Friday, March 6, 2009

Thirstday 1 of 3 (The Thursday Group)


Tomorrow luluwas ako ng Manila.

As was said months back, by hook or by hookest, kailangan ko mapanuod ang FINAL SET ng EHEADS Concert. Early birthday gift ko to sa sarili ko.

Nakahanda na ang ticket, salamat kay YJ. I will leave Iloilo shortly after lunch, at shempre pa, magkakape kami ni YJ as soon as possible dahil may sumabog na bomba sa buhay nya lately.

But that's getting ahead of my story. Let me talk about this last night here in the batchoy republic.

I have a group na laging nagkikita sa isang tambayan every thursday. Masasabi kong kaswal na mga kaibigan ang mga to. Hindi kami nag ti-text, hindi kami nagbabalitaan sa mga buhay buhay ng bawat isa, pero asahan mo, maulan, mainit, malamig, single, double o triple, kahit wala nang sabi-sabi, unspoken rule na na dapat nandun pag thursday night. Kaibigan din namin ang bandang tumutugtog, at syempre pa, lahat kami kumakanta sa bandang yun. Kanya kanyang eklat sa buhay.


Dahil nga Thursdays ang aming gabi, we called ourselves the Thursday group. Sa aming apat, ako pa lang ang hindi nakakapagdala ng someone tuwing thursday. Dapat sana, ang mga 'code' names namin galing din sa mga That's na Tuhrsday group pero dahil sapawan nga, kiber na kung hindi, hehehehe. Ang miyembro ng thursday group ay ang sumusunod.

Jennifer Sevilla: Actually straight guy si Jen (may I taas the kilay pero kevs na). Ilang murey na ang dinadala ni Jen sa thursday nights namin, kaya sige, stright na kung straight. Dahil nga dapat puro pambabae ang pangalan namin sa grupo, game din si Jen sa kanyang bansag kahit lalaki sya. (taas kilay pa din ako)

Bing Loyzaga: Sya daw ang pinakamaganda! Fine... sya din naman kasi ang pinaka majonder sa aming lahat kaya sige na nga lang. Manager si Bing ng isang 'branded salon.' Nakailang tag-along din naman sya. Actually, dati nyang bitbit si Jen. Walang nagtatanong kung ano nangyari. Basta. Yun na!

Tina Paner: Pasaway nga kasi di naman Thursday group si Tina eh. Ayaw naman nya kay Fatima Alvir or kay Vina Morales, kaya whatever, sige na nga, si Tina Paner ka na nga lang. Hehehehe. Dating boss ni Tina sa salon si Bing. Later on, nag negosyo ng sariling salon ang tita ni Tina kaya sya ang nag manage. Makati pa sa higad tong si Tina. May mga clan clan pa syang nalalaman, and last night, bago ang bitbit nya. May I kissing scene pa sa harapan naming apat kasama si 'jowa,' daw.

Ako: Hehehehehe... Ako na lang ang hindi pa nag dadala ng kasama sa thursday night. With kasama,I mean jowa, prospect or hada. Ang naisasabay ko lang sa thursday group ay ang mga barkada ko rin na nagkakataong same night gigimik, or si panyero dati nung nag eemote sa gf nya. Hay! Inaasar nga nila ako. Ayaw ko lang daw ipakita kung gaano ako ka landi. Well... sige na nga... sa grupong to, ako si.... (dyahe)

ANA ROCES! Toink!

Eniweys, so yun na nga... jamming, kanta kanta, sayaw sayaw. In the middle of it all, kinalabit ako ni Bing. Binulungan nya ako na wag muna titingin pero kanina pa daw ako tinitignan ng isang nasa kabilang mesa. Nung nagsasasayaw daw, talagang may I silip sya kasi nga may mga nakaharang. Tinignan ko naman ang tinutukoy ni Bing. Uy! Chabi! Mukhang okey naman. Medyo cute. Pwede na rin. Nakasilip nga! Ginanahan pa tuloy ako magsasasayaw. Parang wala lang kunyari. Nungsulyapan ko ulit, and nagkatinginan kaming dalawa. Smile lang. Pakyut... hindi naman kasi to pick up joint or something to that effect eh. Straight bar pa rin to no! Abah ampotah! Kumindat. Shet!


Pagkatapos ng tugtog na yon, umupo muna ako. Tumayo si Chabi... lumapit. Na excite naman daw ako. Mag re-restroom lang pala sya. Pero, sa lapad at lawak ba naman ng lugar at sa dinami dami ng pwedeng daanan, dun ba daw talaga sa likod ko dumaan? Keri lang. Ngiti. Binalak ko na kapag bumalik sya at dun pa din dumaan sa likuran ko, sasagihin ko na sya ng siko ko. Mas maganda ang plano ng mokong.

Pag balik nya, me nakalagay nang yosi sa bibig nya. Nung malapit na sya, biglang yumuko ang gago sabay linya.

"Can you light me up please? I mean, my ciggarette?"

Toink! KESO!

Light ko naman shempre...

Humirit pa sya ng isang deep singhot sabay...

"Amazing... bango mo kahit pawisan sa kakasayaw!"

Naman eh! Pwes...

"You want me to light you up, and you smell me... You know what, I can do more than that if you want!"

Tinginan ang Thursday Group. Direct hit! Follow through na! Unahan ba naman ako eh no?

Hinila ko ang bakanteng upuan sa tabi ko, sabay hawak sa kanyang kamay.

"For starters, sit beside me. You don't have to work it. Your table is awfully far away from ours."

Kasi don't start eh! Ako ang tatapos nyan...

Chubikantinyood

Photo Credits:

http://www.gotomycodes.com/
http://azraelsmerryland.blogspot.com/
http://listofalternativemusicband.files.wordpress.com/

3 comments:

blagadag said...

pictures, details, sequel...haiz.

Dawn said...

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAhhhhhhh!!!!!!!


super-exciting evah!!!!
details details details!!!!

as in mega-super-over chicka to the max ta when you get back from Manila!!!!

P.S. Starbucks will be waiting if you do come over Bacolod.. Lemme know...

Luis Batchoy said...

blag: no pics, just details...gory details

dawn: live a little dearie