Monday, February 9, 2009

Janina Moment

Nagising ako kahapon, Linggo, na magaan ang pakiramdam. Sa naaalala ko, ito yata ang pinaka magaang gising ko for the longest time. Yung tipong walang problema, walang inaalala, tahimik. Nakangiti akong bumangon sa higaan. Hindi man sya lubusang masayang masaya, pero at the very least, tahimik. Ito yung sinasabi nilang calmness and serenity that comes from within! Etchos!

Matapos kong magsimba, (pakibaba ng kilay, please. Opo nagsisimba po ako) ay naglakad ako papunta ng isang mall. Naglakad lang ako dahil malapit lang naman ito sa pinagsimbahan ko, at dahil nga, sira na naman ang sasakyan ko. Kahit pa ang fact na sira nga yung sasakyan ko ulit, ay hindi ko na nga pinoproblema. Sa halip, naisip kong sumaglit sa isang bentahan ng mga kasangkapan o tools para sa sasakyan, kasi nga, wala akong mga gamit pang emergency, na dapat ay meron akong dala. Hindi naman kinakailangang mamahalin o kumplikadong mga gamit. Yung basic lang na mga screwdrivers, mga hand tools pampalit ng gulong, at mga wrenches. Tumingin tingin ako at napagpasyahan ko na ring personal na asikasuhin ang pag papaayos ng sasakyan ko. Na sanay kasi ako na si little brother ang nangangasiwa sa pag papaayos kapag nag kakaproblema ang sasakyan ko, o di kaya, ang tatay o yung pamangkin ko, o yung boypren ni little sister Shane.

Dumaan ako sa isang kapehan at gaya ng nakagawian, umupo at nagkape kape. Sa kakatext sa kaibigan, nauwi ang kapihan sa pagyayaya sa ibang mga kaibigan na makijoin hanggang lumaki na ang grupo at naging isang masayang pagtitipon tipon. Chikahan ng chikahan at tawanan ng tawanan. Hindi naiwasang pagusapan ang nalalapit na Balentayms. Kanya kanyang chika ang bawat isa. Mula sa Historia De Un Amor ng mga nakaraang Balentayms, hanggang sa mga kapalpakan sa mga naging ka date sa mga nagdaang mga Balentayms, pati na rin ang mga kaplanuhan sa buhay sa nalalapit na Balentayms.

Sa ganang historya de un amor, ang naicontribute ko lang ay ang makabagbag damdaming paglalahad na hindi lang miminsan, kundi tatlong beses ata, kung tama ang bilang ko, na nabreak-up ako balentayms na balentayms. Hehehehe. Sa ganang usapan naman tungkol sa mga nagdaang balentayms, wala akong masyadong maiambag dahil nga, pag nagkataon, mag se-celebrate ako this year ng aking double grand slam. Ibig sabihin, mag aanim na Balentayms na akong walang ka date, yun eh kung tama ulit ang bilang ko. Hehehehe.

Madugo ang usapan tungkol sa nalalapit na Balentayms. Kanya kanyang chorva. Merong magiistay-in at magluluto na lang ng quiet dinner sa bahay bahayan at wag na makisabay sa kachorvahan ng buong mundo. Napakamahal na rin ng bulaklak kaya halos lahat, dedma na sa pagbibigay o pag asang makatanggap ng bulaklak sa balentayms. Dedma na rin halos ang usaping jugjugan sa Balentayms kasi nga punuan halos lahat ng mga motels at drive ins sa araw na yon (sabi nila yan) kaya either "house party" na lang, "advance party" o di kaya'y "rain check" ang moda sa araw na yon.

Yung mga single naman, kanya kanyang etchos. Merong sasama sa group date, mag di-date mag isa, idi-date ang nanay, kapatid, pamangkin, etc etc etc. Meron din namang nagpupumilit humabol sa deadline. Masaya ang huntahan at tawa lang ng tawa. Ika nga ng mga naghuhumabol, mahirap nga talagang makahanap kasi nga daw "ESTEF ANG KOMFITEYSYON!" Kaya nga daw masyadong Freysure na makahanap ng ka date sa Balentayms. Pati nga raw mga ex, at mga flings kinoconsider na at kung di man, last ditch effort, yung mga nagpaparamdam na hindi masyadong feel. Tawa lang ako ng tawa pero syempre pa, hindi maiiwasang matanong naman ako kung ano ang balak ko sa buhay sa araw na yon, at kung me date ba naman ako.

ME: Wala, wala pa akong plano as of now.
Friend1: Bakit, naghahanap pa ng timing na yayain sya?
Me: Sinong sya? Wala. Walang sya!
F2: Oh baka naman naghihintay pa na yayain nya!
Me: Wala ring nya!
F1: So, naghahanap pa?
Me: No... hindi rin! Hindi rin naghahanap.
F2: Naghihintay?
Me: Nope, di rin.
F1: Nagiinarte?
Me: Hahaha! Kelan lang nangyari?
F2: Ay naku! May sakit ka!
Me: At bakit naman nasabi mo yan?
F1: Si hopeless Romantic, Makatang Luis na apo ni Magdalena Jalandoni, walang ka roma-romansa sa utak sa Balentayms? Oh kamon!
Me: Eh sa wala, anong magagawa ko.
F2: Ay nako! Malala, habang kandarapa ang iba, wala lang syang paki.
F1: At sya pa tong me baong linya lagi galing kay Neruda!
Me: Ewan ko nga ba! Basta!
F1: Tumatanda na yata! Hehehehe
Me: Baka nga!
F2: Ay ewan, basta ako, I'm not giving up until the last second tick!
F1: Oo nga naman, where's the fight in you? Di ba nga ikaw tong naniniwala sa LOVE na yan!
F2: To be precise, me nalalaman ka pang " I will always believe in Love!"
F1: At me linya pa yang "For a shot at happiness, everything is worth it!"
F2: Get into the season ano ka ba! Don't you feel any challenge at all? Any pressure? As in dedma lang?
At this point na tawa ako sa naisip kong isagot sa kanila.
F1 and F2: What? Tawa ka ng tawa jan! Ano?

Umayos muna ako ng mukha, pinigilan ang tawa, sabay bitaw ng linyang naisip kong isagot.

"NO! I DON'T FEEL ANY PRESSURE RIGHT NOW!"

Tawanan kaming lahat.

Salamat kay Janina San Miguel!

Pero secret lang natin to ha, Batchoyan Denizens? Sa tutoo lang, gusto ko rin sanang merong ka date sa Valentines eh, kaso lang... My pamily, my pamily! Hehehehehe

Pero seriously, for the longest time, ito na yata ang pinaka magaang araw for me. I swear!

This was really my first pageant ever!

Pero sana nga may makahabol pa! Pag nangyari yun, kahit nag eexpect ako, pramis, I will act surprised. Sasabihin ko...

I did not expect that I came from, I came from one of the tough ten!

Toink!

2 comments:

Jersey said...

hahahahahahahahahahahahaha

yeah! i dont feel any pressure as well....

wish i can spend valentine's with you mmmmmmwah!!!!!

Yj said...

hahaha taray ng arrive ni Janina...