Monday, February 23, 2009

My (fill in the blank)'s Wedding


Taking a break from posting my poetry, let me tackle one of the issues troubling me nowadays. As I have already mentioned sa isang naunag blog post ko, I'm at a loss and I find it difficult to make a decision tungkol dito. Inimbitahan kasi ako personally ng isa kong ex girlfriend sa kanyang kasal at the end of this month. Hmmm... a bit of backtracking is required perhaps so here goes...

Itago na lang natin sya sa pangalang Julianne. Nakilala ko si Julianne sa isang College Press Conference way back nung nasa college pa ako, at Editor-In-Chief ng aming school publication. Editor din sya ng isang pub din. Sila kasi yung grupo from the perennial winner sa Press Awards na yun. Ang school pub naman namin ang laging di pinapansin. Ang crush ko sa grupo nila aktwali yung isang co-editor nila. Tawagin na lang natin sya sa pangalang Amanda. Maganda si Amanda. Mukhang matalino, mabait, at well manered. Kapag meal times, magkaharap kami ng grupo nila. Titingin tingin syempre ako kay Amanda. Deadma naman ang lola. Elite group nga naman kasi sila di ba? Tapos parang nakakainsulto pa sila kung magtatawa.


Nung nag aawarding na, naipanalo ko halos lahat ng mga events na kasali ako. Pati, ang magazine namin nanalo ng napakadaming awards, including Best Lay-Out, Best Cover Design. Ang pet page ko, nanalo din as Best Literary Page. Hakot awards talaga kami nung taon na yon. Pati mga sulat ko panalo din sa Best Editorial at BestColumn Page. Hindi kataka taka na kami din ang nanalo ng Best Magazine.

Pagkatapos ng sangkatutak na awards, syempre pa, lapitan na ang lahat to ask for a copy. Ipinatago ko na kasi sa editors ko yung kopya namin kasi wala nga naman halos interesado kumuha nun earlier eh. Sa pagkakabilang ko, isa lang yata nabawas sa nakadisplay. Sabi ko, wala na kaming dalang kopya. Belat nyo. Kahit si Amanda, tinikis ko talagang di bigyan ng kopya. Ang yayabang nyo kasi eh. Sa sobrang curios nila malaman kung bakit andaming pinanalo ang magazine namin, kanya kanyang diskarte makakuha ng kopya ng magazine namin that night sa fellowhip dinner. May nang eetchos, may namumuri kuno, at kung anu-ano pa. Sina Amanda, nagpadala ng emissaries nila. Yung unang pinadala, si George. Gwapo. Pero saksakan ng yabang. Failed ang mission ng Emissary. Wala syang nakuhang kopya from me, kahit gwapo sya at magaling chumaring. Neknek mo. Si Julianne ang second try nila.

Julianne: Hi. Congratulations on your personal awards, and the magazine's awards too. I know you are up to no BS so I'm gonna be straight with you. Can I have your number?
Me: Why? You want a copy of our magazine?
Julianne: Yes and No. Yes I want a copy because that's what Amanda and my group sent me here for, and no, not really. I want a date with you that's why I agreed to come over and talk to you.
Me: Hmmm... I can only say yes to one request. Choose carefully.

Bigla syang sumenyas na kwayet lang daw ako, tapos, labas daw muna kami sa terrace ng hotel, may ipapakita lang sya sa akin. Nung nasa labas na kami, nagyosi na din ako. She got from her purse a folded copy of a magazine.

Me: So, it was you who got that copy na nabawas sa mag namin. I like your style!
Julianne: Is my choice obvious? Now, your number please...


Sapul! Naknamputcha! Weakness ko yun... Women who know what they want and how to get it!
To make the long story short, nakipagdate ako sa kanya. Sinabi nya na pag meals daw, kaya sila nagtatawa dahil ang kyut ko daw kumain. Lalo na nung Rocky Road ice cream ang iniserve na dessert. To make the long story short, nagdate nga kami, and one thing lead to another. Aaminin ko, first time ko maligawan ng babae. Yes, you read it right. Sya ang nanligaw sa akin.

Masarap naman pala maligawan ng babae eh. Pinupuntahan nya ako sa pub office sa school, lalo na pag nag oovertime ako. Dinalhan nya ako ng coffee maker sa opisina, at ipinagtitimpla ng kape. Alam nya na paborito ko ang Mojo Potato sa Shakey's. Alam nya din na paborito ko ang white roses at laging meron ako nun sa desk ko galing sa kanya. Sige na nga! I feel for her baked goodies! Pinagluluto kasi nya ako lagi at binebake ng kung anu-ano. Ansarap nya kasi gumawa ng fudge brownies eh! Hehehehe...


Like all my girlfriends, alam nya na bisexual ako. Nahihirapan ako mag girlfriend kasi nga, pag babae sobra magselos. Pag natingin ka sa babae, selos. Pagnatingin ka sa lalaki, selos din! Naknamputcha! Sya lang, sa lahat ng girlfriend ko ang ibang klase mag selos. Ayos lang sa kanya na charingin ako ng lalaki basta wag lang ako kakagat. Pero pag babae na ang paguusapan, maghahalo ang balat sa tinalupan. Sabi nya, pag lalaki lang ang kalaban, lampaso. Pero pag babae, katayin na bago pa makaporma. Nung naghiwalay kami, after almost two years together, she extracted a very "My Bestfriend's Wedding" promise from me. Pinagpromise nya ako na pag umabot kami ng edad na 35 at wala pang mga significant others, kami na lang ang magpapakasal.
Hindi ko maalala kung pano nya ako napapayag sa ganun, when I even do not make friends with my exes.

Now she is getting married and she invited me. Sabi ni ateng YJ sa usapan namin sa YM, baka nga may pagtingin pa si Julianne sa akin. Baka nga naman coincidence lang na ang motiff ng kasal nila, yun din ang motiff na dati na namin napagkasunduan nung kami pa. Baby Pink at Mint Green. Whew! Nahirapan ako mag decide talaga kung pupunta or not. In the end, nanaig pa rin ang paniniwala ko sa pagmamahal. I should be happy for her. Hopefully, she has found love to last her a lifetime. Sige na nga! Tutal, most of our common friends will be attending din eh. Isyu pa yan kung ako lang ang wala. Buti na lang hindi ako kasali sa entourage.

Now I have a different dilemma, and I need help, Batchoyan Denizens. Problema ko ngayon ang isusuot ko. Technically, hindi problema na wala akong isusuot. The last time na nag Manila kasi ako, nagpasama ako kay Charmita sa Baclaran para mamili ng mga Barongs at binili ko na halos lahat ng kulay na meron. Kung may budget pa nga ako, malamang nakabili na rin ako ng mga Pinya na Barong. Kaso mo, mahal, at kakapusin ako ng pera. Ang problema ko, dahil meorn ako both Mint Green at Baby Pink na barong kaya I'm caught between wearing this -


Mint Green Frosted Organza Barong with Pink Thai Silk "Sablay"


Or this -


Baby Pink Frosted Organza Barong with Green Afghan "Sablay"

Wag na magtanong kumbakit kailangang may sablay. Basta! Help me out na lang kung alin sa dalawa ang isusuot ko....

Help me out! Please?

Photo Credits:

http://profile.myspace.com/index.cfm?fuseaction=user.viewprofile&friendID=116586309
http://www.dickblick.com/products/spartan-trophy-case/
http://www.tiskit-a-taskit.com/cgi-bin/store.cgi?&shop=city&cart=75903169x329&session=453693f3014930c1&L=eng&P=muffins
http://www.funnyfreepics.com/postcard.php?funny=323

8 comments:

Anonymous said...

whichever barong you choose is okay as it is. wag na lagyan ng "sablay" kasi baka sumablay pa..."less is more". but if you HAVE to bring a "sablay",go for the mint green barong AND mint green shawl.you don't have to wear both color motiff on yourself no.

Luis Batchoy said...

uy welcome back biatch! Na miss kita ah! May point ka! Hmmmm... hindi naman kaya mag mukhang monochromatic?

Anonymous said...

sorry busy gid ka-tama.may point ka rin,go na for mint green n fuschia.

Yj said...

gusto ko mang kiligin sa pagbabasa ng inyong nakaraan, kaso may girl sa eksena... hahahaha CHOZ!!!

anyways i say go for the second set ng sablay mo hehehehehe....

Kape Kanlaon\ said...

so then you can dazzle women. nice!

I personally prefer the green sablaw...pero mas ok siguro pag wala na ang sablay2x..hehe

Abou said...

dati sa college press na yan nakuha namin 1st place best cover design for 2 consecutive years tapos 1st din sa lay-out. wala din pumansin sa amin nung una kasi taga malayong probinsya kami at hindi taga syudad. napanganga na lang ang mga taga iloilo at bacolod dahil pati best magazine nasungkit namin haha.

pero ang pinaka gusto kong recognition sa copre ay nung makuha namin first place sa literary page

u have nice poems by the way

Luis Batchoy said...

yj: green sablay pink barong ang choice mo, korek?

lance: labo naman ng choice... hehehe so its the green sablay, meaning, the pink barong.

abou: hmmm... hula lang... aklan collegian? Pahinging kopya! Anu na vote mo sa barong? Scan the blogs, madami pa jan poems ko na ewan lang. Thanks for liking them.

Abou said...

wag maglagay ng sablay