Monday, March 16, 2009

Kriminal

Before I continue with my Manila Escapades, magkukwento muna ako ng mga nangyayari dito sa Batchoy Republic.

Masaya/gulo sa bahay. Umuwi na ang pinaka eldest sister namin kasama ang asawa nya at ang kyuti pie kong pamangking babaeng bunso nila. Namimiss ko man ang dalawang boys hindi sila nakasama kasi may pasok pa at nasa honor's list sila pareho.

Walang humpay na chikahan at balitaan, at shempre pa, dahil ako lang yata ang lalakeng marunong sumayaw at mag ballroom sa bahay na to, Im looking forward na ngaragin ulit. The last time kasi umuwi si ate ay nag ballroom kami, at hindi lang nya miminsang sinabi na gustong gusto nya ang pag papaikot ikot ko sa kanya at pag hahagis hagis sa dance floor.

"Mamayang gabi, kailangan mag ball room ulit tayo. Namimiss ko yun eh. Lalo na yung swing."

"Sige ba, walang problema. Mamaya it is. Gabi gabi naman yata may ball room eh."

"Sige, tawagan ko na din si Chari. Para may kapartner din ang iba." Sabad ni Ate Jinky. Si Chari ang kaibigan nyang baklush na DI.

"Huwag na! Ok na si Luis no! Magaling naman sya at alam naman nya halos lahat ng sayaw eh. Except nga lang Tango."

"Eh marunong naman mag Tango nyan eh. Ayaw nya lang."

" Oo nga, bakit ba ayaw mo mag Tango, Luis."

Quiet ako. Magtatango lang ulit ako sa gabi ng kasal namin ng magiging asawa ko. Such a slow romantic dance... Sheeeshh!

Meanwhile...

Nag uusap kami ni YJ sa Ym. Uy nag ra rhyme. Tinatanong ko sya kung ok yung design na naiisip ko. since mag bi-big 3-Oh na ako, I decided na icommemorate sya by getting a tattoo on my right chest. Pinakita ko sa kanya ang design. Ok naman daw. Symbolic kasi sa akin ang design na yun eh. Phoenix. A reminder for me na makailang ulit man akong nasunog at naabo na, babangon at babangon ulit ako at muling makakabawi!

Kahapon, ibinalik ko ang aking belly ring. Nagpa lagay na ako nito last year kaso, manipis ang pag kakatuhog kaya one time na naliligo ako at nag iiscrub ay napigtal sya. Sakit sakit kaya nun! Pinalagyan ko ulit and this time, pinakapalan ko na ang pagkakatusok. Surprisingly, hindi sya kasing sakit ng dati. Siguro nga dahil makapal ang pagkakatusok, unlike last time na manipis lang. Ayoko pang kunan ng picture muna kasi mamula mula pa.

I also did some research and finally got another piercing. Dahil wala naman sigurong shop na tatanggap gumawa nun, at dyahe naman, I did it myself. Hindi naman sya masakit nung tusukin ko ng syringe needle pero nahirapan lang akong lagyan ng stud kasi balibaliko ang napili kong hikaw kaya pinalitan ko na lang muna ng simpleng hikaw. Saka ko na ipapalit ang balibalikong hikaw pag gumaling na ang butas. Syempre, mas lalong ayaw ko kunan ng picture yun kasi, nandun ko nilagay sa... ehehehehem!

More importantly... Kriminal na ako. Hehehehe

Bago pa ako umalis ng Manila, may nakapagsabi na sa akin na meron daw akong warrant of arrest sa istasyon ng Pulis. Mismong pulis na kaibigan ko at may hawak ng warrant ang nagpasabi sa tatay ko. Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property ang kaso.
Isa lang naman ang naaalala ko, at hindi naman ako nagkakamali ng sapantaha. Minsan kasi, may na hit akong taxi. Trapik nun at bagal ng usad ng mga sasakyan. Nalingat ako nung umaabante at di ako nakapagpreno agad. Na damage ko yung back bumpers nya pero wala namang damage sa sasakyan ko. Nung inaayos na sa pulis, pinababalik kami the next day with the estimates and necessary documents. Naloka ako sa estimate nya sa damage nya. Php23,000.00. Syempre pa, kasama ko nun ang mga pamangkin at pinsan kong lalaki na mas may alam sa pag aayos ng kotse. Nag counter offer naman kami na ipapasok na lang ang taxi nya sa kilala naming talyer at kami na bahala. Masyadong mahal ang estima nya at kahit baklasin pa ang buong likod kasama na ang lower part ng hood nya, hindi aabot ng sampung libo kahit bilhan pa ng brand new sa casa. Ayaw nyang pumayag kasi taga Guimbal pa daw sya at mahihirapan siyang i check ang taxi nya araw araw. Dahil kumpyansa naman akong mabilis gumawa ang talyer na yun, inoffer ko na bigyan pa sya ng 200php per day pamasahe para ma check nya ang taxi. In two days time, ayos na yun. Ayaw nya pa ring pumayag. Natawa nga pati ang pulis na umaareglo. Sabi nya.

"Isasaayos naman ang taxi mo eh. Kung hindi ka masaya sa pag kakapaayos pwede naman ipaulit eh. Bibigyan ka pa nga ng pamasahe ayaw mo pa?"

Naisip ko, talagang may plano syang perahin ako. Dahil ayaw nya paareglo, sinabihan na lang sya ng pulis na kung gusto nya ay iakyat na lang ang reklamo.

Yun na yun. at ngayon naka warrant ako at dadakpin ng pulis any moment from now. Hehehehehe. Natutuwa naman ako at masusubukan ko ang natutunan ko sa law school neto, samantalang worried naman ang mga panyero ko.

"Pa picture ka na. Dalawang 2x2. Para sa pyansa, para matapos na. After that, diretcho ka na sa abugado mo." Tekitext ng mamang lespu.

"Dun na lang. May mga nagpipicture naman dun di ba. Tapos, di na ako kukuha ng abugado. Ala akong pera. May PAO naman eh. Saka mag pa file pa dapat ng motion to reduce bail. Wala naman akong pera. Estudyante lang. Wala naman din akong balak umatras o magtago eh."

Masaya to! Ang Batchoy Boi ay isa nang Suspected Criminal under Warrant of Arrest!

Scared!

Not!

Hehehehehehe

6 comments:

Yj said...

utang na loob naman sa drayber na yan.....

sige mare.... ilabas natin ang pagka senadora... bwahahahaha

humanda yang drayber na yan... pag nagkataon wala pang mapapala yang hayop na yan....

mishu mishu

Aris said...

omg, napakamakulay ng buhay! type ko yatang maging si thelma. para thelma and luis tayong dalawa. hahaha!

face him squarely. go, atty. katrina legarda! :)

Anonymous said...

wanted ka pala.. lol.. you can be your own attorney yah know.. ikaw pa..

astig ah.. u did your belly piercing yourself? ang sakit kaya non..

hoy louis, paturo naman ng ballroom dyan..:D

blagadag said...

nice move. tingnan natin kung di sya mangamote sa kapapamasahe o kada drive papuntang korte. ngarag na lang ang taxi nya, wala pa justice. sana ipa motion mo na ebidensya ang taxi para di nya magamit habang nakatengga sa police station. huh. di va, your honor?

Herbs D. said...

omg. you dance?! thats sooo cool. im soo frustrated trying to learn how to dance. we should dance soon! hehe

@warrant- ayan kasi.. tsk tsk tsk. reckless ang gaga.

@piercing-im planning on having one too! kapalit nung tongue piercing ko that i got off.

Luis Batchoy said...

yj: di lang yan, dahil ginulo nya ang masayang buhay ko mag pa file na din ako ng counter charges.

Aris: Pano si James? At si H? At si... tangna dami naman kasi eh...

rees: nope, not the belly pierce. I did my nipple pierce and the "down there" pierce. Sa ballroom naman, y not. Wag lang Tango.

blag: kainis naman kasi eh. Im quite sure ibabasura ng korte ang reklamo nya. Galit ang mga judge sa mga taong gagamitin ang korte para makapambakal lang.

Herbs: If we met you could have seen me dance, and/or danced with me. Meanwhile, ask Aris na lang. Nakita na nya ang mga da moves ko. Hehehehehe