grain of sand
Lodged in his heart and soul,
That longs for a commune
With other grains of sand,
To be licked and washed over
By the salty waves, every so often.

Step 5: Pray harder and wish harder
That he adores the laughter
Of crazy cavorting children
The way you do.
How they tire you, yet lift you
And bringing you mad sanity
And how you'd tell them stories,
Some of which you wrote yourself,
And naturally, of course, the wonderful
Wild ways of making them.

Step 6: Freeze at the disappointing truth
That you are in the Philippines
And that in this jurisdiction,
Granting of course, He'd say yes;
Because he is crazily smitten
By you and your penchant
For wild imaginings
And caffeinated poetics,
And that he is madly
In love with you,
Is not enough reason
For two men
To get married

Step 7: Order more coffee
And sweeten them
With his smiles.
Be comforted by the fact
That he is struggling
With the same
Albeit, saner
Thoughts of you.
Sweeten his drink
With your smiles.

Photo Credits:

http://www.ehow.com/how_2249950_propose.html
http://hubpages.com/hub/46_Ideas_on_How_to_Propose

Monday, February 23, 2009

My (fill in the blank)'s Wedding


Taking a break from posting my poetry, let me tackle one of the issues troubling me nowadays. As I have already mentioned sa isang naunag blog post ko, I'm at a loss and I find it difficult to make a decision tungkol dito. Inimbitahan kasi ako personally ng isa kong ex girlfriend sa kanyang kasal at the end of this month. Hmmm... a bit of backtracking is required perhaps so here goes...

Itago na lang natin sya sa pangalang Julianne. Nakilala ko si Julianne sa isang College Press Conference way back nung nasa college pa ako, at Editor-In-Chief ng aming school publication. Editor din sya ng isang pub din. Sila kasi yung grupo from the perennial winner sa Press Awards na yun. Ang school pub naman namin ang laging di pinapansin. Ang crush ko sa grupo nila aktwali yung isang co-editor nila. Tawagin na lang natin sya sa pangalang Amanda. Maganda si Amanda. Mukhang matalino, mabait, at well manered. Kapag meal times, magkaharap kami ng grupo nila. Titingin tingin syempre ako kay Amanda. Deadma naman ang lola. Elite group nga naman kasi sila di ba? Tapos parang nakakainsulto pa sila kung magtatawa.


Nung nag aawarding na, naipanalo ko halos lahat ng mga events na kasali ako. Pati, ang magazine namin nanalo ng napakadaming awards, including Best Lay-Out, Best Cover Design. Ang pet page ko, nanalo din as Best Literary Page. Hakot awards talaga kami nung taon na yon. Pati mga sulat ko panalo din sa Best Editorial at BestColumn Page. Hindi kataka taka na kami din ang nanalo ng Best Magazine.

Pagkatapos ng sangkatutak na awards, syempre pa, lapitan na ang lahat to ask for a copy. Ipinatago ko na kasi sa editors ko yung kopya namin kasi wala nga naman halos interesado kumuha nun earlier eh. Sa pagkakabilang ko, isa lang yata nabawas sa nakadisplay. Sabi ko, wala na kaming dalang kopya. Belat nyo. Kahit si Amanda, tinikis ko talagang di bigyan ng kopya. Ang yayabang nyo kasi eh. Sa sobrang curios nila malaman kung bakit andaming pinanalo ang magazine namin, kanya kanyang diskarte makakuha ng kopya ng magazine namin that night sa fellowhip dinner. May nang eetchos, may namumuri kuno, at kung anu-ano pa. Sina Amanda, nagpadala ng emissaries nila. Yung unang pinadala, si George. Gwapo. Pero saksakan ng yabang. Failed ang mission ng Emissary. Wala syang nakuhang kopya from me, kahit gwapo sya at magaling chumaring. Neknek mo. Si Julianne ang second try nila.

Julianne: Hi. Congratulations on your personal awards, and the magazine's awards too. I know you are up to no BS so I'm gonna be straight with you. Can I have your number?
Me: Why? You want a copy of our magazine?
Julianne: Yes and No. Yes I want a copy because that's what Amanda and my group sent me here for, and no, not really. I want a date with you that's why I agreed to come over and talk to you.
Me: Hmmm... I can only say yes to one request. Choose carefully.

Bigla syang sumenyas na kwayet lang daw ako, tapos, labas daw muna kami sa terrace ng hotel, may ipapakita lang sya sa akin. Nung nasa labas na kami, nagyosi na din ako. She got from her purse a folded copy of a magazine.

Me: So, it was you who got that copy na nabawas sa mag namin. I like your style!
Julianne: Is my choice obvious? Now, your number please...


Sapul! Naknamputcha! Weakness ko yun... Women who know what they want and how to get it!
To make the long story short, nakipagdate ako sa kanya. Sinabi nya na pag meals daw, kaya sila nagtatawa dahil ang kyut ko daw kumain. Lalo na nung Rocky Road ice cream ang iniserve na dessert. To make the long story short, nagdate nga kami, and one thing lead to another. Aaminin ko, first time ko maligawan ng babae. Yes, you read it right. Sya ang nanligaw sa akin.

Masarap naman pala maligawan ng babae eh. Pinupuntahan nya ako sa pub office sa school, lalo na pag nag oovertime ako. Dinalhan nya ako ng coffee maker sa opisina, at ipinagtitimpla ng kape. Alam nya na paborito ko ang Mojo Potato sa Shakey's. Alam nya din na paborito ko ang white roses at laging meron ako nun sa desk ko galing sa kanya. Sige na nga! I feel for her baked goodies! Pinagluluto kasi nya ako lagi at binebake ng kung anu-ano. Ansarap nya kasi gumawa ng fudge brownies eh! Hehehehe...


Like all my girlfriends, alam nya na bisexual ako. Nahihirapan ako mag girlfriend kasi nga, pag babae sobra magselos. Pag natingin ka sa babae, selos. Pagnatingin ka sa lalaki, selos din! Naknamputcha! Sya lang, sa lahat ng girlfriend ko ang ibang klase mag selos. Ayos lang sa kanya na charingin ako ng lalaki basta wag lang ako kakagat. Pero pag babae na ang paguusapan, maghahalo ang balat sa tinalupan. Sabi nya, pag lalaki lang ang kalaban, lampaso. Pero pag babae, katayin na bago pa makaporma. Nung naghiwalay kami, after almost two years together, she extracted a very "My Bestfriend's Wedding" promise from me. Pinagpromise nya ako na pag umabot kami ng edad na 35 at wala pang mga significant others, kami na lang ang magpapakasal.
Hindi ko maalala kung pano nya ako napapayag sa ganun, when I even do not make friends with my exes.

Now she is getting married and she invited me. Sabi ni ateng YJ sa usapan namin sa YM, baka nga may pagtingin pa si Julianne sa akin. Baka nga naman coincidence lang na ang motiff ng kasal nila, yun din ang motiff na dati na namin napagkasunduan nung kami pa. Baby Pink at Mint Green. Whew! Nahirapan ako mag decide talaga kung pupunta or not. In the end, nanaig pa rin ang paniniwala ko sa pagmamahal. I should be happy for her. Hopefully, she has found love to last her a lifetime. Sige na nga! Tutal, most of our common friends will be attending din eh. Isyu pa yan kung ako lang ang wala. Buti na lang hindi ako kasali sa entourage.

Now I have a different dilemma, and I need help, Batchoyan Denizens. Problema ko ngayon ang isusuot ko. Technically, hindi problema na wala akong isusuot. The last time na nag Manila kasi ako, nagpasama ako kay Charmita sa Baclaran para mamili ng mga Barongs at binili ko na halos lahat ng kulay na meron. Kung may budget pa nga ako, malamang nakabili na rin ako ng mga Pinya na Barong. Kaso mo, mahal, at kakapusin ako ng pera. Ang problema ko, dahil meorn ako both Mint Green at Baby Pink na barong kaya I'm caught between wearing this -


Mint Green Frosted Organza Barong with Pink Thai Silk "Sablay"


Or this -


Baby Pink Frosted Organza Barong with Green Afghan "Sablay"

Wag na magtanong kumbakit kailangang may sablay. Basta! Help me out na lang kung alin sa dalawa ang isusuot ko....

Help me out! Please?

Photo Credits:

http://profile.myspace.com/index.cfm?fuseaction=user.viewprofile&friendID=116586309
http://www.dickblick.com/products/spartan-trophy-case/
http://www.tiskit-a-taskit.com/cgi-bin/store.cgi?&shop=city&cart=75903169x329&session=453693f3014930c1&L=eng&P=muffins
http://www.funnyfreepics.com/postcard.php?funny=323

TRANSPORMERS: DOBOL JOB Poem #3


Poem #3 in my TRANSPORMERS: DOBOL JOB folio, for submission to the UPV Sentro Ng Wikang Filipino publication. Enjoy!



Masahe Dala Putspa sa Bora
Ni Luis Batchoy
Salamat kay manding Lagring,

Kay ako nangin sagad sagad,
Sa paghuluhapulas lawas naging maanting,

Sa pag pangmasahe dala putspa, nangin mayad.


Diri sa isla, dapat mahugod.

Basta makwartahan, sudlan kag tistingan.

Indi ka magutman basta nagakayod.

Diri sa paraiso, diskarte ang kinahanglan.

Ang pagpulupisga ka lawas, namiun gid dapat.

Himasun kag tunawon ang kakapoy sang imo kliyente.

Kay kung madab-ot nya ang himaya nga sampat,

Daku ang 'tip' nila, kapin pa porener nga galante.


Kabay unta mag parehos man ako kay manding Lagring,

Nga pinaka hangkilan sa pag masahe dala putspa.

"Yor so gud," siling ka porener sa iya, "Ay labet darling!"

Gani tuya na, ginbulakwit na tana pa Awstralya.



Masahe Kasama na Putspa Sa Bora
Ni Luis Batchoy

Salamat kay tiya Lagring,

Dahil ako ay naging napakagaling,
Sa paghahaplos ng katawan naging maanting,

Sa pagmamsahe na may kasamang putspa, humusay.


Dito sa isla, dapat masipag ka.

Basta kapeperahan, pasukin at subukan.
Hindi ka magugutom basta't kumakayod.
Dito sa paraiso, diskarte ang kinakailangan.

Ang pagpipisil ng katawan, galingan dapat.

Himasin at tunawin ang pagod ng 'yong kliyente.
Dahil pag naabot nya ang sukdulang kaluwalhatian,
Malaki ang 'tip' nila, lalo na't porener.


Harinawa'y matulad din ako kay tiya Lagring,

Na pinakamagaling sa pagmamasaheng may kasamang pustpa.

"Yor so gud," sabi ng porener sa kanya, "Ay labet darling."
Kaya hayun at binitbit na sya papuntang Awstralya.

Photo Credits:

http://cybertronplanet.net/
http://www.kriyayoga.com/philippines/boracay/boracay.html
http://filipinolifeinpictures.wordpress.com/2008/09/16/

TRANSPORMERS: DOBOL JOB Poem #2


Here's poem #2 for the UPV Sentro Ng Wikang Filipino folio, for my collection TRANSPORMERS:DOBOL JOB. Watchathink?




Bingka Mo 'Day
Ni Luis Batchoy

Bingka mo 'day, bakal na.
Bag-ong bak-it, mainit-init pa.

Itik-itikun gid ang imo panagamsam,

Sang iyang kalum-ok kag kananam.


Ginbagahan sa idalum, ginbagahan sa ibabaw,

Sa kanamit sini, ikaw magalutaw.

May banilya ang makulukid-ol nga lubi,

Pagbakal na 'sangka puyo kag tilawi.


Ang nakatilaw sini, nagakadimat,

Ginapangita-ngita ang kanyam-is-alat.

Madahug gani kag gina balik-balikan,
Ang bingka ko, diri sa tubang simbahan.


Bisan ipamangkot mo pa sa imo nobyo.

Suki ko ina sya, kag madugay na nga parukyano.

May pagkadahak dahak gani ina sa, mabudlay punggan,

Baw, gani, bingka mo ya 'day, halung halungan.





Bibingka Mo 'Day
Ni Luis Batchoy

Bibingka kayo, 'day, bili na.

Bagong luto, mainit-init pa.

Kikilitiin talaga ang yong panlasa,

Ng lambot at linamnam nito.


Pinabagahan sa ilalim, pinabagahan sa ibabaw,

Sa sarap nito, lulutang ka.

May banilya ang makulukid-ol na buko,

Bili ka ng 'sambalot at subukan.

Ang nakakain nito, nagaka dimat,
Hinahanap hanap ang tamis-alat.
Mabenta nga at binabalik-balikan,

Ang aking bibingka, dito sa harap ng simbahan.


Kahit itanong mo pa sa'yong nobyo.

Na suki ko at matagl nang parukyano.

May pagkamasiba nga yan at mahirap pigilan,

Kaya, naku, ang bibingka mo, 'day, pakaingat ingatan!


Photo Credits:

http://www.teesforall.com
http://www.dipologcity.com

Sunday, February 22, 2009

TRANSPORMERS:DOBOL JOB Poem #1



Whew! It's a good thing that I am not in a muck right now. The ever "TRUSTED" and "RELIABLE" Globe broadband went down for a whole day yesterday, after almost a week of failing and erratic connections. Due to a time off online, I had no choice but to be disconnected for a while. I went out for some brew and to brew some in my head to finish the collection. I have a working folio now, and I finished writing drafts of the poems. The collection is entitled TRANSPORMERS:DOBOL JOB! Go figure! Hehehehe. Here is one of them.





Ang Manikyurista
Ni Luis Batchoy

Si Patring manikyurista,
Huguran nga babayinha.
Sa iya ka karawkawan kag kahangkilan,
May pat-ud gid nga kasulhayan.

Imo kuko kiskisan kag tinluan,
Pahiningun dayun barnisan.
Kung linukitay lang ingron ang pagasturyahan,
Si Patring, indi gid malabawan.

Kung indi ka mag pati, pamatud-i.
Sagapa sya didto sa terminal ka bus pa Antique.
Didto sya nagapamulya, hingaliti,
Kag para makasigurado, panimpranuhi.

Kay samtang mapawa pa, ikaw manikyuran,
Syempre kay paglikom dulom, budlay na nga mamurutan.
Si Patring manuglukit, manikyurista kung aga.
Kung gab-i, si Patricia naman ang gapalukit, pandugang sa binta.


Ang Manikyurista
Ni Luis Batchoy

Si Patring manikyurista,
Masipag na babae.
Sa kanyang pagkakarawkawan at galing,
May tiyak na ginhawa.

Ang iyong kuko ay kikiskisan at lilinisin
Pakikintabin pagkatapos ay babarnisan.
Kung kalikutan lang ng ingron ang paguusapan,
Si Patring, di mahihigitan.

Kung ayaw mong maniwala, patunayan.
Hanapin mo sya dun sa terminal ng bus pa Antique.
Dun sya naglalagi, hingaliti
At para makasiguro, aga agahan.

Dahil habang maliwanag pa, ikaw ay mamanikyuran
Syempre pagkagat ng dilim, mahirap na makita.
Si Patrin manikurista, mangangalikot kung umaga.
Kung gabi, si Patricia naman ang nagpapakalikot, pandagdag kita.

Photo Credits:

http://www.dan-dare.org/FreeFun/Games/CartoonsMoviesTV/Transformers.htm
http://flickr.com/photos/78143499@N00/2855980774/
http://www.on24info.info/kraj-tl-show-Manikurista

Friday, February 20, 2009

Why Silent


I have not updated my blog for quite some time now. Its not that there is nothing to post about. On the contrary, there are a lot of things going on around now, and for someone who is supposedly on sabbatical, there's still much that whirl about.

For now, maybe as some sort of a blogpost check list, here are a few things that the Batchoy Man is contending with, and perhaps, will make a blogpost on, sooner or soonest.

First: A long time ex girlfriend is tying the knot, and for whatever cruel reasons, she personally invited me to witness how some guy is gonna be something I can never be. I'm still in a quandary whether to go or not. YJ alam mo to! Huwell...

Second: A very forward, aggressive, makulit and uber idealistic guy is acing like he owns me; just because I said yes to a one-time post valentine coffee date with him. The problem? He is a kid! 17 year old for crying out loud! Do I hear anyone shout craddle snatching? Worse... statutory rape? Oh, God (Republic Act 9344) forbid!

Third: Over the edge excitment, with a capital X! I am damn looking forward to my mini-break, cum pre-birthday gift, cum eheads nostalgia, cum eyeball with some bloggers, cum.... cum to cum! Ching! MANELA, Manela! I can't wait to get to manela! Hehehehe... YJ ang tickets ha!

Fourth: Speaking of Birthday's I am also in a rut whether to dish out the usual themed birthday bash, just go out with friends, take time off and do a silent day, or splurge for a trip outside the country for my natal day. I know that my friends look forward to my annual themed bash, and I don't want to disappoint. After all, this will be my big third cycle! Oh what to do!

Fifth: The UP Visayas Sentro ng Wikang Filipino, together with the Humanities Department, is coming up with a literary publication. I am being asked to send a submission. I will have to come up with a Folio of three to five Hiligaynon poems that has social relevance. I am not big on "labels" with my poems. I consider me pedestrian and commonplace when it comes to writing, but every so often, I try these "big" stuff on for size when writing my poems. I do have pieces or two ready in my corpus, but I reckon I would like to write a coordinated collection of fresh poems for this. Thus! I write. Yes! It has a deadline. March 8. Oh well...

All these, and I am on sabbatical! Hehehehe! Well then, maybe later I will compose a proper entry for one of those above mentioned concerns, but for now, I gotta have my coffee... Meanwhile, Batchoyan Denizens, enjoy this track. Not that I am in love though... it's just a Friday so... Cheerios!




PS: Saturday na pala... oh well

Photo Credits:

http://lostempireslivingtribes.blogspot.com

Monday, February 16, 2009

Daray-ahan

Of the many earthly delights that Boracay has to offer, this tops my list: A venue for poetry. But of course! The poetry inducing sand and sea; the hot scorching sun and the eternal blue skies by day; the cool moonlit evenings; these are fodder for poetry. Here's one of the many recent poems I wrote, while in the island that is poetry in itself. Enjoy




Daray-ahan
Ni Luis Batchoy

Doy, ga dali ka gid?
Updi ko di danay bala.
Inguri ko di sa maputi nga daray-ahan.
Ang imo mapagros nga pang giho

Naga uluitik gid sa akun paminsarun

Daw sa mga makulit nga balud
Sa pag dilap kag pagtulutuhil
Sang balas sa hunasan.


Pabay-an ta nga dupuy dupuyon kita,

Sang hapulas sang habagat.

Kung hinali man nga magbalusbos gulpi,

Ang hangin sang wala'y kapat-uran,

May sagang kag salandigan

Sa imo malapad nga dughan.

Magahakus kag magapangapin sa akon

Agud dili mapalid o mapukan sa pagka wara't sayud.


Pulupantaw-pantawun ta ang kahawaan,
Sa pagbatyag sang kasulhay sa kapanganuran.

Hinali man nga limbungan ang adlaw

Sang mga alupuok sang kaluibon,

Handurawon ko ang kapawa , Doy,

Sa imo maambong nga pungyahon.
Ang kasingkal sang himpit paghirup
Among magatabug sa malamig nga pag pangduha duha.


Mapautaw utaw kuntani kita
Sa mabugnaw kag esmeralda nga tubig

Bisan pa gulpi mag taas ang balud
Sang dili mapulong nga kasakit

May kaluwasan nga mapangyaputan

Sa imo makusog nga mga butkon.

Agud dili malumos sa maparat nga dagat

Kag magapayam-is sang maagrot nga kalisdanan

Bantayan ta ang pagtunod sang adlaw

Sa dagat nga wala'y katubtuban

Kag kung gulpi man mag kunop ang kagab-ihon

Sang madulom nga kahadlok kag kakugmat

Gilayon man masagap kag masalapuan

Ang iwag sang nagaililigpat nga mga bituon

Sa yuhum mo nga langitnon.

Nga maga papawa sa kadulom sang pagpangasubo.



Doy, gadali ka gid?

Updi ko di danay bala.

Inguri ko di sa maputi nga daray-ahan
Sang pag pangisahanun.
Kung naga dali ka gid,

Ti kung mahimo lang,

Dalha na lang ako upod sa imo

Dira sa daray-ahan sang imo paghigugma.



Dalampasigan
Ni Luis Batchoy

Doy, nagmamadali ka ba?
Samahan mo muna ako dito.

Tabihan mo ko dito sa maputing dalampasigan.

Ang iyong bruskong galaw

Ay nangingiliti sa aking isipan

Parang makukulit na alon
Sa pagdila at pag kalikot

Ng mga butil sa buhanginan.


Hayaan nating ugoy-uguyin tayo
Ng haplos ng habagat.

Kung sakali mang humagupit bigla

Ang hangin ng kawalang katiyakan

May panangga at sandigan
Sa malapad mong dibdib.

Yayakap at magtatanggol sa akin
Upang di mailipad o matumba sa kawalang saysay.

Titingala tingalain natin ang himpapawid,
Sa pagdama ng kaginhawaan sa mga kaulapan.
Bigla mang matakpan ang araw

Ng mga ulap ng kataksilan,

Aalalahanin ko ang liwanag, Doy,

Sa iyong makisig na mukha.

Ang paglalagablab ng himpit na pagirog

Ang syang magtataboy sa malamig na pagdududa.


Magpapalutang lutang sana tayo
Sa mahalumigmig at esmeraldang tubig

Kahit pa biglang tumaas ang alon

Ng di mawaring pasakit

May kaligtasang makakapitan

Sa iyong malakas na mga bisig.

Upang di malunod sa maalat na dagat

At mapapatamis ang mapaklang kalisdanan.


Babantayan natin ang paglubog ng araw

Sa dagat na walang hangganan

At kung bigla mang kumutan ng gabi

Ng madilim na takot at kilabot

Agaran namang mahahanap at masusumpungan

Ang liwanag ng nagkikislapang mga bituin

Sa mala langit mong ngiti.

Na iilaw sa kadiliman ng kalungkutan.


Doy, nagmamadali ka ba?
Samahan mo muna ako dito.
Tabihan mo ko dito sa maputing dalampasigan
Ng pagiisa
Kung nag mamadali ka talaga

Sana, kung maaari lamang,
Dalhin mo na lang ako at isama sa yo,

Dyan sa dalampasigan ng iyong pagmamahal.


Photo Credits:

http://aria-beetle.blogspot.com/2004/12/hearts-along-shore.html
http://picasaweb.google.com/lh/photo/Y9zi7mSjAlWnZAZCpVGplg

Sunday, February 15, 2009

That was it


The Balentayms has come and gone, and that was it.

I am not an anti-valentine grouch. I am one in the universal celebration of love, no matter what they say, that it is an uber commercialized affair or whatever. I still believe in celebrating love. In a world where relationships come a dime a dozen; where loving within a committed relationship has slowly become and exception instead of the rule; where instant gratification is the order of the day; and where the word love is oftentimes thrown in to get everything, being in a committed and fulfilling relationship is something worth celebrating.

On the flip side, some loveless people would rather celebrate this day as Singles Awarness Day. This is all I have to say to this: Singles Awareness Day, indeed! It is on this day, when you are aware of how single you are. As in, painfully aware! Hehehehe... To all the singles who are aware of their singledom, Happy Singles Awareness Day to you too...


Now that the balenstayms day is over and done with, I happily got back home with my "Double Grand Slam" award for being dateless for the past six valentines day! Hehehehe...

I planned to post some of the pictures in my flash vacay in Bora, but will do that later. Meanwhile, here is my favorite shot, which will be my profile pic henceforth!


Scared? Hehehehe


Kumbakit may pool sa isang islang may napakagandang dagat, escapes me!

Photo Credits:

http://www.dzr-web.com/people/darren/blog/2006/02/
http://www.lakewoodconferences.com/

Saturday, February 14, 2009

It's a date

PRESCRIPT: Please see latest blog entry for an explanation regarding this entry.

I will be out for a little night of romance and music.

Weeks earlier, my good friend Rhea, a co-editor in the College Press Conference sent me an announcement. She's helping out bunch of talented young ones promote themselves and their music. They're the Iloilo Youth Orchestra. When my kafe was still in business, she promised that one time, we will hold a concert of sorts with the kids in the kafe.

*NOTE: The promise was no more than a referral to invite IYO to perform in my cafe. In no way did Rhea misrepresent herself as a representative of the group and nothing definitive was 'promised'. She merely suggested if I wanted to invite the kids for a performance in my cafe, to which I positively responded, but it never came to pass. I apologize for any misunderstanding caused by this statement.

This time, IYO has a Valentine dinner concert at the UPV. I bought a ticket for this, and it's a date. Read about IYO here.


I'm all set for that Valentine dinner date. Nothing beats having a good night of music, good food, and extending a helping hand for the arts as well. Oh, and Rhea is a bit "teasy" with my sitting arrangements. Turns out that most people who bought tickets for the dinner concert are, shall we say, "romantically challenged". She said I just might find myself next to someone who has always wanted to talk to me about my writings. She also told me to bring a love poem that I wrote. I might just be asked to read one or two. She reminded me to spray on a little whiff for roamce, and not to forget my pen. Pun intended. Hmmm... dinner with a fan? Well see... For now, it's date.

P.S: One other friend, Rex has also invited me overr to his friend's shindig at another place nuch later in the evening. We'll see if fan boy gets to tag along. Now let's see...

Gorgeous clothes, check!
Really Nice Pants: Check!
Suave Shoes: Check!
Whiff of Romance: Check!
Love Poems: Check!
Pen: Double Check!
A night of romance, music and endless possibilities: Double Check!

HAPPY VALENTINES Y'ALL!