Thursday, February 5, 2009

Melt With You!

Hay! Ayoko na mag isip ng kung ano ano. Whether scripted ba ito, or whatever pa. I see the love that shines through and the discussion stops there for me. I refuse to see any other thing or have any other reading, over, beyond behind or from wherever front there has to be. Come love like a crashing need, says Pablo Neruda! Indeed!



Kinilig ako at halos mangisay sa mga tagpong to. LOVE IS JOLOGS! AT ANG MAINLAB AY ISANG MALAKING KAJOLOGAN!

I PLEAD GUILTY YOUR HONOR! ISA AKONG MALAKING JOLOGS! HERE'S TO L-O-V-E!

Allow me to repost my poem about love and being jologs!


You Bring Out The Jologs In Me
Ni: Luis Batchoy


I wanna burst,
Into a production number.
Sumigaw to the top of my lungs,
Get, get... get get aaawwww.

When you smile at me,
Feeling panalo ng Sinski sa Wowoweee.
My heart knocks at my ribcage,
Tok, tok, tok, tok, isang milyon pasok.

Pag nag date tayo, dun sa megamol.
Pwede din dyan lang sa kanto.
We'll eat those tusok-tusok, and make sawsaw
Or we'll HHWW sa Baywalk, or emote sa breakwater.

Watch tayo ng sine if you like
Yung bago nila Piolo at Juday
Pwede din tayo mag videoke
Kantahan kita ng thes es the mowment.

In fact, naka unli na nga ako
Forward ko meaning ng I.M.U.S, you want?
Oh my gosh, abelgas, whats this that I'm feeling?
Can't sleep na, kabagang, kakaisip sa yo.

I know that this is so ka-cheapan
But I dont care, labs na yata kita.
You bring out the jologs in me.
Kaya sabihin mo na please kung deal or no deal!

And so, let me reprise that with a little music. Here is a favorite song that say's it in a more "shalan" way.



Pag inlavavoo ka nga naman, kayang kaya mo mag pirouette with matching swishy skirt dava? Sabi nga ni lola Aning Panadero, Sweet love, hear me calling out your name, I feel no shame! Keri keri lang da va! HAYNAX! Make me dance please... Love, come like a crushing need, indeed!

Pahabol: Pinanood ko ng makailang beses muli ang clip nung programa, at napaisip ako... Kaya ko kayang gawin yung ginawa nung contestant? Mukhang OO yata ang sagot ko. More importantly, meron kaya sa mga minahal ko na dati ang kayang ipagsigawan sa buong mundo, sa harap ng madlang tao, on National TV na nagmamahalan kami? Na mahal nya ako? I doubt it very much... tsk tsk tsk! All the more reasons na tama lang na wala na nga kami ng mga hinayupaks na mga yon. Hehehehe... Ikaw? Kaya mo ba?

4 comments:

Gram Math said...

hey this is a nice clip (wowowee) nakaka inlove at nakaka inspire, tnx for posting

[G] said...

i like the poem.

kebs kung jologs, basta may libog.

. said...

Ayos yung poem ah. Sino kaya ang iyong iniirog?

Luis Batchoy said...

@gram: at sinabi mo pa! haynax! Hehehehe

[G]: ahhmmm, love po, hindi libog... chos!

Mugen: wala nga po eh...