- Maagang Birthday gift sa sarili ko
- Isatisfy ang aking wanderlust
- Makasamang mulis si Charmita
- Makadaupang palad ang mga nagpipitagang personalidad sa aking limitadong espasyo sa blogosphere
- Wala Lang
Ang pinaka dahilan talaga ay ang panunood ng Eraser Heads Final Set. Naipangako ko sa sarili ko na kailangan talagang makapanood ako nun. Minsan ko nang pinalampas ang pagkakataon nung una silang tumugtog dahil napaaga ang pag luwas ko nun para kunin ang aking Palanca, kung kaya't hindi ko kinaya na makapag ipon para bumalik agad on such short notice. Naisulat ko na sa isang lumang blogpost ko kung paanong magkakaroon ng closure ang pag iibigan namin ni Ely upang matapos na at makapag move on na ako. Chos!
Masayang masaya ako, kahit nabutas man ang bulsa ko at nanganganib na hindi na ako magkakaroon ng selebrasyon sa mismong birthday ko. Ang masilayang muli ang bandang naging bahagi na ng buhay ko ay isang napakamakahulugang pagbabalik muli at sa wikang ingles, "coming full circle." Nais kong muling maiduyan sa Nostalgia ng mga awiting kailan man ay nakaukit na sa aking isipan at di kailanman mawawaglit. Ayokong palampasing muli ang isang napakalaking kaganapan, hindi lamang sa kasaysayan ng musikang Pilipino, kundi pati na rin sa aking personal na buhay.
Bago pa man magsimula, may mga makukulay at maliliwanag na payrworks na pinaputok sa kalangitan. Bonggang bongga naman! Alam na alam nila na gustong gusto ko ng mga ganun ganun. Paberdey nila talaga for me! Wala akong pagsidlan ng tuwa at sbai ni YJ para daw akong batang nagtatatalon at nagsusumigaw sigaw nung simula nang pumailanlang ang unang awitin ng banda. Mangiyak ngiyak pa ako pero pigil na pigil kasi ayoko namang isipin nila YJ na OA ako. Hindi ko lang talaga mapigil magsisigaw ng "I LOVE YOU ELY!" Halos lahat ng mga tao dun, wala ring humpay sa kasisigaw. Hindi nangyari ang madamdaming tagpo na isinulat ng aking malikot na hiraya. Sa kalagitnaan ng tugtugan ay narinig ni Ely ang buong puso kong pagsisigaw sa kanya, at sinagot nya ako.
" I Love You, too, Pare!" sabi nya...
Wala na! Nagwala na talaga ako at ubod lakas ko nang naisigaw sa natitirang boses ko na malat at namamaos na...
"I LOVE YOU ELY! PAKASAL NA TAYO!"
Kiber sa mga taong naglilingon. Aba'y nagmamahalan kaya kaming dalawa, at sinabi nyang mahal pa rin nya ako. Gaya nung pagmamahal na iginawad ko sa kanya na halos sanggahin ko lahat nung hinagis hagisan sila ng mga bote ng Mineral Water nung tumugtog sila dito sa Iloilo, at kung paanong nilangoy ko din ang dagat papuntang Bacolod para mapanuod sila.
Sa madaling salita, purnada. Hindi ko nakamit ang "closure" na pinunta ko dun. Paano naman kasi, mahina ako eh. Madali akong mapaniwala sa mga pangako at matatamis na mga salita. Mahal ko pa kasi sya eh. At sa palagay ko... mas kailangan nya ako ngayon. Hindi ko sya makuhang iwanan talaga. Hindi ako makapag move on. Hindi ko kayang tapusin ang tambalang Lu-ly (Hindi Arroyo gaga! Luis-Ely!)
Medyo malungkot na sana ako kasi halos karamihan sa mga kantang nasa top ten ko ay hindi kinanta ng banda... Tindahan ni Aling Nena, Wag kang Matakot, Maselang Bahaghari at iba pa. Akala ko yun na yon. Sabi ni YJ, NJ at EllaB, na parang pagpapaliwanag, kasi kinanta na daw yung ibang kantan nung unang konsiyerto nila. Matapos mag paalam ng banda, at pagkaraang magsilabasan na ang mga tao, biglang may nagsalita sa mikropono.
"Bitin pa ba kami? Oo! Bitin pa kami!" At yun na nagsipaghangusan na pabalik ang mga tao para sa isang bonggang bonggang Encore.
Three for the road.
At dun ko napatunayan na mahal pa talaga ako ni Ely. Hindi pwedeng hindi nya kakantahin ang aming awiting dalawa... kanta nya nung sinusuyo pa lang ang aking probinsyanong puso.
"sagutin mo lang ako aking Sinta'y walang humpay na ligaya, at asahang iibigin ka, sa tanghali sa gabi at umaga, wag ka sanang magtanong at mag duda, dahil ang puso ko'y walang pangamba, na tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong.... HAPPINESS!"
Kaya lang, nangangamba ako. Hindi na ganun katikas at kagwapuhan ang aking mahal. ginugupo na sya ng panahon. Kung dati, kakaltukan ko at bubugbugin ko ang sino mang magsabi nito, ngayon, ako mismo, parang maniniwala na na nagiging magkamukha na sila ng isang TV Host na merong Lie Detector sa kanyang segment at nagsasayawsayaw sa pamosong linya nyang "Don't Lie To Me!"
Isa pa sa pinangangambahan ko ngayon, na kahit hindi ko man tuluyang nakuha ang closure na yun, hindi rin kami pwedeng magsama muna. Kasi magkakagulo pag nagkataon. Pano naman kasi eh, may bago yatang tinitibok ang puso ko. Sa pagdaan kasi ng mga taon, hindi sya nagbabago. Ganun pa rin sya ka simple at napaka mababang loob lang. Walang ka ere ere. Sa lahat sa kanila, halatang nagpapasikat at may kanya kanyang "thing going on" na. Si Marcus at ang kanyang nevermind na humor, Si Raimond at ang kanayang bagong achuchurvakels na brand ng musika, at si Ely na binago na rin ng panahon. Sya lang ang pinaka nakikitaan ng tunay na galak talaga sa pagsama sama nilang muling magkabanda. Nasa mga ngiti at kislap ng kanyang mga mata ang kasiyahang hindi ko naramdaman at nakita sa ibang miyembro ng kanyang dating banda. Yes po. By way of deduction, sya na nga po. Kaya kailangan kaiiwas muna at baka tuluyang mabighani nya ako at maagaw ang aking puso sa kanyang kabanda.
SERIOUSLY NOW!
Sa kalagitnaan ng konsiyerto, nung tumugtog ang awiting ito, nagpakalayu layo muna ako sa grupo nila YJ kasi feeling ko, hindi ko talaga mapigilan ang pag flow ng tears ko sa kantang yun. Hagod na hagod at sapul na sapol ang pagod na puso ng Batchoy Boi. Hay!
"Kailan mo ako hahagkan, matagal na akong naghihintay..."
Maselang Bahaghari sa aking isipan
Wag kang mabahala di kita malilimutan
Paglipas ng ulan ay babawi ang araw
wag sanang mawala ang maselang bahaghari
Kailan nga ba? Nasan ka na nga ba talaga kasi? Antagal tagal tagal tagal mo naman kasing dumating na eh. Baka naman malabnaw na at malamig na sabaw ang dadatnan mo sa Batchoyan? How will I grow old with you if I'd do so waiting for you?Wag kang mabahala di kita malilimutan
Paglipas ng ulan ay babawi ang araw
wag sanang mawala ang maselang bahaghari
Tanginampakencheff naman kasi! KAILAN NGA BA! :p
8 comments:
kailan mo ako hahagkan....
pinaiyak kaya ako niyan hahahahaha
and by the way... you mean Bodie rite or Bodi or Buddy whatevez hehehehe ELY parin kasi nakalagay eh.... check mo sistah!!!
damnn kaengget naman. ><
yj: wala akong nilagay na pangalan at hindi si Ely atcheng. hehehehe... naman, cry ako dun eh... potang kanta yan
herbs: well...
hay... buti ka pa... napanood mo ang last gig ng e-heads... i remember watching their first major concert sa folk arts theater nung 1994... nag-flop yun kasi kasabay nila si gary v... pero watch pa rin ako at mega-sing with my friends...
luv ko silang lahat pero kay raymund marasigan ako tinutubuan ng malisya... hehehe...
zen: maloka ka, mas magaling na sa yo mag eye liner si raymund ngayon. Ang gwapo gwapo na ni Buddy pakshet... hehehhehehe
i love eraserheadsss.. super swerte mo naman luis at napanood mo ang last gig nila.. inggit ako! hmpt..
rees: swerte nga and so much more... nakilala ko at naging kaibigan nag ilan sa mga maniningning miclat na mga personalidad sa mundo ng blog. What more can a forlorn and blue boi ask for?
i've always been a buddy fan luis! join the club hehe...
ako lang daw ang nakapagmura sa kanya over the phone ng bonggang-bongga nung nagpunta sila sa dubai for a back to back concert with the late (majestic) francis m around 1999. long story. but yes, i met them hehe. (and their crew and manager including julie too! their former road manager and apparently the 'julie' in the 'julie tear jerky song, wushu)
i dont have closure with eheads as well...for me, they will live forever, rocking my insides. bwah! (pagamit yj hehe)
again, it was really nice meeting you luis! good to see a fellow solid eheads fanatic (lover perhaps?) who speaks hiligaynon to top it all! (=
tc...hope to have that coffee with u sometime...pag nagkadto ko da liwat ha!
Post a Comment