Tuesday, February 10, 2009

Da Search

Nagbabasa basa ako ng mga blogs sa listahan ko at halos 80% ay tumatalakay sa Balentayms o ang walang hangganang paghahanap ng pagibig or samting to dat epek!

Kasi nga naman, mailap ang pag ibig sa mga naghahanap nito. Marami ring nagsasabing hindi dapat ito hinahanap at kusa na lang matatagpuan. Hindi ako sang ayon. Hehehehe

Naniniwala ako sa "participative governance!" Etchos! Sabihin na lang natin na maswerte ka nga pag nahanap mo nga yung pagkailap ilap na pag ibig na yan na wala kang ginawa kundi mag maganda. Kailangang makialam, at maging vigilant ka din sa paghahanap na yan. Sabi ko dati, sige nga, sa bahay ka nga lang at wag kang lumabas at mag effort na mahanap sya, tingnan lang natin kung mahahanap mo sya! Muntik na masupalpal yun, nung ianunsyo ng pinsan ko na magpapakasal na sya sa jowa nya! Kasi nga naman, sa bahay mismo ni dear cousin nakilala ang kanyang papachu! Paano, tumanggap si tita ng boarders kaya ayun, nagkainlaban si kazin dear at ang isang male boarder nila. Nasa bahay nga lang naman siya di ba? Pero wag ka, tama pa rin ako. Hindi naman wala lang ginawa si kazin at nag maganda lang! Di naman literal na "sitting pretty" lang sya. Syempre pa, lumandi din naman ang gaga no! Participative Governance yun!

Ito ang naiisip kong mga teyorya tungkol jan sa Finding that One True Thing na yan!

1. Mahirap naman talaga mahanap yan eh. Imagine, ilang bilyon ang dami ng tao sa buong mundo, and all you need is one, just one! Oh, what are the odds! Mahirap nga naman talaga di ba? Kaya wag mag reklamo... hanap lang ng hanap!

2. Mas mabilis magkakitaan kung parehong hinahanap nyo ang isa't isa. It doubles the chances against the odds di ba?

3. Kailangan ko syang mahanap, kasi nga, kawawa naman sya kung hindi nya ako mahanap. Magiging malungkot sya buong buhay nya. Di ba? Di ba? Hehehehe

4. Sabi ng Dunkin Donuts it's worth the trip! Parang ganun! Getting there is half the fun. Tapos me linya pang, the harder the sacrifice the sweeter the victory. Ganun? Oo nga naman. Buti na lang hard ako. Kaya sweet ako. So far, wala pang nag rereklamo sa departamentong yan. Hehehehehe.

5. Realidad: May mga taong namamatay na malungkot. May mga taong namamatay na hindi nahahanap ang isang dakilang pag ibig na yun! Therefore, hanap lang ng hanap. Kung makamatayan man ang pag hahanap, at least, naghanap!

6. Love is a choice. We choose, not because we have to, but because we want to. Kaya nga sya desisyon. Naniniwala ako na ang tao, pag talagang desidido, kahit pa yan harangan ng sambatalyong tukso, malalagpasan at malalagpasan nya, kung talagang nakapagdesisyon na talaga sya na ikaw lang talaga ang para sa kanya, at sya lang talaga ang para sa yo! CHORVA!

7. Law of Supply and demand. Dahil malaki ang demand, natural lang na bababa ang supply. Parang bigas lang.

8. Speaking of bigas or the market scene, flooded kasi ngayon ang market ng low level commodities eh. Malaki at nag uumapaw ang supply ng mga taong panandaliang aliw lang ang kaya o gustong ibigay. Pasasaan ba at maglilikas din ang mga yan para mag iba ng kalakal. Mapapagod din sila kakapagpapakarne. Hehehehe.

9. Ito isa sa mga paborito kong saying "You may not always get what you want, you may not even get what you need, but you will surely get what you deserve!" Therefore, deserve me! Chos!

10. Sabi ni lola Basia, it's a matter of Time and Tide! Letcheng Surf kasi! Hehehehehe....

Actually, ito lang yun eh... sabi nga ng kanta, Don't stop looking for love, it can be found in the strangest places... Sige mamya check ko sa kumedor, baka andun lang sya! Ang tutoo naman nyan kasi, as if my choice ako... hahanapin at hahanapin talaga yang love na yan eh. Nasa pangatlong rank kaya yan ng Heirarchy of Needs ni lolo Maslow.

At bilang pag wawakas, narito ang isang awiting babagay sa mga tulad ko na naghahanap pa rin ng wagas, tutoo at dalisay na pag ibig. Kahit pa sabi ng kaibigan ko na sa mga panahon ngayon, suka na lang daw ang dalisay! Enjoy!





Eto Lyrics kung feel mag sing along

Don't Stop Looking for Love
Boyzone

Been so long since I found someone
You came as some surprise
But I knew you were meant for me
When I looked into your eyes
So beautiful and strong
Boy where did you come from
As life passed me by
You fell from the sky
And I could hear you say

Dont stop looking for love
It can be found
In the strangest places
Just when youve given up
Along comes a miracle
That turns your life around
So dont stop, looking for love

Walking around with my head hanging
Down, I felt so all alone
And your love seemd miles away
I was a heart without a home
A woman in the rain
You took the clouds away
Now bright as the sun
Our love has begun
And I could hear you say...

Chorus

Suddenly my dream had
Come and rescued me
I cant believe I finally reached the day
Now I can say...

Chorus to fade

Alam ko revival lang tong sa Boyzone eh, kaya lang di ko mahanap yung original singer kaya ito na lang muna. Basta! In the long run, China will win! Chos! Happy Monday, Batchoy Denizens!

1 comment:

Yj said...

oo ngah.... suwerte nga mahirap dumating ng kusa.... pag-ibig pa?