Tuesday, March 17, 2009

Si Yj at ang Mga Achuchorva



Luis and YJ

Hindi pa ako nakaapak sa Manila, may utang na agad ako kay YJ. Nung sinabi ko minsan na gusto kong manuod ng Eheads concert bilang maagang paberdey sa sarili ko, isa sya sa mga unang naging supportive sa kachorvahan ko. In fact, nagulat ako dahil nagtiwala sya na ibili ako ng tiket para sa concert. Sabi ko naman, ihuhulog ko na lang ang pera sa account nya kung kailangan agad, or bago bilhin. Ang ganung gesture ng pagtitiwala ay dapat sinusuklian at di binabalewala.

LETCHE ang CEBU PACIFIC! Ikukwento ko pa kumbakit sa susunod kong mga posts. Habang nag aantay ako ng eroplano, tinawagan ko na si YJ. Excited na din sya na mag kape kami agad. Kinakabahan na ako na baka gabihin na sa pag lapag ang eroplano kasi, yung isa nilang flight galing Cebu, mega delayed ng apat na oras. At hindi nga ako nagkamali. Delayed din ang flight namin. 99% on time my ARSE Cebu Pacific! Pagkalapag naman, ten thousand years makasakay ng de metro na taxi galing NAIA 3.

Nung naayos ko na ang mga gamit at nakapag freshen up sa hotel, agad na akong dumiretso sa Rob Place. Medyo naiinis pa ako sa sarili ko kas nakalimutan kong bitbitin ang aking mahiwagang kulambo. Pano ako makakatulog nyan mamya? Naalala ko tuloy na andun pala naiwanan sa pad ni salesman ang aking kulambo nung minsang sinabi nya na iwanan ko na lang daw dun yun kasi hindi naman daw yun ang huling beses na matutulog ako dun eh. Kasamaang palad, chorva lang nya yun kasi nga raw, we were going too fast!

Papasok na sana ako ng Rob kasi nga bibili na lang ako dun ng kulambo nung magtext si YJ na andun na daw sila. Bumalik na lang ako at nagyosi sa Starbucks at hindi naman nagtagal ay dumating na sila. Malayu layo pa, mega call na ni YJ ang pangalan ko.

"Luis?"

Sa konsiyerto

NAMAN! Supahmowdil ang lola moh! Balingkinitan at morena ang kagandahan! Kumusta naman sa skinny-ness? Kumakain ka pa ba? Fabulosa! At nagyakapan kaming dalawa na parang matagal na matagal nang kamadyungan na hindi nagkikita for centuries. Nagulat ang isang kuya na nakatambay din sa gilid. Hindi siguro inakala na makikipag yakapan ang aking macho-ness sa isang dyosa ng kagandahan!

Pinakilala din ako ni YJ sa kanyang sinisinta. Si NJ. Infairytopia! Cuticle remover ang notredame!

Mukhang anak mayaman, kutis porselana, chinituhan, at bagets na bagets!


Agaw Jowa! Si NJ ang iniirog ni YJ

"May dahilan naman pala para ma Lucresia Kasilag ka eh!" Bulong ko sa kanya.

Kasama din nya ang dalawang bilat, sila Asia at EllaB at isa pang lulurkey, si BBB, na feeling ko pamhintos! Sila ang TL. Friendliness naman sila.

Lasing ang lola mo at naghuhumiyaw na walang kiber sa mundo. Naghanap muna kami ng memory card kasi nakahiram ako ng digicam ng pamangkin ko. Kaso lang, XD card pala dapat at super Mahalia Mendez yun. Php1,500.00!


Ketch YJ, NJ and EllaB

"Aynaku! Papahiramin na lang kita ng cam bukas, tara kumain ka na muna at gutom ka na, I'm sure!" sabi ng lasenggerang lola YJ mo. Pwes lumafoks lafoks na muna ako, at pagkatapos, nag jack's loft para magchickahan at mag yosi yosi. Patingin tingin lang din ang mga friendship bond ng lola mo. Para syang Mother Hen at sila ang kanyang mga anak anakan. Incestuous lola! Karirin ang anak anakan? Naiinis pa ako sa waiter dun. Tinanong ko kung ilang ounces ba ang Large na brewed coffee, at sagutin ba naman ako ng "Di ko po alam sir?" Ganun? Nagtatrabaho ka dito di mo alam yun? Bungisngis naman ang YJ. Mas lalong lumakas ang friendship bond namin kasi pareho daw kaming laitera at maldita. Di naman ako masungit eh, pagod lang. Chos!


Kulitan sa concert

Di pa nakuntento, pagkatapos mag freshen up at kunin ang nakakahiyang brandless laptop ko sa hotel para mag wifi sa Nyorbax, chikahan pa ng chikahan kami ulit dun. Mamayels lang, nang maubos na kami ng mga lamok, bumalik na ako sa hotel para mag bihis for rampage on my first night! Aba dapat lang masulit ang mga araw at gabi! At nasulit naman daw! Buti na lang at hindi na sumama si YJ, baka nag iba pa ang pagtingin nya sa kagalang galang na imahe ng Batchoy Boi.

Kinabu... tanghali na ako nagising. Humabol na lang ako sa lunch sa Dencio's kasi kinailangan ko pang magpalipat ng kwarto. Naabutan ko ulit dun si YJ at ang kanyang iniirog, pati na din ang mga achuchorva at ang bf nung isang murey. Naloka sila sa mga banat ko. Lalo na sa bf nung murey.

"Ay, mag jowa pala kayo? Kuya straight ka? Bakit? Alam na ba ng mga magulang mo na ganyan ka? Ano naman reaksyon nila at meron silang anak na heterosekswal? Di ba nakakahiya na keps lang alam mo kainin? Di ka ba nagsasawa? Kelan ka ba titikim ng etits? Di mo ba alam na hindi na uso yan ngayon?" Hehehehehe.

Bentang benta daw sa mga TL ang mga pagpapatawa ko at gamit gamit na nilang pambuska sa mga kilala nila. Masaya naman din kasi kasama ang mga achuchorva eh. Magiging titsers pala ang mga itey! Saludo ma'am/ser!


Sa Bo's MOA at ang librong compilation ni H.P Lovecraft!

Pagkatapos mag lunch ay bumili na ako ng kulambo, at iniwanan muna namin sa hotel. Third wheel ang drama ko. Out of place. Landian ng landian si YJ at si NJ sa harap, at parang di na rin ako kinakausap ng mga letche! Kating kati na ako mag yosi pero witels kasi nahihiya naman ako. Ikot muna kami sa MOA, kape sa Bo's at kung anek anek. Si YJ kasi ang gulo kausap. Pati si NJ nag aagree. Masaya naman ako at madali namang makapalagayan ang sinisinta ng aking bagong BFF.

Paynali, pumasok na kami sa concert grounds. Si YJ, parang Hermana Mayor kung maka asikaso sa mga TL's kung nasaan na. Nakilala ko din si Maine. Marunong mag Hiligaynon ang bilat, at binabasa pala nya ang blog ko! Kalorkei! VIP ang ticket ng lola mo! Halos magmakaawa ako na mag swap na lang kami. Sama ko no? Iiwanan ko sila YJ? Hehehehehe...

Ayun at nagkonsyerto na nga! Ang saya saya! This was my first pageant ever, sabi ni Janina! Hehehehehe. Hinding hindi ko makakalimutan to. Days after the concert sinabi ni NJ sa akin na meron palang kontratang pinirmahan ang EHeads, na hindi sila pwedeng tumugtog ulit as a band sa loob ng 10 years! Imagyn that? Sulit na sulit ang pagod at gastos ko. Naluha ako sa tuwa nang makita ko ang ex kong si Ely. Pero sa susunod ko na ikekwento ang mga kaganapan.

Sa buong pamamalagi ko sa Manila, si YJ ang nagsilibing hostess ko. Maalaga sya at naiingit ako sa lambingan nila ni NJ. Napakaswerte ng taong mamahalin ng amega ko. Hindi ko maalala kung nasabi ko ba kay NJ na maswerte sya kay YJ o hindi, pero sure ako na hindi makailang ulit kong pinaalalahanan ang baklush na kaiingatan ang puso nya.

Sana lang nag Manila ako sa araw na hindi masyadong maraming pinagkakaabalahan ang lola, pero kahit na bisi-bisihan, hindi nya ako pinabayaan. Except na nga lang pag patak ng dilim at kalandian na ang moda. Hindi na sumasama si YJ. Paano ba naman kasi, komitidong babae at ulirang asawa ang moda nya kay NJ! Che!


Yes pipols, ganun lang sya ka gaan

Kung hindi man ang concert ang pinakamagandang regalo ko para sa sarili ko sa aking birthday, sigurado naman ako na ang pagkakaibigang natagpuan ko kay YJ ang pinakamagandang regalong natanggap ko para dito. Masayang masaya ako, at malaki ang pasasalamat ko para sa regalong ito. Pinapangako ko na babalik ako, at magkakaroon pa tayo ng madaming madaming masasayang lakaran. Pag nagawi naman sya dito sa bahaging to ng Pilipinas, asahan nyang hindi ko rin sya pababayaan.

YJ sister, hanap mo na ko ng otokong matandang mayaman sa Nagoya para madami tayo kadatungan at makapag ariba pa kung saan saan! Maraming maraming maraming salamat ng bonggang bongga pero hindi bobongga pa sa yo! Thank you for making my pre brithday bash a blast, and my Manila trip memorable and unforgettable. I feel so honored like an honor student, and touched like a touch my body by Mariah Carey! Mabuhay ka!


Ang pabulosang si YJ

PS: kumbakit matagal bago ko naikwento ito ay sa kadahilanang camera shy ang lola mo at kinailangan ko pang i-edit ang mga pikchurs! Hehehehe

7 comments:

Jersey said...

am so sorry..

no words can suffice, and I wouldn't even attempt a feeble excuse..

I did you wrong and I am so sorry..

I love you..

Aris said...

ansaya-saya. inggit ako. sana isinama nyo naman ako. :)

Diosa said...

sana nalaman kong may ganitong tagpo (though nabasa ko naman, wala lang nag-aya sa akin) Sayang at hindi natin na-experience ang kagandahan ng isat isa. di sana mas bongga ang mga gabi mo sa manila.

Herbs D. said...

batblurredddd. so thisis why you needed 'em PS 2 days ago.

Yj said...

ang sweet sweet naman... akey din super touch mamita..... maraing salamat din sa pagkakataong binigay mo para maging bahagi ako ng buhay mo....

miss ka na namin ni NJ.... at miss ka na ng mga TL girls, and bayots hehehehehe

wanderingcommuter said...

hahaha... kinilig naman ako kay YJ at NJ... kahit papaano may nabuo ng image sa isip ko...


were you good good nung pumunta ka dito? hehehe

Luis Batchoy said...

Dawn: its all good darling

Aris: bisi bisihan ka eh!

Diosa: naman kasi, bakit di nag text nakabalandra naman ang number ko sa blog ko. yaan mo madami pang next time atcheng

herbs: Yup... anlabo nila lahat ako lang ang malinaw hehehehe

yj: alam mo yan sistah!

ewik: I was not exactly "good" hehehehe. I was a bit naughty too. Sana next time ma meet na din kita.