Tuesday, February 10, 2009

Sunblock


Nagising ako sa gulo ng mga taong hangos paroo't parito sa bahay. May pinagkakaguluhan at eksayted ang mga tao. Kanya kanya din hanap ng kung ano ano at may sari-sariling pinagkakaabalahan.

Usually, pag naaabutan ko sa bahay si Jean Jovi, sasaluhan nya ako, o di kaya ay sasabayan man lamang sa mesa habang kumakain ako. Chichika na agad ang dalagitang pamangkin ko ng kung anu-ano. Pagkatapos, maya maya, andyan na si Kyle, at mangungulit na ng mangungulit. Pero iba ang eksena kanina. Hindi maawat sa kung anong pinagkakaabalahan. Tinawag ko si Jean Jovi para samahan nya ako habang kumakain. Ewan ko ba. Para sa akin kasi, kung pwede lang, dapat may kasama habang kumakain. Nalulungkot ako kapag kumakaing mag-isa. Kaya kapag may pagkakataon, mas gusto ko na may kasabay kumain.

Tumanggi si Jean Jovi. Lalabas daw kasi at may bibilhin. Tinanong ko kung ano naman ang napakaimportanteng bibilhin nya. Sunblock!


Oo nga naman, at magsu-summer na nga naman, pero nagduda ako. Sunblock? Kaya pala!


Nung una, hindi na sana ako sasama. Sabi kasi ni ate, isang kwarto lang ang na pa reserve nya kasi akala nga nya, tatlo o apat lang silang pupunta. Kinalaunan, sasama na ang buong bayan. Wala na rin daw bakante. Alangan naman magsumiksik din ako dun sa mga kwarto ng mga girls.


Tinanong ko kung saan ang accomodations nila, at nang malaman ko, sinabi kong hindi problema. Madali nang makahanap dun. Hanap na lang ako ng sarili kong kwarto.

Funny lang, kasi kaka comment ko lang sa isang blog na nabasa ko kung paanong hindi ako makarelate sa sobrang excitement ng mga tao pag ang pagpunta dun ang pinaguusapan. Sabi ko kasi, andyan lang yan sa tabi-tabi at pwedeng pwedeng puntahan ano mang oras ko gustuhin. Hindi ko alam na may konek pala sya sa mangyayari soon.

Di bale, madami namang wi-fi spot siguro dun, kaya bibitbitin ko na lang tong laptop, kaya makakapagupdate naman ako ng blog ko sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw na pagkawala ko muna dito sa blog command center sa kwarto ko. Hehehehe.


Maybe this is just what I need to hasten the stirings in my systems; some sun sand and sea. Kaya pagkatapos ko ng blog entry na to, magliligpit na rin ako ng mga gamit ko. Wish me luck. Baka andun lang sya nakaabang sa isla at sabay naming panonoorin ang paglubog ng araw sa walang hangganang dagat! Chos!

Alam mo na kung saan magliliwaliw pansamantala ang magbabatchoy. Kung hindi... ayambot na gid lang sa imo!

Gets mo na?

Photo Credits:

http://www.clipartheaven.com/
http://www.topnews.in/health/
http://www.superlaugh.com/
http://www.flickr.com/
http://www.nomad4ever.com/

3 comments:

Yj said...

wow.... enjoy bora....

ipalasap mo isla ang sarap ng batchoy na orig hehehehe

Aris said...

omg, luis, you're going to boracay?! inggit na inggit ako! punta rin sana ako this month kaya lang umurong ang mga maaarte kong kasama. gusto ko rin magbakasyon!

Reesie said...

ang sarap ng buhay natin ah! pa bora bora lang..