Thursday, February 26, 2009

Kakang Gata #1

Kanina nag basa ako ng mga blog entries sa aking blog roll.
Ka abang abang at kapanapanabik lalo ang mga maromansang kwento ni Aris at ang kanyang pakikipagsapalaran sa pag hahanap ng gata, este, tunay at wagas na pag ibig. Naantig ako ssa kanyang pinaka huling paglalahad. Basahin ang buong paglalahad niya dito. Habang nagbabasa ako, ginugutom ako, kasi pagkain at lutuan ang tinatalakay. Nakaka imbey lang ang co-star sa eksena, at ang kesong sawntrak ng eksena. Pero lahat ay nakalimutan ko at ang inis ay napalitan ng walang pagsisidlang tuwa ng ma enkawnter ko ang linyang to:

"Pagkatapos kong maitabi ang kakang-gata, piniga kong muli ang niyog sa ikalawang pagkakataon. Hindi na puro ang nakatas kong gata. Parang pagmamahal na inaalok sa akin ni C, malabnaw na."

SWAK! Ang ganda ganda ng metaporang ito! Pagkaganda gandang Poetic Imaging and Rendering! Shet! Nanayo ang balahibo ko sa matulaing prosa ni Aris. Wala na! Nawala na ako. Naglakabay na ang diwa ko akay akay ng aking Hiraya! Nung bumalik ako sa lupa, naipangako ko na gagawan ko ng tula ito. Nagpaalam ako kay Aris kasi sya ang unang nakaisip nito. Pumayag naman sya.

Yun nga lang kasi, sawi ang puso ng panulaan ko. Iilang tula ng pag ibig pa lang ang naisusulat ko na masaya at maliwanag ang mundo. Pag umiibig ako at masaya, hindi ako nakakagawa ng tulang sa palagay ko ay maganda. Laging sawi at luhaan ang mga tula ng pag ibig na nanggagaling sa aking puso. Bakit kaya ganun? I can not write a happy love poem. Laging love unrequited o love lost ang tema ng mga love poems ko. Kaya hayan, sawing pag-ibig na naman ang naisulat, o nakatas ko sa kakang gata ni Aris. Nakadalawang tula ako gamit ang metapora ng kakang gata. Heto ang una.

Aris para sa yo to! Sana magustuhan mo!


Kakang Gata
(Matapos mabasa ang sinulat ni Aris sa kanyang blog)
Ni Luis Batchoy

Kinudkod ng pinong pino
Na parang niyog
Na nginudngod ngudngod
At ikinaskas kaskas
Ang puso ko
Sa kudkurang kinakalawang
Ng kasinungalingan
Pagkukunwari at panlilinlang.
Nilapirot at kinuyu-kuyumos
At ubos lakas
Na piniga piga
Upang makatas
Ang kahulihuliang patak
Ng kakang gata
Ang aking pag-ibig
Isipin ko na lang
Kahit papano naman
May masarap na ulam
Na nailuto dahil sa aking
Pagbibigay at hinagpis
At kahit pa piga-pigaing muli
Ang lamog lamog ko nang puso
Ay hinding hindi na muling
Matitikman
Ang linamanam
Ng purong purong
Kakang gata
Ng wagas na pagmamahal
At sa huli
Ay lalabnaw din naman
Pati ang aking
Mga luha.

Photo Credits:

http://www.productwiki.com/coconut-cream-flavored-coffee/
http://flickr.com/photos/wbelmonte/2186632660/

3 comments:

Aris said...

omg, sobra ka naman, luis. isang napakalaking karangalan na ma-appreciate mo ang sinulat ko.

napakaganda ng ginawa mong tula. bow na bow ako.

*hindi ako karapat-dapat.* :)

Yj said...

basahin ko nga ulit toh sa ibang pagkakataon... sobrang ganda nga ng mga linya ni Aris at bonggang bongga ang tula... pero "GATA"!!!

hihihihi tag-libog lang siguro ako... hahahahaha

Luis Batchoy said...

Aris: salamat sa yo, nabuhay ang aking hiraya

yj: pareho tayong malibog